You are on page 1of 20

8

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Kaligirang Pangkasaysayan ng
Florante at Laura

AIRs - LM
Filipino 8 (Florante at Laura sa Kasalukuyang Panahon)
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at
Laura
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may-akda. Anomang paggamit o


pagkuha ng bahagi nang walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Aizha O. Quiñola, San Juan National High School


Khimberly Anna L. Cortez, Don Eulogio de Guzman Memorial NHS
Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph. D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph. D, EPS in Charge of LRMS

Luisito V. Libatique, Ph. D, EPS in Charge of Filipino

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin

Malugod na pagbati sa iyo kaibigan dahil nakarating ka na sa Ikaapat na


Markahan! Batid kong nakapagpamalas ka ng kagalingan sa mga nakaraang gawain
at aralin sa nakaraang markahan tungkol sa iba’t ibang anyo ng Kontemporaryong
Panitikan. Ngayon ay papadyak kang muli sa mga pagsubok na lalong ikauunlad ng
iyong kaalaman at ikalilinang ng iyong kakayahan.

Kaibigan, ngayon ay mababatid mo ang mga pagsubok sa pagtalakay natin sa


isa sa mga Obra Maestrang Pampanitikan ng Pilipinas – ang Florante at Laura ni
Francisco “Balagtas” Baltazar. Mabibigyang-halaga natin ang mga aral na dulot nito
sa Kasalukuyang Panahon. Tunay na sa iyong paglalayag ay makasasalubong mo
ang mga tinik ng karunungan na dapat mong tiisin at paghusayan upang maipunla
ang bagong kaalamang lalong lilinang sa iyong sariling talino at kakayahan.

Matutuklasan mo sa Modyul 1 ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante


at Laura. Palalawakin din ang iyong kaalaman tungkol sa wastong estruktura ng
awit at gagabayan ka upang lalong makilala ang mga Pangunahing Tauhan ng
Florante at Laura.

Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang sumusunod na


Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs):

1. Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng


pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahong naisulat ito, pagtukoy sa
layunin ng pagsulat ng akda at pagsusuri sa epekto ng akda pagkatapos itong
isinulat. (F8PS-IVa-b-33)
2. Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa
napakinggang mga pahiwatig sa akda. (F8PN-IVa-b-33)
3. Nailalahad ang damdamin o saloobin ng may-akda, gamit ang wika ng
kabataan. (F8WG-IVa-b-35)
Mga Tiyak na Layunin:
1. Natutukoy ang kawastuhan ng mga pahayag tungkol sa kaligirang
pangkasaysayan ng Florante at Laura.
2. Naibibigay ang tiyak na impormasyon tungkol sa talambuhay ni Francisco
Baltazar.
3. Napipili ang kaisipang ipinahihiwatig ng larawan ni Francisco Balagtas.
4. Natutukoy ang mga impormasyong may kaugnayan sa awit.
5. Natutukoy ang mga pangunahing tauhan sa Florante at Laura.
6. Naihahambing ang mga tauhan sa mga Pilipino sa kasalukuyan.
7. Nasusuri ang pangunahing tauhan batay sa taglay nitong mga natatanging
katangian upang hiranging tagapagligtas.
8. Masining na naisasalaysay ang nga katangian ng mga naibigang tauhan sa
akda.

Kaibigan handa ka na ba? Kung gayon, maaari mo nang simulan ang


mga pagsubok sa aralin

1
Aralin
Kaligirang Pangkasaysayan
1.1 ng Florante at Laura

Simulan

Paghusayan ang mga inihandang gawain kaibigan. Handa ka na ba?


Sige simulan na natin!
Gawain 1: Subok-Talino!
Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang nilalaman ng bawat pahayag tungkol sa
Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura. Kung Tama isulat ang titik
T at M naman kung mali. Ilagay ang iyong sagot sa sagutang papel.

_____ 1. Si Francisco “Balagtas” Baltazar ay isang mahusay na makata.


_____ 2. Ang obrang Florante at Laura na isang awit ay hinugot ni Francisco sa
kaniyang pinagdaanang sitwasyon.
_____ 3. Naipalimbag ang unang edisyon ng “Florante at Laura” noong 1839.
_____ 4. Nag-aral ng pagsusulat ng tula si Francisco sa ilalim ni Jose de la Cruz
o Huseng Sisiw.
_____ 5. Maraming lumabas na mga edisyon ng Florante at Laura na nasa
wikang Tagalog at Ingles, subalit natupok ang mga ito noong 1945,
nang magwakas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Gawain 2: Siya si FBB!
Panuto: Ibigay ang wastong impormasyon tungkol kay Francisco “Balagtas” Baltazar
gamit ang grapikong presentasyon. Maaari kang magsaliksik. Ilagay ang
iyong sagot sa sagutang papel.

