You are on page 1of 89

KABANATA 7:

PALABAYBAYANG FILIPINO
Tagapag-ulat: Gaba, Genalyn A.
Dalubguro: Gng. Janen Severino
MGA PAKSA:
MGA PAKSA:
 Ang Dating Abakada
 Ang Bagong Alpabeto
 Ang Modelong
Panggramatika ni Chomsky
PALABAYBAYAN

Ang palabaybayan o ortograpiya ay isang


kalipunan ng mga pamantayan sa pagsusulat ng
isang wika.
Kabilang dito ang mga pamantayan sa
pagbaybay, paggigitling, pagmamalaking titik,
paghinto ng salita, diin at bantas.
PALABAYBAYAN

Sa mga ilang wika pinangangasiwaan ang


ortograpiya ng mga akademya ng wika, ngunit
para sa karamihan walang gayong mga
awtoridad, at nabubuo ang ortograpiya sa mas
natural na paraan. Natural na magkaroon ng
makabuluhang pagkakasunduan.
ANG DATING ABAKADA
Bago dumating ang mga Espanyol, ang
karamihan ng mga wika ng Pilipinas ay sinusulat
gamit ang talapantigan ng Baybayin.
Ang mga Espanyol ay ipinakilala ang Latin na
Panitik sa Pilipinas.
Noong unang kalahating bahagi ng ika-20 na
siglo, ang mga Pilipinong wika ay sinusulat na
gamit ang Palabaybayang Kastila (Ortograpiyang
Espanyol).
Si Dr. Jose Rizal ang unang nagmungkahi sa
pag-indihenisado ng pagsulat sa Pilipinas.

Noong ipinakilala ang Wikang Pambansa batay


sa Tagalog, Taong 1940 ang mambabalarilang si
Lope K. Santos ay gumawa ng bagong alpabeto
na binubuo ng 20 na titik.
• Ang abakada ay naging alpabeto ng wikang
Tagalog at ng Wikang Pambansa na Batay sa
Tagalog ayon sa mungkahi ng pagsasakatutubo ni
Rizal.

• Ang abakada ay ginamit na rin sa mga ibang wika


ng Pilipinas.
• Binubuo ito ng labinlimang katinig at limang
patinig.
• Noong 1971, nadama ang di-kasapatan ng dating
Abakada sa malawakang panghihiram ng mga
salita at sa pagbabaybay ng mga pantanging
ngalan.

• Nilikha ng Surian ng Wikang Pambansa ang


Lupong Sanggunian na siyang nagsagawa ng mga
pag-aaral.
• Inilahad ng Lupong Sanggunian ang kanilang
pasyang dagdagan ng labing-isang titik ang dating
Abakada.

• Narito ang iminungkahi nilang idagdag:


C, CH, F, J, Ñ, LL, Q, RR, V, X at Z na gagamitin
sa pagbabaybay ng mga salitang hiram at mga
pantanging ngalan.
Abril 1, 1976
Ipinalabas ng Kagawaran ng Edukasyon at
Kultura noong Hulyo 30, 1976 ang Memorandum
Pangkagawaran Blg. 194 upang pagtibayin ang
nasabing tuntunin ng palabaybayan.
1. Hindi malinaw kung paano tatawagin ang mga
letra at kung paano pagsusunud-sunurin.

2. Ang pagsasama ng digrapong CH, LL, RR at


NG, gayon din ang may ñ ay isang paraang di-
matipid.
3. Mismong ang Malacañang, ay tumanggi sa
pagsasama ng mga digrapong CH, LL, RR, NG at
iminungkahing dalawampu’t pitong letra na
lamang ang gamitin.
4. Hindi rin maayos gamitin sa enumerasyon o sa
pagbabalangkas ang alpabetong may digrapo.
Noong 1987 ipinalabas ng Linangan ng mga
Wika sa Pilipinas ang Kautusang Pangkagawaran
Blg. 81 noong Agosto 6, 1987, na may pamagat
na Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng
Wikang Filipino.
ANG BAGONG ALPABETO
Ayon sa konstitusyon ng 1987, tatawaging
Filipino
Ayon saangkonstitusyon
pambansangng wika
1987,ng
tatawaging
Pilipinas. Ang
Filipino ang pambansang
wikang Filipino wika
ay salig sa ng Pilipinas.
umiiral na wikainAng
sa
wikang Filipino ay salig sa umiiral na wikain sa
Pilipinas.
Pilipinas.

