You are on page 1of 17

Sangay ng mga Paaralang Lungsod

PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG FATIMA


Fatima, Lungsod Heneral Santos

Guro: Norie Jane M. Sayco Taon at Pangkat: 08


Petsa ng Pagtuturo: June 02,2022 Asignatura: FILIPINO 08
Oras ng Pagtuturo: 1:00-2:00PM Markahan: Ikaapat na Markahan

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa
Pangnilalaman sa isang dakilang akdang pampanitikan na
mapagkukunan ng mahahalagang kaisipang
magagamit sa paglutas ng ilang suliranin sa
lipunang Pilipino sa kasalukuyan

B. Pamanatayan Sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakabubuo ng


makatotohanang radio broadcast na
naghahambing sa lipunang Pilipino sa
panahon
ni Balagtas at sa kasalukuyan
C. Kasanayan Sa Pagkatuto Natutukoy ang mga hakbang sa pagsasagawa
ng isang kawili-wiling radio broadcast batay sa
nasaliksik na impormasyon tungkol dito
(F8PB-IVi-j-38)
D. Pang Araw-Araw Na Layunin  1. Natutukoy ang mga hakbang sa
pagsasagawa ng isang radio broadcast
 2. Nakabubuo ng isang radio broadcast
tungkol sa Florante at
Lauraosanapanood na balita sa
telebisyon
II. NILALAMAN Hakbang sa Pagsasagawa ng Radio
Broadcast, Floranteat Laura

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian SSLM – Ikaapat na Markahan – Ikapitong
Linggo

1. Mga Pahina Sa Gabay Ng


Guro
2. Mga Pahina Sa Kagamitang
Pang
Mag-Aaral
3. Mga Pahina Sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
Mula Sa
Portal Ng Learning Resource
B. Iba Pang Kagamitang Laptop, Power-Point Presentation, Youtube
Videos,
Panturo
Halimbawa ng Radio Broadcast
https://youtu.be/m5AR0zTepA4
IV. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag - aaral
A. Panalangin
Bb/G._____________, maaari mo bang - Opo ma’am, manalangin
pangunahan ang panalangin para sa tayo… Amen.
pagsisimula ng ating klase ngayong
araw?

B. Pagbati
Magandang umaga sa ating lahat! - Magandang umaga po
ma’am!

C. Pagbasa ng panuntunnan sa klase

Bago natin simulan ang ating pagtalakay


sa ating paksa ngayong araw, ay basahin
muna natin ang ating pununtunan sa
klase.

D. Pagtala ng lumiban at hindi


lumiban sa klase

At ngayon naman ay magtatala muna


ako kung sino ang lumiban at hindi
lumiban sa ating klase ngayon.
Kapag tinawag ko ang inyong pangalan
ay buksan lamang ang inyong mga audio
at sabihing “present o narito po ma’am”.

Ngayon sisimulan ko na ang pagtawag


ng pangalan, mauuna tayo sa mga lalaki.

G. __________
- Narito po ma’am.

At ngayon sa mga babae naman tayo.

Bb. _________
… - Narito po ma’am.
Mabuti’t konti lamang ang lumiban sa ating
klase. Ipagpatuloy niyo lamang iyan.

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o


pagsisimula sa bagong aralin
(PAGBABALIK-ARAL)

Panuto: Batay sa ating nakaraang tinalakay na


paksa. Basahin ang mga saknong at suriin kung
anong damdamin at motibo ng tauhan ang
naghahari. Gamit ang Nearpod.com

1. Saknong 259
“Humihinging tulong at nasa pangamba, ang
Krotonang reyno’y kubkob ng kabaka; ang
puno sa hukbo’y balita ng sigla Heneral
Osmalik na bayaning Persya.

Ang naglalahad ay punumpunong…


a. pag-ibig b. pag-asa
c. pag-alala d. pananalig

2. Saknong 291
“Dito ko natikman ang lalong hinagpis, higit
sa dalitang naunang tiniis; at binulaan ko ang
lahat ng sakit kung sa kahirapang mula sa
pag-ibig.