Babaeng
Magulang Pinaghandugan ng
Ina: ________________ Florante at Laura
Ama: _______________ ____________________
_

Hinango mula sa Pinterest Philippines

Magbigay ng dalawang impormasyon tungkol sa


Kasaysayan ng Florante at Laura.

2
Mahusay! Naisakatuparan mo ang unang gawain. Ngayon ay
ipagpatuloy natin ang paglalayag mo upang lalong mapag-ibayo ang iyong
kaalaman.

Lakbayin

Nasubukan mo na bang gumawa ng tulang awit? Pamilyar ka ba sa


akdang Florante at Laura? Tara na’t maglakbay sa Kasaysayan ng Florante
at Laura Halina’t samahan mo ako!

Alam mo bang…
Si Francisco Baltazar o mas kilala bilang
Francisco Balagtas ay isang napakahusay na
makata noong panahon ng Espanyol at
hinahangaan pa rin hanggang ngayon dahil sa
impluwensiya niya sa ating panitikan lalo na ang
pinakatanyag niyang akdang “Florante at Laura”.

Ipinanganak ang makata noong Abril 2,


1788 sa Baryo Panginay sa Bigaa, Bulacan
(Balagtas na ngayon) kay Juan Balagtas, isang
panday at kay Juana de la Cruz. Si Francisco ang
pinakabata sa apat na magkakapatid. Noong
makatuntong siya ng eskuwela, nag-aral siya ng Larawan mula sa
Pilosopiya, Latin, Klasiko at Batas Kanoniko sa https://typicalkimimaegan.wordpress.com/2017/04/1
7/biography-of-francisco-balagtas-baltazar/
Colegio San Juan de Letran at sa Colegio de San
Jose at nakapagtapos siya noong 1812.

Ngunit ang isa sa pinakaimportanteng uri ng edukasyon ay nakuha niya


mula kay Jose de la Cruz, alyas Huseng Sisiw. Ito noo’y isa sa mga kinikilalang
makata ng Tondo at nagtuturo kapalit lamang ng ilang sisiw. Nag-aral nang
pagsusulat ng tula si Francisco sa ilalim nito at nangakong pagtatagumpayan ang
pagkatha ng tula.

Noong 1835, nanirahan si Francisco sa Pandacan kung saan niya nakilala


ang isa sa kaniyang musa na si Maria Asuncion Rivera. Ang tulang “Kay Celia” at
ang mga inisyal na “MAR” ay patungkol sa nasabing dilag. Ngunit sila ay isa
lamang sa mga patunay na may mga taong sadyang pinagtagpo ngunit hindi
naman itinadhana. Dumilim ang buhay ni Francisco dahil kay Mariano Capule,
isang manliligaw ni Celia. Ginamit ni Mariano Capule ang sariling yaman upang
maipakulong ang makata. Habang nasa piitan si Francisco, isinulat niya ang
obrang Florante at Laura na isang awit na hinugot din sa kaniyang
pinagdaraanang sitwasyon. Sadyang isinulat niya ang awit sa Tagalog, kahit na
ang lahat ng katha noon ay nasa wikang Espanyol.

Ayon kay Epifanio de los Santos (isang historian), nalimbag ang unang
edisyon ng “Florante at Laura” noong 1838 sa Palimbagan ng Unibersidad ng Sto.
Tomas, ito rin ang taon ng kaniyang paglaya. May 50 taong gulang na si Francisco

3
ng panahong iyon. Maraming lumabas na mga edisyon ng Florante at Laura na
nasa wikang Tagalog at Ingles, subalit natupok ang mga ito noong 1945.
Nalimbag lamang ang mga kopya ng akda niya sa mga mumurahing klase
ng papel (papel de arroz ayon kay Epifanio de los Santos) na yari sa palay na
ipinagbibili tuwing may misa at mga kapistahan sa halagang 10 sentimo bawat
isa. Natatangi ang Aklatang Newberry ng Chicago, Estados Unidos lamang ang
nakapagtabi ng mga kopyang nalimbag noong 1870 at1875, kabilang sa tinatawag
na Koleksiyong Ayer. Nabanggit ang mga kopyang ito sa Biblioteca Filipina ni T.
H. Pardo de Tavera. Magkatulad na magkatulad ang kopyang pang-1870 at ang
gawa noong 1875. Nalilimbag ang pamagat ng bersyong pang-1870 sa ganitong
paraan ng pagbabaybay.

