You are on page 1of 23

NOT

9
Filipino
Ikalawang Markahan - Modyul 13
Salitang Di- Lantad ang Kahulugan Batay
sa Konteksto ng Pangungusap
Department of Education ● Republic of the Philippines
Filipino- Grade 9
Alternative Delivery Mode
Quarter 2, Wk.4 - Module 13: Salitang Di-Lantad ang Kahulugan
Batay sa Konteksto ng Pangungusap

First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of
the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency
or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work
for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition the
payment of royalty.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials
from their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent
nor claim ownership over them.
Published by the Department of Education – Division of Cagayan de Oro
Schools Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD, CESO V
Development Team of the Module
Author: Rheyma N. Lorena-Pitogo
Evaluators/Editors: Ginalyn A. Kiamko, Perlita T. Monterola
Illustrator and Layout Artist: Irish S. Habagat
Management Team
Chairperson: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Nimfa R. Lago, PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintende

Members: Henry B. Abueva, OIC-CI


Levi M. Coronel, PhD., EPS-Filipino
Sherlita L. Daguisonan, EPS-LRMS
Meriam S. Otarra, PDO II
Charlotte D. Quidlat, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph

i
9
Filipino
Ikalawang Markahan- Modyul 13
Salitang Di- Lantad ang Kahulugan
Batay sa Konteksto ng
Pangungusap

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by educators from public and private schools, colleges, and or/universities. We
encourage teachers and other education stakeholders to email their feedback,
comments, and recommendations to the Department of Education at action@
deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.

ii
Department of Education ● Republic of the Philippines

3
For inquiries and feedback, please write or call:

DepEd Division of Iligan City


Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph

This page is intentionally blank

iv
Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ……………………………… 1


Nilalaman ng Modyul ……………………………… 1
Alamin ……………………………… 1
Pangkalahatang Panuto ……………………………… 2
Subukin ……………………………… 3
Aralin 1 ……………………………… 4
Balikan ……………………………… 4
Tuklasin ……………………………… 5
Suriin ……………………………… 7
Pagyamanin ……………………………… 8
Isaisip ……………………………… 8
Isagawa ……………………………… 9
Buod ……………………………… 10
Tayahin ……………………………… 10
Karagdagang Gawain ……………………………… 10
Susi ng Pagwawasto ……………………………… 12
Sanggunian ……………………………… 13

v
This page is intentionally blank

vi
Modyul 13
Salitang Di-Lantad ang Kahulugan
Batay sa Konteksto
ng Pangungusap
Pangkalahatang Ideya

Isa sa mga makrong kasanayan sa Filipino ang pagbasa. Hindi lang pagbasa
kundi pagsusuri rin sa iba’t ibang genre ng panitikan. Sa simulang yugto sa buhay ng
isang mag-aaral, isang masusing proseso ang pagbasa dahil unti-unti o hinay-hinay
niya itong natutunan. Sa pagbasa, hindi lahat ng mga salita ay nagtataglay ng literal
na kahulugan. May mga salita rin na hindi lantad ang kahulugan.

Naglalaman ng mga gawain na hahasa sa talasalitaan ang modyul na ito. at


lubos ding nabibigyan at naipapaliwanag ang kahulugan ng ilang salita na di lantad
ang kahulugan. Ang mga salitang ito ay hindi lang mababasa sa iba’t ibang uri ng
panitikan kundi ginagamit din ito sa pagpapahayag nang pasalita sa ating damdamin
o kuru-kuro nang sa gayon maiwan na di makasakit sa damdamin ng ibang tao. Ang
ilan sa mga ito ay ginagamit din bilang palamuti sa pagpapahayag.

Nilalaman ng Modyul

Ang modyul na ito ay naglalaman ng isang aralin tungkol sa mga salitang


di-lantad ang kahulugan batay sa konteksto ng pangungusap at mga gawaing
lilinang sa kaalam at kasanayang pangbokabularyo ng mga mag-aaral.

