You are on page 1of 6

POINTERS TO REVIEW

FLORANTE AT LAURA
Sino ang nakatali sa puno ng higera?
Anong kaharian ang pinamumunuan ng ama ni Laura?
Alin sa mga sumusunod ang hindi nakapaligid na hayop kay Florante sa gubat?
Ano ang kahulugan ng salitang Febo?
Sinong Persiyano ang tumulong kay Florante sa gitna ng kagubatan?
Ano ang katangian ni Duke Briseo bilang ama ?
Pangalawa sa pinakamalakas na mananakop ay mula sa mga Persiyano. Sino ang mananakop ng Bayan ng
Krotona?
Sino ang nagtalaga kay Florante na pamunuan ang pagbawi sa Bayan ng Krotona?
Paano pinatay ni Flerida si Adolfo?
Sino ang pinakamamal na babae ni Florante?
Bakit tumakas si Flerida sa kaharian ng Persiya?
Paano natulungan ni Menalipo si Florante?
Ano ang hilig ni Florante noong siya ay siyam na taong gulang?
Ano ang hinagpis ni Florante sa pagkakatali sa puno ng higera?
Bakit pinauwi si Adolfo sa Albanya?
Bakit tinulungan ni Aladin si Florante?
Bakit nakilala si Florante sa Atenas?
Anu-ano ang mga natutunan ni Florante sa unang anim na taon ng kanyang pag-aaral sa Bayan ng Atenas?
Ano ang nais iparating ng pahayag?
“Gerero’y namangha nang ito’y marinig
Pinagbaling-baling sa gubat ang titig
Nang walang makita’y hinintay umulit,
Di naman naglao’y nagbangong humibik.”
Ano ang nais iparating ng pahayag?
“Lumaki ka nawa sa kaligayahan
Sa harap ng di mo esposong katipan
At huwag mong datnin yaring kinaratnan
Ng kasing nilimot at pinagliluhan.”
Ano ang nais iparating ng pahayag?
“Di ko na masabi’t luha ko’y nanatak
Nauumid yaring dilang nagungusap
Puso’y nanlalambot sa malaking habag
Sa kaawa-awang kinubkob ng hirap.”
Ano ang nais iparating ng pahayag?
“Bayang walang loob, sintang alibugha,
Adolfong malupit, Laurang mandaraya
Magdiwang na ngayo’t manulos sa tuwa
At masunod na sa akin ang nasa!”
Ano ang nais iparating ng pahayag?
“Gulong-gulong ang kaniyang loob,
Ngunit napayapa nang anyong kumilos
’ Itong abang kandong na kalunos-lunos
Nagising ang buhay na nakatutulog.”
MGA TALASALITAAN:
lipos linggatong.
pamawi sa lumbay
hatol ay salat
naakala pa lamang ang hilahil ay
luha ng ina’y hinamak.
lapastanganin
marimarin
mabini
mautas
Ano ang inilalahad na damdamin sa Saknong 259?
“Humihinging tulong at nasa pangamba,
ang Krotonang reyno’y kubkob ng kabaka;
ang puno sa hukbo’y balita ng sigla
Heneral Osmalik na bayaning Perysa.”

Ano ang inilalahad na damdamin sa Saknong 260?


“Ayon sa balita’y pangalawa ito
ng prinsipe niyang bantog sa sangmundo
Alading kilabot ng mga gerero
iyong kababayang hinahangaan ko.”
Ano ang ipinapakita ng Moro sa Saknong 261?

Dito’y napangiti ang Morong kausap,


sa nagsasalita’y tumugong
banayad; aniya’y “Bihirang
balita’y magtapat,
kung magtotoo ma’y marami ang dagdag.”

Ano ang ipinapakita ni Florante sa Saknong 264?

