Professional Documents
Culture Documents
Subalit ang mga palaaral nang unang panahon, tulad nina Plato at Socrates, ay hindi nasiyahan
sa mga ganong paliwanag ng simbahan. Nagsimula silang maglimi tungkol sa wika. Sa kanilang mga
sinulat ay mababakas ang kanilang halos walang katapusang pagtatalo-talo tungkol sa pinagmulan at
kakanyahan ngwika.
Sa mga wikang Griyego at Latin, unang nagkaanyo ang wika sa tunay na kahulugan nito, sapagkat
ang mga wikang ito ang dalawang magkasunod na wikang unang nalinang at lumaganap nang
puspusan sa Europa nang panahong iyon.
Mapapansing kung saan unang nalinang ang sibilisasyon ay doon din unang nagkaanyo ang kauna-
unahang maagham na pagsusuri sa wika.
Ang mga pananaliksik sa larangan ng linggwistika sa teknikal na kahulugan nito,ay alam nating
kara-karakang nauunawaan ng mga hindi linggwista.
Muller at Whitney (1860-75) - Nagsikap na maging payak ang pagtalakay sa mga prinsipyo at
simulain at agham na ito upang mapakinabangan ng mga paaralan.
Sa paglakad ng panahon, iba‘t ibang modelo o paraan ng paglalarawan sa wika ang lumaganap sa
daigdig. Lumitaw ang itinuturing na makabagong pamamaraan ngunit masasabing nananatiling hindi
nagagalaw ang makalumang pamamaraan.
Taong 1870, lumitaw ang IPA (International Phonetic Alphabet) na gumamagamit ng hindi
kukulangin sa 400 simbolo. Ang gayong dami ng simbolo ay naging suliranin hindi lamang sa mga
dalubwika kundi gayundin sa bumabasa ng bunga ng kanilang pananaliksik. Nagsimulang umisip
ang mga dalubwika kung papaano nila magagawang payak ang kanilang isinasagawang
paglalarawan sa mga wikang kanilang sinusuri.
Ponema
Hindi nagtagal ay lumitaw ang ponema (phonemes) na naging palasak na palasak hanggang sa
kasalukuyan.
Sa pamamagitan ng ponema ay naging payak ang paglalarawan sa palatunugan ng isang wika
sapagkat kakaunting simbolo na lamang ang ginagamit.
Sa I.P.A. ay binibigyan ng katumbas na simbolo pati mga alopono ng isang ponema kaya‘t
lubhang napakarami ang ginagamit na mga simbolo.
Ang ponema ay itinuturing na panulukang-bato ng linggwistikang-istruktural.
Gumagamit din ang mga instrukturalista ng katawagang morpema (morpheme) sa pagsusuri
sa palabuuan ng mga salita ng isang wika.
Logical Syntax
Anthropological Linguistics
Modelong Generative-Semantics
Nauukol sa Gramatika
Arte y Vocabulaŕio de la Lengua Tagala
- ni Pari Juan de Quiñones
- Nilimbag noong 1951
- Maraming naniniwala na ito ang kauna-unahang pananaliksik na isinagawa ng mga
prayle ukol sa wikang Tagalog
Pari San Juan Plasencia - Sumulat ng isang gramatika sa Tagalog, isang diksyunaryo sa
Tagalog, at isang katesismo sa Tagalog na pinagtibay ng Ecclesiastical Junta noong
1852.
Nauukol sa Talasalitaan
Vale-Mecum o Manual de la Concervacion Familiar Espanyol -Tagalog, Siglo de un
Curioso Vocabulario de Modismos Manileños - ni T.M. Abella (walang petsa)•
Ang pagsakop ng mga Amerikano sa Pilipinas ang naging sanhi ng panibagong pagtingin sa
pag-aaral sa mga wikang laganap sa kapuluan.
Ang mga linggwistang paring Kastila‘y napalitan ng mga linggwistang sundalong Amerikano.
Ang pangunahing layunin ng mga Amerikano ay maihasik sa sambayanangPilipino ang
ideolohyang demokratiko.