Alamin

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay;

1. Naipaliliwanag ang mga salitang di lantad ang kahulugan batay sa


konteksto ng pangungusap. (F9PT-IId-47)
2. Nagagamit ang mga di- lantad ang kahulugan ng mga salita sa
pangungusap.
3. Nasusuri ang tagong kahulugan ng ng mga salita sa pangungusap o
pahayag.

1
Pangkalahatang Panuto
Paano mo Matututunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
• Basahin at unawain nang mabuti ang mga konseptong pangwika.
• Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
• Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.

Icons na Ginagamit sa Modyul

Alamin Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o


mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa
modyul na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


Subukin tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
masususuri kung ano na ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa


Balikan pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin
na may koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa


Tuklasin pamamagitan ng iba’t ibang gawain

Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at


nararapat mong matutunan upang malinang ang
pokus na kompetensi.

Pagyamanin Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa


iyong natutunan at magbibigay pagkakataong
mahasa ang kasanayang nililinang.

Isaisip Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


mahahalagang natutunan sa aralin.

Isagawa Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang


mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

2
Subukin

I. Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang nais ipahiwatig ng mga


salitang may salungguhit. Pagkatapos,ayusin ang mga ginulong
titik sa ibaba ng pangungusap upang matukoy ang kahulugan.
Isulat sa patlang ang sagot. (2 puntos) bawat tamang kasagutan.

1. May isang bagay ngang nalisya sa buhay niya.


i l a n g w a
2. Tumakas ang dugo sa kanyang mukha.

m u t n a l a

3. Waring ikinukubli niya ang pag-aagam-agam na narinig.

a g a - a n p i l n l a n g a

4.Bawat aralin sa panitikan ay pagtighaw sa kauhawan namin


sa kagandahan.

w a p i m a

5. Ito ay sumupil sa pagnanasa kong iyon.

d a l n h a m u g

ll. Panuto: Piliin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salitang may


salungguhit sa Hanay A.

Hanay A Hanay B

1. Marami ang nagalit kay Crisostomo nang a. matatag


pagbuhatan nito ng kamay si Padre Damaso.
2. Abot hanggang langit ang galit ni b. hadlang
Padre Damaso kay Ibarra.
3. Lumaki ang ulo ni Padre Salvi nang hangaan siya c. galit na galit
ng marami dahil sa pagkatuklas niya sa himagsikan.
4. Itinuring ni Padre Salvi na tinik sa lalamunan d. yumabang
niya si Ibarra.
5. Buong-buo ang loob ni Maria Clara sa pagharap e. sinaktan
sa lahat ng pagsubok na dumarating sa kanila
ni Crisostomo.

3
Pamagat ng Aralin
Aralin
Pagpapaliwanag sa mga Salitang Di-

1 Lantad ang Kahulugan Batay sa


Konteksto ng Pangungusap

Balikan

Gawain 1
Panuto: Piliin ang mga salitang may kaugnayan sa sanaysay pagkatapos bumuo
ng mahalagang kaisipan gamit ang mga salitang napili.

kuro-kuro ideya isyu

opinyon saloobin tugma


talumpati

tauhan banghay sukat

balita pananaw

SANAYSAY

Gawain 2
Panuto: Balikan ang sanaysay na Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong
Nakaraang 50 Taon na isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina. Mamili ng tatlo
hanggang limang salita na di lantad ang kahulugan.(Ito ay mga salita na para sa iyo
hindi mo naintindihan kaagad dahil hindi tuwiran ang pagkakalahad ng kahulugan
nito.)

4
Tuklasin

Gawain 3 Panuto: Pag-aralan ang larawan. Hanapin sa Hanay B ang ipinahihiwatig


nito?