Sagot ni Florate, “huwag ding maparis ang


gererong bantog sa palad kong amis; at sa
kaaway ma’y di ko ninananis ang laki ng
dusang aking napagsapit.
Sa pagkamatay ni Konde Adolfo, Anong hatid nitong mensahe?
Ano ang inihahatid sa atin ng pagiging matatag ni Florante sa gitna ng labanan?
Ano ang ipinahihiwatig ng pagtulong ni Aladin kay Florante ?
Ano ang nais ipahayag ng muling pagkikita nila Florante’t Laura, Aladin at Flerida?
Ano ang ipinakitang katangian ni Duke Briceo sa awit?
Ano ang buong pangalan ni Balagtas?
Kailan ang kapanganakan ni Balagtas?
Sino ang naging karibal ni Balagtas?
Ano ang kahulagan ng M.A.R?
Sino ang naging kabiyak ni Balagtas?
Si Balagtas ay naging utusan kapalit ng pag-aaral, kanino siya tumira?
Ilan ang nabuhay sa mga 11 na anak ni Balagtas?
Anong tawag sa tulang romansa na may labindawalang pantig at inaawit ng mabagal?
Anong tawag sa tulang romansa na may walong pantig at inaawit ng mabilis?

HANGAD KO ANG KABATIRAN AT PAGKUHA NG


MATAAS NA MARKA SA AKING ASIGNATURA

GOD BLESS US ALL!


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon II
Dibisyon ng Tuguegarao City
CARIG INTEGRATED SCHOOL
Carig Sur,Tuguegarao City

