You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF AURORA

PANDIBISYONG PAGTATÁSA SA IKAAPAT NA KUWARTER SA FILIPINO 8


Pangalan: ___________________________ Petsa: _____________
Baitang at Pangkat: __________________ Marka: _____________

PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.
1. Alin sa sumusunod ang dahilan ni Balagtas sa kaniyang paghihimagsik at pagsulat ng
Florante at Laura?
A. Dahil inaabuso nila ang mga kababaihan
B. Dahil nangangamkam sila ng mga lupain
C. Dahil malulupit ang nanunungkulan sa bansa
D. Dahil kinukulong noon ang walang pambayad sa abogado.

2. Matapos maisulat ang Florante at Laura, matagal nang panahon ang nakaraan, nagdulot
ito sa kasalukuyan ng ______________.
A. kalayaan C. kaunlaran
B. kasamaan D. kasakiman

3. Ang naging epekto ng pagsulat ng Florante at Laura sa nakabasa ay _____________.


A. pagkamulat ng Pilipino
B. pagsunod sa pamunuan
C. pagsang-ayon sa kamalian
D. pagkagalit sa mga Espanyol

4. Alin sa sumusunod ang mahalagang pangyayari sa bahaging “Kay Selya”?


A. Huwag babaguhin ang berso ng akdang binabasa.
B. Inilahad dito ang wagas na pag-ibig ni Balagtas kay Selya.
C. Binanggit dito na ang umibig ay sadyang mahirap at malupit.
D. Inilahad dito na huwag tularan ang labis na paglalaan ng pag-ibig ni Balagtas.

5. Alin sa sumusunod na pahayag ang kaisipang lumutang sa bahaging “Sa Babasa Nito”?
A. Huwag babaguhin ang berso ng akdang binabasa.
B. Sumangguni muna sa ibang tao upang maintindihan ito.
C. Huwag tumulad kay Balagtas na lubos kung maglaan ng pagmamahal.
D. Basahin muna ang panimula at dulong bahagi nito upang maintindihan.

6. Alin sa sumusunod na pahayag ang pinalulutang sa mga saknong ng “Hinagpis ni


Florante”?
A. Ang pagkakagapos nito sa puno ng higiera.
B. Ang pag-aakalang inagaw ni Adolfo si Laura.
C. Ang pag-ala-ala ni Florante sa kanyang kamusmusan.
D. Ang labis na lungkot ni Florante sa pagkamatay ng pinakamamahal na ina.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF AURORA

Para sa bilang 7-9: Basahin ang mga pahayag sa ibaba at piliin ang pinakaakmang damdaming
namamayani rito.
7. “Dito na nahubdan ang kababayan ko
Ng hiram na bait na binalatkayo,
Kahinhinang asal na pakitang-tao
Nakikilalang hindi bukal kay Adolfo.”
A. pag-asam C. pagtanggap
B. pagkagulat D. pag-aalinlangan
8. Namangha ang hari at niyakap ako.
‘Mabuting panahon itong pagdating mo,
Ikaw ang heneral ng hukbong dadalo
Sa bayang Krotonang kinubkob ng Moro.”
A. Pagkatuwa C. pagkagulat
B. Pagkagalit D. pagtanggap
9. “At kung ang hapis ko’y masawata
Sa pilikmata mo’y dadaloy ang luha;
Napasaan ngayon ang gayong aruga,
Sa dala kong sakit ay di iapula?
A. Pagkagalit C. pagkatakot
B. Pagkagulat D. pagkalungkot
10. Nang makita ni Florante si Aladin sa kaniyang pagmulat, natakot ito at pilit na umaalis sa
kanyang bisig. Nakilala niya ang binata base sa kaniyang kasuotang pangmoro
samantalang siya’y Kristiyano. Angkop ba ang reaksiyon ni Florante para kay Aladin?
A. Hindi, dahil isa talaga itong kaaway.
B. Oo, dahil malaki ang hidwaan noon ng Moro at Kristiyano.
C. Hindi, dahil nararapat siyang maging masaya agad dahil siya’y ligtas na.
D. Oo, dahil inilaan ni Aladin ang kaniyang buhay para mailigtas si Florante.

