You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON

PANREHIYONG PAGTATAYA SA IKAAPAT NA KUWARTER


FILIPINO 8
S Y 2022-2023

Pangalan:___________________________________________ Petsa:_____________________
Baitang at Seksyon:________________________________ Marka o Iskor:____________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tanong at isulat ang


letra ng wastong sagot sa patlang bago ang bilang.

________1. “Ikaw na bulaklak niring dilidili, Selyang sagisag mo ang M.A.R.,


sa Birheng mag-ina’y ipamantakasi ang tapat mong lingkod na si
F.B.” Sa saknong na nabasa, sino ang tapat na lingkod na nag-
alay ng kanyang obra kay Selya?
a. Fernando Balagtas c. Mariano Kapule
b. Francisco Balagtas d. Francisco Bueno

________2. Sa saknong na nabasa mo sa unang bilang, sino ang sinisimbolo


ng M.A.R. na pinag-alayan ni “Kiko” ng kanyang Florante at
Laura?
a. Magdalena Ana Ramos c. Maria Ana Rivera
b. Magdalena Aurora Reyes d. Maria Asuncion Rivera

________3. Isa sa mga pangyayaring tatatak sa puso at isip ng mga


mambabasa ng Florante at Laura ay ang pag-agaw kay Flerida
mula sa kasintahan nitong gererong moro na si Aladin. Sino sa
sumusunod na tauhan ang umagaw kay Flerida mula sa kamay
ng kasintahang si Aladin?
a. Emir Sultan Ali-Adab c. Miramolin
b. Heneral Osmalik d. Sultan Ali-Adab

________4. Alin sa sumusunod na pangyayari ang naganap bago tuluyang


ambaang papatayin ng dalawang leon si Florante habang nakatali
sa puno ng hegera?
a.Nagdasal siya sa Panginoon. c. Nawalan ng malay si Florante.
b. Patuloy siyang tumatangis. d. Nakatulog agad siya sa pagod.

________5. “Dito na nahubdan ang kababayan ko


ng hiram na bait na binalatkayo,
kahinhinang-asal na pakitang tao
nakilalang hindi bukal kay Adolfo.”

Ano ang napansin ni Florante kay Adolfo batay sa nilalaman ng


binasang saknong?
a. Napansin ni Florante na si Adolfo ay isang mabuting
kababayan.
b. Kapansin-pansin ang pagkakaroon ng kagandahang-asal ni
Adolfo sa paaralan.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON

c. Si Adolfo ay tapat na kaibigan at tunay na


mapagkakatiwalaan.
d. Napuna ni Florante ang pagpapanggap lamang ng kaniyang
kababayang si Adolfo, sa salita at sa gawa.

________6. Hindi katoto ko’t si Laura di taksil,


Aywan ko kung ano’t lumimot sa akin.

Ano ang ipinahihiwatig ng linya?


a. Nagagalit si Florante dahil nakalimot si Laura.
b. Nagseselos si Laura kaya lumimot na lamang si Florante.
c. Tunay daw na nakalimot ang kasintahang si Laura
kay Florante.
d. Sinabi ni Florante sa kausap na hindi taksil si Laura ngunit
hindi niya alam kung bakit siya nilimot ni Laura.

7-9. “Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad


Sa bait at muni’t sa hatol ay salat;
Masaklap na bunga ng maling paglingap
Habag ng magulang sa irog na anak.”

________7. Sino ang pinatutungkulan ng binasang saknong?


a. anak b. guro c.magulang d. taong bayan

________8. Ano ang tono ng binasang saknong?


a.maglarawan b.magsalaysay c. magpaalala d.mangatwiran

________9. Alin sa sumusunod ang pinakamapait na kahulugan ng binasang


saknong?
a. Nasa huli ang pagsisisi.
b. Hindi dapat kaawaan ng magulang ang anak.
c. Mamamatay nang mahirap ang taong ibinibigay ang lahat
ng luho.
d. Karamihan sa anak na pinalalaki ng magulang nang mali ay
walang sariling bait at mangmang.

10-11. Kung ang isalubong ng iyong pagdating


Ay masasayang mukha’t may pakitang giliw,
Lalo’t pag-ingata’t kaaway na lihim,
Siyang isaisip na kakabakahin.