Ang Florante at Laura ay isang tulang pasalaysay ng pag-ibig at puno ng


pagpapahalaga sa kabutihang-asal. Sinulat ito ni Francisco “Balagtas” Baltazar
dahil sa kaniyang marubdob na pagnanais na maisiwalat ang di-kanais-nais na
mga pangyayari sa kaniyang pinakamamahal na bayan. Matagumpay niyang
nagawa ito na hindi napahahamak ang sariling buhay sa pamamagitan nang
paggamit ng mga tauhang dayuhang hari, prinsipe at mandirigma. Sa katunayan,
ang mga tauhan ay binubuo ng mga Pilipino at Espanyol subalit ang mga
pangyayari ay ginanap sa Albanya bilang tagpuan sa halip na sa Pilipinas. Ito ay
binubuo ng tatlong bahagi: una: tulang paghahandog kay MAR, ikalawa,
panimulang tula sa mga babasa nito; at ikatlo, ang nilalaman ng tula,
pagsasalaysay ng kaniyang buhay.

Nagbago ang takbo sa buhay pag-ibig ni Francisco at ikinasal siya kay


Juana Tiambeng noong Hulyo 22, 1842 sa isang seremonya na pinamunuan ni
Cayetano Arellano. Biniyayaan sila ng 11 anak ngunit apat lang ang nabuhay
tungong katandaan. Noong Nobyembre 21, 1849 kinuha ni Francisco ang
apelyidong Baltazar matapos ideklara ni Gobernador Heneral Narciso Claveria ang
kautusan na ang bawat Pilipino ay dapat kumuha ng apelyidong Espanyol.

Binigyan siya ng titulo ng tinyente importante noong 1856, ngunit halos


kaalinsabay nito ang pagpasok niya sa kulungan dahil sa bintang na inutos niyang
kalbuhin ang katulong ng isang mayamang tao. Muli siyang nakalabas ng
kulungan noong 1860 at muli siyang nagsulat ng mga tula habang nagsasalin ng
mga dokumento sa Espanyol. Lumipas nang payapa ang dalawang taon, saka
pumanaw siya noong Pebrero 20, 1862 sa edad na 73. Ayon sa mga kuwento,
hiniling niya sa kaniyang mga anak na huwag silang maging makatang kagaya
niya dahil sa pagdurusang dinanas sa patnubay ng kaniyang talino. Sinabi rin
daw nito na mas mainam pang maputulan sila ng kamay kaysa maging mga
manunulat. Ngunit patuloy na ginagabayan ni Francisco ang sambayanan sa
pamamagitan ng mga obra at tula na kaniyang nilikha.

Nawa’y nakapagpunla ang nabasa mong bagong kaalaman sa’yo


kaibigan. Ngayon ay gagalugarin natin ang iyong isipan kaugnay sa iyong
nilakbay na karunungan. Handa ka na kaibigan?

4
Galugarin

Gawain 3. Isulat Mo!


Panuto: Isulat ang posibleng kalagayan ng lipunan noong panahong isulat ang
Florante at Laura. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.

1.

2.

3.

Palalimin

Gawain 4: Tiyakin Mo!


Panuto: Gamit ang grapikong pantulong, sagutin ang mga tanong tungkol kaligirang
pangkasaysayan ng Florante at Laura. Ilagay ang iyong sagot sa sagutang
papel.

Ano ang Ano ang layunin Ano kaya ang


kalagayan ng ni Francisco naging epekto ng
lipunan sa “Balagtas” akda pagkatapos
panahong Baltazar sa itong isulat ni
isinulat ang pagsulat ng Francisco
Kaligirang Florante at Florante at Baltazar?
Pangkasaysayan Laura? Laura?
ng Florante at _________________
Laura _________________ _________________ _________________
_________________ _________________ _________________
_________________ _________________ _________________
_________________ _________________ _________________
_________________ _________________ _________________

Mahusay kaibigan! Napagtagumpayan mo ang gawaing inihanda.

5
Aralin

1.2 Estruktura ng Awit

Simulan

Mahusay sapagkat ikaw ay nasa ikalawang bahagi na ng modyul na


ito. Galingan pa lalo sa pagsagot sa mga inihandang gawain Handa ka na
ba? Sige ipagpatuloy na natin.

Gawain 1: Balikan Mo!


Panuto: Isiping muli ang tinutukoy sa hanay A sa mga inilalarawang pahayag sa
hanay B. Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B

_____ 1. Francisco Baltazar A. May sukat na tig-12 na pantig sa bawat


_____ 2. Tula taludtod.
_____ 3. Awit B. Siya ang ama ng balagtasan.
_____ 4. Saknong C. Uri ng panitikan na nahahati sa mga
_____ 5. Sukat saknong.
D. May sukat na wawaluhin sa bawat
taludtod.
E. Bilang ng pantig sa bawat linya o
taludtod.
F. Grupo ng mga taludtod na may dalawa
o higit pang linya.