11. Sa pagkakataong nakita at narinig ni Aladin si Florante ay naramdaman niya ang


pagkaawa dahilan na rin sa pareho nilang kapalaran. Isa pa rito’y nakadama rin siya ng
takot para sa buhay ng nakataling binata mula sa kamay ng mga mababangis na hayop.
Agad tinulungan ni Aladin nang walang alinlangan at pinatay ang dalawang leon. Anong
damdamin ang mahihinuha sa pangyayaring inilahad?
A. pagsisisi C. pagkagalit
B. pagkaawa D. pagkalungkot
12. Bakit kalangitan bingi ka sa akin,
ang tapat kong luhog ay hindi mo dinggin?
diyata’t sa isang alipusta’t iling,
sampung tainga mo’y ipinangunguling?
Ano ang nais ipakahulugan ng matalinghagang ekspresyon na may salungguhit?
A. hindi nakakikita
B. nagtutulog-tulugan
C. nagbibingi-bingihan
D. hindi nakararamdam
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF AURORA

13. Ang paligid ng gubat ay kulay luksa at nakikiayon sa nakaliliyong masangsang na amoy.
Ano ang nais ipakahulugan ng tayutay na may salungguhit?
A. Ang paligid ay malungkot at mapanganib.
B. Ang kapaligira’y nagluluksa o nagdadalamhati.
C. Ang paligid ay madawag at kung titingna’y tila walang kaginhawaan.
D. Ang kapaligira’y nagsasaad ng labis na kalungkutan, pagkatalo at kawalang pag-
asa.

14. “Sa sinapupunan ng Konde Adolfo aking natatanaw si Laurang Sinta ko”. Ano ang nais
ipakahulugan ng pariralang may salungguhit?
A. Magkalayo sina Laura at Florante.
B. Nasa kandungan ni Adolfo si Laura.
C. Biglaan ang naging pagkakaibigan nina Laura at Adolfo.
D. Nagalak si Florante dahil kasama na niya si Adolfo sa gubat.

15. Anong simbolismo ang nais ipahayag ng sinalungguhitang parirala sa saknong?


“Kung ako’y mayroong kahapisang munti,
Tatanungin mo na kung ano ang sanhi
Hanggang di malinang ay idinarampi
Sa mukha ko ang rubi mong labi
A. mapupulang mga labi
B. makapal ang mga labi
C. makintab ang mga labi
D. nakahuhumaling na mga labi

16. Ang Florante at Laura ang pinakadakilang pamana ni Francisco Balagtas sa kaniyang
bayan. Alin sa sumusunod ang pinakanilalayong ipabatid ni Balagtas?
A. magbigay gabay ito sa kalayaan
B. ibilang ito sa asignaturang Filipino
C. maging mapagmahal tayo sa kapuwa
D. pulutin ang mga aral sa buhay pag-ibig

17. Sa panahon ngayon na laganap ang paggamit ng teknolohiya, akma at nararapat pa bang
basahin ang Florante at Laura?
A. Oo, dahil obra maestra ito ng kapwa Pilipino.
B. Hindi, sapagkat mahirap itong maunawaan ng mga kabataan.
C. Hindi, sapagkat lumipas na ang hidwaan sa pagitan ng mga Kastila at Pilipino.
D. Oo, dahil naging daan ito upang mamulat ang mga Pilipino sa pagmamalupit ng
mga Kastila.

18. Makikita kay Adolfo ang pagka-beast mode nito kay Florante dahil nalalamangan na ito
sa klase kahit na ito ay bagong dating lang sa paaralan. Ang salitang beast mode ay
nagpapahayag ng damdaming:
A. Naiinis C. nalulungkot
B. Nagagalit D. nagdadalamhati
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF AURORA

19. Loding-lodi talaga si Francisco Balagtas sa pagkakasulat niya ng akdang Florante at


Laura. Ang salitang loding-lodi ay nagpapahayag ng damdaming:
A. pag-asa C. pagkalinga
B. paghanga D. pagmamahal

20. Ikaw ay naatasang hingian ng marka sa ginawang performans ng iyong kamag-aaral sa


isinagawang pagtatalumpati na nanghihikayat. Alin sa mga pamantayan ang dapat mong
bigyan ng pinakamataas na puntos?
A. Sariling katha ang binuong talumpati
B. Tamang bantas ng isinulat na talumpati
C. Tamang baybay ng mga salita ang ginamit
D. Wastong paggamit ng mga salitang nanghihikayat

21. Ikaw ay kinuha bilang panauhing pandangal sa paaralang iyong pinag-aralan ng


sekondarya. Ang hangarin ng paaralan ay upang makahikayat ng mga magsisipagtapos
na magsikap sa pag-aaral dahil ang kahirapan ay hindi permanente. Alin sa mga
sumusunod na pahayag ang pinakaakmang sabihin?
A. “Kung hindi ka mag-aaral, habambuhay kang mahirap at tambay.”
B. “Magsikap ng pag-aaral dahil ikaw mismo ang lalagot sa tanikala ng kahirapan.”
C. “Kung hindi ka magtatapos, matutulad ka lamang sa mga nagtatrabaho ng
arawan.”
D. “Kailangan mong pilitin ang iyong magulang na pag-aralin ka kahit mahirap ang
buhay.”