________10. Ano ang pinakamalapit na kahulugan ng binasang saknong?


a. maging maingat
b. mamili ng kakaibiganin
c. Huwag kaaagad magtiwala sa taong una pa lang kakilala.
d. Laging isaisip na lahat ng may mabuting pakikitungo sa iyo ay
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON

maituturing na kalaban.

________11. Sino sa mga tauhan sa Florante at Laura ang pinatutungkulan ng


binasang saknong?
a. Adolfo b.Aladin c.Florante d.Menandro

________12. Sa isang madilim, gubat na mapanglaw


dawag na matinik ay walang pagitan.

Ano ang kahulugan ng salitang mapanglaw?


a. mahimbing b. malungkot c. nakakaawa d. nakasusuka

________13. Malalaking kahoy ang inihahandog


pawang dalamhati, kahapisa’t lungkot;
huni pa ng ibon ay nakalulunos,
sa lalong matimpi’t nagsasayang-loob.

Aling damdamin ang namamayani sa loob ng kagubatan?


a. paglilo c. pawang kasiyahan
b. dalamhati’t kalungkutan d. kawalang katarungan

________14. Alin sa sumusunod ang lalong nagdudulot ng kalungkutan sa loob


ng kagubatan dahil sa dilim na ibinibigay nito?
a. huni ng ibon c. puno ng hegera at cipres
b. mga nagtataasang puno d. sanga ng kahoy na may tinik

________15. “Ito’y gubat manding sa pinto’y malapit,


ng Avernong Reyno ni Plutong masungit.”

Ano ang sinisimbolo ng tinutukoy na Averno sa linyang nabasa?


a. Albanya b. impyerno c. Krotona d. langit

________16. Paano mo maiuugnay ang kaisipang nakapaloob sa gubat na


mapanglaw sa buhay ng may-akda?
a. Maihahalintulad ito sa isang buhay na puno ng pagsubok.
b. Nakapaloob dito ang panahon ng pananakop ng mga
Amerikano at Kastila.
c. Ang gubat na mapanglaw ay maihahalintulad sa piitan na
kinasadlakan ng may-akda.
d. Maiuugnay ang gubat na mapanglaw sa kasaysayan ng bansa
sa panahon ng mga Kastila.

_________17 Alin sa mga kasabihang nakatala sa ibaba ang may kaugnayan sa


aral na ipinakita ng pagliligtas ni Aladin kay Florante?
a. Ang ama ay haligi at sandigan ng pamilya at bayan.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON

b. Pangalagaan ang kapayapaan, para sa katahimikan ng bayan.

c. Huwag maging alipin ng paninibugho, sapagkat sinisira ka


nito ng buo.
d. Anumang lahi ang pinagmulan, sa panahon ng
pangangailangan dapat na magtulungan.

_________18. Saknong 15: “Ang magandang asal ay ipinupukol,


sa laot ng dagat ng kutya’t linggatong,
Sa balang magagaling ay ibinabaon,
at inililibing na walang kabaong.”

Sa paanong paraan nakikita sa tunay na buhay ang mensaheng


nakapaloob sa bahagi ng saknong 15?
a. Patuloy na nabubuhay sa ating dugo ang husay at talento
ng mga Pilipino.
b. Hindi kailanman maililibing ang mabuting asal na dapat
nating taglayin.
c. Ang mga magagandang-asal ay makikita sa bawat isa sa atin,
sa anumang panahon.
d. Mula pa man noon o maging sa kasalukuyan ay may
magagandang-asal na ang naililibing sa limot.

_________19. Paano inilarawan ni Balagtas sa kanyang Florante at Laura ang


mga tunay na kaganapan sa bansa sa kaniyang panahon?
a. Imahinasyon at husay sa panulat ang kaniyang naging sandata
upang makita ang kasaysayan sa Florante at Laura.
b. Ginamit niya ang matatalinghagang salita upang itago ang
kalagayan ng bansa sa mga paring Kastilang sensor.
c. Gumamit ang makata ng mga paghahambing at simbolo, mga
simili at alegorya upang ilarawan ang tunay na kalagayan ng
Pilipinas sa kanyang panahon.
d. Sinadyang ilarawan ni Balagtas ang mga pangyayari sa
kasaysayan sa tulong ng mga pangalan at lugar na hango
sa mitolohiya.