Hanay A Hanay B

1. a. pagsunggab sa pagkakataon

2.
b. pagdadalawang-isip

3. c. kalidad ng edukasyon

4. d. kalupitan sa kapwa

5
5. e. pagkakapantay-pantay ng mga kasarian

Gawain 4 Panuto: Lapatan ng pansariling interpretasyon ang mga sumusunod


batay sa ipinahihiwatig ng kaisipang nakapaloob dito.Tapos
piliin mo ang titik ng kahong angkop sa interpretasyon na
nasa ibaba.

1. Mahiwaga ang daigdig.


2. Pagkat sa tao’y sa tao ang puso, diwa at kaluluwa.
3. Alipin na ako ng aking sariling nagkasala.
4. Ang pag-ibig ay bahagi ng Diyos na isinapi sa tao.
5. Ako’y likha ng Maykapal na iniwangis sa Kanya; May pagka-Diyos ako, maya
pagka-Manlilikha!
6. Ako’y isa ring langaylangayang napalaot sa kawalang-katiyakan.

A. Ang Diyos ay pag-ibig at ito’y ibinigay ng Diyos sa tao upang maghari ang pag-ibig
sa puso ng bawat isa.

B. Maraming pagbabago ang naganap sa daigdig. Nasaksihan at nadama ito ng


nagsasalaysay na naging dahilan upang lalong malayo ito sa Paraiso at ganap na
madama ang pagkaalipin sa sariling nagkasala.

C. Ang tao ay may sariling pagkatao, na nag-udyok sa kanya upang makalimot at


magkasala.

D. Dumarami ang tao. Lumalawak ang sakop ng tao. Ang pookpook ay sumisikip.
Lumiliit ang kalupaan. Ngunit lumalaki ang daigdig sapagkat nabibigyan ng lunan ang
lahat.

E. Ang tao’y nilikha ng Diyos na hawig sa Kanya. Ngunit kailangan ng tao ng kasama
kaya lumikha ang tao ng kanyang kasama. Bukod dito nagnais ang tao na masakop
at maangkin.

F. Ang nagsasalaysay ay tulad ng pangkat ng mga ibong g daigdig, ang buong


sansinukob. lumilipad na walang tiyak na pupuntahan.

Gawain 5
Panuto: Bigyang-kahulugan ang sumusunod na salitang may salungguhit at gamitin
ito sa pangungusap.

6
1. parehong pagkakataon
2. pantay na karapatan
3. naiiba na ang gampanin
4. hindi makatarungan ang trato
5. higit na mapanghamon

Suriin

Lubos na makapangyarihan ang wika sa larangan ng komunikasyon, pasalita man o


pasulat. Ito ang tanging sandata upang maipahayag ang saloobin, damdamin, at mga
ideya o opinyon ng isang tao. Sa larangan ng komunikasyon, hindi maiiwasan ang
pagbanggit o paggamit ng mga salitang nakatago ang kahulugan. Hindi lang literal
ang pagbibigay kahulugan sa ilang salita. May mga salita rin na kinakailangang suriin
ang gamit nito sa loob ng pangungusap upang maintindihan ang kahulugan.

Gawain 6
Panuto: Basahin at suriin ang sumusunod na pangungusap. Ibigay at ipaliwanag
ang sariling pagpapakahulugan sa mga salitang sinalungguhitan.

Halimbawa: Si Maria ay pumayag na maging kabiyak ng puso ni Juan.


Sagot: kabiyak ng dibdib – Ito ay nangangahulugang sinisinta, asawa, o sinumang
minamahal na nais pakasalan.
Paliwanag: Sinasabing kabiyak ng puso ang isang minamahal dahil magkasama na
sila sa mga desisyon sa buhay at iisa na ang tinitibok ng kanilang puso.

1. Ang pag-iisang dibdib nina Simon at Clara ay dinaluhan ng mga taong kilala
at may mataas na tungkulin.
2. Naniningalang pugad si Kris kay Alex kaya binigyan niya ito ng isang malaking
teddy bear.
3. Matalas ang ulo ni Lexi kaya siya ay nakakuha ng pinakamataas na marka sa
klase.
4. Makapal ang palad ni Helena kaya nakaraos siya sa kahirapan.
5. Huwag mong tuksuhin si Ana dahil mababaw ang kaniyang luha.