22. Susulat ka ng isang talumpati na nanghihikayat, alin sa sumusunod ang nararapat mong
isaalang-alang sa pagsulat upang makuha mo ang atensyon ng tagapakinig?
A. Gumamit ng kaakit-akit na panimula
B. Unahin ang katuwirang may batayan
C. Magbigay ng impormasyong may ebidensiya
D. Gumamit ng mga matatalinghagang pahayag

23. Alin sa sumusunod ang pinakaakmang parirala ang kokompleto sa linya ng talumpating
nasa ibaba.
Tunay nga ang kasabihang, “Ang kabataan ay pag-asa ng bayan, ________________”
A. kung kaya’t iwasan ang mga bisyo at masasamang gawain.
B. dahil hindi uunlad ang bayan kung marami sa inyo ay problema ng lipunan.
C. sapagkat sa iyo nakasalalay ang maayos na kinabukasan ng susunod na
henerasyon.
D. kung kaya sa iyo nakapatong ang malaking responsibilidad sa pagsasaayos ng
bayan.

Para sa bilang 24-27. Punan ng akmang salita na nanghihikayat ang patlang upang mabuo ang
diwa ng pangungusap.
24. Ang isang Moro’y mayroon ding damdaming nagpapailalim sa utos ng langit; _____ ngang
sinumang kawawa ay dapat kahabaan kahit na itoy isang kaaway.
A. tama C. talaga
B. tunay D. siyanga
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF AURORA

25. “Ang batang laki sa layaw, karaniwan ay hubad sa bait at muni’t sa hatol ay salat”
______ang kaisipang ito.
A. oo C. tunay nga
B. totoo D. siyempre

26. Dapat ______unahin na makatulong sa kapuwa kahit magkaiba man kayo ng


pinagmulang sekta at pananaw.
A. tamang C. tunay nga
B. totoong D. talagang

27. ______si Duke Briseo ay uliran sa bait at pangunahin sa tapang; walang kasimpantay
magmahal sa anak, magturo at mag-akay.
A. Tunay ngang
B. Tumpak talagang
C. Naniniwala akong
D. Syempre naman

28. Sa tinaghoy-taghoy na kasindak-sindak,


Gerero’y hindi na napigil ang habag,
Tinunton ang boses at siyang hinanap,
Patalim ang siyang nagbukas ng landas.”
Ano ang larawang nabuo sa pahayag?
A. Ipinagwalang-bahala ni Aladin ang kaniyang narinig.
B. Natakot si Aladin at hinayaan ang boses.
C. Naawa si Aladin at tinulungan si Florante.
D. Umiyak na lamang si Aladin sa kaniyang narinig.

29. Aling saknong sa ibaba ang nagpapahayag ng tagubilin ni Balagtas na basahin ang
kaniyang
A. Kung sa biglang tingi’y bubot at
B. Ikaw na bulaklak niyaring dili-dili,
masaklap,
Celiang sagisag mo’y M. A. R. (eMe
Palibhasa’y hilaw at mura ang balat
A eRe)
Nguni’t kung namnamin ang sa
Sa Birheng mag-ina’y ipamintakasi
lamang lasap,
Ang tapat mong lingkod na si F. B
Masasarapan din ang babasang
(eFe Be)
pantas
C. Kung sa pagbasa mo’y may tulang D. Di ko hinihinging pakamahalin mo,
Malabo, Tawana’t dustahin ang abang tula ko;
Bago mo hatulang katkatin at liko, Gawin ang ibigi’t apla’y nasa iyo,
Pasuriin muna ang luwasa’t hulo Ay huwag mo lamang baguhin ang
At makikilalang malinaw at wasto berso.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF AURORA