_________20. Alin sa sumusunod ang layunin ni Balagtas sa pagsulat ng walang


kamatayang akda na Florante at Laura?
a. Nabuo ang akda dahil sa pagnanais niyang maging ehemplo sa
mga akdang pampanitikan.
b. Hilig ang nag-udyok sa kaniya upang paunlarin ang talento sa
pagsulat ng mga awit at tula tulad ng Florante at Laura.
c. Isinulat ni Balagtas ang Florante at Laura upang ialay kay
Selya na dating kasintahan, at dulot na rin ng kabiguan sa
unang pag-ibig.
d. Dulot ng walang impis na pag-ibig sa mga tula, ninais ni Kiko
na makabuo ng isang akdang patula na magbubukas ng
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON

kaisipan ng mga Pilipino sa mga nangyari sa ating bansa.

_________21. Alin sa sumusunod ang naging hamon kay Balagtas upang


pagbutihin ang pagsulat ng tula?
a. Hinamon siya sa tagisan ng pagsulat ng tula.
b. Hindi siya natulungan sa pagbuo o pagsulat ng isang tula.
c. Nang matalo sa isang paligsahan ng tula sa kanilang bayan.
d. Nang tumanggi si Jose Corazon de Jesus na ayusin ang tulang
ginawa niya.

_________22. Nagbigay ng mga tagubilin si Balagtas sa kaniyang mga


mambabasa sa anyong patula. Alin sa mga nakatala sa ibaba ang
hindi nabibilang sa kanyang mga tagubilin?

I. Huwag baguhin ang berso.


II. Pahalagahan ang kaniyang pagod.
III. Pakasuriin muna ang nilalaman ng akda.
IV. Kung may hindi maunawaan ay itingin ang mga mata sa
dakong ibaba ng akda.
V. Palitan ang mga letrang nakapaloob dito at ilagay ang mga
sariling salitang magatatama sa akda.

a. I at V b. II at V c. V d. II

_________23. Para kanino ang pahayag na, “Di ko hinihinging pakamahalin mo,
tawana’t dustain ang abang tula ko,”?
a. Kay Selya c. Sa kaniyang kababayan
b. Kay Sehismundo d. Sa babasa ng kaniyang
akda

_________24. Nang nakagapos si Florante, waring ipinauubaya na lamang niya


ang buhay sa tadhana. Hindi na siya nakikibaka at nasisiyahan
na lamang sa paggunita ng nakalipas. Anong ugali ng mga Pilipino
ang kaugnay nito?
a. Kaligayahan
b. Kawalan ng pag-asa
c. Pagsasawalang-bahala
d. Pagiging matatag sa oras ng suliranin

_________25.
Sipi ng saknong 202: “Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad,
Sa bait at muni’t sa hatol ay salat.”

Batay sa sipi ng saknong 202, paano dapat palakihin ng mga


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON

magulang ang isang bata?


a. Ibigay ang labis na pagmamahal at pag-aaruga sa anak.
b. Pangaralan lagi ang bata upang maitama ang mga
pagkakamali.
c. Magulang ang dapat humubog sa pagkatao ng mga anak upang
maging isang mabuting tao at kapaki-pakinabang kapag siya’y
lumaki na.
d. Ang labis na pagpapalayaw o pagbibigay ng mga bagay na hindi
naman kailangan ng bata ay walang magandang mararating.
Turuan ang bata na tumayo sa sariling paa at hayaang
makuha ang mga bagay na nais sa sariling sikap.

_________26. Basahin ang sipi ng saknong 198:


“Sapagkat ang mundo’y bayan ng hinagpis,
mamamaya’y sukat tibayan ang dibdib.”

Alin ang kahulugan ng linyang nakatala na siyang maituturing na


gintong aral sa buhay?
a. Matibay ang mamamayan kung sila ay nagkakaisa.
b. Malungkot ang mabuhay sa mundo dahil puno ito ng hinagpis.
c. Kailangang maging matatag ang mga mamamayan dahil
maraming problema sa ating daigdig.
d. Ang hindi sanay magdala ng problema ay hindi makababata ng
mga suliraning dumarating sa buhay.

