You are on page 1of 10

POKUS- ang tawag sa relasyong

pansemantika ng pandiwa at paksa o


simuno sa pangungusap. Ito ay
naipapakita sa pamamagitan ng
ginamit na panlapi sa pangungusap.

 tagaganap o aktor
 tagatangap o benepaktibo
 layon o gol
 kagamitan o instrumental
POKUS sa AKTOR/ TAGAGANAP- Ang paksa ng
pangungusap ang gumaganap ng kilos na isinasaad ng
pandiwa.
HALIMBAWA
Naglakbay si Psyche patungo sa tahanan ng mga diyos.

HALIMBAWA
Tumalima si Psyche sa lahat ng gusto ni Venus.
PANLAPI
um-/-um, mag-, ma-, mang (m/n)-, mag- an, at magsipag-
an/han
POKUS sa TAGATANGGAP/ BENEPEKTIBO- Ang paksa ng
pangungusap ay ang tumatanggap o pinaglalaanan ng kilos na
ipinahihiwatig ng pandiwa.
HALIMBAWA
Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam.

HALIMBAWA
Pinag-utos ni Apollo na bihisan si Psyche ng
pinakamaganda niyang damit.
PANLAPI
i-, -in, ipinag-, ipag-, -han/-an
Pokus sa Layon (Gol)- kung ang pinag-uusapan ang siyang layon
ng pangungusap at panandang ANG sa paksa o pokus

HALIMBAWA
Kinuha ni Psyche ang gintong balahibo ng tupa.

HALIMBAWA
Iniayos ni Psyche ang mga buto ayon sa pagkakauri nito.

PANLAPI
–in/hin, -an/-han, ma-, paki-, ipa- at pa-
Pokus sa Kagamitan (Instrumental)- Ang kasangkapan o ang
gamit ang paksa ng pangungusap upang maisagawa ang kilos ng
pandiwa.
HALIMBAWA
Ipantatarak niya ang punyal sa mahal na asawa.

HALIMBAWA
Ang pana ni Cupid ay maipanggagamot kay Psyche.

PANLAPI
ipa-, ipang-, maipang-.
Tukuyin mo kung ang pokus ng pandiwa sa pangungusap ay
tagaganap, layon, tagatanggap o kagamitan.

Ipinangregalo ng GMA Kapuso Foundation ang mga


natipong donasyon para sa nabiktama ng kalamidad.
KAGAMITAN
Pinaunlad ng kapitalismo ang mga indibidwal na negosyante.
TAGATANGGAP/BENEPEKTIBO
Kinain ni Psyche ang Ambrosia. LAYON
Nagalit si Cupid kay Psyche. AKTOR/TAGAGANAP
Tukuyin mo kung ang pokus ng pandiwa sa pangungusap ay
tagaganap, layon, tagatanggap o kagamitan.

1. Ang puting tuwalya ay ipinampahid niya sa kanyang mga


braso.
2. Si G. Ramirez ang nagtatag ng organisasyong ito.

3. Ang sirang bubong ay kinukumpuni nina Tatay at Kuya.

4. Ang mga mag-aaral ay binabasahan ng guro ng maikling


pabula.
Tukuyin mo kung ang pokus ng pandiwa sa pangungusap ay
tagaganap, layon, tagatanggap o kagamitan.

5. Ang makapal na dyaket ay isinuot ni Regina.


6. Sina Nanay at Ate Gina ay mamimili sa Divisoria bukas.

7. Ang mga dahon ng lagundi ay ipinanggagamot sa iba’t


ibang karamdaman.
8. Gagawan ko ng bagong costume si Nicky para sa
Halloween Party.
Tukuyin mo kung ang pokus ng pandiwa sa pangungusap ay
tagaganap, layon, tagatanggap o kagamitan.

9. Tumawag si Nanay sa akin kanina.


10. Natukso si Psyche na buksan ang kahon ng kagandahan.

You might also like