You are on page 1of 2

REVIEW QUESTION

1. Ang nobelang El Filibusterismo ay labis na nakatulong kay Andres Bonifacio at sa katipunan


upang maiwaksi ang mga balakid na nakasasagabal sa paghihimagsik. Ito ang naging daan
upang mabuksan ang diwa at isipan ng mga Pilipino na dapat tigilan na ang pagmamalabis ng
mga Kastila. Kanino inialay ni Dr. Jose Rizal ang nobelang El Filibusterismo?
a. GomBurZa
b. inang bayan
c. kay Paciano
d. Leonor Rivera
2. Sa kasamaang-palad muntik ng hindi maipalimbag ni Dr. Jose Rizal ang nobelang El
Filibusterismo dahil naubos na ang kanyang pambayad. Sino ang kaibigang tumulong kay
Rizal para maipalimbag ang kanyang nobelang El Filibusterismo?
a. Ferdinand Blumentritt
b. Jose Alejandrino
c. Marcelo H. Del
d. Valentin Ventura
3. Hinirang siya ng Espanya bilang pinakamataas na pinuno ng pamahalaan. Nais niyang
magpakita ng kasipagan at pagpapahalaga sa oras kaya ginagawa niya ang importanteng
pagpapasiya habang naglilibang. Larawan siya ng pinunong pabigla-biglang humatol. Hindi niya
alintana ang kapakanan ng kanyang pinamumunuan at salungat siya lagi sa pasiya ng Mataas na
Kawani.
a. Don Custodio
b. Kabesang Tales
c. Kapitan Heneral
d. Kapitan Tiago

4. Ang napakasipag na magsasaka na dating nagmamay-ari ng malawak na lupain. Umunlad siya


dahil sa mahusay niyang ginamit ang kinitang pera. Pinili siyang maging kabesa ng barangay ng
kanyang mga kanayon dahil sa kanyang kasipagan at pagiging mabuting tao.
a. hukom pamayapa
b. Kabesang Andang
c. Kabesang Tales
d. Sinong
5. Siya ang propesor sa Pisika at Kemika. Mabuti siyang pilosopo at bantog siya sa husay sa
pakikipagtalo subalit hindi niya lubusang maiparanas o maituro nang mahusay ang aralin sa mga
mag-aaral. Makikita sa kanya ang maling sistema ng edukasyon sa bansa noon.
a. Ginoong Pasta
b. Mataas na Kawani
c. Padre Millon
d. Tadeo
6. “Binungkal ko’t tinamnan ang lupang ito, namatay at inilibing ang aking asawa’t anak na dalaga
sa pagtulong sa akin, kaya’t di ko maibibigay ang lupang ito! kundi sa sino mang didilig muna rito
REVIEW QUESTION
ng kanyang dugo at maglibing muna ng kanyang asawa’t anak.” Ang nagsasalita sa pahayag ay
larawan ng anong uri ng tauhan?

a. makasariling tauhan
b. mapanuksong tauhan
c. nakakatawang tauhan
d. tauhan na kayang ipaglaban ang kanyang karapatan

7. Ang bapor tabo ay may malinis na labas ngunit ang loob ay marumi kapansin-pansin din ang
napakabagal nitong tumakbo. Ano ang nais nitong ipahiwatig?
a. lipunang masaya at masagana
b. lipunang maunlad sa kalakalan
c. lipunang pantay-pantay
d. lipunang nagmamalinis at walang asenso
8. Kinaumagahan, wala si Kabesang Tales, gayundin ang rebolber ni Simoun. Ang naroon lamang
ay ang gintong kwintas at ang sulat niya kay Simoun na humihingi ng tawad dahil sa kanyang
pagnanakaw sa rebolber. Sino ang nagmamay-ari ng gintong kwintas na nabanggit sa akda?
a. Donya Victorina
b. Maria Clara
c. Paulita Gomez
d. Sinang
9. Dahil sa pangarap ni Basilio na makapagtapos ng pag-aaral, napagdesisyonan niyang lumuwas
papuntang Maynila at doon nakatagpo niya ang isang kababayang umampon at nagpa-aral sa
kanya. Sino ang kababayang tumulong at nagpa-aral kay Basilio?
a. Isagani
b. Kabesang Tales
c. Kapitan Tiago
d. Simoun
10. Si Kabesang Tales ay dinukot ng mga tulisan at ipinatubos. Upang matubos ni Juli ang
kanyang ama ay napagdesisyonan niyang pumasok bilang katulong. Sino ang pinagsilbihan ni
Juli?
a. Hermana Bali
b. Hermana Penchang
c. Kapitan Tiago
d. Mataas na Kawani

You might also like