Isang wikang buhay ang Filipino kaya patuloy


na inaasimila sa ating talasalitaan ang mga hiram
na salitang naging bahagi na ng ating wika.
Ayon sa konstitusyon ng 1987, tatawaging
Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas. Ang
wikang
Ito ang dahilan kung bakit ang bilang
Filipino ay salig sa umiiral na wikain sa at
tawag sa mga titik sa ating bagong alpabeto
Pilipinas.
at binago. Ito ay ginawa upang makaagapay
tayo sa mabilis na pag-unlad ng ibang wika
sa daigdig. Ang ating alpabetong Filipino ay
binubuo ng dalawampu’t walong (28) titik.
Ayon sa konstitusyon ng 1987, tatawaging
Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas. Ang
wikang Filipino ay salig sa umiiral na wikain sa
Pilipinas.
1. Ang abakada ay may dalawampung titik.

2. Ang idinagdag na walong titik


(C,F,J, Ñ, Q, V, X, Z) ay ginagamit para sa mga
sumusunod:
a. Pantanging pangalan ng tao, hayop, bagay
o lunan.

Halimbawa:
Carlos Volter, Josefa Llanes Escoda,
Flores de Mayo, El Ñino, Zamboanga
b. Mga katutubong salita mula sa mga
dialekto sa bansa.
Halimbawa:
Hadji - lalaking Muslim na
nakapaglakbay na sa Mecca
Vinta - Sasakyang pandagat ng mga
Muslim
Cañao -Katutubong sayaw ng mga igorot.
c. Mga salitang banyaga na walang
katumbas sa Filipino
Halimbawa:
• Canvas, Jazz, Visa, Xerox, Jogging, Chess,
Sandwich
d. Mga salita at simbolong pang-agham at
teknikal.

Halimbawa:
Carbon dioxide, Chlorophyll,
Calcium, Video,Fe (simbolo ng iron),
H2O (simbolo ng tubig)
3. Maliban sa mga nabanggit na tuntunin, ang
walong hiram na titik ay maaaring tumbasan
ng mga titik sa ating alpabeto gaya ng mga
sumusunod.
• c-k,s cinco-singko, cirko-sirko
• f-p fiesta-pista
• j-dy,h janitor-dyanitor, juez-hwes
• ñ-ny pañolito-panyolito, señora-senyora
• q-k maquina-makina, queso-keso
• v-b ventana-bintana, volcan-bulkan
• x-ks examen-eksamen, boxing-boksing
• z-s zapatos-sapatos, zigzag-sigsag
4. Ang pagbabaybay sa Filipino ay patitik at
hindi papantig. Sumakatuwid, bawat titik ng
salita, daglat o simbolo ay bibigkasin nang
isa-isa sa paraang pa-ingles maliban sa titik
na ñ.
Ang salita nati’y huwad din sa iba
Na may alpabeto at sariling letra
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.
“Sa Aking mga Kababata”
Dr. Jose P. Rizal
Calamba, 1869
ANG MODELONG
PANGGRAMATIKA NI
CHOMSKY
Avram Noam Chomsky
 Ipinanganak noong ika-7 ng
Disyembre taong 1928.
 Isang amerikanong lingguwista,
pilosopo, cognitive scientist,
historyador, at social critic.
 Inilarawan siya bilang “ama ng
modernong lingguwistika”.
PABUOD NA KASAYSAYAN
NG DALAWANG MODELO
NI CHOMSKY
 1951-1955
 Ito ang mga panahon na nagkaroon ng
ideya si Chomsky na ang pag-aaral ng
sintaks o palaugnayan ng isang wika ay
maaaring isagawa sa paraang
autonomous o hiwalay sa ibang antas ng
wika.
Nayanig ang daigdig ng Istrukturalismo
nang ipalabas niya ang kanyang Syntactic
Structures taong 1957.
Ito ay isang monograp na naglalarawan ng
kaniyang matibay na paniniwala na ang
gramatika ay mapag-aaralan nang hiwalay
sa kahulugan.
Isang paraan ng paglalarawan sa
“competence” ng isang tao sa paggamit ng
wika, tinatawag din itong “Form” ni Humbolt.
Ayon kay Chomsky, ang anyo ng wika ay
yaong walang pagbabagong salik na
nagbibigay-buhay at kahalagahan sa bawat
partikular na pagsasalita.
Sa pamamagitan ng kaalaman sa panloob
na representasyon ng anyo, maaaring
magkaroon ng kakayahan ang isang tao sa
pag-unawa at paggamit ng isang wika.
Ang panloob na anyo ng wika ang siyang
kailangang mailarawan sa gramatika.
Kaya lamang nagkakaunawaan ang
dalawang taong nagtatalastasan sapagkat
kapwa nila alam ang panloob na anyo ng
wikang kanilang ginagamit.
STRUCTURES 1957
 Sa pananaw ni Chomsky, ang wika ay isang
paraang matematika tulad ng tinatawag na
probalistic theory, set theory, finite state theory,
concentration algebra, graph theory, atbp.
 Ginagamit din niya dito ang kaalaman sa
computer language at symbolic logic.
STRUCTURES 1957