_________27. Saknong 23 : “Bakit Kalangita’y bingi Ka sa akin


Ang tapat kong luhog ay hindi Mo dinggin?
Di yata’t sa isang alipustang iring
Sampung tainga Mo’y ipinangunguling?”

Sa aling bahagi ng buhay maihahalintulad ang daing ni Florante


na nakatala sa itaas?
a. Itinataas ang dalamhati niya sa Maykapal.
b. Patuloy na nagtitiwala ang tao sa Diyos sa tuwing nakararanas
ng suliranin sa buhay. Nagiging matatag ang pananalig at
pananampalataya.
c. Madalas ay sinisisi ang Panginoon sa mga nararanasang
problema sa buhay. Madalas na daing ay kung pinakikinggan
nga ba ng Diyos ang kaniyang mga panalangin.
d. Tulad ni Florante ay nakararanas ang mga tao ng kasawian at
pagdurusa sa buhay. Dito siya nagsisimulang magtanong kung
pinakikinggan nga ba siya ng Maykapal sa kaniyang mga
dalangin. Tila nawawalan ng tiwala sa Diyos.

_________28. Bakit hindi naging magkaibigan sina Adolfo at Florante gayong


magkababayan sila?
a. Dahil hindi nakuha ni Adolfo ang ugali ni Florante.
b. Hindi itinuturing na kababayan ni Adolfo si Florante kaya’t
hindi sila naging malapit sa isa’t isa.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON

c. Sapagkat sa una pa lamang ay nadama na ni Florante na tila


pakunwari lamang ang kabaitan ni Adolfo.
d. Nilayuan ni Florante ang kababayang si Adolfo dahil hindi nito
nakita ang kabutihan sa kaniyang kilos at pananalita.

_________29. Paano napapayag ni Flerida si Sultan Ali-Adab na huwag nang


pugutan ng ulo si Aladin?
a. Napapapayag ni Flerida ang sultan sa pamamagitan ng
paninilbihan nito sa kanya.
b. Nagkaroon ng kasunduan na patatakasin na lamang si Aladin
at mananatili sa kaharian si Flerida.
c. Pumayag ang sultan na hindi pugutan ng ulo si Aladin sa
kondisyong mapatay si Florante sa isang digmaan.
d. Nang malamang pupugutan ng ulo ang kasintahang si Aladin,
nagmakaawa siya sa Sultan. Pumayag ang sultan kung
papakasal si Flerida sa kanya.

_________30. Saknong 317: “Isang binibini ang gapos na taglay


na sa damdam nami’y tangkang pupugutan,
ang puso ay lalong naipit ng lumbay
sa gunitang baka si Laura kong buhay.”

Alin sa sumusunod ang pangyayaring nakapaloob sa nabasang


saknong sa itaas?
a. Patuloy na inaalala ni Florante ang kasintahang si Laura.
b. Lubos ang kalungkutan ni Florante nang makita ang babae at
bumalik sa alaala ang sintang si Laura.
c. Nagkatotoo ang kutob ni Florante na si Laura ang babaeng
kasama ng mga Moro nang tanggalin ang piring nito.
d. Natanaw nina Florante at ng hukbo ang pulutong ng Morong
naglalakad kasama ang isang babaeng nakapiring at
nakagapos. Malakas ang pakiramdam ni Florante na ito’y si
Laurang kanyang iniirog.

_________31. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa saknong 84-104.

I. Nabigla si Aladin nang may narinig siyang taghoy sa gubat.


II. Ikinuwento ni Florante kay Aladin ang nangyari sa kaniyang
ama sa kamay ni Adolfo sa Albanya habang nasa digmaan.
III. Hinanap ni Aladin ang taghoy at napakinggan niya ang mga
himutok ni Florante mula sa isang di kalayuang lugar.
IV. Isinalaysay naman ni Aladin kay Florante na ang kaniyang
iniiyak ay dahil sa sintang inagaw ng ama na si Heneral
Ali-Adab.
V. Ibinulalas ni Aladin na ang naranasan niya sa kaniyang ama
ay kalupitan at hindi man lang nakaranas ng pagmamahal
mula sa pagkabata.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON

a. I, IV, II, b. V, II, III, c. I, III, II, IV, V d. II, IV, V, III, I
V, III IV, I

“Bihirang balita’y magtapat,


_________32. Kung totoo ma’y marami ang dagdag.”

Ano ang nais ipaalala ng taludturan?


a. maging tapat
b. magsinungaling
c. huwag kaagad maniwala sa bali-balita
d. maging responsableng mamamahayag

_________33. “O pagsintang labis na makapangyarihan


sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw,
pag ikaw ang nasok sa puso ninuman
hahamakin lahat masunod ka lamang!”

