You are on page 1of 2

SANTA ROSA SOUTH-ANNEX

EUSEBIO G. ASUNCION INTEGRATED SCHOOL


Riverside, Soledad, Santa Rosa, Nueva Ecija

MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 8

I.PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

 Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip,at pag-unawa at


pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at akdang pampanitikang
pambansa upang maipagmalaki ang kulturang Flipino.

LAYUNIN

 Nabibigyang-kahulugan ang : -matatalinghagang ekspresyon - tayutay – simbolo) F8PT-IVc-d-34

II. PAKSANG ARALIN

A. Paksa: MATATALINHAGANG SALITA AT SIMBOLISMO


B. Kagamitan: Powerpoint Presentation, Kagamitang Biswal
C. Sanggunian: https://www.youtube.com/watch?v=geH8QOA6y5Y
https://znnhs.zdnorte.net/wp-content/uploads/2022/05/Fil8_Q4_M4-Final-ok.pdf

III. PAMAMARAAN

A.Paghahanda
a.1 Panalangin
a.2 Pagbati
a.3 Pagsasaayos ng Silid-Aralan
a.4 Pagtala ng lumiban
a.5 Balik-aral
 TALA-SILI-taan
Hahanapin ng mga mag-aaral ang kasingkahulugan ng salita sa loob ng TALA sa loob ng mga SILI.

B. Pagganyak
GUESS ME... – Magpapakita ang guro ng isang larawan ng cellphone at ang mga mag-aaral ay aalamin
kung anong aplikasyon ang inirerepresenta ng larawan sa loob nito.

C. Paglalahad ng Aralin
 Tatalakayin ng guro ang tungkol sa Matatalinhagang Salita at Simbolismo.
Matatalinghagang Pananalita
 Ang matatalinghagang Pahayag o Pananalita ay may lalim o hindi lantad na kahulugan. Sinasalamin ng
paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng anumang wika.
Simbolismo
 Ito ay naglalahad ng mga bagay at kaisipan sa pamamagitan ng sagisag at mga bagay na mahiwaga at
metapisikal.
Tayutay
 Ito ay isang pahayag na ginagamitan ng mga matalinghaga o di-karaniwang salita upang gawing mabisa,
makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag.

Magtatanong ang guro ng ilang katanungan sa mga mag-aaral tungkol sa aralin.


D. Paglinang ng Aralin
Indibidwal na Gawain:
Gumawa ng tig-2 halimbawa ng tayutay , simbolismo at matatalinghagang pangungusap.

E. Paglalahat
 Ano kaya ang kahalagahan ng matatalinghagang salita at simbolismo sa ating buhay?

IV. PAGTATAYA

D. Panuto: Piliin sa HANAY B ang kahulugan o sinisimbolo ng mga salita sa HANAY A.

HANAY A HANAY B
1. Rizal a. Duwag
2. Magmamahabang dulang b. Katalinuhan
3. Puno c. Matulungin
4. Matigas ang katawan d. Buhay
5. Pula e. Pagsisipag sa pag-aaral
6. Bahag ang buntot f. Kabayanihan
7. Salamin g. Kalimutan
8. Bukas ang palad
h. Tamad
9. Ilista sa tubig
i. Mag-aasawa
_____10. Nagsusunog ng kilay
j. Katapangan

V. GAWAING BAHAY

Magsaliksik ng isang tula na kinapapalooban ng matatalinghagang salita, simbolismo at tayutay.

Inihanda ni:

GENALYN A. GABA
Teacher I

You might also like