You are on page 1of 12

FILIPINO 8

Ikaapat na Markahan- Modyul 1, Week 1

Pangalan ng Mag-aaral: ________________________________________________________

Baitang: ____________________________________________________________________
Seksyon: ___________________________________________________________________
Petsa: ________________________________________________________________

GAWAING PAGKATUTO

Modyul 1: Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura

I. Panimula (Susing Konsepto)

Ang Florante at Laura ay isang obra-
maestra sa panitikang Pilipino. Isinulat ito ni
Francisco Baltazar (na kilala din bilang
Balagtas) isang Pilipinong makata at may-
akda. Siya ay kinikilala bilang “Prinsipe ng
Manunulang Tagalog” at itinuturing na William
Shakespeare ng Pilipinas para sa kanyang
kontribusyon at impluwensya sa panitikang
Pilipino. Ang sikat na romantikong pag-iibigan
ng ika-19 na siglo, ang Florante at Laura, ay
ang kanyang pinakamainam na likha. Ang
orihinal na pamagat ng Florante at Laura ay
“Pinagdaanang Buhay ni Florante at Laura, sa
Kahariang Albania Kinuha sa Madlang Cuadro Fig. 1 Florante at Laura (Larawan mula sa
Historico o Pinturang Nagsasabi sa mga http://floranteatlaurastory.blogspot.com/)
Nangyari nang Unang Panahon sa Imperio ng May 6, 2021
Grecia at Tinula nang Isang Matuwain sa
Pailalim o di-hayagang nailarawan ni Balagtas sa likod ng mga taludturan ng awit na ito
Bersong Tagalog.”
ang tunay na kalagayan ng bansa sa panahong isinulat niya ito. Nagkaroon ng malaking
impluwesiya sa isipan ng mga Pilipino ang Florante at Laura na naging daan upang hangarin
nila ang pagkakaroon ng kalayaan at kapayaan ang bansa sa. Ang Florante at Laura ay
punong-puno ng pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino, at ang ilang pangyayari dito
bagamat dayuhan ay maiuugnay pa rin sa mga pangyayari sa ating bansa sa kasalukuyan.

Ang Florante at Laura ay nahahati sa tatlong bahagi:

1. Paghahandog sa babaeng nagpatibok sa puso ni Balagtas na nagbibigay rin
ng kasawian.
2. Bahaging patungkol sa mambabasa.
3. Pinaka simula ng awit
Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura

Ang Florante at Laura ay isinulat ni Francisco

“Balagtas” Baltazar noong 1838, panahon ng
pananakop ng mga Espanyol sa bansa. Sa
panahong ito, mahigpit ang ipinapatupad na
sensura kaya’t ipinagbawal ang mga babasahin at
palabas na tumutuligsa sa pagmamalabis at
kalupitan ng mga Espanyol. Dahil sa pagkontrol
ng mga Espanyol, ang mga aklat na nalimbag sa
panahong ito ay karaniwang patungkol sa relihiyon
o di kaya’y sa paglalaban ng Moro at Kristiyanong
tinatawag ding komedya o moro-moro, gayundin
ng mg diksiyonaryo at aklat panggramatika. Sa
kabila ng mahigpit na sensura ng mga Espanyol
ay naging matagumpay si Balagtas na mailusot
ang kanyang awit dahil relihiyon at paglalaban
laban ng mga Moro at Kristiyano rin ang temang
ginamit niya rito bagama’t naiugnay niya ito sa
pag-iibigan nina Florante at Laura. Naitago niya sa
Fig.2 blogspot.com/2017/08/talambuhay-
pamamagitan ng paggamit ng alegorya ang
ni-francisco-balagtas.html, May 6, 2021
mensahe ng pagtuligsa at pagtutol sa kalupitan at
pagmamalabis ng mga Espanyol.
Gumamit din siya ng simbolismong kakikitaan ng pailalim na diwa ng nasyonalismo. Ang
mga tauhan at mga pangyayaring nagdulot ng kaawa-awang kalagayan ng kaharian ng albanya
ay kasasalaminan ng mga naganap na kaliluan, kalupitan, at kawalang katarungan sa Pilipinas
sa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol.
Masasalamin din sa akda ang tinutukoy ni Lope K. Santos na apat na himagsik na
naghari sa puso at isipan ni Balagtas: (1) Ang himagsik laban sa malupit na pamahalaan, (2)
ang himagsik laban sa hidwaang pananampalataya, (3) ang himagsik laban sa mga maling
kaugalian, at (4) ang himagsik laban sa mababang uri ng panitikan.
Ang Florante at Laura ay itinuturing na isang obra maestra na nagbukas ng landas para
sa panulaang Tagalog noong ika-19 na dantaon. Isinulat niya kasi ang kanyang akda sa wikang
Tagalog sa panahong ang karamihan sa mga Pilipinong manunulat ay nagsisisulat sa wikang
Espanyol. Ang awit na Florante at Laura ay inialay ni Balagtas kay “Selya” o Maria Asuncion
Rivera, ang babaeng minahal niya nang labis at pinagmulan ng kanyang pinakamalaking
kabiguan. Sinasabing isinulat niya ito sa loob ng selda kung saan siya nakulong dahil sa maling
paratang na pakana ng mayamang karibal na si Nanong Kapule.
Ang malabis na sakit, kabiguan, kaapihan, himagsik, at kawalang katarungang
naranasan ni Kiko (Balagtas) sa lipunang kanyang ginagalawan ay siyang nagtulak sa kanya
upang likhain ang walang kamatayang Florante at Laura. Ang awit ay nagsisilbing gabay at
nagturo sa mga Pilipino ng maraming bagay. Ito ay naglalaman ng mahahalagang aral sa
buhay tulad ng wastong pagpapalaki sa anak, pagiging mabuting magulang, pagmamahal at
pagmamalasakit sa bayan, pag-iingat laban sa mga taong mapagpanggap o mapagkunwari at
nmakasarili, gayundin ang pagpapaalala sa madla na maging maingat sa pagpili ng pinuno
sapagkat napakalaki ng panganib na dulot sa bayan ng pinunong sakim at mapaghangad ng
yaman. Ipinakita din sa akda ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa maging doon sa may
magkakaibang relihiyon tulad ng mga Muslim at Kristiyano. Sa panahong ang kababaihan ay
mailalarawang mahinhin, hindi makabasag pinggan at mahina, binigyang diin sa akda ang
taglay na laksa ng kababaihan sa katauhan ni Flerida, isang babaeng Muslim. Sa halip na
maging sunod-sunuran lang sa makapangyarihang kalalakihan sa kanyang paligid tulad ng
nakagawian ng kababaihan noon, pinili niyang tumakas mula sa mapaniil na Sultan at harapin
nang mag-isa ang mga panganib sa labas ng palasyo at mga kagubatan upang hanapin ang
kanyang napawalay na kasintahan. Siya rin ang pumutol sa kasamaan ng buhong si Adolfo sa
pamamagitan ng kanyang palaso. Ito’y mga katangiang taliwas sa mga katangiang madalas
gamitin sa paglalarawan sa kababaihan lalo na noon. Sa halip na siya ang hinanap at iniligtas,
siya ang naghanap at nakapagligtas pa ng buhay ng kapwa niya babae.
Ang akda ay gumabay hindi lamang sa mga pangkaraniwang tao kundi gayundin sa
mga bayaning nagmulat sa diwang makabayan ng mga Pilipino. Sinasabing si Dr. Jose Rizal ay
nagdala ng kopya ng Florante at Laura habang siya’y naglalakbay sa Europa at naging
inspirasyon niya sa pagsulat ng Noli Me Tangere. Sinasabi ring maging si Apolinario Mabini ay
sumipi sa pamamagitan ng sarili niyang sulat-kamay ng kopya ng awit habang siya ay nasa
Guam noong 1901. Bagama’t napakatagal nang panahon mula nang isulat ni Balagtas ang awit
ay hindi mapasusubaliang ang mga mga aral na taglay nitong gumabaysa ating mga ninuno at
mga bayani ay nananatiling makabuluhan, angkop, at makagagabay pa rin sa mga Pilipino
hanggang sa kasalukuyang panahon.

II. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

1.1. Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa
napakinggang mga pahiwatig sa akda. F8PN-IVa-b-33
1.2. Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng: - pagtukoy sa
kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ito -pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda.
F8PB-IVa-b-33
1.3. Nailalahad ang damdamin o saloobin ng may- akda, gamit ang wika ng kabataan.
F8WG-IVa-b-35

III. Panuto
1. Basahin at unawain ang mga nakasaad na mga panuto sa mga gawain.
2. Isagawa ang mga gawain sa pagkatuto.
3. Palaging sundin/panatilihin ang mga pamantayang pangkalusugan.

IV. Pamamaraan

1. Suri-Larawan (Explore)
Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba at sagutin ang mga pamprosesong tanong
pagkatapos nito.
Pamprosesong Tanong

1. Ano ang ipinahihiwatig ng mga larawan? Bigyan ito ng sariling interpretasyon.

____________________________________________________________________________

2. Ibigay ang mga dahilan nang pagkakalikha ni Balagtas sa Florante at Laura.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

3. Kung ikaw ay isa sa mga Pilipinong nabuhay noong panahon ng pananakop ng mga
EspañoL, paano mo ipagtatanggol ang iyong kapuwa Pilipino?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

4. Nanaisin mo bang mabuhay sa mga panahong iyon? Ipaliwanag.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
2. Saliksik Impormasyon (Learn)
Panuto: Magsaliksik ng iba pang uri ng akdang pampanitikan at ihambing ang kaligirang
pangkasaysayan nito sa kaligirang pangkasaysayan ng Florante at Laura. Gamitin sa
paghahambing ang Venn Diagram.

Florante at Laura
Iba pang Uri ng
(Pagkakaiba) Akdang
Pampanitikan
(Pagkakaiba)
Pagkakatulad

. Venn Diagram

3. T- Chart! (Engage)
Panuto: Sa tulong ng T-Chart, ipaliwanag kung bakit mahalagang pag-aralan at suriin ang
Florante at Laura.
Bakit mahalagang pag-aralan at suriin ang Florante at Laura?