 Ayon kay Chomsky, ang kaniyang modelo sa


gramatika ay tulad ng isang automation na
magpapalabas (generate) ng lahat ng maaaring
palabasing tamang pangungusap sa isang
partikular na wika.
PAMAMARAAN NI
CHOMSKY SA
PAGLALARAWAN NG
WIKA
 Di-natural
 Pinahihirapan niya ang pag-aaral sa
wika.
 Dahil dumating ang modelong
“matematikal” ni Chomsky ang
daigdig ay nagbabago tungo sa
panahon ng “computer”.
 Tinangka ni Chomsky na bumuo ng isang
modelong panggramatika sa antas ng sintaksis
na tinawag niyang “Phrase Structure”.
 Ang kaniyang gramatika ay magpapalabas
(generate) ng mga parirala.
 Nakapaloob sa modelo ni Chomsky ang
paraang ginamit ni Chafe sa kaniyang
modelong “Immediate Constituent”
 Sa gramatikang ‘phrase structure’ ay
tinangka ni Chomsky na remedyuhan
ang alam ng karamihang kakulangan sa
modelong Immediate Constituent sa
pamamagitan ng paggamit niya ng
transpormasyon.
(1)The man hit the ball
(2)The ball was hit by man
Ang pangungusap 1 ay tinatawag na
pangungusap na kernel. Ito ay nabuo sa
pamamagitan ng tinatawag niyang phrase
structure rules.
Ang pangungusap 2 ay isang transporm na
pangungusap na kernel na siyang
pinaghanguan.
Ibinigay niya ang sumusunod bilang
halimbawa ng kanyang tinatawag na ‘phrase
structure rules’