Gawain 7
Panuto: Gamitin sa loob ng pangungusap ang sumusunod na salita. Pagkatapos,
ibigay ang kahulugan ng salitang ito batay sa pagkagamit mo sa loob ng
pangungusap.

6. itaga sa bato
7. abaka na ang buhok
8. bumangga sa pader
9. isang dakot na hangin
10. kakaning itik

7
Pagyamanin

Gawain 8 A. Panuto: Ibigay ang iyong pagpapakahulugan sa mga salitang may


salungguhit ayon sa kung paano ito ginamit sa pangungusap.
Ipaliwanag ang iyong kasagutan.
1. Nang marinig ko ang salitang emansipasyon, nakapang-akit ito sa akin na
magising na hangaring ang pagsasarili at kalayaan.
2. Hindi ko nais na wasakin ang puso ng mga mahal ko sa buhay.
3. Ito ang nagbukas ng pinto sa mga kababaihan na ipamalas ang kanilang talento.
4. Ipinagkasundo ako ng aking mga magulang sa hindi kilalang lalaki.
5. Bata pa lang ako ay nais ko nang makatayong mag-isa sa aking buhay.

B. Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng nakasalunguhit na matalinghagang salita sa


bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang titik ang tamang sagot.
_____6. Halos lumiyab ang dibdib ni Pedro sa mga papuring naririnig niya sa
kanyang mga kaklase.
a. nagmamagaling b. madurog ang puso c. nagmamalaki d. lumaki ang ulo
_____7. Ang mga papuri ni Karla ay labis na nakapagpapataba ng puso ng kanyang
ina.
a. nakapagpapagana c. nakapagpapasaya
b. nakapagpapalusog d. nakakabighani
_____8. Naiwang nagkakamot ng ulo ang bata dahil sa pagkawala ng kanyanga
pagkain.
a. nasiraan ng ulo c. nangangati ang ulo
b. walang nagawa d. sumakit ang ulo

_____9. Sa isang kisap mata ay nawala ang perang pinaghirapan niya.


a. iglap b. kislap c. kurap d. sandali
_____10. Umuwing lulugo-lugo ang kawawang bata.a
a. lokong-loko b. malungkot c. may sakit d. naghihinayang

Isaisip

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan.

1. Sa iyong sariling palagay, ano kaya ang nais ipahiwatig ng mga salitang di
lantad ang kahulugan?____________________________________________

8
2. Kailan natin masasabi na ang isang salita ay di-lantad ang
kahulugan?____________________________________________________
3. Bakit nagkakaroon ng ganitong uri ng mga salita?______________________
4. Paano kaya ginagamit ang mga salitang ito?__________________________
5. Magbigay ng mga salitang di-lantad ang kahulugan at ibigay rin ang kahulugan
nito batay sa iyong sariling opinyon.________________________

Isagawa

Magkakaroon ng paligsahan ang iyong dibisyon para sa paggawa ng islogan


tungkol sa iba’t ibang isyu na kinakaharap ng ating bansa. Nagkataon na ikaw ang
napili bilang kinatawan o representante ng inyong paaralan. Gumawa ka ng islogan
tungkol sa mga isyu na kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Gamitin din ang
mga salitang di lantad ang kahulugan. Batay sa pamunuan ng nangangasiwa sa
paligsahan, ang slogan ay tatayain batay sa sumusunod na pamantayan:

