You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V (Bicol)
Schools Division of Albay
SAN FERNANDO NATIONAL HIGH SCHOOL
San Fernando, Sto. Domingo, Albay
LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 8
Ikaapat na Markahan
Taong Akademiko 2021-2022

Pangalan:____________________________________ Baitang at Seksyon:______________________ Score:__________

I. MULTIPLE CHOICE
Panuto: Piliin ang titik ng iyong sagot. Isulat ito sa patlang.

______1. Ano ang pangalan ng pag-ibig ni Francisco na siyang inspirasyon niya sa pagsulat ng Florante at Laura?
a. Juana Tiambeng b. Maria Asuncion Rivera c. Maria Leonor Rivera d. Juana Dela Cruz
______2. Ano ang dahilan kung bakit nabilanggo si Francisco sa ikalawang pagkakataon?
a. Pagsulat niya ng mga akdang laban sa pamahalaang Kastila
b. Iniutos ni Mariano Capule na siya ay ipabilanggo
c. Inakusahan siya sa pagpuputol ng buhok ng isang katulong
d. Pagnanakaw sa Hukuman ng Kapayapaan kung saa siya nagtrabaho
______ 3. Sino ang katunggali ni Florante sa pag-ibig ni Laura?
a. Juan b. Aladin c. Adolfo c. Mariano
______ 4. Ano ang katungkulan ni Duke Briseo sa kahariang Albanya?
a. Kanang kamay ni Haring Linceo
b. Asawa ng Prinsesa ng Krotona
c. Punong tagapayo ng Haring Linceo
d. Pinuno ng hukbong Albanya
______ 5. Ano ang tawag sa punungkahoy kung saan nakagapos si Florante?
a. Higera b. Basilisko c. Cocito d. Sipres
______ 6. Alin sa sumusunod ang hayop na hindi nabanggit sa Aralin 1 na matatagpuan sa gubat?
a. Hyena b. Serpiyente c. Sipres d. Basilisko
______ 7. Hindi pinapayagang sumulat ng mga akdang laban sa mga kastila ang mga Pilipino, ang sinomang magtangka ay pinararatangan
ng pagiging pilibustero. Anong paghihimagsik ang kinabibilangan ng sitwasyong iyong binasa?
a. Himagsik laban sa hidwaang pananampalataya c. Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan
b. Himagsik laban sa malupit na pamahalaan d. Himagsik laban sa maling kaugalian
______ 8. Anong paghihimagsik sa akdang Florante at Laura ang tumutukoy sa pangyayari sa akda na ang Moro at Kristiyano ay pwede
ring mahing magkaibigan?
a. Himagsik laban sa hidwaang pananampalataya c. Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan
b. Himagsik laban sa malupit na pamahalaan d. Himagsik laban sa maling kaugalian
______ 9. Paano mo mailalarawan ang gubat kung saan nakagapos si Florante?
a. Madilim at mapanglaw c. Makalat at madilim
b. Payapa at maaliwalas d. Maaliwalas at maliwanag
______ 10. Bukod sa pagiging isa sa mag-aaral sa Atenas, ano pa ang kaugnayan ni Antenor kay Menandro?
a. Anak b. Pamangkin c. Inaanak d. Kapatid
_____ 11. Anong uri ng tula ang Florante at Laura? Sa pagsasalarawan, ito ay tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan at
pakikipagsapalaran ng mga hari at reyna, prinsipe at prinsesa na may 12 sukat/ pantig bawat taludtod.
a. Korido b. Awit c. Blangko Berso d. Malayang taludturan.
______ 12. Anong pag-uugaling pinag-ugatan sa ipinamalas ni Adolfo na pag-angkin sa kahariang Albanya at kay Laura?
a. Inggit b. Pagmamalaki c. Poot d. Yabang
______ 13. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga dahilan ng kasawiang palad ni Florangte na nag-uudyok sa kanyang ibigin na
lamang na mamatay?
a. Pagtataksil ni Laura c. Pagkatalo niya sa paaralan
b.Pagkamatay ng kanyang ama d. Kalagayan ng Albanya sa kamay ni Adolfo
______ 14. Sa loob ng piitan, ano ang emosyong namayani kay Francisco Balagtas Baltazar nang ipakulong siya ni Mariano?
a. Pangungulila kay Selya c. Paghihimagsik ng damdamin laban kay Mariano
b. Pagkaawa sa sarili d. Paghihinayang sa sinapit ng kanyang buhay
______ 15. Ano ang ibinilin ni Francisco Balagtas Baltazar sa kanyang mga anak bago siya mamatay?
a. Ipagpatuloy ang pagsulat ng mga akda c. Ibahagi sa iba ang mga naisulat niyang obra
b. Huwag maging manunulat d. Itago ang lahat ng kopya ng mga akda nang hindi makumpiska ng mga prayle
______ 16. Sino ang kaibigang nasumpungan ni Laura na siyang nagligtas sa kanya nang siya at tangkang gahasain ni Adolfo?
a. Florante b. Flerida c. Aldain d. Miramolin
______17. Ano ang ginawang hakbang ni Adolfo upang maipadakip si Florante?
a. Paghuhuwad sa lagda ng hari sa kasulatang nag-uutos na dakpin si Florante?
b. Paglalason sa isip ng hari
c. Pakikipagtulungan sa hukbo ng Persiya upang masakop ang Albanya
d. Pagpapalaganap ng kasinungalingan tungkol kay Florante.
______ 18. Anong damdamin ang namayani kay Florante nang matanggap niya ang sulat galling sa Albanya na naging dahilang upang
magmadali siyang umuwi sa kanyang bayan?
a. Pagkapoot b. Paghihinagpis c. Pagsisisi d. Pagkasindak
_______19. Anong kaganapan sa Atenas ang naging hudyat ng hidwaan sa pagitan ni Adolfo at Florante?
a. Talakayan sa isang asignatura c. Pagtatanghal ng dula
b. Pagdating ng liham sa Atenas d. Debate sa pagitan ng mga mag-aaral
_______ 20. Sino ang naging mahigpit na katunggali ni Aladin sa pag-ibig ni Flerida?
a. Florante b. Adolfo c. Ali-Adab d. Menandro