Si Florante ay nagpakita ng…


a. pagkamuhi dahil sa pagkabigo
b. pananamlay dahil sa sakit
c. pagkainis dahil sa pag-ibig
d. pagtitiis alang-alang sapagibig

3. Saknong 307
“Sinalubong kami ng haring dakila, kasama
ang buong baying natimawa; ang
pasasalamat ay di maapula sa di
magkawastong nagpupuring dila.

Ang hari ay nagpakita ng…


a. pagtanaw ng utang naloob
b. pagkadismaya sa pagkatalo
c. pagkabalisa sa pangyayari
d. pagkaawa sa buong bayan

4. Saknong 318
“Isang binibini ang gapos na taglay na sa
ramdam nami’y tangkang pupugutan; ang
puso ko’y lalong naipit ng lumbay sa gunitang
baka si Laura kong buhay

Si Florante ay nakaramdamng…
a. galit sa mga gerero
b. galit dahil sumama si Laura sa mga
gerero
c. takot na baka siya ay hulihin
d. takot na baka ang babaeng nahuli ay si
Laura

5. Saknong 326
“Labis ang ligayang kinamtan ng hari at
ng natimawang kamahalang pili; si Adolfo
lamang ang nagdalamhati sa kapurihan
kong tinamo ang sanhi.

Sa nangyari, si Adolfo ay
nakaramdamng …
a. pagkatakot kay Florante
b. pagkamuhi kay Florante
c. pagkainis dahil sa matindingselos kay
Florante
d. pagkalungkot dahil nagtagumpay si
Florante

- Bago tayo tumungo sa ating bagong paksa


ngayon araw ay balikan muna natin ang ating
nakaraang tinalakay.
- Sa ating pagbabalik - aral ay magsesend ako
ng link, sa ating GC
- Nakita na ba ang link class?
- okay, Mabuti
- bibigyan ko kayo ng limang minuto, sapagkat - Wait lang po ma’am
madali lamang iyon at alam kung mabilis niyo - Nakita ko na po ma’am
lang masasagutan.

B. Pagbasa ng Kasanayan sa Pagkatuto at


pang araw-araw na Layunin.
- Bilang pagpapatuloy ating basahin ang mga
Kasanayan sa Pagkatuto para sa ating
tatalakaying paksa sa araw na ito.
- G.________, maaari mo bang basahin ang
ating Kasanayan sa Pagkatuto?

- Opo ma’am
- Natutukoy ang mga hakbang
sa pagsasagawa ng isang
kawili-wiling radio broadcast
batay sa nasaliksik na
- Maraming salamat, G. _______.
impormasyon tungkol dito
(F8PB-IVi-j-38)

Para naman sa ating layunin sa araw na ito Bb.


_________.
Andiyan kaba? Maaari mo bang basahin ang
ating mga layunin sa araw bai to? - Opo ma’am
- 1. Natutukoy ang mga
hakbang sa pagsasagawa ng
isang radio broadcast
- 2. Nakabubuo ng isang radio
Maraming Salamat Bb. __________
broadcast tungkol sa Florante
at Laura

C. Paghahabi sa layunin ng
aralin
(PANGGANYAK)
Panuto:
- .Basahin natin ang mga sumusunod at
tukuyin Ninyo kung alin ang madalas
ninyong naririnig sa radio.

- Bb. _________, naka-raised hand button ka, sige


nga, maaari mo bang iparinig sa amin ang
madalas mong naririnig na linyahan sa radio.
- Okay po ma’am
- Ang madalas ko pong naririnig sa
- Oo, madalas nga natin marinig yan sa radio. radio po ma’am ay ang linyang
Maraming Salamat Bb.
- Sino pa ang nais magbahagi? “Sumasahimpapawid!”

- Ako po ma’am

- Ang madalas ko pong marinig sa


radio ay ang linyang “Bukas ang
- Sang-ayon ako dyan, madalas nga iyan marinig sa aming linya para sa inyong request
radio. Maraming salamat!
- Madali lang dib ana matukoy ang mga linya o at pagbati”
pahayag na ating madalas marinig sa radyo.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa layunin


ng aralin
(PAG-UUGNAY)

- Ngayon naman batay sa mga


halimbawang linya o pahayag sa radio.

