You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV - A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
Tumalim National High School
Tumalim, Nasugbu, Batangas

KAGAMITAN SA PAGKUHA NG “REMEDIATION” SA ASIGNATURANG FILIPINO


FILIPINO 9

ASIGNATURA: FILIPINO 9 PAKSA: Week 6 Mga Pang-ugnay


KOMPETENSI:
Nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag DAHILAN NG PAGTUTURONG MULI:
ng sariling pananaw Dahil sa mababang performans sa naganap na
pagsusulit.
PETSA: ____________
ORAS: ____________

Target ng Guro
Natutukoy ang tamang pang-ugnay na buuo sa pangungusap
Hakbang na Isinagawa
Nagsagawa ng remedial class sa pamamagitan ng pagbibigay ng remediation material upang
maipaunawa sa mga mag-aaral ang konseptong hindi malinaw at nang sa gayon ay makahabol sila sa
talakayan at makasunod sa panibagong aralin.
Konsepto:
Ang mga pang-ugnay ay ang sumusunod
A. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay
halimbawa: tulad ng, kahit na, dahil sa, kasi, palibhasa, bukod-tangi at iba pa.
B. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan
halimbawa: na, ng at iba pa
C. Pang-ukol (preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita
halimbawa: ang/si, ng/ni/kay, ayon

A. Pang-angkop
Panuto: Isulat sa patlang ang tamang pang-angkop (-ng, -g, o na).
1. Bumili ako ng masarap _____ almusal.
2. Nakatulog kaagad si Tatay dahil sa sobra_____ pagod sa trabaho.
3. Ang tunay_____ kaibigan at matapat at maunawain.
4. Dahan-dahan ____ naglakad ang bata palabas ng bahay.
5. Mahilig magbasa ng mga kuwento ____bayan ang magkapatid.
6. Kailangan ko ng matibay ____ sapatos.
7. Iligpit na natin ang mga natira____ pagkain sa mesa.
8. Ang matamis _____ tagumpay ay nakamit nila dahil sa pagtitiyaga.
9. Si Benjamin ang ikalawa_____ anak ni Ginang Garcia.
10. Inayos mo na ba ang telebisyon____ sira?

B. Pang-ukol
Panuto: Isulat sa patlang ang pang-ukol na bubuo sa pangungusap.
1. Handa na ba ang mga gamit ninyo _____ camping bukas?
2. Matutulog sina Sam at Sarah Lolo at Lola _____ mamayang gabi.
3. May balita ka ba _____ pagtaas ng presyo ng gasolina?
4. Ang pagdala ng Nintendo DS sa klase ay _____ tuntunin ng paaralan.
5. _____ Melissa, pinag-aralan nila ang pagsakop ng mga Hapones.
“Tunay na Naglilingkod nang Husay at Sapat”

Address: Tumalim, Nasugbu, Batangas, 4231


 : 0999-456-8118
 : tumalim_nhs@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV - A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
Tumalim National High School
Tumalim, Nasugbu, Batangas

6. Ang puting kartolina ay binili ko _____ Leslie dahil may proyekto siya.
7. Mas mabuti na sundin ko ang payo _____ Tatay at Nanay.
8. Ang paghihiwalay ng nabubulok at hindi nabubulok na basura ay ______ utos ng barangay.
9. Ang Intramuros ay isang makasaysayang pook na matatagpuan _____ lungsod ng Maynila.
10. Ang mga aklat na ito ay ibibigay natin _____ mag-aaral ni Binibining Salvador.

C. Pangatnig
Panuto: Salungguhitan ang tamang pangatnig sa loob ng panaklong.
1. Magsipilyo nang tatlong beses sa isang araw (ngunit, upang, dahil) maiwasan masira ang
mga ngipin.
2. (Dahil, Subalit, Kaya) hindi ka kumain ng almusal, wala kang enerhiya para maglaro
ngayong umaga.
3. Inaantok ka pa (habang, bago, kasi) hatinggabi ka na natulog kagabi.
4. Kumakanta sila ng Lupang Hinirang" (hanggang, habang, parang) itinataas ang watawat
ng Pilipinas.
5. Magdasal muna tayo (bago, kaya, at) tayo kumain ng hapunan.
6. Matutuloy ang camping natin (at, subalit, kung) hindi masama ang panahon bukas.
7. Tumatahol ang mga aso (kapag, ngunit, hanggang) may taong kumakatok sa pinto.
8. Ano ang kulay ng sasakyan ninyo, pula (at, o, pero) puti?
9. Mahilig siya magbasa ng aklat (at, upang, sapagkat) magsulat ng maiikling kuwento.
10. Tumakbo nang tumakbo ang usa (hanggang, habang, samantalang) nakarating ito sa
gitna ng gubat.

Result of Remediation/Resulta ng pagtuturong muli


______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________
Lagda ng mag-aaral: ___________________________
Lagda ng magulang: ___________________________
Lagda ng guro: _________________________________
Petsa: _________________________________
Inihanda ni: Binigyang-pansin ni: Pinagtibay ni:

SANTA ESMERALDA E. GUEVARA JEREMIAS S. BELTRAN PhD.