MGA Iskor
KRAYTERYA

4 3 2 1
Pagkamalikhain Lubos na Naging Hindi Walang
nagpamalas ng malikhain sa gaanong ipinamalas na
pagkamalikhain paghahanda. naging pagkamalikhain
sa paghahanda. malikhain sa sa paghahanda.
paghahanda.
Pamamahala Ginamit ang Ginamit ang Naisumite Hindi handa at
ng Oras sapat na oras oras na dahil hindi tapos.
sa paggawa ng itinakda sa binantayan
sariling disenyo
paggawa at ng guro.
sa gawain. naibigay sa
tamang oras.
Presentasyon Lubhang naging Naging Hindi Hindi naging
malinaw ang malinaw ang gaanong malinaw ang
paghahatid ng paghahatid malinaw ang paghahatid ng
mensahe. ng mensahe. paghahatid mensahe
ng mensahe.
Organisasyon Buo ang May kaisahan Konsistent, Hindi ganap ang
kaisipan at may sapat may pagkakabuo,
konsistent, na detalye at kaisahan, kulang ang
kumpleto ang malinaw na kulang sa detalye at di-
detalye at intension. detalye at malinaw ang
napalinaw. hindi intensyon.
gaanong
malinaw ang
intensyon
Kaangkupan Angkop na Angkop ang Hindi Hindi angkop
sa Paksa angkop ang mga salita sa gaanong ang mga salita
mga salita sa paksa. angkop ang sa paksa.
paksa. mga salita sa
paksa

9
INTERPRETASYON
15-20 Napakahusay
10-14 Mahusay
6-9 Katamtamang husay
1-5 Kailangan pa ng pagsasanay

Buod
Ang mga kahulugan ng mga salita ay maaaring makikilala ayon sa talinghaga
at idyoma. Ang matalinghagang pahayag ay mga salitang may kahulugang taglay na
naiiba sa karaniwan. Ito ay mga pahayag na di- tuwirang nagbibigay ng kahulugan.
Karaniwang hinango ang kahulugan nito sa karanasan ng tao gaya ng mga pangyayari
sa buhay o mga bagay-bagay sa ating paligid. Katulad din ito ng idyoma. Sa
pamamagitan ng idyoma ay nakikilala ang yaman ng isang wika.
Ang konotasyon ay may dalang ibang kahulugan o maaaring pansariling
kahulugan ng isang tao o pangkat na iba kaysa karaniwang kahulugan.

Tayahin

l. Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang nais ipahiwatig ng mga salitang
may salungguhit.Pagkatapos,ayusin ang mga ginulong titik sa ibaba ng
pangungusap upang matukoy ang kahulugan. Isulat sa patlang ang sa
sagot ( 2 puntos ) bawat tamang kasagutan.

_____ 1. May isang bagay ngang nalisya sa buhay niya.


i l a n g w a
2. Tumakas ang dugo sa kanyang mukha.

m u t n a l a

3. Waring ikinukubli niya ang pag-aagam-agam na narinig.

a g a - a n p i l n l a n g a

4.Bawat aralin sa panitikan ay pagtighaw sa kauhawan namin


sa kagandahan.

w a p i m a

5. Ito ay sumupil sa pagnanasa kong iyon.

10
d a l n h a m u g

ll. Panuto: Piliin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa
Hanay A.Titik lang ang isulat sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B

1. Marami ang nagalit kay Crisostomo nang a. matatag


pagbuhatan nito ng kamay si Padre Damaso.
2, Abot hanggang langit ang galit ni b. hadlang
Padre Damaso kay Ibarra.
3. Lumaki ang ulo ni Padre Salvi nang hangaan siya c. galit na galit
ng marami dahil sa pagkatuklas niya sa himagsikan.
4 Itinuring ni Padre Salvi na tinik sa lalamunan d. yumabang
niya si Ibarra.
5. Buong-buo ang loob ni Maria Clara sa pagharap e. sinaktan
sa lahat ng pagsubok na dumarating sa kanila
ni Crisostomo.

11
Susi sa Pagwawasto

Subukin
1. naligaw
2. namutla
3. pag-aalinlangan
4. pamawi
5. humadlang
6. e. 7. c. 8. d. 9. b. 10. a.

Balikan
Depende sa naging kasagutan ng mag-aaral.