30. Aling saknong sa ibaba ang nagpapakita ng tapat na pag-ibig ni Balagtas kay Selya?
A. Kung sa biglang tingi’y bubot at
B. Ikaw na bulaklak niyaring dili-dili,
masaklap,
Celiang sagisag mo’y M. A. R. (eMe
Palibhasa’y hilaw at mura ang balat
A eRe)
Nguni’t kung namnamin ang sa
Sa Birheng mag-ina’y ipamintakasi
lamang lasap,
Ang tapat mong lingkod na si F. B
Masasarapan din ang babasang
(eFe Be)
pantas
C. Kung sa pagbasa mo’y may tulang D. Di ko hinihinging pakamahalin mo,
Malabo, Tawana’t dustahin ang abang tula ko;
Bago mo hatulang katkatin at liko, Gawin ang ibigi’t apla’y nasa iyo,
Pasuriin muna ang luwasa’t hulo Ay huwag mo lamang baguhin ang
At makikilalang malinaw at wasto berso.

31. Sa isang gubat na mapanglaw


dawag na matinik ay walang pagitan
halos naghihirap ang kay Pebong silang,
dumalaw sa loob na lubhang masukal
Alin sa sumusunod ang hindi isinasaad ng bahaging may salungguhit?
A. Puno ng dawag ang gubat
B. Naglalakihan ang mga puno sa loob ng gubat.
C. Nahihirapang makapasok ang liwanag sa loob ng gubat.
D. Nagkalat ang mga mababangis na hayop sa loob ng gubat.

Para sa bilang 32-35. Suriin ang pangunahing kaisipan ng bawat saknong.


32. Saknong 87: “Kung sa gunita ko’y pagkuru-kuruin,
ang pagkahulog mo sa kamay na taksil.
parang nakikita ang iyong narating,
parusang marahas na kalagim-lagim.
A. Naalala niya ang sinapit ni Duke Briseo.
B. Naramdaman ni Florante ang paghihirap ng kaniyang ama.
C. Ipinagtataka ni Florante ang mga nagaganap sa kaniyang ama.
D. Iniisip ni Florante kung paano pahirapan ang ama sa kamay ni Konde Adolfo.

33. Saknong 103: “Ang matatawag kong palayaw sa akin


ng ama ko’y itong ako’y pagliluhin;
agawan ng sinta’t panasa-nasaing
lumubog sa dusa’t buhay ko’t makitil.
A. Nangungulila siya sa kaniyang ama.
B. Isang maarugang ama at puno ng mga pangaral sa kaniyang anak.
C. Inagaw ng mapaghangad na ama ang kaligayahan ng sariling anak.
D. Tingin ni Aladin sa sarili ay parang inabandona na siya ng pagmamahal na ama.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF AURORA

34. Saknong 80: “O pagsintang labis na makapangyarihan,


sampung mag-ama’y iyong nasasaklaw!
pag ikaw ang nasok sa puso ninuman,
hahamakin lahat, masunod ka lamang.”
A. Hindi kailangang pigilan ang nararamdaman sa isang tao.
B. Tunay na may kapangyariran ang pag-ibig sa buhay ng isang tao.
C. Marami mang pagsubok ang dumating sa pagmamahalang ito ay ipaglalabanan.
D. Kapag ika’y umibig ng wagas, walang kahit na sinuman ang makakapigil sa iyong
nararamdaman.
35. Saknong 322: “Aking dali-daling kinalag sa kamay
ang lubid na walang awa at pitagan,
mga daliri ko’y naaalang-alang
madampi sa balat na kagalang-galang.”
A. Nainip siya habang kinakalagan niya si Laura.
B. Mabilis at buong ingat na kinalag ni Florante sa pagkakatali si Laura.
C. Ibayong lakas ang ginamit ni Florante upang makalag sa pagkakatali si Laura.
D. Marahas na tinanggal ni Florante ang lubid sa kaniyang pagmamadaling masagip
si Laura.