Guro sa Filipino G9 OIC/Ulongguro I

KAGAMITAN SA PAGKUHA NG “REMEDIATION” SA ASIGNATURANG FILIPINO


“Tunay na Naglilingkod nang Husay at Sapat”

Address: Tumalim, Nasugbu, Batangas, 4231


 : 0999-456-8118
 : tumalim_nhs@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV - A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
Tumalim National High School
Tumalim, Nasugbu, Batangas

FILIPINO 9

ASIGNATURA: FILIPINO 9 PAKSA: Week 7 Pandiwang Paturol


KOMPETENSI:
MELC 23: Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita DAHILAN NG PAGTUTURONG MULI:
habang nababago ang estruktura nito Dahil sa mababang performans sa naganap na
pagsusulit.
PETSA: ____________
ORAS: ____________

Target ng Guro
1. natutukoy ang iba’t- ibang aspekto ng pandiwa
2. nakasusulat ng pangungusap na gumagamit ng tamang pandiwa.
Hakbang na Isinagawa
Nagsagawa ng remedial class sa pamamagitan ng pagbibigay ng remediation material upang
maipaunawa sa mga mag-aaral ang konseptong hindi malinaw at nang sa gayon ay makahabol sila sa
talakayan at makasunod sa panibagong aralin.
Konsepto:
Tahasang isinasaad ng pandiwang panaganong paturol ang kilos na ipinahahayag nito.
Kadalasan ay tuwirang ginagawa o naaapektuhan ng tagaganap ang ipinahahayag ng kilos ng
pandiwa. Lahat ng uri ng pandiwa ay nababanghay para sa aspekto: nagsasaad na ang kilos
ay (perpektibo) naganap na, (imperpektibo) kasalukuyang nagaganap at kontemplatibo
(kilos na gagawin pa lamang).

Pagsulat ng Pandiwa
Panuto: Gamitin ang salitang-ugat sa loob ng panaklong upang gumawa ng pandiwa na bubuo
sa pangungusap.
1. (Balik) _____ mo ang aklat na ito kay Marlon bukas.
2. (Kita) _______ kami ni Dennis sa mall kahapon.
3. Sina Martin at Mikaela ay (aral ) _______ sa Jose Abad Santos Memorial School.
4. Sa susunod na linggo pa ako (uwi) _____ sa probinsiya.
5. (Usap) ______ na ang mga guro at mga magulang kanina.
6. Araw-araw ako (bili ) _______ ng mga sariwang prutas sa palengke.
7. Wala si Jonas dito. Kanina pa siya (alis) _______ .
8. Kaarawan ni Lola sa Sabado kaya (dalaw) _______ natin siya sa Cavite.
9. Buksan mo ang pinto dahil may _______ (katok) .
10. Hindi mo ba (dinig) ________ ang boses ko?

Panuto: Salungguhitan ang pandiwa na bubuo sa pangungusap. Pumili mula sa mga pandiwa
sa loob ng panaklong.
1. Minamasdan ni Lola ang mga apo niyang (naglaro, naglalaro, maglalaro) sa bakuran.
2. Humingi ng meryenda si Allan kaya (binigyan, binibigyan, bibigyan) ko siya ng turon.
3. Ikaw ba ang (gumuhit, gumuguhit, guguhit) ng larawang ito? Napakaganda ng gawa mo!
4. (Nagpahinga, Nagpapahinga, Magpapahinga) ngayon si Nanay sa silid dahil sumasakit ang
ulo niya.
5. Ang tatay mo ay (tumawag, tumatawag, tatawag) bukas nang alas otso.

“Tunay na Naglilingkod nang Husay at Sapat”

Address: Tumalim, Nasugbu, Batangas, 4231


 : 0999-456-8118
 : tumalim_nhs@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV - A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
Tumalim National High School
Tumalim, Nasugbu, Batangas

6. Pinulot ni Sam ang mga manggang (nahulog, nahuhulog, mahuhulog) sa ilalim ng puno.
7. Magsisimba ako mamaya. (Sumama, Sumasama, Sasama) ba kayo sa akin?
8. (Natulog, Natutulog, Matutulog) pa ang sanggol kaya huwag kayong maingay.
9. (Nagsimula, Nagsisimula, Magsisimula) na ang sine. Hindi natin nakita ang umpisa nito.
10. Si Tatay ang nagluluto dahil (naglaba, naglalaba, maglalaba) pa si Nanay.

Result of Remediation/Resulta ng pagtuturong muli


______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________
Lagda ng mag-aaral: ___________________________
Lagda ng magulang: ___________________________
Lagda ng guro: _________________________________
Petsa: _________________________________
Inihanda ni: Binigyang-pansin ni: Pinagtibay ni:

SANTA ESMERALDA E. GUEVARA JEREMIAS S. BELTRAN PhD.


Guro sa Filipino G9 OIC/Ulongguro I

“Tunay na Naglilingkod nang Husay at Sapat”

Address: Tumalim, Nasugbu, Batangas, 4231


 : 0999-456-8118
 : tumalim_nhs@yahoo.com

You might also like