Mga Sangkap o Elemento at Proseso ng Komunikasyon Jeraline Jel .1
S. Laban Ang mga Sangkap/Elemento ng Komunikasyon .2 Tagahatid/enkoder Mensahe Mga Tsanel Tagatanggap/dekoder Ganting mensahe o feedback Mga hadlang/barriers Sitwasyon o Konteksto Sistema Tagahatid/ Enkoder -nagpapadala o ang pinagmumulan ng .1 .3 mensahe -bumubuo sa mensahe -nagpapasya sa layunin 2. Mensahe - ang ipinadadalang salita Tsanel -daluyan ng mensahe -verbal o di verbal 4. .3 .4 Tagatanggap/dekoder -tumatanggap sa mensahe -nag-iinterpret o nagbibigay kahulugan sa mensahe Ganting Mensahe o feedback -proseso sa pagbabalikan ng .5 .5 mensahe -ang patuloy na paghahatid ng mensahe sa bawat panig ng kasangkop sa komunikasyon 6. Mga Hadlang o barriers -tagahatid -mensahe -tsanel -katayuan -lugar -edad Sitwasyon o Konteksto - pinakamahalang elemento 8. Sistema - .7 .6 nangangahulugan sa relasyon o ugnayan na nalikha sa pamamagitan ng proseso ng komunikasyon Proseso ng Komunikasyon KM KONTEKSTO SISTEMA MGA .7 HADLANG TAGAHATID O ENKODER TAGATANGAP O DEKODER GANTING MENSAHE
Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapalitan ng
impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo. Ang araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya na pinagaaralan ang komunikasyon. Ito rin ay ang interaksiyon ng mga tao .sa isa't isa
Ang komunikasyon (galing sa salitang Latin na commnicre, na
ang ibig sabihin ay "ibahagi") ay aktibidad ng pagpapahiwatig ng
kahulugan batay sa sistema ng mga senyales at batas semiyotiko.
Ang komunikasyon sa biyolohiya ay kadalasang nangyayari sa pamamagitan ng biswal, awditoryo, o sa biyokimikal na paraan. Ang komunikasyong pang-tao naman ay kakaiba dahil sa malawak na gamit ng wika. Ang hindi pang-taong komunikasyon naman ay .inaaral sa biyosemiyotiko
Ang hindi pasalitang komunikasyon ay naglalarawan sa proseso ng
paglalathala ng kahulugan sa pamamagitan ng mga mensahe na hindi kinakailangan ang mga salita. Ang mga halimbawa ng hindi pasalitang komunikasyon ay ang komunikasyong sa pamamagitan ng hipo (haptic), komumikasyong kronemerika, mga pagkumpas, wika ng katawan, pangungusap ng mukha, pagkikita ng mata, at kung paano manamit ang isang tao. Ang pagsasalita ay maaari ring maglaman ng mga elemento ng hindi pasalitang komunikasyon tulad ng mistulang wika, halimbawa. ritmo, intonasyon, tempo at diin. Ayon sa pagsasaliksik, 55% sa komunikasyon ng tao ay pangungusap ng mukha at ang iba pa ay 38% na mistulang wika o paralanguage. Gayun din, ang mga nasusulat na teksto ay naglalaman din ng mga elemento ng hindi pasalitang komunikasyon tulad ng estilo sa pagsulat at ang paggamit ng emoticons upang maipahayag ang nararamdaman sa pamamagitan ng porma ng mga .imahe
KASAYSAYAN NG ALPABETO AT ORTOGRAPIYANG FILIPINO