IKA-APAT NA LAGUMANG PAGSUSULIT


FILIPINO 9 -NOLI ME TANGERE
Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat katanungan. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Ano ang tawag sa mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata, maraming tagpuan,maraming tunggalian, at
masalimuot ang mga pangyayari.
a. sanaysay b. maikling kwento c. nobela d. dula
2. Ang Noli Me Tangere ay hango sa wikang Latin. Ano ang salin nito sa Filipino?
a. Huwag Mo Akong Apihin c. Huwag Mo Akong Linlangin
b. Huwag Mo Akong Galitin d. Huwag Mo Akong Salingin
3. Aling nobela ang nagsilbing inspirasyon ni Jose Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere?
a. Iliad & Odyssey at The Necklace c. Pride & Prejudice at Florante & Laura
b. Les Miserables d. Uncle Tom’s Cabin at The Wandering Jew
4. Anong petsa ipinanganak ang pambansang bayaning si Jose Rizal?.
a. Hunyo 19, 1861 b. Hunyo 20, 1861 c. Hunyo 19, 1862 d.Hunyo20, 1862
5. Alin sa mga sumusunod na kanser ng lipunan ang HINDI ipinakita sa nobelang Noli Me Tangere?
a. Pananakot ng mga prayle sa mga Pilipino ukol sa mga turo ng simbahan.
b. Kawalan ng pansin sa kahalagahan ng edukasyon
c. Pagpapautang nang may patubo sa kapwa
d. Pang-aabuso sa mga kababaihan
6. Sino ang sinasabing kinuhanan ng inspirasyon sa karakter na Maria Clara ng Noli Me Tangere?
a. Segunda Katigbak b. Nelly Bousted c. O-Sei San d. Leonor Rivera
7. “Hindi ka nagkakamali,” sabi ng prayle. “Pero kailanman ay hindi ko naging matalik na kaibigan ang iyong
ama.”Nanatiling kalmado lang si Ibarra sa paghamak ng pari. Ano ang ipinakita ni Ibarra kay Padre Damaso sa
sitwasyon na yaon?
a. Galit sa matanda c.Paggalang sa matanda
b. Mapangmataas sa matanda d. Walang pakialam sa matanda
8. Ang mga tauhang nilikha ni Rizal sa kanyang nobela ay may kaugnayan sa kanyang buhay. Sino sa mga tauhan ang
kumakatawan sa kanyang kapatid na si Paciano na madalas niyang hingian ng payo?
a. Don Rafael Ibarra b. Pilosopo Tasyo c. Kapitan Tiyago d.Tinyente Guevarra
9. Sino sa mga sumusunod na tauhan ang nag-aral sa Europa at nangarap na makapagtayo ng bahay-paaralan upang
matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego?
a. Elias b. Andeng c.Crisostomo Ibarra d. Lucas
10. Ang iyong amang si Don Rafael Ibarra ay inakusahang erehe at pilibustero,”ang kwento ni Tinyente Guevarra kay
Crisostomo.Alin ang kahulugan ng salitang “erehe”?
a. isang taong hindi marunong sumunod sa mga batas ng pamahalaan
b. isang taong hindi nagsisimba at nangungumpisal
c. isang taong lumalabag sa batas ng simbahan
d. isang taong nag-aalsa laban sa pamahalaan
11. Alin sa mga sumusunod ang pinakadahilan ng pagkawala ng katiwasayan sa pagiisip ni Sisa?
a.pagkakakulong ng dalawang anak c.pagkawala ng dalawang anak
b.pagkamatay ni Crispin d.pagpaparusa kay Basilio
12. Kanino inialay ni Dr. Jose Rizal ang nobelang Noli Me Tangere?
a. GOMBURZA b. pamilya c.kasintahan d. Inang Bayan
13. Tuwing pista ay dinadarayo ang tahanan ni Kapitan Tiyago dahil marami siyang handa at mga pakulo. Ano ang nais
iparating ng pahayag?
a. May malaking lugar sa langit ang paghahanda ng bongga
b. Ipinapakita sa pahayag ang Magarbo ng mga Pilipino
c. Pagkahilig sa magarbong handaan
d. Di pahuhuli ang pamilya ni Juan
14. Anong sakit ng lipunan ang tinutukoy ni Rizal sa nobelang Noli Me Tangere?
a. HIV b. Dengue c. Kanser d. Tuberculosis
15.Sino-sino sa mga tauhan ng Noli Me Tangere ang nagpapakita ng Kaisipang Kolonyal (Colonial Mentality)?
a. Donya Consolacion, Donya Victorina,Kapitan Tiyago c. Maria Clara, Crisostomo Ibarra, Elias
b. Don Filipo, Don Saturnino, Don Rafael d. Sisa, Crispin, Basilio
16.Pinalitan ng ‘Mercado’ ang orihinal na apelyido bilang pagsunod sa kautusan ni Gobernador Narciso Claveria na
nag -aatas na gamitin ng lahat ang mga apelyidong Espanyol noong 1849. Ano ang kahulugan ng Mercado?
a. palengke b.talino c.pera d.yaman
17. Sino ang mga taong kinikilalang makapangyarihan sa bayan ng San Diego?
a. Don Rafael Ibarra at Kapitan Tiyago c. Gobernadorcillo at Kapitan ng bayan
b. Pilosopo Tasyo at Don Filipo d. Kura paroko at Alperes
18. Ang apelyidong ‘Rizal’ ay idinagdag din sa pangalan ng kanilang pamilya sa bisa rin ng kautusan ni Gobernador
Claveria noong 1849. Ano ang kahulugan nito?
a. katalinuan b. pagsasaka c. luntiang bukid d. palengke
19. Sino ang huling pag-ibig ni Jose Rizal ?
a. Josephine Bracken b. Segunda Katigbak c. Leonor Rivera d. Maria Clara
20. Pinuntahan ng mag-anak ang libingan ng ama na matagal ng namayapa. Nag- alay sila ng bulaklak, kandila at
panalangin. Anong kaugalian ang pinapakita ng sitwasyon?
a. Paggalang sa matatanda c. Pag-alala sa yumao
b. BayanihanPag-alala sa yumao d. Paggalang sa karapatan ng mga Pilipino
21. Sama-samang naghahapunan ang pamilya Cruz. Anong pinapakita ng kanilang ginagawa?
a. Pagkakaisa ng pamilya c. Pagkakawatak-watak ng pamilya
b. Bayanihan d. Amor propio
22. Sino ang nagpahiram ng pera kay Rizal para maipalimbag ang nobelang Noli Me Tangere ?
a. Paciano Rizal b.Maximo Viola c.Ferdinand Blumentritt d.Valentin Ventura
23. Ilang kabanata ang bumubuo sa Noli Me Tangere?
a. 34 b. 54 c.43 d. 64
24. Ano ang ugaling namayani sa pahayag na ito “Maaari ba kitang malimot?“ sabay titig ng malagkit at buo ng pananabik
