You are on page 1of 5

Learninglinks Academy of

Leadership and Entrepreneurship


Brgy. Tibig, Silang, Cavite

Ikatlong Terminong Pagsusulit:


Filipino 9: Noli Me Tangere

Pangalan: _________________________________ Marka: _____________________


Petsa: _____________________

I. TAMA o MALI. Isulat ang titik T sa kahon sa kaliwa kung tama ang pahayag at
M naman kung mali ang sinasaad sa bawat bilang. (10 puntos)

1. May mga ginamit sa nobelang Noli Me Tangere na totoong


pangyayari at personalidad sa kasaysayan ng Pilipinas tulad ng
GomBurZa at Gobernador Heneral Dela Torre na naglunsad ng
liberalismo.

2. Ninais ipakasal ni Kapitan Tiyago sa ibang lalaki ang knyang anak


dahil naisip niyang masama ang ugali ng kasintahan nito.

3. Si Padre Damaso ang unang pag-ibig ni Pia Alba ngunit nakasal kay
Kapitan Tiyago dahil hindi maaring mag-asawa ang mga prayle.

4. Hindi tula ngayon, ang mga isyu ng lipunan noong panahon ng


Espanyol ay sensitibong usapin na hindi hayagang pinaguusapan.

5. Si Padre Damaso ang tunay na ama ni Crisostomo Ibarra kaya’t galit


ang praylekay Don Rafael Ibarra.

6. Pinakita sa nobelang ito ang malakas na kapangyarihan ng


simabahan na tila sila na rin ang pamahalaan na nagiging dahilan ng
pangaabuso.

7. Ang isyung panlipunan ay hinalintulad ni Rizal sa sakit na cancer at


ang pag-ungkat nito ay tulad rin ng paghipo sa masakit na sugat dulot
ng cancer.

8. Sa takot ni Kapitan Tiyago sa mga prayle at pagnanais protektahan


ang kanyang kayamanan, pinili niyang maipakasal si Maria Clara sa
iba.

9. Sina Donya Consolacion at Donya Victorina ay mga halimbawa ng


mga Pilipinong may pusong makabayan.
10.Noong panahon ng Espanyol isang mataas ang tingin sa mga Intsik at
ang mailibing sa kanilang libingan ay isang karangalan.

II. Tukuyin mula sa mga pagpipilian kung ano ang nilalarawan ng bawat
bilang sa ibaba. Isulat sa kaliwang bahagi ang titik ng tamang sagot. (15
puntos)

a. Indio d. Tribunal h. Pilibustero k. Hieroglyphics n. Noli Me


Tangere
b. Prayle e. Kwartel i. Protestante l. Papa o Popes o. Vice
Real Patrono
c. Erehe f. Alperes j. Purgatoryo m. Guardia Civil p.
Indulgencia Plenaria

1. Tumutuligsa laban sa pamahalaan

2. Walang paggalang at nakakasirang puri sa simabahan.

3. Tao o grupong Kristiyano ngunit hindi sumusunod sa Simbahang


Katoliko.

4. Makapangyarihang pari ng Simabahang Kataliko.

5. Pinakamataas na pari olider ng Simabahang Katoliko.

6. Pinuno ng pulisya ng isang bayan noong panahon ng Espanyol.


Katumbas ng pangalawang tinyente at mas mataas kaysa sarhento.

7. Tawag ng mga Espanyol sa mga katutubong pilipino na may


negatibong kahulugan; ginagamit bilang pang-aalipusta sa mababang
kalagayang panlipunan ng mga Pilipino.

8. Tawag sa puwersa ng mga pulis o militar noong panahon ng


Espanyol.

9. Ito ay mula sa ebanghelyo ni Lucas na ang ibig sabihin ay “huwag


mo akong salingin.”

10. Tawag sa titulo ng gobernador-heneral sa Pilipinas bilang


pinakamataas na kinatawan ng hari ng Espanya sa bansa.

11. Sistema ng pagsulat na ginamit ng mga Egyptians. Hawig dito ang


ginamit ni Pilosopo Tasyo sa kanyang mga isinulat upang hindi
maunawaan ang kanyang mensahe.