Ang naging suliranin ng mga prayleng Kastila at ng mga sundalong Amerikano ay iisa, “ang kawalan
ng isang wikang magiging daluyan ng komunikasyon upang maisakatuparan ang kani-kanilang
layunin”. At tulad din ng mga Kastila, inisip ng mga Amerikanong higit na madali kung sila ang mag-
aral ng mga pangunahing wika sa kapuluan kaysa kanilang hintayin na matuto ng Ingles ang
nakararaming Pilipino. Isa pa, inisip din ng mga Amerikano na higit na magiging madali ang pagtuturo
ng Ingles sa mga Pilipino kung mauunawaan ng mga guro ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Ingles
sa iba‘t ibang wika sa kapuluan. Noon nagsimula ang pagsusuri sa mgapangunahing wika sa kapuluan,
lalo na sa Tagalog.
Ngunit hindi lubhang lumawig ang pagsusuring-wika na isinagawa ng mga dalubwikang sundalong
Amerikano dahil sa pagkakapalit ng pamahalaang sibil sapamahalaang militar noong 1901. Pumalit sa
mga sundalong Amerikano ang mga dalubwikang may higit na kakayahan at kasanayan sa
pagsusuring-wika dahil karamihan sa mga ito‘y propesora sa mga unibersidad sa Estados Unidos at
sa Unibersidad ng Pilipinas na itinatag noong 1908.
Ayon kay Constantino, sa mga pangunahing linggwista noong Panahon ng mga Amerikano, ay
nangunguna ang mga sumusunod;
Cecilio Lopez (isang Pilipino)
Otto Scheerer at H. Costenoble (mga Aleman)
Morice Vanoberbergh (misyonerong Belhikano)
Carlos Everett Conant, Frank R. Blake, at Leonard Bloomfield (mga Amerikano)
Noong aralang-taong 1901-1902 ay sinimulan nya ang pagtuturo ng Tagalog sa isang klase na may
8 mag-aaral. Nang sumunod na taon ay Cebuano naman ang kanyang itinuro. Bagama‘t hindi gaanong
pinahahalagahan ng pamahalaan ng Estados Unidos ang proyektong isinasagawa sa Unibersidad ng
John Hopkins ay nagpatuloy pa rin si Blake sa pagsusuri sa mga wika sa Pilipinas na tumagal ng halos
50 taon.
Ayon pa rin kay Constantino, sa pagitan ng 1902 at 1950 ay nakasulat si Blake ng hindi kukulangin
sa 27 artikulo tungkol sa iba‘t ibang wika saPilipinas.• Ang ilang halimbawa ay ang mga ss: (1) Ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng mga wikang Bisaya (2) Ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga
wikang Bisaya at ng Tagalog (3) Ang mga salitang hiram ng Tagalog sa Sanskrito (4) Ang pag-aaral
na isinasagawa ng Unibersidad ng John Hopkins tungkol sa iba‘t ibang wika saPilipinas.(5) Ang
tungkulin ng pamahalaan ng Estados Unidossa paglinang ng agham-wika sa Pilipinas sa wika (6)
Pagsusuring-basa sa pagsusuring isinagawa ni Bloomfield tungkol sa Tagalog (7) Pagtitipon ng mga
pagsusuring isinagawa sa mga wika sa Pilipinas (8) Isang aklat tungkol sa gramatika ng Tagalog (9)
Isang monograp tungkol sa sistema ng mga diin saTagalog.
Pinangkat din ni Blake sa tatlo ang mga wika sa Pilipinas: (1) Pangkat Timog, na kinasasamahan
ng Ilocano at Pangasinan, (2) Pangkat Sentral, na kinasasamahan ng Tagalog, Bicol at mga wikang
Bisaya. Ang Kapampangan ay nasa pagitan ng dalawang pangkat na ito, (3) Sa Pangkat Hilaga ay
kasama ang Maguindanaw at Maranaw.
Sa pagsusuri ni Blake sa Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas ay labis nyang napag-uukulan ng
pansin ang tatlong magkakaugnay na mga yunit sa mgagramatika: Verb, Voice, Case. Sinabi nya na
bilang alituntuning pangkalahatan,masasabing ang lahat ng salita sa Tagalog, maging anumang uri,
ay maaaring gawing pandiwa.
Ngunit hindi sang-ayon dito si Constantino, sa dahilang ang konklusyon ni Blake ay hindi salig sa
masusing pananaliksik. Ayon sa kanya, hindi lahat ng salita sa Tagalog o sa alinmang salita sa Pilipinas
ay maaaring kabitan ng makadiwang panlapi. Gayunpaman, naniniwala si Constantino na ang
kakayahan saberbalisasyon ng Tagalog at ng iba pang wika sa Pilipinas ay malinaw na isang
natatanging kakayanhan ng mga wika sa Pilipinas; na ang kakanyahang ito ang isa sa ikinaiiba ng mga
wika sa Pilipinas sa ibang kaangkang wika ng Austronesya.
