You are on page 1of 7

REPUBLIKA NG PILIPINAS

KAGAWARAN NG EDUKASYON
DIVISION OF MISAMIS ORIENTAL
INITAO NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
INITAO, MISAMIS ORIENTAL

ORAS AT ARAW NG PAG-OOBSERBA: Marso 27, 2023 (LUNES) 8:30-9:30AM


SEKSYON NA OOBSERBAHAN: Grade 9-COURAGE

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 9

Kasanayang Pampagkatuto: F9WG-1116 –C-53


Nagagamit ang mga angkop na pang-uri na nagpapasidhi ng damdamin.

I. Layunin
Sa loob ng isang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1) Natutukoy ang mga pang-uri na nagpapasidhi ng damdamin sa isang pangungusap.
2) Nakabubuo ng mga pangungusap gamit ang angkop na pahayag sa pagpapasidhi ng damdamin.
II. Paksang-aralin
a. Paksa: Elehiya para kay Ram; isinalin ni Pat V. Villafuerte
Wika/Grammar: Pang-uring nagpapasidhi ng damdamin
b. Sangguniang aklat: Panitikang Asyano 9
c. Kagamitang pampagturo: visual aids (Manila Paper/cartolina), laptop, Powerpoint Presentation
III. Pamamaraan

A. Panimula
Gawaing Guro Gawaing mag-aaral
1. Panalangin  “Ama naming makapangyarihan sa lahat,
Tatawag ng mag-aaral na mamuno sa ikaw ang aming sa tanglaw at gabay
panalagin. araw-araw. Ama, nawa po’y bigyan mo
po kami ng lakas at talino upang
matagumpay po naming matapos ang
klaseng ito. Gabayan mo po ang bawat
mag-aaral at mga guro upang nang sa
ganon ay maghahari ang pag-uunawa at
pakikinig sa bawat isa sa amin. Ito po
an gaming hiling sa’yo Ama. Amen”

2. Pagbati
Magandang umga klas! Magandang umaga po Bb. Christine!

Magsiupo ang lahat.


3. Pagtala ng mga lumiban
Tatanungin ang bawat hanay kung sino Wala pong lumiban ma’am
ang wala sa klase at itala sa gilid ng
pisara.
4. Pagbibigay tuntunin
Magsiupo nang maayos. Bago ang
lahat gusto kung ang klaseng ito ay
maglaan ng paggalang sa bawat isa at
higit sa lahat ay ang partisipasyon.
Nagkaintindihan ba tayo? Opo ma’am.

B. Pagbabalik-aral

Tungkol saan ang ating nakaraang talakayan? Ma’am, natapos tayo sa mga patnubay sa mga
(Magtataas ng kamay ang isang estudyante) etimolohiya.

Magaling!

C. Pagganyak

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng kanilang


mga nararamdaman batay sa isinasaad ng mga
larawan sa itaas. (Isusulat ito ng mga mag-
aaral sa palibot ng mga larawan. Pagkatapos,
iranggo ang mga salitang ito ayon sa tindi ng
kanilang naramdaman. Mayroong mga bahagi
ng katawan na nakapaskil sa pisara, iaayos
nila ito na naaayon sa pagkakaayos ng mga
salitang ginawa.)
 Hahatiin ang klase sa apat (4) na
pangkat para sa paggawa ng aktibi.
 BAGYO/BAHA
 Batay sa mga kasagutan ng mga mag-
 GIYERA aaral, mabisa bang naipahayag ang
kanilang saloobin o emosyon?

Maaaring kasugatan ng mga mag-aaral:

EPEKTO NG EPEKTO NG
BAGYO GIYERA
1. Masakit tignan ang sinapit ng mga
1. Kalunos-lunos ang sinapit ng mga sundalo at sibilyang nadamay sa
taong nasira ang bahay at nawalan ng giyera.
buhay.
2. Walang katahimikan kapag
2. Mahirap isipin na kailangan nagsimula na ang giyera.
pagdaanan ng mga tao ang pagbaha at
epekto nito. 3. Ang mga tao ay naging malungkot
dahil sa pagkasira ng kanilang mga
3. Lubhang napakasakit mawalan ng bahay.
mga minamahal dahil sa pagbaha.
4. Tunay na hindi madali ang
4. Mabuti ang puso ng mga taong magsimula muli pagkatapos ng
tumutulong sa mga nangangailangan. kaguluhan.
D. Talakayan
1. Paglalahad ng paksa Ito ay tungkol sa sidhi ng emosyon o damdamin
Ang bago nating tatalakayin ngayon ay na ginagamit sa pagpapahayag. Ginagamitan ng
tungkol sa ano? mga salitang naglalarawan para mailarawan ang
mga damdamin o pahayag sa isang pangungusap.
2. Pagtalakay
Sa pagbibigay ng pahayag gamit ang mga larawan Ang mga pahayag ay ginagamitan ng mga salitang
at pagraranggo nito ayon sa tindi ng emosyon, ano naglalarawan at mayroon ding mga panlapi para
ang inyong napansin? mas lalong mas mapatindi ang pagpapahayag ng
damdamin.
Tama!

Ang mga salitang naglalarawan na ito tinatawag Ang mga pang-uri ay ginagamit sa paglalarawan at
na mga pang-uri. pagbibigay katangian sa isang pangngalan o
(Ipapabasa ang gamit at kahulugan ng mga pang- panghalip.
uri)

Maaari ba kayong magbigay ng mga halimbawa Hal. Matangkad


ng mga salitang naglalarawan o pang-uri? Matalino
Maganda
Payat
Mahaba
Magaling!
Ngayon ay alam na ninyo ang mga salitang (Ipapakita ang iba’t ibang kasidhian ng pang-uri)
naglalarawan, paano kaya natin magagamit ang
mga ito upang mas maging malinaw ang
paglalarawan ng katangian ng panghalip o
pangngalan?