1.

2.

3.

4.

5.

T-Chart
Pamprosesong Tanong

1. Sa iyong palagay, nagkaroon ba ng impluwensiya ang Florante at Laura sa mga

nangyayaring pag-aalsa/rebolusyon noong panahong naisulat ito? Magbigay ng ilang
pangyayari sa ating kasaysayan na nagpapatunay ng iyong sagot.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

2. Mabisa bang daan/instrumento ang panitikan upang maiparating ng manunulat ang

kaniyang mga hinaing/mailarawan ang kalagayang panlipunan ng isng bansa? Patunayan
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

3. Ang mga mag-aaral lamang ba ang dapat na magpakita ng interes na pag-aralan ito?
Ipaliwanag.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

4. Ilahad ang sariling pananaw kung makatuwiran at mabisa ang pagkakalarawan ng

kalagayang panlipunan ng bansa sa panahong naisulat ang Florante at Laura.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Sulat-Sanaysay (Apply)
Panuto: Lumikha ng isang maikling sanaysay tungkol sa maaaring maging damdamin at
saloobin ni Balagtas kaugnay ng kasalukuyang kalagayan ng bansa at ng Florante at Laura.

_______________________________
(Pamagat)

________________________________________________________________
______________________________________________________________________

V. Mga Gabay na Tanong

1. Ilahad ang ilang pangyayari sa kasalukuyan na may pagkakatulad sa naging

kalagayan ng Florante at Laura sa panahong naisulat ito.
___________________________________________________________________

2. Magbigay ng ilang akda na nagkaroon ng malaking impluwensiya sa tao o

nakapagpabago sa kalagayan ng isang bansa/
lipunan .____________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
______

VI. Rubrik sa Pagkatuto

Rubrik sa Pagtataya ng Sanaysay

Antas/ Kahanga-hanga Mahusay Magaling Pagbutihin pa
Pamantayan (25) (20) (15) (10)

Nilalaman Ang kalinisan ay Ang nilalaman May kaunting Walang

(Kalinisan at nakita sa ng sanaysay ay bura sa kabuluhan at
kahalagahan) kabuuan ng makabuluhan at sanaysay kalinisan na
sanaysay malinis gayundin ang Nakita sa
gayundin ang nilalaman ay sanaysay
nilalaman ay hindi gaanong
makabuluhan makabuluhan
Pagkamalikhain Ang kabuuan ng Ang sanaysay Ilan sa mga Walang
(Disenyo at sanaysay ay ay masining at salitang ginamit pagkamalikhaing
Kagamitan) makulay, natatangi ay karaniwan na Nakita sa
masining at paggawa ng
natatangi sanaysay
Istilo Ang ginamit na Ang istilo sa Ilan sa mga Walang
(Pagsulat) istilo ay pagsulat ay salita ay hindi kalinawan at
malinaw, malinaw at malinaw pagkamalikhain
masining at nababasa ang Nakita
nababasa
Tema(Kaisahan) Ang kabuuan ng Karamihan sa Ilan sa Walang
sanaysay ay nilalaman ay nilalaman ay kaisahan at
may kaisahan at kaugnay sa hindi kaugnay kaugnayan sat
kaugnayan tema sat ema. ema ang
nilalaman

VII. Pangwakas

Bilang isang mag-aaral, gaano kahalaga sa iyo ang pag-aaral ng Florante at

Laura? Ilahad ang iyong magiging kontribusyon kung paano pa higit na kagigiliwan ng
kabataang katulad mo ang pag-aaral ng Florante Laura.

VIII. Sanggunian

Baisa-Julian, A. et al. Pinagyamang Pluma 8. Ikalawang Edisyon, Phoenix Publishing

House Inc. 2017.

Guimarie, Aida M. “Florante at Laura ni Francisco Baltazar”, AMOS BOOKS Inc.

http://floranteatlaurastory.blogspot.com/), May 6, 2021

blogspot.com/2017/08/talambuhay-ni-francisco-balagtas.html, May 6, 2021
www.pinterest.com, May 6, 2021
IX. Susi sa Pagwawasto

A. Suri-Larawan (Explore)
B. Saliksik Impormasyon (Learn)
Batay sa sariling pag unawa ng mag-
aaral ang kasagutan Sa pagsusuri ng Venn Diagram, tatanggapin ang
lahat ng sagot ng mag-aaral.

C. T- Chart! (Engage) D. Sulat-Sanaysay

Malayang sagot ng mag-aaral batay Nakabatay sa rubrik ang pagbibigay nag

sa kanilang sariling pagkaunawa sa puntos
tekstong binasa.

E. Mga gabay na tanong Pangwakas

Malayang sagot ng mag-aaral

Batay sa sariling pag unawa ng mag-
aaral ang kasagutan

______________________________________

Lagda ng Magulang

Inihanda ni:

ROSE AURA H. CABALLA

Guro

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. ©

You might also like