12. Sa Simbahang Katoliko ito ay dasal o sakripisyong nagpapababa sa


parusang ipinataw sa naghihirap na kaluluwa sa purgatoryo.
13. Sa dokrinang Katoliko, ito ay pansamantalang lugar ng paglilinis
kung saan ang mga kaluluwa ng mga namatay na nasa katayuan ng
grasya o awa ay inihahanda para sa Kalangitan.

14. Tawag sa lupon ng pinuno ng isang munisipyo noong panahon ng


Espanyol.

15. Himpilan ng mga kawal o guardia civil.

III. Tukuyin kung anong huling pangyayari ang naganap sa ilang mga tauhan ng Noli Me
Tangere. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot mula sa kahon. (20 puntos)

a. Maria Clara f. Sisa k. Crisostomo Ibarra p. Alperes


b. Tiya Isabel g. Pedro l. Rafael Ibarra q. Pilosopo Tasyo
c. Pia Alba h. Basilio m. Donya Consolacion r. Alfonso Linares
d. Kapitan Tiyago i. Crispin n. Donya Victorina s. Lucas
e. Padre Damaso j. Elias o. Don Tiburcio t. Padre
Salvi

_____ 1. Natagpuang patay sa kanyang higaan; Dinamdam raw niya ang pagpapalipat sa
kanya sa isang napakalayong lalawigan.

_____ 2. Napagbintangang nagnakaw sa simbahan; hindi na kailanman nakauwi sa kanilang


tahanan; hinihinalang namatay dahil sa pambubugbog.

_____ 3. Naging malungkutin simula nang magbuntis; Namatay ilang araw matapos
mangnanak dahil sa isang karamdaman.

_____ 4. nanirahan na rin sa Maynilahabang hinihintay ang pagbaba ng order para sa bago
niyag tungkulin ay madalas siyang magsermon sa monasteryo ng Sta. Clara.

_____ 5. Namayat,nanimdim, at naging suspetsoso. Nalulong sa baraha, sabong at paghithit


ng opium at hindi na rin sumasama sa pilgrimahe sa Antipolo o nagpapamisa.

_____ 6. Tinugis ng mga guardia civil sa ilog at hindi na niya nagisnan ang bukangliwayway
ng kapaskuhan.

_____ 7. Hindi nangungumpisal kaya’t nakulong dahil napagbintangang erehe at pilibustero;


Namatay nang nag-iisa sa kulungan at hindi na nakamit ang hustisya.

_____ 8. Nabaliw subalit sa kahuli-hulihang sandali bago siya mamatay ay nagbalik ang
katinuan ng makita at paghahalikan siya ng duguang anak .

_____ 9. Sinalubong ang kapaskuhan sa piling ng inang wala nang buhay; Nagkaroon ng
magandang buhay dahil sa hindi inaasahang pagpapala.

_____ 10. Namatay sa sakit dala ng katandaan; Nagtapos ang buhay nang masulyapan ang
karwaheng may lulan ng mga presong napagbintangang nanguna sa pag-aaklas.

_____11. Lubos na umibig sa kasintahan at nagmahal nang tapat sa kanyang bayan; Hindi
natuloy ang kasal sa katipan; Napagbintangang nanguna sa kaguluhan at hinuli,
ngunit nakatakas.

_____12. Isang iresponsable ama at asawa: napagbintangang kabilang sa mga nanguna sa


kaguluhan sa bayan at napatay.

_____13. Natagpuang nakabigti sa isang puno; Sinasabing nagpakamatay ngunit may


senyales na siya ay maaring pinatay.

_____14. Pumasok sa monasteryo upang magmongha subalit iba’t ibang kwento ng


kasawiang hindi naman makumpirma ang naglabasan patungkol sa kanya.

_____15. Bumalik sa Espanya bilang probisyunal na medyor. Iniwan ang asawa sa Pilipinas.

_____ 16. Nang maiwan ng kanyang asawang nagtungo sa Espanya ay nalulong sa


paglalasing at pananabako kaya’t pinagkatakutan tuloy ng mga bata’t dalaga.