Ortograpiya ang paraan ng pagbibigay-simbolo sa wikang pasalita sa paraang pasulat. Sa simpleng salita, ito ang paraan ng pagbaybay, ispeling na ginagamit sa isang wika Mayroon nang gigamit na alpabeto ang ating mga ninuno.Tinawag itong alibata o baybayin. ALIBATA Ito ay binubuo ng labimpitong simbolo na kumakatawan sa mga letra: 14 na katinig at 3 patinig. DANTAON LABING-ANIM Sa pagdating ng mga Kastila, ang Alibata na kaunaunahang Abakadang Filipino ay nahalinhan ng Alpabetong Romano na siya namang pinagbatayan ng Abakadang Tagalog. 1940 Sa taong ito isinulat ni Lope K. Santos ang Balarila ng Wikang Pambansa at binuo ang Abakadang Tagalog. Ang Abakadang Tagalog ay binubuo ng dalawampung letra: ABAKADANG TAGALOG Lima ang patinig : A, E, I, O, U Labinlima ang katinig : B, K, D, G, H, L, M, N, NG, P, R, S, T, W, Y Hindi isinama sa dalawampung letra ang labingisang banyagang letra na kinabibilangan ng C, CH, F, LL, , Q, RR,
V, X, Z sapagkat ang mga ito ay ginagamit lamang sa mga
pangngalang panangi. Sa halip ay tinumbasan ng mga letra ng Abakada: 1971 Sa taong ito masusing pinag-ukulan ng pansin ng noo'y Surian ng Wikang Pambansa (SWP), na ngayon ay Komisyon sa Wikang Pilipino (Filipino). Komisyon sa Wikang Filipino -itinatag noong Nobyembre 13, 1936 sa pamamagitan ng Commonwealth Act No 184 bilang Surian ng Wikang Pambansa (SWP). 1976 Makalipas ang hunigit-kumulang na limang taong pag-aaral at pagsangguni sa iba't ibang sektor sa larangan ng wika, nirebisa ng Surian ang "Abakadang Tagalog" ni Lope K. Santos. Paano? Sa bisa ng Memorandum pangkagawaran Blg. 194, 1976 ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura, pinayaman ang dating Abakada upang makaagapay sa mabilis na pag-unlad at pagbabago ng wikang Pilipino. Tinawag itong ang bagong alpabetong Pilipino. Bagong Alpabetong Pilipino Ang dalawampung letra ay dinagdagan ng labing-isang letra kaya't naging tatlumpu't isa. Kabilang sa idinagdag ang mga letra at digrapo: C, F, J, , Q, V, Y, Z, CH, LL, RR. Subalit hindi ito nagtagumpay dahil sa ilang kahinaan at kalituhan sa paggamit. Hindi binanggit sa tuntunin ang pagtawag sa mga letra at ayos ng pagkakasunod-sunod ng mga letra. Hindi rin malinaw ang paraan ng pagbigkas at pagbaybay (papantig o patitik) ng mga letra. 1987 Sa taong ito, muling nireporma ang Alpabetong Pilipino gayundin ang mga tuntunin sa Ortograpiyang Filipino. Sinosino ang nagreporma? Ang pagreporma ay isinagawa ng noo'y Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) (dating SWP na naging KWF) sa tulong ng mga lingguwista, dalubwika, manunulat, propesor, guro at mga samahang pangwika. Paano? Nagsagawa ng simposyum ang Linangan. Ang una ay idinaos sa Asian Institute of Tourism. Ang pangalawa ay sa National Teacher's Collage. Bumuo rin ng mga Lupon ang Linangan upang magsagawa ng mga pag-aaral tungkol sa balak na rebisyon sa iba't-ibang aspekto o lawak ng bubuuing bagon ortograpiya. Ang Kinalabasan ng Simposyum Napagkaisahan sa nabanggit na simposyum na ang Alpabetong Filipino ay bubuuin na lamang ng dalawampu't walong letra. Ang bagong dagdag na letra ay : C, F, J, , Q, V, X, Z. Upang matiyak ang kawastuhan, iniharap ito sa iba't ibang kapulungan at kongresong pangwika gaya ng : Pebrero 26, 1987 Abril 6, 1987 Mayo 18, 1987 Agosto 19, 1987 Taunang kumbensiyon ng LEDCO na binubuo ng pambansang samahang pangwika. Taunang kumprehensiya ng PASATAF. Taunang kumbensiyon ng PSLF. Pormal na inilunsad ang "1987 Alpabeto at Patnubay sa Ispelling ng Wikang Filipino". Ang paglulunsad ay isinabay sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa na idinaos sa Pamantasang Normal ng Pilipinas.