II. PAGTUKOY
A. Panuto: Piliin mo sa loob ng kahon ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat nang madiin sa bawat bilang. Isulat ang
tamang sagot sa patlang bago ang bilang

Asawa Mahirap Kamalasan Mapigil


Mapang-abuso Sulat Mayaman Uunawa
Paghihirap Hindi makita ang sikat ng araw Anak Dumadaloy
Magtaksil Panliligaw Nakatulog Kilala

_____21. Hindi lubos maisip ni Francisco na kasawiang-palad ang kanyang masusumpungan sa unang pag-ibig.
_____22. Kahit siya ay anak-dalita, sa tulong ng mayamang kamag-anak at pagpupursige ay nagawa ni Francisco na makapagtapos ng
pag-aaral.
_____23. Ang paniningalang-pugad ni Florante kay Laura ay masasalamin sa kultura ng pag-iibigan at pag-aasawa ng mga Pilipino sa
panahon ng mga Kastila.
_____24. Siya ay nakapag-aral sa ibang bansa sapagkat galing siya sa marangyang pamilya.
_____25. Siya ay kabiyak ng dibdib ng pangulo ng bansa kaya tinatawag siyang first lady ng mga mamamayan.
_____26. Sina Mr/Mrs. Flores ay biniyayaan ng limang supling bunga ng kanilang pagmamahalan.
_____27. Sa labis na pagod ni Jose sa pagtatanim ng mais siya ay pansamatalang naidlip sa ilalim ng punong mangga.
_____28. Sa gubat kung saan nakagapos si Florante halos naghihirap ang kay Febong silang dumalaw sa loob nito.
_____29. Dahil sa lakas ng hangin nahirapan ang mga bombero na maapula ang sunog sa plasa.
_____30. Nakarating ang kalatas sa Atenas kung saan ang nilalamang ay ikinagimbal ni Florante.
_____31. May mga taong kayang maglilo sa bayan kapalit ng kapangyarihan at yaman.
_____32. Marami sa mga namumunong Espanyol kung kailan naisulat ang Florante at Laura ay mapagmalabis dahilan upang mag-alsa ang
ilan sa mga Pilipino.
_____33. Sa unang aralin ng Florante at Laura, ipinaabot ni Francisco ang mensahe at pasasalamat sa sinomang babasa ng akda at
sinabing ito’y mapapakinabangan nang sinomang tatarok
_____ 34. Ang pagdaralita ng kalooban ni Francisco habang siya ay nasa piitan ang nagsilbi niyang lakas upang kumatha ng obra.
_____ 35. Maraming luha ang tumagistis sa mata ng mga magulang at anak ng mga hinahagupit ng mga Espanyol sa tuwing hindi
makapagbigay ng buwis o makapagtrabaho para sa pamahalaan.
_____ 36. Naging bantog ang akdang Florante at Laura hindi lamang sa kariktan ng pagkakakatha nito maging sa pagsalamin nito sa
kalagayan ng bansa.