Alin sa sumusunod na kasabihan ang maiuugnay sa nilalaman ng


saknong?
a. Bahagi ng relasyon ang pagseselos.
b. Kalakip ng pagmamahal ang pagpaparaya.
c. Tunay na makapangyarihan ang pag-ibig sa balat ng lupa.
d. Hahamakin ang lahat, maging ang pamilya masunod lamang
ang pag-ibig.

_________34. Sa saknong 206-223 ay mababatid na ang lahat ng ipinakita ni


Adolfo ay pulos paimbabaw at pagkukunwari lamang. Alin sa
sumusunod ang iniwang aral na maaaring maging sandigan sa
tunay na buhay?

I. Mahirap arukin ang nilalaman ng tunay na saloobin ng


isang tao.
II. Ang panlabas na kaanyuan ay madaya at hindi repleksyon ng
kaniyang panloob na kaanyuan.
III. Bagama’t tayo ay nilalang ng Dakilang Nilikha, ang sariling
pagpapasya ang nagtutulak sa atin na gumawa ng mabuti
at masama.
IV. Sa busilak na kalooban ng isang tao ay makikita na totoong
ginto ang puso at kabutihang walang halong pagkukunwari.
Dito mamamalas ang tunay na ugali ng isang nilalang.
V. Ang pag-aaral ay susi sa magandang kinabukasan upang
makamit ang mga pangarap na inaasam sa buhay. Tagumpay
ang naghihintay sa taong nag-aral.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON

a. I, II, III, IV b. I, III, IV, V c. II, III, IV, V d. I, III, IV, V

_________35. “Ang tao ay dapat magpakatatag kapag dumating ang anumang


pagsubok sa buhay”. Ito ang aral na iniwan sa mga mambabasa
ng saknong 224-241 ng Florante at Laura kaugnay sa dalawang
trahedyang nasapit kay Florante. Dito niya natuklasan na hindi
puno ng kasiyahan lamang ang buhay, bagkus kailangang
humarap sa mga suliranin na magpapatibay sa kaniyang
pagkatao.

Paano niya tinanggap ang dalawang trahedya na ito?


a. Hindi siya nagpatalo sa mga pagsubok.
b. Lumuha lamang siya at nawalan ng malay.
c. Umuwi siya ng Albanya upang doon ipagpatuloy ang
kaniyang buhay.
d. Tinanggap niya ito nang buong puso at may tibay ng kalooban
na repleksyon ng kaniyang pagkatao.

_________36. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa saknong 290-304.

I. Umalis sa Albanya si Florante kasama ang hukbo upang


tulungan ang Crotonang kinubkob ni hukbo ni Heneral
Osmalik.
II. Pinabaunan ni Laura si Florante ng kanyang luha na
nangangahulugan ng pagtugon ng dalaga sa pag-ibig
ng binata.
III. Nagpasiya sina Heneral Osmalik at Florante na sila na lang
ang maglaban upang tapusin ang labanan. Limang oras
ang itinagal ng kanilang labanan.
IV. Napatay ni Florante si Heneral Osmalik. Bagamat labing-
walong taong gulang pa lamang at walang sapat na kaalaman
sa digmaan ay nagwagi pa rin laban sa isang mahusay
na heneral.

a. I, II, III, IV b. III, IV, II, I c. IV, III, II, I d. II, I, III, IV

_________37. Isa sa mga tanyag na aral na iniwan sa mambabasa ng saknong


317-328 ay pagdudulot ng gantimpala sa mga taong may malinis
na puso at dakilang layunin. Alin sa sumusunod ang
pagpapaliwanag kaugnay ng nabanggit na aral?
a. Patuloy na makatatanggap ng biyaya ang mga taong mabuti.
b. Makakamit ang biyaya kung mabuti ang hangarin sa kapuwa.
c. May gantimpalang paparating sa mga taong may mabuting
kalooban.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON

d. Ang bawat tao ay biniyayaan ng talino ng Dakilang Lumikha.