1999 - 2001 1999 Sa taong ito sinimulan ang pagbuo ng 2001
Revisyon ng Alpabetong Filipino. Sa ikaapat na pagkakataon, muling nirebisa ng KWF ang Alpabetong Filipino pati na ang mga tuntunin sa pagbaybay nito. Sanhi ng Pagrebisa - Di-ganap na pagtupad sa Kautusang Pangkagawaran ng 1987 - Mahigpit at dimakatotohanang mga tuntunin sa ispeling ng walong dagdag na letra - Nalimitahan ang gamit sa mga hiram na salita -Kakulangan ng mga tuntunin sa paggamit ng mga karaniwang salita 2001 Revisyon ng Alpabetong Filipino Pinaluwag sa 2001 Alpabeto ang gamit ng walong dagdag na letra. Hinati sa dalawang grupo ang walong letra: F, J, V, at Z ay gagamitin sa pagbaybay ng mga karaniwang salitang hiram na binago ang ispeling sa Filipino. Samantalang ang C, , Q, X na itinuturing na redundant ay hindi ipiagagamit sa pagbaybay ng mga hiram na salitang karaniwan. 2001 Sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 45, 2001, inilunsad ang "2001 Revisyong ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino" noong Agosto 17,2001. 1521 Alibata: Ang Katitikang Pilipino Nobyembre 3, 2010 Hindi bat isang hiwaga ang nakapaloob sa kultura? Isang napakalaking konsepto, mahirap matasa ngunit kahanga-hanga sapagkat nakaaapekto sa kamalayan ng sinuman. Mula sa kulturay maitatag ang esensya ng pagkakilanlan o identidad. Anumang ebidensya o elementong bumubuo sa kulturay nararapat lamang pahalagahan. Ang kulturay maaring kongkreto o di-kongkreto. Itoy maaring tradisyon o bagay na nakasulat, nakaukit gaya na lamang ng baybayin o alibata. Bago pa man dumating ang mga dayuhan, may sariling sistema ng pagsulat na ang mga katutubong Pilipino, ang baybayin o alibata. Ang alibata ay binubuo ng tatlong patinig at labing-apat na katinig. Bawat isa sa mga katinig ay binabasa na may kasama na patinig a, kapag ito ay walang marka sa itaas o sa ibaba na mas kilala sa tawag na kudlit, o isang uri ng marka na ginagamit sa mga matatandang sistema ng pagsusulat. Kapag ito naman ay may kudlit sa ibaba, ang patinig a, ay napapalitan ng patinig o o di kaya ay u. Ngunit kung ang kudlit naman ay nasa itaas, ang patinig ay nagiging e o i. Dala ng Hispanisasyon at Amerikanisasyon ng mga Pilipino, unti-unting naglaho ang alibata o baybayin. May ilang pangkat-etniko na lamang gaya ng Mangyan ang patuloy na gumagamit ng sinaunang sistema ng pagsulat na ito. May gumagamit din ng alibata sa pagdisenyo. Ang ilan ay nakalimbag pa sa T-shirt ngunit karamihan sa atin ay di nauunawaan ang nakasulat sapagkat karamihan sa mga Pilipinoy di marunong bumasa o sumulat ng alibata. Mananatili na lamang ba itong sangkap ng estetika? Marami na rin
nagtangkang buhayin muli ang alibata. Noong 1972 ang iskultor na
si Guillermo Tolentino ay naglimbag ng kanyang aklat na Baybayin, a Syllabary. Noon namang 1978, si Ricardo Mendoza sa kanyang aklat na Pinadaling Pag-aaral ng Katutubong Abakadang Pilipino ay nagpaliwanag na dapat isama sa kurikulum ng edukasyon ng Pilipinas ang pag-aaral ng alibata upang ang kasalukuyang Filipino ay malinawan hinggil sa kanyang pagkatao. Kung susuriin tila ang pagsisikap nila ay hindi pa nagkakaroon ng bunga hanggang sa kasalukuyan. Sanay magkaroon ng puspusang programa o maisama man lamang kahit papaano sa ating kurikulum ang pagtuturo ng pagsulat at pagbasa sa ating sinaunang alpabeto. Kung ang pag-aaral ng wikang banyaga gaya ng Espanyol, Mandarin, Nihonggo ay binibigyang-halaga, dapat ay ganoon din ang pagpapahalagang ilaan sa ating sinaunang katitikan. Mahalagang manatili at maisalin ang kaalamang ito sa bago at susunod na henerasyon. Itoy bahagi