sa mga mata ng dalaga.” Paano ko tatalikuran ang isang sumpa? Isang banal na sumpa. Paano kita malilimot? Kasama
kong lagi ang iyong alaala at siyang nagligtas sa akin sa lahat ng panganib sa paglalakbay. Naaalala ba kita? Ang
aliwalas ng langit ng Italya ang nagpapagunita sa akin ng iyong mata…ng iyong ngiti”.
a. Paggalang sa babae c. Pagiging tapat sa iniirog
b. Pagmamahal sa sinisinta d. Pagiging sinungaling
25. Bakit mahalaga ang pananaliksik sa pagbabasa ng akdang pampanitikan?
a. Dahil nabibigyan tayo ng mga paglilinaw tunkol sa pangyayaring ipinahihiwatig at ang nakasaad sa akdang binasa
b. Dahil hindi natin kailngang matalik na pagbbasa bagkus ay iasa na lang sa masasaliksik tungkol sa akda.
c. Binibigyan tayo ng sagot sa mga tanong na kaugnay sa babasahing akda.
d. Dahil napadadali nito na matapos ang pagbabasa
26. Kailan nailathala ang Noli Me Tangere?
a. Pebrero 21,1889 b. Pebrero 21,1887 c. Pebrero 21,1888 d. Pebrero 21,1886
24. Ano ang pinapaksa ng Noli Me Tangere?
a.Tungkol sa pag-iibigang naudlot nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara
b.Tungkol sa kalagayan ng Pilipinas at kalupitang naranasan nito.
c.Tungkol sa paghahanap ni Sisa sa kanyang anak
d.Tungkol sa tunay na ama ni Maria Clara
28. Sino ang dalawang magkapatid na pinagbintangan magnanakaw ng Sakristan Mayor?
a. Elias at Crisostomo Ibarra c. Crispin at Basilio
b. Don Tiburico at Don Victorina d. Maria Clara at Sinang
29. Nasaan si Crisostomo Ibarra ng masawi ang kaniyang amang si Don Rafael?
a. Nasa Europa b. Nasa bilangguan c. Nasa Maynila d. Nasa San Diego
30. Ano ang dahilan ng pagkabaliw ni Sisa?
a. Dahil sa matinding pambubugbug na ginawa sa kaniya ng asawa
b. Dahil a nangyaring kasawian ng mga anak
c. Dahil sa naranasang kahihiyan ng asawa
d. Dahil sa pagpapakulong sa kaniya
31. Saan idinaos ang hapunan?
a. Sa Simbahan b. Sa bahay ni Kapitan Tiyago c. Sa kuwartel d. Sa tribunal
32. Sino ang nagpabatid kay Ibarra ng nagyari sa kanyang ama?
a. Padre Salvi b. Padre Damaso c. Tenyente Guevarra d. Kapitan Tiyago
33. Bakit mahalaga ang wastong paggamit ng angkop na salita sa pagpapahayag?
a. Upang maging higit na maunawaan ang nais nating iparating.
b. Upang maging makatuwiran ang ating sinasabi.
c. Upang hindi magkamali sa pagpapakahulugan.
d. Upang mapahaba ang ating sinasabi.
34. Ano ang tawag sa pangkabuuang kuro-kuro o pananaw ng may-akda?
a. Kaisipan b. Paksa c. Tema d. Banghay
35. Ano ang tawag sa pinaka-epektibong paraan sa paggamit ng wika o mga salitang naglalarawan ng iyong
nararamdaman para sa isang tao, paksa, at pangyayari?
a. pagpapahayag ng saloobin c. pagpapahayag ng damdamin
b. pagpapahayag ng kaisipan d. pangunahing kaisipan
36. Ano ang nangyari kay Crisostomo Ibarra sa katapusan ng nobela?
a. Binaril siya sa pamamagitan ng firing squad at ito ang dahilan ng kanyang pagkamatay.
b. Nakulong siya dahil sa kanyang ginawa at nagkaroon ng malubhang sakit.
c. Nagkatuluyan sila ni Maria Clara. Nagkaroon sila ng pamilya at biniyayaan sila ng apat na anak na siyang nagpatibay
sa kanilang relasyon
d. Inakalang patay na siya sa nagyari.Lumayo sa bayan ng San Diego kipkip ang kasawian nanararanasan at
paghihiganti.
37. Paano ipinakita ni Basilio ang pagmamahal sa kaniyang ina?
a. Sinumbatan niya ito na kung bakit pinabayaan sila ng kaniyang kapatid na si Crispin. Hindi inalintana ang sitwasyon
ng ina na maysakit sa puso.
b. Hinabol niya ito at hindi tumigil kahit wala ang ina sa katinuan. Hindi ininda ni Basilio ang sugat maabutan lamang
ang ina at mayakap.
c. Nagmakaawa na patawarin siya ng kaniyang ina dahil sa iniwan niya ito noong panahong kailanganan niya ito.
d. Humingi ng kapatawaran sa kabila ng lahat.
38. Sa kinasapitan ni Maria Clara,sang-ayon ka ba sa kaniyang ginawa?Bakit?
a. Oo, dahil naging maganda ang takbo ng kaniyang buhay at may magandang trabaho.
b. Oo, dahil nagkaroon siya ng masayang pamilya at anak na maipagmamalaki.
c. Hindi, dahil ito ang dahilan ng kanyang pagkakasakit at agarang pagkamatay.
d. Hindi, dahil maaring higit na napariwara ito sa kaniyang naging desisyon.
39. Paano iniligaw ni Elias ang mga humahabol sa kanila ni Ibarra?
a. Tumalon si Elias sa lawa at nagpanggap na siya si Ibarra sa mga humahabol sa kanila na guwardiya sibil.
b. Gamit ang isang karuwahe binagtas niya ang daang siya lamang ang nakakaalam.
c. Pumunta sa isang masukal na gubat at nagtago sa isang kweba.
d. Nagtago sa sementeryo.
40.Sino ang tinutukoy na malaking kura na nagutos di umano sa pagpapahukay sa labi ni Don Rafael?
a. Padre Sibyla b. Padre Salvi c. Padre Damaso d. Alperas
Gusto ni Don Rafael Ibarra na malaman ng kanyang anak na si Crisostomo Ibarra ang tungkol sa buhay-buhay at
mapaglingkuran nito ang bayang sinilangan kaya pinag-aral niya ito sa Europa. Habang nandoon sa ibang bansa ang
binata, pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral. Pangarap kasi niya na balang araw makatapos ng may karangalan at
makapagpatayo ng paaralan sa bayang ng San Diego upang matulungan ang mga kapus-palad na kabataan. Pitong taong
siyang nawalay sa kanyang kasintahan na si Maria Clara na isang maganda,nagmamahal ng labis sa binata at butihing
anak ni Kapitan Tiyago na isang karaniwang tao na negosyante ngunit may kapangyarihan.