Ito ay isang biyayang maaaring gawing sandata upang
magtagumpay sa kaniyang mabuting hangarin sa buhay.

_________38. Flerida: “Nang aking matatap na pupugutan,


Ang abang sinta kong nasa bilangguan,
nagdapa sa yapak ng haring sukaban.

Inihinging tawad ng luha at daing


ang kaniyang anak na mutya ko’t giliw;
ang sagot kung di kusa kong tanggapin,
ang pagsinta niya’y di patatawarin.

Anong gagawin ko sa ganitong bagay,


ang sinta ko baga’y bayaang mamatay?
napahinuhod na ako’t nang mabuhay
ang prinsipeng irog na kahambal-hambal”

Mula sa nabasang saknong, gaano kadakila ang pag-ibig ni


Flerida?
a. Labis ang kadakilaan ni Flerida sa pag-ibig.
b. Dakila at walang kaparis ang kaniyang pag-ibig para kay
Aladin.
c. Napakadakila ng pag-ibig niya kay Aladin dahil kaya niyang
magsakripisyo para sa kasintahan.
d. Dakila ang pag-ibig ni Flerida sapagkat isusuko niya ang sarili,
mailigtas lamang sa kamatayan ang kaniyang minamahal.

_________39. “Nang iginagayak sa loob ng reyno


yaong pagpapakasal na kamatayan ko,
aking naakalang magdamit gerero
at kusang magtanan sa real palasyo.”

Anong klaseng babae si Flerida batay sa saknong na nabasa sa


itaas?
a. Si Flerida ay walang sariling pagpapasya.
b. Isang makabagong babaeng may paninindigan
c. Si Flerida ay mahusay sa diskarte sa buhay kaya’t nakatakas sa
kamay ni Sultan Ali-Adab.
d. Masasabing si Flerida’y hindi larawan ng babae ng kanyang
panahon. Siya’y matalino, may sariling pagpapasya at hindi
iyaking umaasa lamang sa lalaki.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON

_________40. Saknong 1: “Sa isang madilim, gubat na mapanglaw,


dawag na matinik ay walang pagitan,
halos naghihirap ang kay Febong silang,
dumalaw sa loob na lubhang masukal.”

Sa aling bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas maihahalintulad ang


gubat na mapanglaw na tinutukoy sa unang linya ng saknong?

a. Tinutukoy ng gubat na mapanglaw ang mga frayle sa panahon


ng kastila.
b. Ang gubat na mapanglaw ay simbolo ng panahon na nasadlak
ang Pilipinas sa hirap at labis na kalungkutan.
c. Ang may akda ay gumamit ng alegorya sa Florante at Laura
upang tukuyin ang panahon ng pananakop ng mga Amerikano
sa ating bansa.
d. Ang kagubatang kinaroroonan ni Florante ay maihahalintulad
sa Pilipinas noong kapanahunan ng pananakop ng Kastila na
dumanas ng kahirapan mula sa mga sumakop at gayundin sa
ilang mamamayan na ganid sa kapangyarihan at kayamanan.

_________41. Saknong 14: “Sa loob at labas ng bayan kong sawi


kaliluha’y siyang nangyayaring hari,
kagalinga’t bait ay nalulugami
ininis sa hukay ng dusa’t pighati.”

Ilarawan ang kalagayan ng bansa sa panahong naisulat ang


Florante at Laura.
a. Ang Pilipinas sa panahong ito ay nasa madilim na panahon at
walang maituturing na kasarinlan.
b. Nasulat ang Florante at Laura sa panahon na ang mga puno ng
bayan ay mga walang awang kumikitil ng ating kalayaan na
nagdudulot ng dusa at pighati.
c. Batay sa nabasang saknong 14, ang Pilipinas ay nasa panahong
nasadlak sa dusa, pighati at labis na kalungkutan dulot ng
isang taksil at ganid na lider sa panahon ng pananakop ng mga
Kastila.
d. Puno ng kalungkutan ang bayan dahil sa kamatayan ng mga
kapuwa Pilipino sa pananakop ng mga Kastila. Lubos silang
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON

pinahirapan at tinanggalan ng kalayaan sa sariling inang-bayan


na naging dahilan upang sila ay mag-alsa laban sa dayuhan.