Gawain 2: Piliin Mo!


Panuto: Lagyan ng tsek ✓ ang kaisipang ipinapahiwatig ng larawan at ekis X kung
hindi. Isulat ang iyong sagot sa pasulatang papel.

_____ 1. Pag-ibig sa bayan


_____ 2. Pagiging makasarili
_____ 3. Pagsubok sa buhay pag-ibig
_____ 4. Pagiging ganid sa kapangyarihan
_____ 5. Pagiging matapang sa pagharap sa mga
pagsubok sa buhay.

Hinango mula sa Pinterest Philippines

Mahusay, ang mga gawain ay nalakbay mo na. Ngayon ay daragdagan


ang iyong kaalaman Handa ka na ba?

6
Lakbayin

Naranasan mo na bang gumawa ng tulang may sukat at tugma? Kung


gayon, pamilyar ka ba sa salitang awit? Alam mo ba ang estruktura nito?

Alam mo bang ang…


Awit ay tumutukoy sa porma o anyo ng isang akda? Ito ay ang bilang ng pantig
sa bawat taludtod (12 pantig), bilang ng taludtod (4) sa bawat saknong, tugmaan
(a, a, a, a) at cesura o sandaling tigil sa ika-6 at ika-12 pantig.

Samakatwid, ang awit ay mahabang tulang pasalaysay tungkol sa


pakikipagsapalaran at kabayanihan na ang karaniwang mga tauhan ay mga
prinsipe’t prinsesa at mga mahal na tao na maaari ring awitin o kantahin. Ngunit
di tulad ng Adarna na isang Korido, ang pakikipagsapalaran ng bayani sa isang
awit ay maaaring maganap sa tunay na buhay. Ang ibig sabihin nito, ang mga
pangyayari ay hindi mga kababalaghan o nagaganap lamang sa imahinasyon.

Ang awit ay karaniwang nagsisimula sa isang paghahandog. Ang Florante


at Laura ay inihandog ni Francisco “Balagtas” Baltazar sa isang dalagang
tinawag niyang “Selya.” Basahin ang paghahandog ng makata sa dalaga.

Kung pagsaulan kong basahin sa isip -12 4 na


1 ang nangakaraang araw ng pag-ibig, -12 taludtod/
saknong may mahahagilap kayang natitik -12 linya
liban na kay Celiang namugad sa dibdib? -12

Ang estruktura ay ang porma o anyo ng awit. Ang saknong na nasa taas
ay binubuo ng apat na taludtod o linya at bawat linya ay binubo ng tig-
labindalawang pantig. Mahalaga rin ang pagpapantig sa bawat linya para
makuha ang wastong sukat nito.

Halimbawa
Kung pagsaulan kong basahin sa isip =12 na Pantig

Kung/ pag/sa/u/lan/ kong /ba/sa/hin/ sa /i/sip/


1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12

May tatlong bahagi ang awit: Simula, gitna at wakas.


1. Simula – paghahandog, na susundan ng pagsasalaysay ng problemang
nakahaharap ng pangunahing tauhan.
2. Gitna – mga pangyayari tungo sa paglutas sa problema
3. Wakas – kalutasan ng problema ng pangunahing tauhan.

Mahusay na pagbasa at pag-unawa kaibigan! Ngayon ay gagalugarin


natin ang iyong isipan upang makapag-imbak ng bagong kaalaman. Handa
ka na ka? Magpatuloy ka na.

7
Galugarin

Gawain 3: Talas-Isip, Gawin Mo!


A. Panuto: Piliin ang hugis (puso) kung ang pahayag ay tumutukoy sa
Awit at X ekis naman kung hindi. Ilagay ang iyong sagot sa
sagutang papel.
_____ 1. Tulang pasalaysay na kung saan makatotohanan ang mga tauhan at
maaring maganap sa tunay na buhay ang kanilang
pakikipagsapalaran.
_____ 2. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya.
_____ 3. Inaawit nang mabagal sa saliw ng gitara o bandurya “allegro”.
_____ 4. Ito ay binubuo ng apat na taludtod o linya sa bawat saknong.
_____ 5. Kinagigiliwan dahil sa kababalaghan at malapantasyang temang
taglay.
B. Panuto: Suriin at tukuyin ang estruktura ng bawat saknong ng tula mula
sa Florante at Laura. Ilagay ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. "Sa loob at labas ng bayan kong sawi,
kaliluha'y siyang nangyayaring hari,
kagalinga't bait ay nalulugami,
ininis sa hukay ng dusa't pighati."
Hinango sa Pinagyamang Wika at Panitikan ni Aida Guilmarie

Sukat ng bawat taludtod:


Tugma:
Bilang ng Saknong:
Aral/kaisipang na nakapaloob sa saknong:

2. “Di ko hinihinging pakamahalin mo,


tawana't dustain ang abang tula ko;
gawin ang ibigi't alpa'y nasa iyo
ay huwag mo lamang baguhin ang berso.