(i) Sentence NP + VP
(ii) NP T+N
(iii) VP Verb + NP
(iv) T- the
(v) N- man, ball, etc.
(vi) Verb hit, took, etc
NP + VP (i)
T + N + VP (ii)
T + N + Verb + NP (iii)
the + N + Verb + NP (iv)
the + man + Verb + NP (v)
the + man + hit + NP (vi)
the + man + hit + T + N (ii)
The + man + hit + the + N (iv)
the + man + hit + the + ball (v)
Ayon sa kanyang STRUCTURES
1957 na binubuo ng ‘phrase
structures rules’ na nagpapalabas ng
pangungusap na kumakatawan o
nagrerepresenta sa balangkas ng
isang pangungusap.
Ayon kay Chomsky, mapapadali at
magagawang payak ang paglalarawan sa
mga pangungusap sa Ingles kung
lilimitahan o magmumula ang
paglalarawan sa mga pangungusap na
kernel at mula rito’y bubuo ng iba pang
pangungusap sa pamamagitan ng mga
transpormasyon.
Ang pangalawang komponent ng
modelo ni Chomsky ay binubuo ng
mga tuntuning transpormasyonal. Sa
pamamagitan ng mga tuntuning
transpormasyonal na ito ay maaaring
isagawa ang mga sumusunod:
1. PERMUTASYON
- Pagbabagong ayos
ng mga salita sa
pangungusap.
2. PAGDADARAGDAG
- Pagdaragdag ng mga
salita sa pangungusap.
3. PAG-UUGNAY
- Pagsasama ng dalawang
pangungusap.
4. PAGBABAWAS
-pagkakaltas ng mga
salita sa pangungusap.
5. PAGPAPALIT
- Pagpapalit sa isang
salita o parirala ng iba
pang salita o parirala.
Kinalasipika ni Chomsky ang lahat ng
transpormasyon sa dalawa.
‘Singularly’ at ‘generalized’
Sa transpormasyong ‘singularly’ ay isa-isang
ginagamit ang mga tuntunin upang makabuo
ng pangungusap.
Sa transpormasyong ‘generalized’ naman ay
pagbuo ng isang pangungusap mula sa
dalawang pangungusap.
Ang ikatlo at panghuling
komponent sa modelong 1957 ni
Chomsky ay binubuo ng isang set ng
mga tuntuning morpoponemiko na
magtuturo kung paano bibigkasin ang
pangungusap.
(i) Walk /wok/
(ii) Take + past /tuk/
(iii) hit + past hit
(iv) D/ + past /D/ + (where D= /t/ or /d/
(v) Past /d/
(vi) take /teyk/
Malalagom ang modelong 1957 ni Chomsky, gaya ng
sumusunod:
Initial element (S)

Phrase structure component

Transformational component

Morphophonemic component

Phonological representation of S
ASPECTS 1965

Niremedyhan ni Chomsky ang


kahinaan ng kanyang
STRUCTURES 1957 kaya’t
ipinalabas niya ang ASPECTS
1965.
ASPECTS 1965
 Malinaw sa modelong ito na ang
kanyang dating paniniwala ay naiba
dahil sa mga kritiko.
 Pinag-ukulan niya ng pansin ang
panig ng semantika.
ASPECTS 1965
 Ito ang modelong tumutuon sa
konsepto ng deep structures na
itinuturing niyang nasa pagitan ng
base component at semantic
component.
 Ang tuntunin nito’y ilabas ang
natatagong mga pangungusap
na kilala sa ‘deep structures’.
Sa kanyang modelong 1965 ay tinangka
niyang remedyuhan ito sa pamamagitan
ng paglalagay ng
“ distinctive features” sa leksikon.
(i) NP (Det) N (S)
(ii) N { + N, +- Common}
(iii) {+ Common} {+-Count}
(iv) {-Common} {+-Animate}
(v) {+ Animate} {+-human}
(vi) {-Count} {+-Abstract}
Ang Tuntunin (i) ay isang ‘phrase structure
rule’ na katulad ng nasa bersyong 1957. Ang
nasabing mga tuntunin ay pormal nang
tinawag ngayong ‘branching rules’.
Ang mga tuntunin mula (ii) hanggang (vi)
ay tinawag niyang subcategorization rules.
Ang tungkulin ng mga ito ay bigyan ng ‘set
of features’ ang kategoryang N. Kung
titingnan natin ang ‘subcategorization rules’
ay may katangian ang isang pangalan na
maaaring {+karaniwan} o {-karaniwan}.
Ang mabubuong set ng mga features ay
tinatawag na ‘Complex Symbols’ (CS)
boy
+N
+ Common
+ Count
+ Animate
+ Human
+ Masculine

PAGSUSURI SA ISANG
TAGALOG NA
PANGUNGUSAP
Bumili ng kendi si Mario para sa bata.
1. Ayon sa STRUCTURES 1957

-Ang pangungusap ay maituturing na


kernel, na ang pariralang pang-ukol na para
sa bata ay maituturing na isa lamang
pagpapalawak, isang ‘reservational verbal
complement’.
S VP + NP1 (PP) NP2 ng + N2
VP Verb + NP2 NP3 sa + N3
PP Prep + NP3 Af um
Verb Af + V Verb bili
NP1 si + N1 N bata, kendi ,
Mario
May isa pang maaaring paraan ng pagsusuri sa
pangungusap, kung ituturing na ang nasabing
pangungusap ay buhat sa dalawang
pangungusap.