Tuklasin
Gawain 3 1. b. 2. c. 3. e. 4. a. 5. d.
Gawain 4 1. D. 2. C. 3. B. 4. A. 5. E. 6. F.
Gawain 5 Depende sa naging kasagutan ng mag-aaral.

Suriin
Gawain 6 Gawain 7
1. kasal o kasalan 6. tandaan
2. nanliligaw 7. matanda na
3. matalino 8. lumaban sa makapangyarihan
4. masipag 9. kayabangan
5. mabilis tumulo ang luha 10. duwag

Pagyamanin
Gawain 8-A. Mga Posibleng Sagot
1. pagiging malaya mula sa mga sinauna at nakasanayang mga batas,
kultura, tradisyon at paniniwala ng mga katutubo
2. saktan
3. nagbigay ng pagkakataon
4. pinag-asawa
5. mabuhay ang sarili
Gawain 8-B. 6. C. 7. C. 8. C. 9. A. 10. B.

Isaisip
Depende sa naging kasagutan ng mag-aaral.

Isagawa
Depende sa naging kasagutan ng mag-aaral.

Tayahin
1. naligaw
2. namutla
3. pag-aalinlangan
4. pamawi
5. humadlang
6. e. 7. c. 8. d. 9. b. 10. a.

12
Mga Sanggunian

Avena, L.P. (2017). Gintong Pamana. Metro Manila: Vibal Publishing House, Inc.

Avena, L.P. & Macalalad, M.G. (2011). Hiyas ng Lahi. Quezon City: Vibal Publishing
House, Inc.

Jocson, M.O (2015). Filipino Modyul para sa Mag-aaral Panitikang Pandaigdig.


Pasig City: Vibal Group Inc.

Rubric sa Ginawang Islogan/Poster. (2016). Retrieved from


http://filipinoforfilipinos.blogspot.com/2016/10/rubric-sa-ginawang
isloganposter.html

Modyul 3 Pagsusuri sa Akda Batay sa mga Teoryang Humanismo at Markismo.


(n.d.) Retrieved from
http://lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MODYUL_3_PAGSUSURI_SA_AKD
A_BATA.PDF

Modyul 9 Pagsusuri ng Akda Batay sa Teoryang Humanismo at Realismo. (n.d.)


Retrieved from
http://lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MODYUL_9_PAGSUSURI_NG_AKD
A_BATA.PDF

Modyul Blg. 24 Pagsusuri ng Nobelang Noli Me Tangere Batay sa Pananaw


Realismo at Naturalismo. (n.d.) Retrieved from
http://lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MODYUL_24_PAGSUSURI_NG_NO
BELANG.PDF

Supplemental Lessons Filipino Baitang Ikalawang Markahan. (n.d.) Retrieved from


https://rexinteractive.com/UserFiles/IM/Pointers-Filipino-
2/Supplemental%20Filipino%20High%20School%20Grade%209%202nd%20
Q.pdf

Gabion, R.U. (2015). Iba’t ibang Paraan ng Pagkilala sa Kahulugan ng Salita [IN
Slide Share]. Retrieved from https://www.slideshare.net/roseluvgabz/ibat-
ibang-paraan-sa-pagkilala-ng-kahulugan

Munkhuu, P. (2020). Pictures with deep meaning [Pinterest]. Retrieved from


https://www.pinterest.ph/asparagus615/pictures-with-deep-meaning/

13
Mga Sanggunian

https://rexinteractive.com/UserFiles/IM/Pointers-Filipino-
2/Supplemental%20Filipino%20High%20School%20Grade%209%202nd%20Q.pdf

http://lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MODYUL_3_PAGSUSURI_SA_AKDA_BAT
A.PDF

http://lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MODYUL_24_PAGSUSURI_NG_NOBELA
NG.PDF

http://lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MODYUL_9_PAGSUSURI_NG_AKDA_BA
TA.PDF

Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9

14
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

DepEd Division of Cagayan de Oro City


Fr. William F. Masterson Ave Upper Balulang Cagayan de Oro
Telefax: ((08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph

15

You might also like