Kung sa pagbasa mo'y may tulang malabo,


bago mo hatulang katkatin at liko,
pasuriin muna ang luwasa't hulo,
at makikilalang malinaw at wasto”
Hinango sa Pinagyamang Wika at Panitikan ni Aida Guilmarie

Sukat ng bawat taludtod:


Tugma:
Bilang ng Saknong:
Aral/kaisipang na nakapaloob sa saknong:

8
Magaling kaibigan! Nakatutuwang nagalugad ang iyong kaalaman sa
mga pagsubok na aking ibinigay. Ngayon, ihanda ang iyong sarili sa gawaing
lalong palalalimin ang iyong kaalaman.

Palalimin

Gawain 4: Hinuha Mo, Ipahayag Mo!


Panuto: Isa-isahin ang iyong mga hinuha sa kahalagahan nang pag-aaral ng
“Florante at Laura” batay sa mga napakinggang mga pahiwatig sa akda.
Gamiting pamatnubay ang grapikong presentasyon sa pagsagot ng gawain.
Ilagay ang iyong sagot sa sagutang papel.

2___________ 3___________
1___________
____________ ____________
____________
____________ ____________
____________
Kahalagahan ____________ ____________
ng pag-aaral ____________
____________ ____________
ng Florante ____________
____________ ____________
at Laura. ____________
____________ ____________
____________
____________ ____________
____________

Gawain 5: GRASP-Obra Maestra!


Panuto: Sumulat ng isang Tulang Awit na binubuo ng dalawang saknong lamang
tungkol sa Pakikipagsapalaran o Kabayanihan. Sundin ang wastong
estruktura nito. Ilagay ang iyong sagot sa sagutang papel.

Goal Ikaw ay makasusulat ng isang awit na binubuo ng dalawang


saknong lamang tungkol sa Pakikipagsapalaran o Kabayanihan.
Role Ikaw ay isang manunulat ng isang Tulang Awit.
Audience Guro, kapwa-kamag-aral
Situation Ipagpalagay na ikaw ay gagawa ng isang tulang awit na may
kaugnayan sa taong nagpakita ng kabayanihan.
Product Sariling Tulang Awit
Standard A. Malinaw na nilalaman………………………………. 30 puntos
B. Estruktura ng pagkasusulat………………………..30 puntos
C. Wastong baybay at bantas…………………………..20 puntos
D. Dating sa mambabasa………………………………..20 puntos
Kabuoan……………………………………………… 100 puntos

Nagagalak ako sapagkat tapos mo na ang mga unang bahagi ng


modyul na ito. Ngayon ay muling ihanda ang sarili para sa mga susunod na
aralin. Kaya mo iyan kaibigan!

9
Aralin
Mga Pangunahing Tauhan
1.3 ng Florante at Laura

Simulan

Mahusay! Binabati kita sa matagumpay mong pagsagot sa mga


naunang gawain. Batid kong marami kang natutuhan sa iyong mga aralin.
Sa bahaging ito ng iyong modyul ay makikilala mo ang mga tauhang gaganap
sa akda. Pamilyar ka na ba sa mga tauhan ng Florante at Laura? Hayaan
mong tuklasin natin ang iyong kaalaman sa mga tauhan ng aralin.

Gawain 1: Sino Ako? Tukuyin Mo!


Panuto: Isulat kung sino sa mga tauhan ng Florante at Laura ang tinutukoy sa
sumusunod na katangian/impormasyon. Ilagay ang sagot sa sagutang
papel.
1. 2.

Florante’y aking niligtas Hirap ay aking nalasap


Mula sa hayop na mababangis Sa mapanglaw na gubat
Katapangan sa aki’y namalas Iniisip ang nililiyag
Sino ako? _________________ Kahit sa gitna ng hirap.
Sino ako? ________________

3. 4.