41.Ano ang katangian na ipinamalas ni Crisostomo Ibarra batay sa pahayag na nasa kahon?
a. Matalino, hambog at madiskarte c. Maawain, uto-uto at makasarili
b. Ambisyoso, mapangarapin at maawain d. Mapagmahal, matulungin at magalang
42. Ano naman ang katangiang inilalarawan kay Don Rafael Ibarra batay sa pahayag sa kahon?
a. Istriktong ama ngunit may paninindigan
b. Makasariling ama pero kuntento sa buhay
c. Madisiplinang ama ngunit ambisyoso minsan
d. Mabait at amang naghahangad ng magandang bukas para sa anak
43. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay na mahalaga si Crisostomo Ibarra bilang pangunahing tauhan sa
nobela?
a. Mahalaga siya dahil siya’y sumisimbolo sa kabataang Pilipino na gustong mangibang bansa para guminhawa ang
buhay.
b. Mahalaga siya sapagkat siya’y larawan ng kabataang Pilipino na marunong gumawa ng paraan para malutas ang mga
problema ng bansa.
c. Mahalaga si Crisostomo Ibarra bilang pangunahing tauhan sa nobela sapagkat siya’y sumisimbolo sa mga Pilipinong
marurunong at may ambisyon sa buhay.
d. Mahalaga siya sapagkat inihahalintulad siya ni Dr. Jose P. Rizal sa pagkatao nito at sumisimbolo sa mga
mayayamang Pilipino na nakapag-aral sa ibang bansa na may puso para sa kapwa at sa bayan.
44. Ano ang kahalagahan ni Don Rafael Ibarra bilang pantulong na tauhan sa nobela?
a. Mahalaga siya sapagkat siya’y sumisimbolo sa mga mayamang Pilipino na may malasakit sa kanyang kapwa may
matibay na paninindigan sa buhay at isang ama na nagbibigay-halaga sa edukasyon para sa anak.
b. Mahalaga siya dahil siya ay larawan ng mga amang naghahangad ng kabutihan at magandang kinabukasan ng mga
anak.
c. Siya’y sumisimbolo sa mga mayayamang Pilipino na may malawak na lupain sa bansang Pilipinas.
d. Mahalaga siya sapagkat siya’y sumasagisag sa mga amang mapag-aruga sa anak.
45. Anong mga katangian mayroon si Maria Clara bilang isang kasintahan at anak?
a. Matiisin at minsan iresponsable
b. Matiyaga at sunud-sunuran
c. Tapat at mabuti
d. Mapagkakatiwalaan at medyo pasaway