- Mayroon bang pahayag na hindi angkop


gamitin sa radyo? At bakit?
- Sino ang makapagtukoy nito? - Ako po ma’am
- Yung pahayag po na “Tunghayan
ang pasiklaban ng talento sa
pagsasayaw ng ating mga kalahok”.
Kasi po ma’am naririnig lang naman
po natin ang nasa radyo. Paano
natin matutunghayan ang mga
- Tama ka G.________. Magaling! Hindi nagsasayaw dun.
angkop ang ganoon pahayag sapagkat,
hind inga naman talaga natin
matutunghayan o mapapanood ang
sayaw sa radyo.

- Maraming salamat.

….

- Handa na ba ang lahat?

- Ihanda ang inyong mga notebook o


kwaderno at magtala ng mga
mahahalagang-aral o punto mula sa ating
paksang tatalakayin ngayon.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan
(PAGTALAKAY)

- Alam kong may alam na kayo tungkol sa radyo


ngayon ay dagdagan pa natin ang inyong
kaalaman tungkol sa radio broadcast.

- Malaya kayong palawakin pa ito sa pamamagitan


ng sarili mong pagsasaliksik.

- Narito ang ilang mga hakbang na maaari mong


sundin sa pagsasagawa ng isang radio broadcast.

- Bb. _______, maaari mo bang basahin ang unang


hakbang?
- Opo, ma’am
- 1) Mag-isip ng sariling
pangalan para sa iyong
- Maraming Salamat!
- Ano kaya ang mga halimbawa ng pangalan ng estasyon.
estasyon sa radyo.

- G._____, maaari ka bang magbahagi ng iyong


sagot o ideya?

- Naalala ko lang po ma’am, isang


halimbawa po ba yung dito sa
school na radio broadcast po.
- Oo naman G._____, isang halimbawa iyon. - Yung “102.0 FNHS Squadron
Magaling! Maraming Salamat.
- Dagdag din na halimbawa… FM”

- Sa pangalawang hakbang naman Bb.________,


maaari mo bang basahin?

- Maraming Salamat! - Opo ma’am

- Ibig-sabihin nito ay mag-isip ka ng maaari paksa - 2) Maghanda ng paksang iyong


mo. tatalakayin sa ere.

- Halimbawa sa pagbabalita, kailangan marunong


kang magmasid sa nangyayari sa inyong
kapaligiran. Halimbawa na lamang nagkaroon ng
sunod malapit sa inyo maaari mo yung gawing
paksa.

- Sa ikatlong hakbang naman, Bb______, pakibasa.

- Maraming Salamat! - 3) Sumulat ng iskrip upang


- Familiar ba kayo sa salitang “dead air” class? maiwasan ang “dead air” sa iyong
pagbo-broadcast.
- Opo, tama iyon. Upang maiwasan natin ang
ganoong pangyayari ay kinakailangan na may - Yan po ba ma’am, yung saglit
nakahanda tayong script. Sapagkat, lalo na kapag na pagtahimik sa ere po. Yung
first time palang natin diba, may mga case na biglang walang nagsasalita.
mental block kahit alam na alam mo na ang iyong
sasabihin ay mawawala lang bigla, kaya mahalaga
na may nakahandang script.

- Pang-apat ako na lamang ang magbabasa,

- 4) Maghanda ng mga tugtog o musika na


iparirinig.

- Mahalaga din ito class, sapagakat magiging boring


iyong broadcasting kung wala kang nitong
tinatawag na mga sound effects, kaya kung
napapansin ninyo ay mayroon talagang mga
musika o tugtug sa radyo. Makakatulong din ito
upang saglit na makapahinga ang tagapag-salita.

- Sa panglimang hakbang, G._______, pakibasa.

- 5) Maging maingat at
magalang sa paggamit ng
- Maraming Salamat. iyong mga salita sapagkat iba-
- Bakit kaya kailangan maging maingat, sino-sino sa iba ang iyong mga
tingin niyo ang ating mga tagapakinig?
tagapakinig.
- Sige po G.______, ibahagi mo sa amin ang iyong
ideya.