Si Laura’y aking naging kaibigan Sa sintang nawalay


Nang tumakas sa kaharian Florante ang ngalan
At sa sakim na pagmamahal Nanatili ang pagmamahal
Mula sa ama ng kasintahan. Konde Adolfo’y iniwasan.
Sino ako? _________________ Sino ako? _________________

5.
Inggit at galit ang aking nararamdaman
Kay Floranteng naging kamag-aral
Ninais kong siya’y agawan
Sa pag-ibig at sa karangalan.
Mula sa ama ng kaniyang kasintahan.
Sino ako? _________________

10
Mahusay! Naisakatuparan mo ang unang gawain. Ngayon ay
ipagpatuloy natin ang paglalayag mo upang lalong mapag-ibayo ang
iyong kaalaman.

Lakbayin

Sa paunang gawain ay inalam lang natin kung gaano na ang iyong


nalalaman sa araling ito. Ipagpatuloy mo ang iyong pag-aaral upang
malaman mo kung tama ang iyong mga sagot.

Sa araling ito, nais kong makilala mo ang mga tauhang gaganap sa


akda. Mga tauhang magdudulot sa iyo ng iba’t ibang damdamin. Sino kaya
sa kanila ang iyong mamahalin, hahangaan, kaaawaan, kaiinisan at
maaaring tularan? Halina’t buksan ang iyong puso’t isipan sa kanila.

MGA PANGUNAHING TAUHAN NG FLORANTE AT LAURA

1. Florante – Bugtong na anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca;


kasintahan ni Laura.
2. Laura – dalagang iniibig ni Florante; anak ni Haring Linceo
3. Prinsesa Floresca – ina ni Florante; anak ng Hari ng Krotona
4. Haring Linceo – ama ni Laura; Hari ng Albanya
5. Duke Briseo – Tagapayo ng Hari ng Albanya; ama ni Florante
6. Konde Adolfo – mahigpit na kaaway ni Florante; karibal niya kay
Laura; anak ni Konde Sileno ng Albanya
7. Aladin – anak ng sultan ng Persya; kasintahan ni Flerida; nagligtas kay
Florante
8. Sultan Ali-Adab – ama ni Aladin; kaagaw niya sa pag-ibig kay Flerida;
puno ng Persya
9. Flerida – kasitahan ni Aladin; nagligtas kay Laura sa gubat
10. Menalipo – pinsan ni Florante na nagligtas sa kaniya noong siya’y bata
pa.
11. Menandro – kaibigang matalik ni Florante, pamangkin ni Antenor.
12. Antenor – Guro sa Atenas na nag-aruga kay Florante.
13. Heneral Osmalik – heneral ng Persya na lumusob sa kaharian ng
Krotona.
14. Miramolin – ang namumuno ng hukbong taga-Turkiya na nakalaban
ni Florante
15. Konde Sileno – Ama ni Adolfo

11
Mahusay na pagkilala sa mga tauhan kaibigan! Nasasabik ka na bang
makilala pa sila ng husto? Makikilala mo sila sa mga susunod mo pang
aralin. Ngayon ay atin munang gagalugarin ang iyong isipan upang
makapag-imbak ng bagong kaalaman. Handa ka na ba?

Galugarin

Gawain 2: Patunayan Mo!


Panuto: Taglay pa rin ba ng mga Pilipino sa kasalukuyan ang mga katangiang taglay
ng ilang tauhan sa akda? Patunayan. Maaaring gamitin ang Web, Concept
Map o iba pang estratehiya. Gayahin ang pormat. Ilagay ang sagot sa
sagutang papel.

Patunay Patunay
Taglay pa rin
ba ng mga
Pilipino sa
kasalukuyan
ang mga
katangiang
taglay ng ilang
tauhan sa
akda

Gawain 3: Suring-tauhan!
Panuto: Gamit ang larawan sa ibaba ibigay ang mga katangiang dapat taglayin ni
Florante upang ituring siyang tagapagligtas ng Albanya. Ilagay ang iyong
mga sagot sa loob ng mga kahon. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

Hinango mula sa NicePng

12
Magaling kaibigan! Nakatutuwang nagalugad ang iyong kaalaman sa
mga pagsubok na aking ibinigay. Ngayon, ihanda ang iyong sarili sa gawaing
lalong palalalimin ang iyong kaalaman.

Palalimin

Gawain 4: Hinuha Ko, Sagot Ko!


Panuto: Ilarawan ang naibigang tauhan sa akda at ihambing siya sa ilang kilalang
personalidad sa kasalukuyang lipunan ng ating bansa. Masining itong
isalaysay sa iyong sagutang papel.

