You are on page 1of 6

Mahahalagang Kaalaman

Mayoong dalawang kategorya ng mga teoryang nagpapaliwanag ukol sa pinagmulan ng wika ng


tao sa daigdig: Teoryang Biblikal at Teoryang Siyentipiko o Makaagham.
Kabilang sa Teoryang Biblikal ang Teorya ng Tore ng Babel at Teorya ng Pentecostes.

Ayon sa Teorya ng Tore ng Babel


ang pagkakaroon ng wika ay naganap nang tangkain ng mga tao na magtayo ng
napakataas na tore na sisimbolo sa katanyagan ng tao.

Ayon sa Teorya ng Pentecostes


nag-ugat ang pagkakaroon ng iba't ibang wika sa daigdig nang nilukuban ng
Espiritu Santo ang mga apostoles ni Kristo at nagsalita sila ng iba't ibang
wika.Kabilang naman sa mga teoryang makaagham ang mga teroyang Bow-wow,
Ding-dong, Pooh-pooh, Yo-he-ho, at Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay.
Mga Kilalang Dalubwika
Ilan sa mga kilalang dalubwika o dalubhasa sa wika sa
Pilipinas ay sina:
Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining
para sa Literatura
Bienvenido L. Lumbera, Pambansang Alagad ng
Sining para sa Literatura
Bro. Andrew Gonzalez, FSC, dating Kalihim ng
Kagawaran ng Edukasyon
Pamela Constantino, propesor sa Unibersidad ng
Pilipinas
Iba’t ibang Kahulugan ng Wika
Ayon kay Henry Allan Gleason Jr. (linguist at propesor sa University
of Toronto) – ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog
na isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng tao na bahagi ng
isang kultura sa komunikasyon.
Ayon kay Henry Sweet (philologist, phonetician, at grammarian) – ang
wika ay pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng mga pinagsama-
samang tunog upang maging salita.
Ayon kay Ferdinand de Saussure (linguist at semiotician) – ang wika
ay pormal na sistema ng mga simbolo na sumusunod sa patakaran ng
isang grammar upang maipahayag ang komunikasyon.
Ang depinisyon ng wika ay nagbabago-bago depende sa gamit ng wika
gaya ng pagpapahayag ng ideya o mahalagang komponent ng
komunikasyon.
Limang Kalikasan ng Wika batay sa Depinisyon ni Henry
Gleason
Mayroong limang kalikasan ang wika batay sa depinisyon na
ibinigay ni Henry Gleason:
Ang wika ay masistemang balangkas dahil ito ay
organisado at may sinusundang proseso.
Halimbawa:
(a) Hindi puwedeng “ako tahol” dahil ang tahol ay para sa aso.
(b) Laging may gitling ang salitang inuulit gaya ng sari-sari at laksa-laksa, kung
walang buong diwa ang salitang inuulit kapag nag-iisa na lamang ito.
Ang wika ay sinasalitang tunog. Lahat ng wika ay
may grammar (sinusundang proseso ng wika).
Isang halimbawa nito ay mula tunog /a/ ay magiging titik [a], mula sa titik ay magiging
pantig -- a, ang pantig ay magiging salita – a|so, ang salita ay magiging parirala, ang
parirala ay magiging pangungusap
Halimbawa:
/a/ --> [a] --> a -->
/s/ --> [s] --> s --> ASO
Ang wika ay arbitraryo. Ibig sabihin, nagbabago-bago ang kahulugan ng salita batay sa mga
sumusunod:
Panahon
Halimbawa:
(a) Ang bakla noong siglo 1800 ay tumutukoy sa pagkaduwag ng isang tao.
(b) Ang bakla sa kasalukuyang panahon ay tumutukoy sa homosekswal na lalaki.
Konteksto
Halimbawa:
(a) Sa larangan ng panitikan, ang salitang text ay nangangahulugang panitikang binabasa at/o
pinag-aaralan.
(b) Sa larangan ng telekomunikasyon, ang text ay nangangahulugang mensaheng pinadadala o
nababasa sa cell phone.
Gumagamit
Halimbawa:
(a) Uso sa kabataan ang akronim gaya ng LOL, OOTD, at iba pa.
(b) Sa matatanda, tinatawag nilang pridyider ang refrigerator, samantalang sa
kabataan, fridge ang tawag dito.
Ang wika ay ginagamit ng tao. May kakayahan ang tao na makapagbigay ng ibang
kahulugan sa isang salita gayundin ay makabuo ng bagong salita.
Halimbawa:
(a) text, load, like, post, share
(b) lobat mula sa low batt, imba mula sa imbalance, DP mula sa default pic
Ang wika ay bahagi ng kultura.
Repleksiyon
Halimbawa: marami tayong katawagan sa bigas
May mga salitang sa Pilipinas lang ginagamit
Halimbawa: inin: kanin na malapit nang maluto
Mga Paalala

-Ang wika ay patuloy na nagbabago.


-Walang iisang wikang nananatiling pareho sa pagdaloy ng
panahon.
-Ang lipunan, na mahalagang espasyo ng wika, ay nagbabago.

Buod
-Mahalaga ang papel ng isang dalubwika upang mapalalim at
maipaliwanag ang kahulugan at kalikasan ng wika.
-Maraming iba’t ibang kahulugan ang wika, subalit ang
kahulugan ni Henry Gleason ang pinakamalawak at pinakabuo
ang kahulugan.
-Mula sa kahulugan ni Gleason, malalaman natin ang limang
kalikasan ng wika.

You might also like