- Opo tama iyon, sa radio broadcasting ay hindi - Sa radyo po, maaaring maging
natin mapipili kung sino lamang ang makikinig
dito, may Kalayaan ang mga tagapakinig na pumili tagapakinig po natin ay bata o
ng channel na kanilang papakinggan. Kaya matanda po ma’am
narapat lamang na maging maingat tayo.

- Naunawaan ba class?

- Mabuti naman kung ganoon, magpatuloy tayo.

- Sa pang-anim na pahayag sino ang maaaring - Opo, ma’am.


bumasa.

- Ako po ma’am
- 6) Makinig sa mga radio
broadcaster sa radyo upang
makakuha ka ng ideya sa
- Maraming salamat.
paraan at estilo ng
- Bakit kailangan making sa ibang radio pagpapahayag nila sa ere.
broadcaster?

- Upang magakroon kapo ng ideya


- Tama iyon. Magaling! ma’am kung paano ang mga
- Upang magkaroon tayo ng ideya mula sa paraan sa pagsasalita sa radyo.
mga bihasa ng magpahayag sa radyo.
Gayunpaman ay hindi natin kinakailangan
na gayahin talaga sila, kundi magkaroon
parin tayo ng sarili nating style, na kung
saan maaari ang style mo na yun ay
matatawag na signature o
pagkakakilanlan mo sa ere.

- Naunawaan ba class?

- May katanungan pa ba?

- Mabuti kung gayun ay magpatuloy tayo. - Opo ma’am


- Wala na po ma’am.
- Ang susunod ay ang Mga Patnubay sa
pagsulat ng iskrip sa balitang panradyo

- (a) Tandaang ang isinusulat na balita ay


para sa tagapakinig kaya gumamit
ngmgapayak na salitang madaling
maunawaan at mga salitang madaling
bigkasin.

- (b) Gumawa ng balangkas o outline.


Tukuyin ang mga impormasyong
sumasagot sa tanong na sino, ano,
saan, kailan, bakit at paano?

- Piliin sa mga ito ang may pinakamabigat


na importansya at siyang ilahad sa simula
ng balita para makuha ang atensyon ng
mga tagapakinig.
- Halimbawa: “Babae, sa San Isidro binaril”
- Ang pokus kaagad niyan ang sino, sino
ang babaeng iyon. Mahihikayat nag
tagapakinig sapagkat gusto nila malaman
kung sino babaeng binary na iyon.

- (c) Ilahad ang iba pang detalye at


kaugnay na impormasyon ng balita.

- Naunawaan na ba ng lahat?

- Mabuti at nakikinig talaga kayo.

- Ngayon pakinggan natin ang isa mga - Opo ma’am.


halimbawa.
- https://youtu.be/m5AR0zTepA4

F. Paglinang sa Kabihasaan

(Tungo sa formative assessment)


(PAGLINANG)
Pamamaraan
- Magkakaroon ng activity sa klase sa
pamamagitan ng creative powerpoint
presentation.

- Ating subukin kung naunawaan nga


ng lahat.

- Magkakaroon tayo ng activity, at ang


may tamang sagot ay 10 points
kaagad.

- Pumili kayo ng numero na nais


ninyong sagutan. - Opo ma’am

- Handa na ba ang lahat?

Panuto: Tukuyin kung ang pahayag ay


makatotohanan o hindi makatotohanan.

1. Gumamit ng simpleng mga salita na


madaling maunawaanng bata man o
matanda sa iyong radio broadcast.
2. Gumamit ng mga salitang kalye tulad
ng lodi, sana all, at ibapa

3. Magsalita nang malinaw at


malumanay upang lubos
namaunawaan ng mga tagapakinig.

4. Kailangang gayahin ang istilo ng


pagsasalita ng broadcaster na iniidolo.

5. Talakayin ang mga isyung pupukaw


sa interes ng mgatagapakinig.

6. Hindi na kailangan ng iskrip sa isang


radio broadcast

7. Ang balita ay sumasagot sa tanong na


sino, ano, saan, kailan, bakit at paano.