I. Si Maria Clara ay sumisimbolo sa mga mahihinang babaeng Pilipina.


II. Sumasagisag siya sa mga kasintahang walang pagpapahalaga sa relasyon.
III. Siya ay larawan ng ating Inang Bayan.
IV.Mahalaga siya sapagkat sa kanya inilalarawan ni Dr. Jose P. Rizal ang isang tapat na kasintahan, mabuting kaibigan at
anak at isang ideal na kasintahan noong kanyang panahon.

46. Ano ang kahalagahan ni Maria Clara bilang pangunahing tauhang babae sa nobela?
a. I, II at III b. I, III at IV c. I, II at IV d. II, III at IV

47. Batay sa mga pahayag sa bilang 41, alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay na mahalaga si Kapitan Tiyago
bilang pantulong na tauhan sa nobela?
a. Mahalaga siya sapagsakat siya ay larawan ng mga mayayamang Pilipinong may kapangyarihan na humahawak sa
kanyang kababayan sa paghahangad na makamit ang impluwensiya at kayamanan.
b. Mahalaga siya dahil inihahalintulad siya sa mga Pilipinong may malaking malasakit sa kapwa Pilipino at naghahangad
ng kaunlaran sa bayang sinilangan.
c. Mahalaga siya dahil sumasagisag siya sa mga Pilipinong pilit na gumagawa ng tamang paraan para umangat at
makatikim ng magandang buhay.
d. Mahalaga siya sapagkat siya ay kilalang tauhan sa nobela na sumisimbolo sa mga Pilipinong mangangalakal.
I. Mabait II. Sunud-sunuran III. Walang paninindigan
IV. Makatao V. Mapagpanggap

48. Alin sa sumusunod ang katangiang taglay ni Kapitan Tiyago bilang isang mamamayang Pilipino at ama ni Maria Clara
ang nasa kahon?
a. I, II, IV at V b. I, III, IV at V c. II, III, IV at V d. I, II, III at V
Ang magkapatid na Basilio at Crispin ay pawang mga sakristan na tagatugtog ng kampana sa kumbento na kung saan hindi
naging madali ang kanilang buhay sa loob ng kumbento. Sila’y pinagbintangang mga magnanakaw at nakaranas ng mga
pang-aabuso o pagmamaltrato habang sila ay nasa loob ng kumbento .

49. Ano ang katangiang taglay ng dalawang magkapatid na sina Basilio at Crispin bilang mga anak ni Sisa?
a. Mga anak na mababait, mabubuti at responsable
b. Mga anak na minsan may malasakit sa mga magulang
c. Mga anak na hindi mapagkatiwalaan at kapwa magnananakaw
d. Mga anak na nagnanais na makatulong sa magulang kahit sa anong paraan

50. Ano ang kahalagahan ng dalawang magkapatid sa nobela?


a. Sila’y mahalaga dahil ipinapaalam sa ating mga Pilipino na noon nakaranas ng pagmamaltrato o pang-aabuso sa
lipunan ang kabataan na kung saan sa ngayon madalang nalang na nangyayari.
b. Ang kahalagahan ng dalawang magkapatid sa nobela ay para imulat ang kabataang Pilipino sa mga mapait na
karanasan nina Basilio at Crispin.
c. Sila’y mahalaga sapagkat sa kanila inilarawan ni Dr. Jose P. Rizal ang mga walang malay at inosenteng kabataan sa
lipunan.
d. Mahalaga ang dalawa sapagkat sila’y larawan ng kabataang Pilipino na minsan ay may malasakit sa mga magulang.

You might also like