_________42. Batay sa saknong 205-214, inilarawan ang katauhan ni Adolfo


bilang isang mapagbalat-kayong kaibigan. Sa aling bahagi ng
kasaysayan ng Pilipinas ito maihahalintulad?

a. May mga kaibigan tayong bansa na mapagbalat-kayo lamang.


b. Ipinapakita ang panahong hindi natin nakakasundo ang mga
karatig bansa.
c. Makikilala ang tunay na may malasakit sa bansa sa kanilang
tunay na gawi at pananalita.
d. Sa kasaysayan ng Pilipinas, mayroon tayong mga kaibigang
bansa na sa biglang malas ay pawang kabutihan ang
ipinakikita, ngunit may pailalim palang pakay.

_________43. Sa simula ng Florante at Laura ay makikita ang isang lalaking


nakatali sa puno ng hegera. Sa aling bahagi ng kasaysayan
maihahalintulad ang sitwasyong nabanggit?
a. Maihahalintulad ito sa panahon ng pananakop ng mga Kastila
na walang laya ang mga Pilipino sa pananalita at sa gawa.
b. Ang pagkakatali ng lalaki sa puno ng hegera ay simbolo ng
pagkakatali natin sa mga batas ng mga sumakop sa bansa.
c. Ang pagkakatali ay bahagi ng madilim na kasaysayang lalong
nagdudulot ng pagdurusa at hinagpis sa lahing Pilipino.
d. Si Florante ay simbolo ng Pilipinong nakatali sa kultura at
tradisyon ng mga mananakop sa bansa na hindi makapalag at
makaalis sa di makatao at makabansang paniniwala.

________44. Ang Albanya ay isa sa mga tagpuan ng Florante at Laura na


pinamumunuan ng isang mahusay at mabuting pinuno na si
Haring Linceo. Paano ito maihahalintulad sa isang bahagi ng
kasaysayan ng bansa?
a. Ito ay ang bahagi ng kasaysayan na may isang lider na
naninindigan para sa bansa at sa bayan.
b. Maitutulad ito sa panahon na may isang mahusay na
namumuno para sa ikatatagumpay ng kaniyang sakop.
c. Makikita ito sa panahong naghahalal ng isang pinunong
pinaniniwalaang may mabuting hangarin para sa bayan.
d. Maihahalintulad ito sa isang lider na may mabuting puso at
pamumuno sa bansa na masigasig na nagtataguyod ng
kaunlaran at kapakanan ng mga mamamayang nasasakupan.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON

_________45. Bahagi ng isinalaysay ni Florante kay Aladin ang pagpapadala sa


kanya ni Duke Briseo sa Atenas upang matuto siyang maging
matatag sa buhay. Dito niya nakilala si Menandro at nakita si
Adolfo na kanyang kababayan. Napagtanto ni Florante sa una pa
lamang na pagtuntong niya sa eskwelahan ay may itinatagong
lihim na ugali si Adolfo. Paano ito maihahalintulad sa isang
sitwasyon sa paaralan?

a. Sa loob ng eskwelahan mabubunyag ang tunay na ugali ng


isang tao.
b. Makikilala ang isang tao hindi lamang sa pisikal na anyo, kundi
sa kung paano siya makitungo sa kapuwa.
c. Matutukoy ang ugali ng tao sa paraan ng pananalita at
pagtanggap ng mga pangyayari sa buhay.
d. Tunay na sa loob ng eskuwelahan ay may mga nagbabalat-kayo
lamang at hindi katiwa-tiwala sa ipinapakitang ugali.

_________46. “Munting kahirapa’y mamalakhing dala,


Dibdib palibhasa’y di gawaing magbata.”

Alin ang pinakamalapit na kahulugan ng mga linyang nabasa?


a. Ang maliit na bagay ay pinalalaki.
b. Ang suliranin ay nakakaya kung gagawa ng paraan.
c. Ang maliit na problema ay malaki na para sa mga taong hindi
sanay sa hirap.
d. Ang hindi sanay magdala ng problema ay hindi makababata ng
mga suliraning dumating sa buhay.