Saknong 134: Inusig ng taga ang dalawag leon,


Si Apolo mandin sa serpyente Piton,
Walang bigong kilos na di nababaon
Ang lubhang bayaning tabak na pamutol
Saknong 135: Kung ipamilantik ang kanang pamatay
At saka isalag ang pang-adyang kamay,
Maliliksing leon ay nangalilinlang,
Kaya di nalao’y nangagumog bangkay
36. Batay sa saknong na nabasa sa itaas, mahihinuhang ang pangunahing kaisipan nito ay
____________.
A. Si Aladin ay likas na mabuting tao dahil iniligtas nito ang binata na nasa bingit ng
kamatayan.
B. Madiskarteng maituturing si Aladin dahil nagawa nitong sabay na kalabanin ang
dalawang leon.
C. Sanay na sanay si Aladin sa paghawak ng espada at kung paano ito gamitin sa
maliksing kaawa.
D. Si Aladin ay ubod ng liksi kung kaya’t ang makikipagmook nito sa dalawang leon
ay madali lamang.
37. Suriin ang saknong sa ibaba. Anong kaisipan ang isinasaad sa saknong?
Anong loob kaya nitong nakagapos,
ngayong nasa harap ng dalawang hayop,
na ang balang ngipi’t kuko’y naghahandog,
isang kamatayang kakila-kilabot?
A. Ipinahahayag sa saknong na ang ngipin at kuko nito ay mapanganib
B. Isinasaad sa saknong na ang nasa harap ng binate ay dalawang leon
C. Isinasaad sa saknong na ang kamatayan ang pangyayaring kakila-kilabot
D. Ipinahahayag sa saknong na ang dalawang leong mapanganib at kamatayan ang
handog
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF AURORA

38. Mula sa saknong 100 na nasa ibaba. Ano ang mahihinuhang dahilan ng matinding
pagluha ng binata?
Sa sintang inagaw ang itinatangis,
Dahilan ng aking luhang nagbabatis;
Yao’y nananaghoy dahil sa pag-ibig
Sa amang namatay na mapagtangkilik. _mula sa kabanata ng ‘Ang Gererong Bayani’
A. pagtataksil sa kaniya ng taong minamahal
B. pag-agaw ng kaniyang sinta at pagkamatay ng kaniyang ama
C. binugbog at pinahirapan siya ng kaniyang karibal kasama ang mga kaanib nito
D. pagkawala ng kaniyang minamahal na kaharian at pagkamatay ng kaniyang ama

39. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kaisipan ng saknong 149-150 sa ibaba?


Saknong149: Ipinahahayag ng pananamit mo
Taga, Albanya ka't ako ay Persiyano
Magkaaway ang baya't sekta
Sa lagay mo ngayon magkatoto tayo

Saknong 150: Moro ako’y lubos na taong may dibdib,


At nasasaklaw rin ng utos ng langit
Dini sa puso ko’y kusang natitinik,
Natural na lei-ing sa abay’y mahapis

A. Ipinahahayag sa talata ang kaibahan ng mga Moro at Kristiyano.


B. Isinasaad na moro mang naturinga’y taong may awa rin sa Kristiyano.
C. Isinasaad na ang mga moro ay natural na mabubuti ang mga puso at likas na
maaawain.
D. Ipinahahayag na magkaiba man ng paniniwala’y handang tumulong pa rin sa
nangangailangan.

Para sa bilang 40-45. Basahin at unawaing mabuti ang bawat saknong. Sagutin ang mga tanong
na makikita sa bawat bilang.
I. Sa isang madilim, gubat na mapanglaw IV. Ang mga bulaklak ng nagtayong kahoy,
Dawag na matinik ay walang pagitan pinakamaputing nag-uungos sa dahon
Halos naghihirap ang kay Pebong silang, pawing kulay luksa at nakikiayon
Dumalaw sa loob na lubhang masukal sa nakaliliyong masangsang na amoy

II. Malaking kahoy ang inihandog V. Karamiha’y Cipres at Higerang kutad


Pawing dalamhati, kahapisa’t lungkot; na ang lilim niyon ay nakasisindak;
Huni ng ibon ay nakalulunos ito’y walang bunga’t daho’y malalapad
Sa lalong matimpit masasayang loob na nakadidilim sa loob ng gubat

III. Tanang mga baging na namimilipit VI. Ang mga hayop pang dito’y gumagala
Sa sanga ng kahoy ay balot ng tinik; karamiha’y Sierpe’t Basilisco’y madla,
May bulo ang bunga’t nagbibigay-sakit Hiena’t Tigreng ganid na nagsisisila
Sa kanino pa mang sumagi’t malapit ng buhay ng taot daiging kapuwa
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF AURORA

40. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa gubat na lubos na nagpapahirap sa pagsapit ng
liwanag sa loob ng gubat?
A. Cipres at Higerang kutad
B. malungkot ang huni ng ibon
C. puno ng tinik ang mga baging
D. mga bulaklak ng nagtatayong kahoy

41. Ano-ano ang mga hayop na matatagpuan sa gubat na kinaroroonan ni Florante?


A. Higera, Tigre at Hiena
B. Sierpente, Hiena at tigre
C. Cipres, Higera at Sierpente
D. Sierpente, Basilico at Cipres

42. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng gubat?


