You are on page 1of 3

Department of Education

Region VIII
Schools Division of Maasin City
LUNAS NATIONAL HIGH SCHOOL
Lunas, Maasin City
School ID: 323103

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 8

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang pamagat ng mga piling saknong sa Florante at Laura?


A. Ang hinagpis ng anak. C. Si Florante sa gubat na mapanglaw.
B. Ang hinagpis ni Florante. D. Si Laura at ang kanyang minamahal.

2. Kung kayo ang nasa katayuan ni Florante na nakagapos, ano ang gagawin mo?
A. Sumigaw ng malakas. C. Magpakamatay na lamang.
B. Tumahimik na lamang. D. Magpakatatag at manalangin sa Diyos.

3. Isang mahabang pagkukuwento ng isang aktor ng isang dula o sa tele-nobela, o isang bahagi ng
palabas o pagbabalita ng isang programa.
A. Awit B. Monologo C. Diyalogo D. Epiko

4. Anong ang mabuting dulot ng kaalaman sa pag-aral ng monologo?


A. Matuto ang mag-aaral. C. May kumpiyansa sa sarili.
B. Masanay ang mag-aaral. D. Lahat sa pagpipilian.

5. Ito ay tumutukoy sa lugar na doon isinagawa ang pangyayari sa kuwento o tagpo.


A. Tagpuan B. Tauhan C. Banghay D. Wala sa nabanggit

6. Layunin nitong makaimpluwensya at makumbinse sa pag-iisip at kilos ng tagapakinig.


A. Talumpating nagpapakilala C. Talumpating nagpapaalam
B. Talumpating nagnonomina D. Talumpating nanghihikayat

7. Karaniwang ginagamit ang mga salitang ito sa pagkukumbinsi ng isang tao.


A. Salitang maiksi C. Salitang kakaiba
B. Salitang mahaba D. Salitang nanghihikayat
8. Saan napabilang ang ga salitang nanghihikayat tulad ng totoo, sigurado, tama ka, tunay nga?
A. Pagsang-ayon C. Pagtutol
B. Pagsasalungat D. Pagtutulad

9. Anyo ng talumpating walang paghahanda kung saan binibigay lamang ang paksa sa oras ng
pagtatalumpati.
A. Ekstempore C. Memoryadong talumpati
B. Impromptu D. Pagbigkas na may Pyesa

10. Ito ay isang opinion o buod ng kaisipan na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa harap
ng entablado.
A. Balita B. Talumpati C. Sanaysay D. Tayutay

Panuto: Hanapin ang kasingkahulugan sa salitang may salungguhit. isulat ang titik ng tamang sagot.

11. Si Juan ay araw-araw na nagbabata sa trabaho para sa kanyang pamilya.


A. nagsisipag B.nagtitiis C. nagtitiyaga D.pumapasok

12. Si Lina ay napahagulgol sa pag-iyak dahil pinagliluhan siya ng kanyang asawa.


A. iniwan B. minahal ng labis C. pinagtaksilan D. sinampal

13. Pika ang gamit ng kanilang tribo sa pangangaso.


A. itak B. palakol C.pana D. sibat

14. Napakarawal ng nangyari sa kanyang buhay dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.


A. nakaaawa B. nakagugulat C. nakalulungkot D. napakasama

15. Lugami ang kanyang katawan dahil sa isang karamdaman.


A. hirap B. mahina C. malungkot D. payat

16. Sa isang madilim at mapanglaw na gubat doon nakagapos si Florante.


A. Madilim C. Malungkot
B. Maliwanag D. Masukal

17. Sa loob at labas ng bayan kong sawi kaliluha’y naghari.


A. Kabutihan C. Kasaganahan
B. Kaguluhan D. Kasamaan

18. Nakalulunos isipin ang nangyayari sa buhay ni Florante.


A. Nakaaliw C. Nakatawag-pansin
B. Nakatatakot D. Nakasisislaw

19. Nagpakita na Pebong silang sa umagang ito.


A. Araw B. Gabi C. Bituin D. Hangin

20. Si Laura ay malumbay ng iniwan ng mahal sa buhay.


A. Maligaya B. Masaya C. Malungkot D. Masigla

Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat pangungusap. Piliin and sagot sa loob ng kahon.

Ngunit Kaya Subalit Sa wakas Sapagkat

21. Walang akses ng internet si Ryan ___________ nabigyan pa rin siya ng pagkakataong mag-aral
dahil sa mga nakalimbag na modyul.
22. ___________ mapagmahal na ama si Duke Briseo kay Florante
23. Marami ang namamatay sanhi ng Covid-19 virus___________ hindi sila sumunod sa health
protocols.
24. sang magandang balita ang pagkakaroon ng bakuna laban sa Covid-19 ____________ marami pa
rin ang nangangamba at ayaw magpaturok ng bakunang ito.
25. __________ natapos ko ng maaga ang aking mga gawain sa pagktuto ngayong ikalimang linggo.

Panuto: Isulat ang Tsek ( ∕ ) ang linya bago ang numero kung sa tingin mo ang pahayag ay isa sa
mga hakbang sa pagsasagawa ng radio broadcasting.

______ 26. Maging magalang sa pagtatapos ng iyong broadcast.

______ 27. Huwag maging handa sa pagbobroadcast

______ 28. Gumawa ng pananaliksik tungkol sa paksa.

______ 29. Gawing mahaba at maligoy ang pangungusap at mga ideya sa radio broadcasting.

______ 30. Maging maingat sa mga salitang gagamitin mo sa pagbo-broadcast.

You might also like