ng ating identidad o pagkakakilalanlan. ***Basahin ang mga artikulong nakapaloob sa journal na Ang Malay (http://www.ejournals.ph/index.php? journal=malay) upang magkaroon ng dagdag na kaalaman sa mga natatanging isyu sa wikang Filipino. Kasaysayan ng Alpabeto SANSKRIT/O - ang paraan ng pagsulat na ito ay isang uri ng paraang abiguda na gumagamit ng katinig-patinig na kombinasyon. Kung kayat mapapansin na ang pinakapayak na anyo nito ay mayroon lamang tunog sa hulihan na /a/. Nilalagyan lamang ng kudlit sa itaas upang makalikha ng tunog na nagtatapos sa /e/ at /i/ at sa ibaba naman inilalagay upang makalikha ng tunog na /o/ at /u/. Wikang klasiko (classic) ng India; ginagamit sa mga relihiyon at pananaliksik sa agham Sinasabing pinagmulan ng alibata ALIFBATA 0 ALIBATA (BAYBAYIN) - isang paraan ng pagsulat na ginagamit bago pa dumating ang mga Kastila. Ito ay kahalintulad sa sistema o paraan ng pagsulat ng mga taong Java na tinatawag na kayi. Ang paraan ng pagsulat na ito ay pinaniniwalaang ginagamit na noong 14 na siglo hanggang sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Ang salitang baybayin ay nangangahulugang ispeling o pagbaybay. Katutubong sistema ng pagsulat/alpabeto ng ibat ibang pangkat etnolinggwistiko sa Pilipinas mula 1000-1200 hanggang 1800. BAYBAYIN hango sa salitang baybay (to spell) ALIBATA hango sa alif bata (2 unang titik sa Arabic: alif at bet) May kaunting pagkakaiba ang bawat alibata para sa bawat partikular na wika (iba ang sa Tagalog, iba ang sa Bisaya atbp.) Di matiyak ng mga eksperto Sa Celebes (matandang paraan ng pagsulat ng mga Javanese) Sa India (mula sa mga paraan ng pagsulat ng ibat ibang lugar sa India:
Sanskrit; Brahmi; Assam etc.) ABECEDARIO - ito ay binubuo ng 29
na letra at hango sa Romanong paraan ng pagbigkas at pagsulat. Alpabetong Kastila; mula sa Alpabetong Romano Isinusulat ang mga titik gaya ng sa alpabetong Romano Itinuro sa piling mga magaaral (sa mga klaseng tinatawag na caton, kadalasan sa mga kumbento atbp.) Ayaw turuan ng mga Kastila sa Pilipinas ang mga indio dahil alam nilang matatalino ang mga ito at kapag tinuruan ng wikang Espanyol ay maiintindihan ang ginagawang panloloko sa kanila Pilipinas lang ang dating kolonya ng Espanya na di natutong magsalita ng Espanyol (maliban sa mga intelektwal na nasa alta sociedad at gitnang uri/middle class) ABAKADA - mula kay Lope K. Santos (1940) - binubuo ng 20 letra - lima (5) ang patinig (a, e, i, o, u) - labinglima (15) ang katinig (b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, o, w, y) Alpabetong batay sa wikang Tagalog; binuo ni Lope K. Santos at naisapubliko sa aklat na Balarila ng Wikang Pambansa (1940): a b k d e g h i I m n ng o p r s t u w y ALPABETONG PILIPINO (1976) binubuo ng 31 titik - ang dating abakada na binubuo ng dalawampung (20) titik ay nadagdagan ng labing-isa (11) pang titik mula sa abecedario. Ang mga naidagdag na titik ay: c, ch, f, j, ll, , q, rr, v, x at z ALPABETONG FILIPINO (1987) - binubuo ng 28 titik: lima (5) ang patinig at dalamput tatlo (23) naman ang katinig. Ang paraan ng pagbigkas ay batay sa Ingles. Dario I ng Persiya Mapa na nagpapakita ng nasasakupan ng imperyo ni Darius I. Isang kuwaltang ginto noong panahon ni Darius I (420 BC). Si Dario I ang Dakila[1] (Ingles: Darius I the Great[2]; c. 549 BC - 486 BC/485 BC) ay ang anak ni Hystaspes, at Shah ng Iran mula 522 BC hanggang 485 BC. Matapos niyang maging Shah ng Iran, hinati niya ang Imperyong Persa (Persian) sa dalampu'tdalawang mga lalawigan at nagtalaga ng mga gobernador sa bawat lalawigan. Pinasimulan niya ang