(1) Bumili ng kendi si Mario.


(2) Para sa bata ang kendi.
Bumili ng kendi si Mario.
(i) S VP + NP1 + NP2
(ii) VP Af + V
(iii) NP T+N
(iv) Af -um-
(v) V- bili
(vi) T – T1 / - NP1
T2/ - NP2
(vii) N NP1/ T_ Object
NP2/ - T_ Actor
(viii) T1 ng ; T2 si
(ix) NP1 kendi ; NP2 Mario
um bili ng kendi si Mario
Para sa bata ang kendi.
(x) S PP + NP3
(xi) PP Prep + NP4
(xii) NP T + N
(xiii) T T3 / _ N3
T4 / _N4
(xiv) N NP3 / _sa
NP4 /_ang
(xv) T3 sa ; T4 ang
(xvi)N3 bata; N4 kendi
1. Ayon sa ASPECTS 1967

-Upang mapalabas ang pangungusap ay


kailangang sumunod sa inisyal na ‘base
phrase structure rule’.

S- Prep P-NP
Bumili ng kendi si Mario para sa bata

Ang pariralang panaguri ay


binubuo ng pariralang pandiwa na
bumili ng kendi at opsyunal na
pariralang pang-ukol na para sa
bata.
Bumili ng kendi si Mario para sa bata

Ang pariralang pandiwa ay


binubuo ng pandiwa na bumili at
pariralang pangngalan na ng kendi.
Bumili ng kendi si Mario para sa bata

Ang pandiwa ay binubuo ng


panlapi na inirerepresinta ng
gitlaping um at ng pandiwang ugat
na bili.
Bumili ng kendi si Mario para sa bata

Ang pariralang pangngalan ay


binubuo ng pantukoy (determiner)
na alinman sa ng, sa o si at
pangngalan na alinman sa kendi,
bata o Mario.
Bumili ng kendi si Mario para sa bata
Ang opsyunal na pariralang pang-
ukol ay maaaring isulat ng pang-
ukol + pariralang pangngalan.
para bilang pang-ukol at sa bata
bilang pariralang pangngalan.
Bumili ng kendi si Mario para sa bata
Ang kategoryang N ay titiyakin sa
pamamagitan ng paglalagay ng
kaukulang katangian o features.
Tulad ng {+common} para sa
pangngalang bata upang maiba ito
sa pangngalang Mario na may
katangiang {-common}.
Bumili ng kendi si Mario para sa bata
Ang pangngalang {+common} ay
lalo pang matitiyak sa pamamagitan
ng paglalagay ng katangiang {-
human} para sa kendi at ng
katangiang {+human} para sa bata.
Bumili ng kendi si Mario para sa bata
Magagamit pa rin ang iba pang
mga katangiang tulad ng {+count} o
{-count}, {+Masculine} o {-
Masculine}, {+Transitive} o
{-Transitive}
REPLEKSYON:

-Mahalaga na mapag-aralan natin ang naging


ebolusyon ng wikang ating ginagamit upang
maunawaan natin itong mabuti at muling
maipaliwanag sa ating kapwa na may kawastuan
ang impormasyon. Makakatulong din ang
tinalakay na mga modelo upang mas maging
maalam sa pag-aaral ng gramatika at mas
maging malawak ang kaalaman hinggil dito.
MGA SANGGUNIAN:

https://www.academia.edu/36891578/NOAM_Chomsky
https://
www.scribd.com/doc/104074381/Ang-Bagong-Alpabetong-Filipino
https://
www.scribd.com/presentation/386009596/Syntax-1957-at-Aspects-196
5-ni-Chomsky
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Abakada
https://www.academia.edu/31220315/KASAYSAYAN_NG_ALPABETO
MARAMING
SALAMAT

You might also like