Ipinaalala ng tauhang ito


na _________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Nagustuhan ko/Hindi ko nagustuhan ang tauhang ito


dahil_______________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Naalala ko ang paborito kong personalidad sa tauhang ito


dahil_______________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Binabati kita mahal kong mag-aaral. Nakatutuwa sapagkat tapos mo


na ang lahat ng mga aralin sa modyul na ito. Ngayon ay atin nang tatayahin
ang iyong natutuhang kaalaman sa pangwakas na pagtataya.

13
Sukatin

Napakasuhay mo kaibigan! Binabati kita dahil alam kong marami


kang natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa modyul na ito. Natutuwa rin
ako’t naisakatuparan mo ang mga gawaing lilinang ng iyong pang-unawa.
Ngayon, tatayahin mo ang iyong kaalaman sa nakalipas na mga aralin.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Basahin at unawain mo ang inilalarawan o pinatutungkulan ng bawat
pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

_____ 1. Siya ang babaeng pinaghandugan ni Francisco ng akdang Florante at


Laura.
A. Juana Tiambeng
B. Laura
C. Maria Blanka
D. Selya

_____ 2. Taon kung kailan ipinalimbag ang unang edisyon ng Florante at Laura.
A. 1837
B. 1838
C. 1839
D. 1840

_____ 3. Taon kung kailan natupok ang ibang edisyon ng Florante at Laura.
A. 1945
B. 1946
C. 1947
D. 1948

_____ 4. Siya ang naging kabiyak ni Francisco “Balagtas” Baltazar.


A. Juana Tiambeng
B. Laura
C. Maria Blanka
D. Selya

_____ 5. Ang sagisag na ginamit ni Francisco sa babaeng pinaghandugan niya


ng Florante at Laura.
A. ARM
B. MAR
C. MRA
D. RAM

_____ 6. Ito ang sukat sa bawat taludtod ng isang tulang awit.

14
A. Labing-apat
B. Labing-anim
C. Labindalawa
D. Wawaluhin

_____ 7. Uri ng panitikang ginagamit sa pagsulat ng awit.


A. Alamat
B. Nobela
C. Sanaysay
D. Tula

_____ 8. Tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod na bumubuo sa


isang saknong.
A. Saknong
B. Sukat
C. Talinghaga
D. Tugma

_____ 9. Ito ay may kaugnayan sa mga tunog sa dulong bahagi ng isang


taludtod.
A. Saknong
B. Sukat
C. Talinghaga
D. Tugma

_____ 10. Grupo ng mga taludtod na may dalawa o higit pang linya.
A. Saknong
B. Sukat
C. Talinghaga
D. Tugma

_____ 11. Ikinulong si Francisco sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Anong
kalagayang panlipunan ang tinutukoy dito?
A. Pagmamalabis sa kapangyarihan.
B. Kawalang hustisya sa panahong ito.
C. Minamaliit ang mga mahihirap na tao.
D. Pinapahirap ang mga taong walang kalaban-laban.

_____ 12. Binuo ni Francisco “Balagtas” Baltazar ang Florante at Laura. Ano ang
layunin sa pagsulat sa nasabing akda?
A. Para ipakita ang angking galing sa pagsulat.
B. Para magbigay inspirasyon sa mga kabataan.
C. Para ipakita ang tunay na kalagayan ng lipunan.
D. Para ipakita ang totoong nangyari sa kaniyang buhay.

_____ 13. Matapos maisulat ang Florante at Laura, ano ang naging epekto nito
sa ating lipunan?
A. Sumaya ang mga Pilipino.
B. Nagsilbing inspirasyon sa mga banyaga.
C. Dumami ang mga kabataang naging manunulat.
D. Namulat ang mga Pilipino sa tunay na nangyayari sa lipunan.

15
_____ 14. Ito ang sukat sa bawat taludtod ng isang tulang awit. Bilang kabataan,
ano kaya ang kahalagahan ng Florante at Laura sa buhay mo kapag
nabasa at nasuri mo na ang nilalaman nito?
A. Maaaring mabago ang di kanais-nais na pag-uugali.
B. Maaaring pahahalagahan ko pa lalo ang aking bayan.
C. Maaaring gaganahan na akong magsulat ng tulang awit.
D. Maaaring ipaglalaban ko ang aking sarili sa mga taong di ako gusto.

_____ 15. Ano ang implikasyon ng pahiwatig na nasa baba na maiuugnay sa


buhay mo?
“Di ko hinihinging pakamahalin mo,
tawana't dustain ang abang tula ko;
gawin ang ibigi't alpa'y nasa iyo
ay huwag mo lamang baguhin ang berso.”

A. Ginagalang ko ang mga taong ‘di ako mahal.


B. Puwede akong malait huwag lang sisiraan.
C. Maaari akong pagtawanan pero huwag naman sanang gawan ng
isyu.
D. Puwede akong laitin, ‘di mahalin, pagtawanan huwag lang
babaguhin kong ano ang ipinakikita kong tunay na ako.

B. Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag. Isulat ang “Tama” kung wasto ang
pahayag at “Mali” kung hindi.

_____ 1. Si Florante ay bugtong na anak nina Haring Linceo at Prinsesa


Floresca.
_____ 2. Flerida ang ngalan ng kasintahan ni Aladin.
_____ 3. Si Konde Adolfo ang nagligtas kay Florante sa gubat.
_____ 4. Ang kasintahan ni Aladin ay inagaw ng kaniyang sariling ama.
_____ 5. Si Laura ay anak ng Hari ng Krotona.

Kamangha-mangha, tunay na napakagaling


mo! Binabati kita sa iyong paglalayag sa
mundo ng karunungan. Nakatutulirong
paglalakbay ngunit nakatataba ng utak na
siyang magiging sandata mo upang lalong
makapag-imbak ng dunong at
kagandahang-asal. Nawa’y ang mga
natutuhan mo sa modyul na ito ay maipunla
sa iyong puso’t isipan. Ihanda mo ngayon
ang iyong sarili sa susunod na modyul -
Modyul 2: Para Kay Selya, Pagtangis at
Paghihinagpis (Saknong 1-32 ng Florante at
Laura).

16
17
ARALIN 1.1: (Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura)
SIMULAN
Gawain 1: Subok-Talino! Gawain 2: Siya si FBB!
1. T 4. T Iba-iba ang sagot
2. T 5. T
3. M
GALUGARIN PALALIMIN
Gawain 3: Isulat Mo! Gawain 4: Tiyakin Mo!
Iba-iba ang sagot Iba-iba ang sagot
ARALIN 1.2: (Estruktura ng Awit)
SIMULAN
Gawain 1: Balikan Mo! Gawain 2: Piliin Mo!
1. B 4. F 1. ✓ 4. X
2. C 5. E 2. X 5. ✓
3. A 3. ✓
GALUGARIN PALALIMIN
Gawain 3: Talas-Isip, Gawain 4: Hinuha Mo,
Gawin Mo! Ipahayag Mo!
A. Iba-iba ang sagot
1. 4. Gawain 5: GRASP-Obra Maestra!
2. X 5. X Iba-iba ang sagot
3. B. Iba-iba ang sagot
ARALIN 1.3: (Mga Pangunahing Tauhan ng Florante at Laura)
SIMULAN GALUGARIN
Gawain 1: Sino Ako? Gawain 2: Patunayan Mo!
Tukuyin Mo! Iba-iba ang sagot
1. Aladin 4. Laura Gawain 3: Suring-tauhan!
2. Florante 5. Konde Iba-iba ang sagot
3. Flerida Adolfo
PALALIMIN
Gawain 4: Hinuha Ko, Sagot Ko! Iba-iba ang sagot
SUKATIN
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
1. D 6. C 11. B 16. Mali
2. B 7. D 12. C 17. Tama
3. A 8. B 13. D 18. Mali
4. A 9. D 14. B 19. Tama
5. B 10. A 15. D 20. Mali
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Department of Education – Curriculum and Instruction Strand (2020). Most
Essential Learning Competencies. p. 233-234

Aklat

Guimarie Aida M.(2018) Pinagyamang Wika at Panitikan. Rex Book Store, Inc.

Peralta, R.N. et.al (2014). Project EASE. Pasig City.

Villaverde, Sharon A. et.al (2015) Daluyan Modyul sa Filipino – Grade 8 (Salig sa


Kurikulum ng K to 12). Jimczyville Publications. 16 Concha St., Tinajeros Malabon
City

Internet/ mga URL:

https://www.google.com/search?q=francisco+balagtas&sxsrf=ALeKk00wgVkzYGiHl
SUHY3K_NKwKtdpWDw:1614425956228&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ah
UKEwjg_4ut_YnvAhXLfXAKHQHfAoMQ_AUoAXoECAkQAw#imgrc=CaluqgvicscfJM

http://www.geocities.ws/vingalliahpalao/Kaligirang%20Kasaysayan%20ng%20Flor
ante%20at%20Laura.html

https://www.wattpad.com/489827227-philippine-national-heroes-francisco-
baltazar

https://web.facebook.com/636882150060271/posts/talambuhaysi-francisco-
baltazar-o-mas-kilala-bilang-francisco-balagtas-ay-
promin/636945220053964/?_rdc=1&_rdr

https://1library.net/document/yeo4rj7q-florante-at-laura-ang-itinuturing-na.html

18

You might also like