A. puno ng mga bulaklak
B. balot ng dilim ang loob nito
C. maraming matatagpuang mga hayop
D. mga ibong nagsasalimbayan sa paghuni

43. “Halos naghihirap ang kay Pebong silang, dumalaw sa loob na lubhang masukal”. Ano ang
mahihinuhang kalagayan ng gubat na kinaroroonan nang nakagapos na binata?
A. balot ng mapanganib na tinik ang kagubatan
B. naglalakihan ang mga puno sa loob ng gubat
C. nagkalat ang mga mababangis na hayop sa loob ng gubat
D. nahihirapang makapasok ang liwanag sa loob ng kagubatan

44. Mula sa binasang saknong na nasa itaas “Sa isang madilim, gubat na mapanglaw”, Anong
pahayag ang nagpapatunay na naging mapanganib ang mga bulaklak sa loob ng gubat?
A. kahandaang sumila ng buhay
B. lasong taglay ng mga tangkay
C. naglalakihan nitong mga dahon
D. masangsang at nakahihilong amoy

45. Mula sa saknong na nasa itaas ano ang mabubuong kaisipang naglalarawan sa gubat na
mapanglaw?
A. Malinis
B. Madilim
C. Maaliwalas
D. Mapanganib
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF AURORA

46. Suriin ang emosyong nangingibabaw sa saknong na nasa ibaba. Alin sa sumusunod na linya
ang akmang gamitin para sa isang monologo?
Sa isang madilim gubat na mapanglaw,
Dawag na matinik ay walang pagitan,
Halos naghihirap ang kay Pebong silang,
Dumalaw sa loob na lubhang masukal.

A. “Napakadawag na paligid, nasaan ka Amang aking kailangan!”


B. “Nasaan ang katarungan at ako’y dinala sa sa ganitong kalalagayan!”
C. “Binabalot ako ng kadiliman, ni munting sinag ng araw ay hindi ko makamtan!”
D. “Kahindik-hindik ang aking karanasan hindi ko na makayanan ang sakit na aking
nadarama!”

47. Nais mong maramdaman ng iyong mambabasa ang pangungulila ni Florante sa kaniyang
inang namayapa. Alin sa sumusunod ang pahayag na maaari mong isulat at bigkasin?
A. “Inang mapagkandili, iyong lutasin suliraning di ko kayang tapusin!”
B. “Halina ina ko, iyong aliwin ang bunso mong sa hapis ay ‘di na palalayain!”
C. “Asan ka ina at ako’y ‘di na makawala sa pagkakahandusay na aking napala!”
D. “O, ina kong mahal ikaw ba’y nasaan at hinahayaan mong ang bunso mo’y nasa
ganitong kalalagayan”

48. Ikaw ay susulat ng isang monologo ng alinmang tauhan sa Florante at Laura. Alin sa mga
pamantayan ang dapat mo isasaalang-alang kung emosyon ang bibigyang-pansin?
A. May pagkakasunod-sunod ang mga pangyayari.
B. Angkop at maayos ang pagkakagamit ng mga salita.
C. Nagagamit ang matatalinghagang ekspresyon, tayutay at simbolo.
D. Nagpapahayag ng damdamin gaya ng galit, tuwa, pagkadismaya atbp.

49. Alin sa mga pamimiliang parirala ang kokompleto sa pahayag na nasa ibaba kung ang nais
na mensahe ay naghihinagpis? “Nasa aking bisig, nasa aking palad ang kanyang palad,
subalit_____________________”
A. sa kasawian siya’y inagaw nang sukab
B. puso ko’y katahimikan na ang hangad
C. inagaw ka ng ama kong ikaw ang hangad
D. hindi na maari dahil iba na ang kumakandili

50. Anong linya sa monologo ang akmang sabihin kung ang emosyon na nais mong iparamdam
sa tagapakinig ay pagkabahala?
A. “Kandong ako ng isang Moro, kaaway ng lahi ko.”
B. “Hindi ka nararapat Adolfo na maging hari ng Albanya.”
C. “O Laura kong hirang ang puso ko’y lubos sa hinagpis.”
D. “Amang nasa langit ako’y iligtas sa mga hayop na mabangis.”

You might also like