_____ 17. Hindi natuloy ang kanyang kasal kay Maria. Namatay dahil sa disenterya at maling
panggagamot ng kanyang pinsan.

_____ 18. Nahilig sa pagpapatakbo ng karwahe, madalas siyang maaksidente dahil sa


kalabuan ng mata, kaya’t nagsalamin siya subalit naging katatakutan.

_____ 19. Pinauwi na ni Kapitan Tiyago sa Malabon para doon na manirahan dala ang lahat
ng gamit ni Maria Clara.

_____ 20. Wala na muling nagpagamot sa kanya at madalas siyang makitang bungi ng mga
katulong nila.

IV. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari ayon sa nobela. Lagyan ng bilang 1-5 sa
kaliwang bahagi ng bawat pangungusap. (15 puntos)

A. Ang Mga Prayle:


_____ Natagpuang patay si Padre Damaso
_____ Inawat ni Padre Sybila ang pagtatalo ni Padre Damaso at tinyente Guevarra
_____ Binayo ng suntok at tinutukan ng kutsilyo sa leeg ni Crisostomo si Padre
Damaso dahil sa pang ininsulto nito sa kanyang yumaong ama.
_____ Bagaman nagkasakit ay nagdaos ng sermon si Padre Damaso noong pista sa
San Diego sa halagang dalawang daan at limampung piso.
_____ Madalas magdaos ng misa si Padre Salvi sa monasteryo ng Santa Clara.

B. Si Maria Clara at Crisostomo:


_____ Naghanda ng hapunan si Kapitan Tiyago para kay Crisostomo Ibarra
_____ Nagkasakit si Maria Clara nang malubha
_____ Napagbintangan si Crisostomo Ibarra na nanguna sa kaguluhan sa bayan
_____ Hiniling ni Maria Clarang magmongha o mamatay na lamang kaysa makasal kay
Linares matapos mabalitaang napatay si Crisostomo
_____ Ipinagtapat ni Maria Clara kay Crisostomo ang tunay niyang ama
C. Ang buhay ng mag-anak ni Sisa:
_____ Inubos ni Pedro ang pagkaing inihanda ni Sisa para sa mga anak
_____ Sinubukang pakiusapan ni Sisa ang kura upang pauwiin ang anak na si Crispin
ngunit may sakit raw ang prayle kaya’t hindi niya ito nakausap.
_____ Muling nanumbalik sa katinuan si Sisa nang makita niya ang duguang anak at
yakapin sya nito, ngunit dahil sa matinding pagod ay nawalan ng malay ang anak
at hindi nakausap ang ina.
_____ Kinaladkad ng sakristan mayor si Crispin at hindi na muling nakauwi ng tahanan.
_____ Nang magkamalay si Basilio, wala nang buhay ang kanyang ina.

V. Pangatwiranan ang mga sumusunod na katanungan. Pumili ng mga tanong na


sasagutin na makabubuo ng 40 puntos.

1. Papaano inugnay ang “cancer” na sakit sa pamagat ng nobela? Ipaliwanag (5 puntos)


2. Paano ipinakita ang kawalan ng hustisya ng pamahalaan at pangaabuso ng alagad ng
simabahan sa nobela. Magbigay ng pangyayari mula sa nobela(10 puntos)
3. Ikumpara ang cancer ng lipunan noon na inilarawan sa Noli Me Tangere at sa makikita
sa lipunan natin ngayon. Anong pagkakahalintulad? Anong pagkakaiba? Ipaliwanag. (10
puntos)
4. Papaano naging negatibo ang turo noon ng simabahan sa naging epekto nito sa
moralidad at kultura ng mga Pilipino? Masasabi mo bang ito ay “blind obedience””
Ipaliwanag. (10 puntos)
5. Sino sa mga karakter ng nobela ang may tunay na pag-ibig at matibay na prinsipyo?
Bakit? (5 puntos)
6. Kung ikaw ang magbibigay ng “ending” sa nobela, ano ang pagtatapos na
nakapagbibigay inspirasyon ang ilalagay mo? Bakit? (5 puntos)

You might also like