B. Panuto: Salungguhitan ang parirala / sugnay na nagpapahayag ng bunga at bilugan ang ekspresyong hudyat na ginamit. (2 puntos
bawat bilang)

37-38.Nagsagawa ng pag-aaral ang mga eksperto hinggil sa kalikasan ng Covid Virus at ang mekanismong maaaring makapigil dito kaya
nagawa ang mga bakuna.
39-40.Natuto siyang makisama sa ibang tao dahil sa ilang taon niyang paninirahan sa kaniyang mga tiyahin.
41-42.Sa tulong ng mayamang kamag kaya nakapag-aral si Francisco ‘Balagtas’ Baltazar sa Colegio de San Juan de Letran at Colegio de
San Jose.
43-44.Sanhi ng kabiguan sa pag-ibig at kalagayan ng bansang Pilipinas, naisulat ni Kiko ang akdang Florante at Laura.

III. TAMA O MALI


Panuto: Tukuyin kung ang sumusunod na pahayag ay wasto o hindi. Isulat ang Tama kung wasto at Mali kung hindi.

45. Sa gubat na madilim, pawang ang paa, kamay at leeg ni Florante ay nakatali sa punungkahoy.
46. Iniligtas ni Florante si Laura sa hukbo ni Aladin.
47. Ang bayan ni Aladin ay kaaway na mahigpit ng relihiyon at bayan ni Florante.
48. Pumayag si Laura sa kondisyon ni Adolfo na maging kabiyak nito kapalit ng kaligtasan ni Florante.
49. Bumalik si Florante kasama ang kanyang kaibigang si Menandro upang bawiin ang Albanya sa pamamahala ni
Heneral Osmalik.
50. Sa sandaling nakalag ang gapos kay Florante, ang kanyang ama ang unang hinagilap sa gitna nang kanyang sakit.

IV. PAGLIKHA
Panuto: Sumulat ng tula na may apat na taludtod, may tugma at sukat na 12. Gawaing paksa ang suliraning kinahaharap ng
Pilipinas sa kasalukuyang panahon. (10 puntos). Gumamit ng 1 salita/paririla na nagpapahayag ng saloobin, pagsalungat/
pagsang-ayon.

Halimbawa, Salungat akong lubos sa katamaran


Puno’t ugat ng matinding kahirapan
Puro dasal at awa, kilos ay kulang
Sarili’y ba’t hindi magawang tulungan

__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________

________________Binabati kita sa iyong ipinamalas na husay at pagtitiyaga sa Taong Akademiko 2021-2022!!!


___________________

Inihanda ni: Sinuri ni: Nabatid:

GERALDINE A. BALANA AILENE O. JESALVA SERAPION S. GONGONA JR.


Guro QAME Punungguro

You might also like