Ang pinasidhing anyo ng pang-uri ay ang


paglalarawang may pinakamataas na antas. Ito ay (Magbabasa ng depinasyon at kahulugan sa
sumasagot sa tanong na “gaano” upang mapalinaw Powerpoint Presentation)
na mailarawan ang katangian ng pangngalan o
panghalip.

Hal. Napakagaling talaga ng mga nagtanghal sa


palabas kanina.
Mataas na mataas enerhiya ng mga
nagtanghal sa palabas.

Mag-isip nga kayo ng isang halimbawa ng pang- Napakaswerte ni Anna dahil siya ay pinanganak na
uri at gamitin ang pinasidhing anyo nito sa isang mayaman.
pangungusap?
Ang saya-saya ko ng makakuha ako ng malaking
marka sa Filipino.

Magaling! Ako ay namamangha sa talas ng inyong


mga isipan. Aalamin na natin ngayon ang mga
hakbang sa pagpapakita ng pinasidhing anyo ng
pang-uri.
Mayroong apat na hakbang na maaring magamit (Babasahin ang iba’t ibang hakbang sa pagpapakita
sa pagpapasidhi ng damdamin sa pang-uri. ng pinasidhing anyo ng pang-uri)

(Ilalabas ang apat na hakbang sa pagpapasidhi ng


pang-uri sa visual aid)
Ipababasa sa mga mag-aaral ang katuturan at
magbigay ng halimbawa.

1. Pag-uulit ng pang-uri Inuulit ang mga pang-uri sa isang pangungusap


upang mas mapalinaw ang sidhi ng salita.
Maraming salamat. Kagaya na lamang ng inyong
naibigay na halimbawa kanina, inuulit ang mga
pang-uri upang magbigay ng kasidhian nito.

 Hal. Mainit na mainit ang damdamin ng


mga nagtatalo kanina.
 Magandang-maganda ang tinig ng kapag
binibigkas ang sariling wika.
Magbigay pa ng ibang halimbawa gamit ang pag-
uulit ng pang-uri. Hal. Mamutla-mutla ako dahil sa mga nangyari.

2. Paggamit ng mga panlapi


Ginagamitan ng panlapi katulad ng napaka-,
(Bibigyan ng emphasis ang mga panlaping pagka-, pinaka-, etc.
maaaring gamitin)

 Hal. Napakaganda ng wikang Filipino.


 Sa lahat ng nagtanghal, para sa akin ay
pinakamahusay ang nagging pagtatanghal
ng batang si Charice.
Magbigay pa ng ibang halimbawa.
Hal. Pinakamapalad talaga ang mga taong
nagpapakumbaba.
3. Paggamit ng parirala
Ginagamit ang mga parirala gaya ng ubod ng, at
hari ng.
 Hal. Hari ng galing ang lahing Pilipino sa
musika at sining.
 Ang alaga naming aso ay ubod ng tapang.
Mag-isip ng isang halimbawa ng paggamit ng
parirala. Hal. Ubod ng ganda ang mga nakilahok sa
patimpalak.
4. Paggamit ng mga salita

Paggamit ng pang – uri at mga salitang sakdal,


tunay, lubhang, at walang, totoo.

 Hal. Lubhang napakatahimik ang lugar na


ito.
 Tunay na masaya ang mga tao sa resulta ng
patimpalak.
Magbigay pa ng mga halimbawa na gumagamit ng
salita sa pagpapasidhi ng anyo ng pang-uri?
Ma’am! Si Tanya ay lubhang bihasa sa paggamit
ng piyano.
Napakagaling! Palakpakan ninyo ang inyong mga
sarili. (Magpapalakpakan ang mga mag-aaral)
3. Abstraksyon

(Mungkahing estratehiya; Think! Think! Think) (Magbibigay ng posibleng sagot sa katanunganang


Paano nakatulong ang pagpapasidhi ng damdamin bawat isa.)
sa masining na pagpapahayag ng damdamin/
emosyon? Maaring maging kasagutan:
Nakakatulong ito upang lubos na mailarawan ang
ating nararamdaman.
4. Aplikasyon
(Mungkahing estratehiya: Express your feelings)
Ano ang iyong nararamdaman kapag naaalala mo
ang yumaong mahal mo sa buhay? Masining na
ilahad ang iyong nararamdaman gamit ang
pagpapasidhi ng damdamin.

E. Paglalahat

Para sa paglinang ng kabuuang natutunan sa Maaaring maging kasagutan:


paksa, paano natin magagamit ang pinasidhing Sa pamamagitan ng pagbibigay ng linaw sa mga
anyo ng pang-uri sa pang-araw araw nating pahayag; nakakagamit tayo ng mga pang-uri
pakikipag-usap? upang mas maintindihan tayo ng ating mga
kausap kapwa sa pagbigkas at pagsulat.

IV. Patataya
III. Bumuo ng mga pangungusap gamit ang pinasidhing anyo ng pang – uri.
1. (totoong matalino) :
2. (ubod ng tagal) :
3. (nagtataasan) :
4. (pinakaliliyag) :
5. (kagaling-galingan):

V. Takdang-Aralin
Magsaliksik ng iba’t ibang uri ng tunggalian at magbigay tigdadalawang halimbawa bawat uri ng
tunggalian. Isulat sa kalahating papel (crosswise).

Inihanda ni: Nirepaso ni:


CHRISTINE D. LLANTO ARLAJEAN B. CABURATAN
Teacher I MT I

Binigyang pansin ni:


JOAN CALIOPE J. LONGAKIT
School Principal I

You might also like