paggamit ng mga gintong kuwalta at pinaunlad ang kalakalan sa loob at labas ng imperyo. Pinahintulutan ni Dario na muling itayo ng mga Hudyo ang Templo ni Solomonsa Herusalem. Marami rin siyang itinayong mga templo sa Ehipto. Pinakamalaki sa mga itinayo niyang gusali ang kapitolyo ngPersepolis, malapit sa Pasargadae. Namatay si Dario sa Persepolis. Hiniwa para maging isang batong-mukha ang kaniyang libingan, nilagay malapit sa Persepolis. Makaraan ang kaniyang pagsakabilang-buhay, si Jerjes ang naging Shah ng Iran. Ang bagong Alpabetong Fililipino Ang makabagong alfabetong Filipino ay binubuo ng 28 titik. Ito ay hinango sa alfabetong Ingles na may 26 na titik at dinagdagan ng titik at NG. Ang NG ay itunuturing na isang titik lamang. Kasaysayan ng Alfabetong Filipino Alibata ang tawag sa kauna-unahang alfabetong Filipino. Ito ay
pamana ng mga nandayuhang Malayo-Polinesyo at binubuo ng
labimpitong titik: 3 patinig at 14 katinig. Mula sa Alibata, nabuo ang abakadang Filipino. Ito ay binubuo ng 20 titik: 5 patinig at 15 patinig. Noong 1971, nagdagdag ng 11 titik sa dating alpabetong Filipino. Ang mga alpabetong nadagdag ay, C, Ch, F, J, Ll, , Q, Rr, V, X, at Z. Samakatuwid ang alpabetong Filipino ay binubuo ng 31 titik. Ang makabagong alfabeto ay binubuo ng 28 titik, 20 ang galing sa orihinal na abakada at isinama ang pitong titik ng English: C, F, J, Q, V, X, Z at mula sa Kastila. Ayon sa ulat na ginawa ni Dr. Ernesto Constantino ng Pamantasan ng Pilipinas, ang pagdaragdag ng nasabing walong titik na bagong alpabeto ay magpapadali sa panghihiram ng mga salitang kailangang hiramin para mapayaman, mapaunlad at maging epektibo at modernisado ang Wikang Pambansa. Aa[ey] Bb[bi] Cc[si] Dd[di] Ee[ii] Ff[ef] Gg[dyi] Hh[eyts] Ii[ay] Jj[dsey] Kk[key] Ll[el] Mm[em] Nn[en] [enye] NGng[en dyi] Oo[o] Pp[pi] Qq[kyu] Rr[ar] Ss[es] Tt[ti] Uu[yu] Vv[vi] Ww[dobolyu] Xx[eks] Yy[way] Zz[zi] Kasaysayan ng Alpabetong (Abakada) Filipino Bago dumating ang mga Kastila nuong ika-16 siglo ay may sarili nang sistema ng pagsulat ang ating mga ninuno. Ang sistemang ito ay tinatawag na Baybayin (hindi Alibata) na nagmula sa salitang ugat na Baybay (spell). Ang Baybayin ay binubuo ng labing-apat na katinig at tatlong patinig. Noong dumating ang mga Kastila ang baybayin ay pinalitan ng Alpabetong Romano. Noong 1930`s binuo ni G. Lope K. Santos ( ang itinuturing na ama ng balarilang Filipino) ang isang abakada na may dalwampung (20) titik na kinabibilangan ng limang (5) patinig at labing-limang (15) katinig na ang tunog o bigkas ay hango mula sa wikang Tagalog. a, b , k , d , e g, h, i l, m, n , ng, o, p, r, s, t, u, w, y. Noong Oktubre 4, 1971, pinagtibay ng Sanggunian ng Wikang Pambansa (Komisyon sa Wikang Filipino na ngayon) ang pinagyamang alpabeto na binubuo ng 31 titik. Ito ay ang: a, b, c ch, d, e, f, g, h, i, j, k, l, ll, m, n, ,ng, o, p, q, r, rr, s, t, u, v, w, x, y, z Muli itong binago kaalinsabay ng pagbabago ng Pambansang Konstitusyon bilang tugon sa mabilis na pagbabago at pag-unlad ng wikang pambansa. Matapos ang mahabang serye ng sanguniang pulong o seminar nabuo ang Alpabetong Filipino na may 28 titik: a, b , c, d, e, f, g, h, i, j, k, l, m, n, , ng, o, p, q, r, s, t, u, v, w, x, y, z. Ang lumang abakada ng Pilipinas In Uncategorized on Hunyo 12, 2009 at 12:21 hapon NOONG NAG-AARAL pa ako sa mataas na baitang ng aming paaralan, Romblon National Vocational School (RNVS) sa Sibuyan Island, may isang malaking bulletin board sa itaas ng pisara. Itoy naglalaman ng mga titik ng lumang abakada ng bansa na ginamit noon ng ating ninuno (ancestors).