8. Dapat walang pagkakamali sa mga


detalyeng babanggitin sa balita

9. Katanggap-tanggap ang mga maling


baybay at wronggrammar sa isang
iskrip.

10. Ang mainam na iskrip ay masisira


kung mababa angkalidadng
mikropono at kagamitang gagamitin sa
broadcast.
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw - araw
na buhay
(PAGLALAPAT)

Pamaraan:

Panuto:
- Hahatiin sa dalawang pangkat ang klase
- Gumawa ng isang balangkas ng
magiging daloy ng iyong radio broadcast
sa pamamagitan ng tsart sa ibaba.

- Ang iyong isusulat na radio broadcast ay


maaaring tungkol sa pangyayari sa
Florante at Laura o sa napanood/
napakinggang balita sa telebisyon o
radyo.
- Maaari kang gumamit ng ekstrang papel
kung kinakailangan.

- Ang lenggwaheng gagamitin ay ang


inyong unang wika o mother tongue.

- Inaasahan din magkakaroon ng mga


patalastas, maaari may
 Tutula/spoken poetry
 Awit
 Napakaikling Telegrama sa radio

- Mag send lamang ako ng buod ng


Florante at Laura, saknong 327-399 sa
ating GC
H. Paglalahat ng Aralin
(PAGLALAHAT)

- Batay sa ating mga tinalakay, gaano


kahalaga ang pagkakaroon ng radio
broadcasting?

- Narapat ba na tama ang at


makakatohanan ang mga ipinapahayag …
sa radio?

- Bilang mag-aaral ano ang naitutulong sa …


iyo ng radio broadcasting?

I. Pagtataya ng Aralin
(PAGTATAYA)

- Manatili parin sa inyong mga pangkat


sapagkat ang ginawang iskrip ay marapat
lamang na ilapat natin ito sa isang
makatotohanang radio broadcast.

- Siguraduhin lamang na nasunod ang


mga hakbang at pamantayan sa
pagsasagawa ng iskrip.

- Irekord ang inyong ginawa gamit ang


cellphone o kahit anong recording device
na mayroon kayo at ipasa sa ito sa
inihanda kong google drive.
- 2-3 minutes lamang ang haba ng inyo
isasagawang broadcasting.

Mamarkahan ang inyong radio broadcast gamit


ang rubrik sa ibaba.
J. Karagdagang gawain para sa takdang-
aralin at remediation
(PAGPAPALAWIG)

Bilang karagdagan ay ayusin ang mga


sumusunod na pahayag upang makabuo ng
makabuluhangradiobroadcast iskrip ng balita.
Isulat ang bilang A-F sa patlang bago ang letra.
____ 1. Ako si Jenny Rals, nagbabalita para sa
DXYZ 143.2 Radyo Heneral.
____ 2. Pormal na naitala sa lungsod ng
General Santos ang pinakaunang kaso ng
B.1.1.7 o ang UK variant ng COVID-19.
____ 3. Magandang umaga mga Heneral!
Narito ang nagbabagang balitang nakalap sa
ating siyudad.
____ 4. Ayon sa mga eksperto, mas delikado at
mas mabilis makahawa ang naturang variant ng
virus.
____ 5. Mula sa bulwagang pambalitaan,
sandigan ng sambayanan, ito ang DXYZ 143.2
Radyo Heneral.
____ 6. Pinaalalahanan ang lahat ng Heneral
na isuot nang tama ang face mask at face
shield, mag-social distancing at manatili sa
bahay kung walang importantenglakad.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa
pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na nagangailangan ng


iba pang gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial?Bilang ng mag-


aaral na nakaunawa sa aralin

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy


sa remediation

E. Alin sa mga ng pagtuturo ang nakatulong ng


lubos?
Paano ito nakatulong?
F. .Anong suliranin ang aking naranasan na
nasolusyunan sa tulong ng aking punungguro at
superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang aking


naidibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

Inihanda ni:

NORIE JANE M. SAYCO


Pre – Service Teacher sa Filipino

Sinuri ni:
MRS. JACQUELINE RAFALES, TI
Cooperating Teacher

You might also like