_________47. “Hindi katoto ko’t si Laura di taksil,


Aywan kung ano’t lumimot sa akin.”

Ano ang pinakamalinaw na paliwanag sa mga linyang nabasa?


a. Nagagalit si Florante dahil lumimot si Laura.
b. Linsil ang kapalaran ni Florante kay Laura.
c. Nagseselos si Laura kaya lumimot na lamang si Florante.
d. Sinabi ni Florante sa kausap na hindi taksil si Laura ngunit
hindi niya alam kung bakit siya ay nilimot ni Laura.

_________48. Dumating sa Atenas ang sulat mula kay Duke Briseo na


nagsasaad na ang kaniyang mapagmahal na ina ay pumanaw na.
Labis ang kalungkutang nadama ni Florante at nawalan ng malay.
Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Florante, paano mo haharapin
ang ganitong sitwasyon?
a. Magiging matapang at matatag na harapin ang kamatayan ng
ina kahit pa labis ang kalungkutang nadarama.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON

b. Hahayaang dumaloy ang luha upang mapawi ang lungkot na


nadarama at tuluyang makapagpatuloy sa buhay.
c. Magagalit sa aking ama sa paglilihim niya hinggil sa nangyayari
sa aking ina sapagkat nagdulot ito ng labis na kalungkutan sa
akin.
d. Magkukulong sa isang kuwarto at iiyak na lamang nang sobra,
sapagkat anoman ang mangyari ay hindi na maibabalik pa ang
buhay na nawala.

_________49. Sa pagpapalitan ng salaysay nina Florante at Aladin kaugnay ng


mga karanasan sa ama, lumalabas na may dalawang uri ng ama
sa pamilya, isang amang mapagmahal at isang amang
mapaghangad. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Aladin at
napagtanto mong pansariling kapakanan at kaligayahan lamang
ang nais ng iyong ama, kahit pa masagasaan ang iyong
kasiyahan, ano ang gagawin mo bilang isang anak?
a. Ipakikita pa rin ang paggalang at pagmamahal sa kabila ng
naranasan sa sariling ama sapagkat higit na matimbang ang
lukso ng dugo ng isang pamilya.
b. Kalilimutan ko na siya’y aking ama dahil hindi niya hinangad
ang kabutihan para sa akin. Naniniwala akong wala siyang
inisip kundi ang pansariling kapakanan lamang at kaligayahan.
c. Matinding pagkagalit ang madarama sapagkat di niya inisip ang
aking kinabukasan at kasiyahan. Baluktot ang kaniyang
paniniwala sa buhay lalo pa sa uri ng pagpapasya.
d. Hindi na siya paniniwalaan sapagkat ako’y kaniyang anak,
subalit hindi niya inisip ang patutunguhan ng kaniyang mga
aksyon. Higit pa rito ay wala siyang pagpapahalaga at
pagmamahal sa akin.

_________50. Batay sa saknong 156-171 ng Florante at Laura, binigyang-pansin


ang bukas-palad na pagtulong ni Aladin kay Florante sa dalawang
leon sa kabila ng pagiging magkaiba ng relihiyon at kulturang
pinanggalingan. Piliin sa sumusunod na kaisipan ang angkop na
pangyayari sa tunay na buhay batay nabasang saknong.
a. Maihahalintulad ito sa simpleng pakikipagkapuwa tao.
b. Ang pag-aalay ng tulong sa mga mahihirap nating kababayan
na walang hinihintay na kapalit.
c. Ang pagtulong ng mga non-government organizations sa mga
lubos na nangangailangan tulad ng pamamahagi ng suplay at
relief goods lalo sa oras ng mga sakuna.
d. Sa sunod-sunod na trahedya dulot ng kalikasan at mga
digmaan ay patuloy ang pagdami ng mga naghihirap hindi
lamang sa Pilipinas kundi sa lahat ng sulok ng mundo. Sa
kabila nito, marami pa rin ang nag-aabot ng tulong sa iba’t-
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON

ibang bansa, kahit hindi magkakaalyado upang makaraos sa


suliraning naranasan. Ito ang unibersal na batas ng mundo,
ang bukas-palad na pagtulong sa mga nangangailangan.

You might also like