Para sa kaalaman ng lahat, ang Wikipedia (ang malayang
ensiklopedya) ay gumawa ng pahina para isalaysay ang tungkol dito. Ayon sa pahayag ng Wikipedia, ang Baybayin o Alibata (alam sa Unikodigo bilang Tagalog script o panitik na Tagalog) ay isang katutubong paraan ng pagsulat ng mga Pilipino (mga salitang katutubo sa kapuluan ng Pilipinas) bago pa dumating ang mga mananakop naKastila. Ito ay hango sa Kavi na paraan ng pagsulat ng mga taga-Java at iba pang bahagi ng Timog Silangang Asya. Ito ay bahagi ng sistema o pamamaraang Brahmic (na nagsimula sa eskrito o sagisag na Sanskrit) at pinaniniwalaang ginagamit noong ika-14 siglo. Ito ay patuloy na ginagamit nang dumating ang mga Kastila hanggang sa huling bahagi ng ika-19 siglo. Ang ibang kahalintulad na mga paraan ng pagsulat ay ang mgaHanuno, Buhid, at Tagbanwa. Ang salitang baybayin sa kasalukuyang wikang Tagalog ay katunayang nangangahulugan ng pagbigkas/pagsulat ng mga titik ng isang salita, o to spell sa wikang Ingles. Talaga namang mayaman ang kultura ng bansa, kaya lang di natin ginagamit sa araw-araw. Balang araw, pag-aralan ko ng husto ang mga lumang abakada at sumulat gamit ang mga titik na nabanggit sa itaas. Ang Abakada ay ang isinakatutubong Alpabetong Latino ng mga wika ng Pilipinas. Ito rin ang orihinal na alpabeto ng Wikang Pambansa Batay sa Tagalog o Wikang Pambansa.[1] Ito ay naglalaman ng 20 titik. Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan] Bago dumating ang mga Espanyol, ang karamihan ng mga wika ng Pilipinas ay sinusulat na gamit ang talapantigan ng Baybayin. Ang mga Espanyol ay ipinakilala ang Latin na Panitik sa Pilipinas. Noong unang kalahating bahagi ng ika20 na siglo, ang mga Pilipinong wika ay sinusulat na gamit ang Palabaybayang Kastila (Ortograpiyang Espanyol). Si Dr. Jose Rizal ang unang nagmungkahi sa pag-indihenisado ng pagsulat sa Pilipinas.[2] Noong ipinakilala ang Wikang Pambansa Batay sa Tagalog, ang mambabalarilang si Lope K. Santos ay gumawa ng bagong alpabeto na binubuo ng 20 na titik. Ito ay ginamit sa mga pamaaralang libro sa balarilang tinatawag na balaril . Ang abakada ay naging alpabeto ng wikang Tagalog at ng Wikang Pambansa na Batay sa Tagalog ayon sa mungkahi ng pagsasakatutubo ni Rizal. Sinalaunan, ang abakada ay ginamit na rin sa mga ibang wika ng Pilipinas.. Ang mga titik ng Abakada[baguhin | baguhin ang batayan] Malalaking mga titik A B K D E G H I L M N NG O P R S T U W Y Maliliit na mga titik a b k d e g h i l m n ng o p r s t u w y Mga titik[baguhin | baguhin ang batayan] Ang Tagalog na Pinitik ng Baybayin na nagpapakita ng mga
titik na katulad sa 20 titik ng Abakada Ang Abakada ay nakaayos
ayon dito. Nandirito din ang mga pangalan ng bawat titik ay nasa loob ng mga panandang pambanggit. A - "A" B - "Ba" K - "Ka" D - "Da" E - "E" G - "Ga" H - "Ha" I - "I" L - "La" M - "Ma" N - "Na" NG -"Nga" O - "O" P - "Pa" R - "Ra" S - "Sa" T - "Ta" U - "U" W - "Wa" Y - "Ya
Ortograpiya ng Wikang Filipino
Ortograpiya ng wikang filipino .1 Ortograpiya Ito ay ang representasyon ng mga tunog ng wika .2 .na nakalimbag na mga simbolo tulad ng alpabeto Alibata o baybayin Ito ang sariling alpabeto ng mga Pilipino .3 bago dumating ang mga kastila. Ito ay binubuo ng 14 na katinig o .konsonant at 3 patinig o vowel