Ang pagsusuring isinagawa ni Bloomfield sa gramatika ng Tagalog ang higit na kilala hanggang
sa kasalukuyan. Ang totoo, may mga palaaral, tulad nina Lopez at Constantino, ang naniniwala na
hanggang sa ngayon ay hindi pa nahihigitan ang pagsusuring isinagawani Bloomfield sa Tagalog. Ang
pagkakalahathala ng aklat ni Bloomfield namay pamagat na Language noong 1933 na kinapapalooban
ng mga mahahalagang pag-aaral sa gramatikang Tagalog at ang kaalinsabay na paglaganap ng
linggwistikang Bloomfieldian pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang naging dahilan
upang ang pamamaraan ni Bloomfield ay gamiting modelo ng mga sumusunod na palaaral sa wika.
Ang mga unang pananaliksik ni Lopez ay masasabing naimpluwensyahan ng mga sinulat ni Blake.
Ang ilan sa mga ito ay tumatalakay sa mga kakanyahan ng mga wika sa Pilipinas, tulad ng paglalapi
sa Tagalog, at ang mga salitang-hiram ng Tagalog saKastila. Marami rin syang sinulat at ipinalathalang
mga artikulo tungkol sa pahambing na pagsusuri na mga wika sa Pilipinas sa paraang singkroniko at
dayakroniko.
Ang talakay ni Lopez sa sintaksis ng Tagalog ay makabago at higit na masusi sa ginawang talakay
ni Bloomfield. Sa mga sinulat ni Lopez na nalathala bago matapos ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig ay mababanggit ang mga sumusunod.
(1) Pagsusuring sikolohikal sa morpolohiya ng Tagalog
(2) Pahambing na pagsusuri sa mga leksikograpiya ng Tagalog at ng Malay (1939)
(3) Isang artikulong nasusulat sa wikang Aleman tungkol sa pagkakaugnayan ng Tagalog at ng
Malay (1930), at
(4) Isang artikulong tumatalakay sa kakanyahan ng mga wika sa Pilipinas(1931).
Panahon ng Kalayaan
Ang mga panaliksik-wika sa iba‘t ibang wika saPilipinas ay mapapansing isinasagawa hindi
lamang ng mga linggwista sa Pilipinas kundi gayon din ng mga linggwista at mag-aaral sa mga
unibersidad sa Amerika, tulad ng Unibersidad ng Yale ,Unibersidad ng Michigan, Unibersidad ng
California sa Los Angeles, at Unibersidad ng Hawaii.
Tatlong modelo ang nangibabaw sa paglalarawan ng mga wika sa Pilipinas pagkatapos ng digmaan.
(1) Modelong ginamit ni Bloomfield sa paglalarawan sa Tagalog at Ilocano
(2) Tagmemic Model na nilinang ni Kenneth L. Pike na syang karaniwang ginagamit ng mga
linggwista ng SIL
(3) Transformational-Generative Model ni Chomsky na syang higit na pinaniniwalaan ng mga
linggwista ng UCLA at sa UP
Tagalog - masasabing higit na napagtutuunan ng mga linggwista, gaya rin ng nangyari noong
panahon ng Kastila. Kaunti lamang kung mayroon mang mahahalagang naisasagawang pag-aaral sa
ibang pangunahing wika. Marahil dahil Tagalog ang batayan ng wikang pambansa.
Ang pinakahuling pagsusuring isinagawa tungkol sa palatunugan ng Pilipino ay ang kay Andrew
Gonzalez (Acoustic Correlates of Accent, Rhythm and Intonationin Tagalog) na nalathala sa
PHONETICA. Sinuri ni Gonzales ang diin, ritmo, at intonasyon ng Tagalog sa pamamagitan ng
paggamit ng makabagong instrumentong pangwika sa Unibersidad ng California, Berkeley, California,
tulad ng Linc-8 Computer, Trans-Pitchmeter, Kay Sanograph, at Pitch Extractor. Lumitaw sa pag-aaral
ni Gonzales na angtono, lakas, at haba ay hindi nagiging resulta lamang ng diin o stress at hindi ng
haba o length na tulad ng lumabas sa pagsusuri nina Schachter at Otanes
TANDAAN!
Isa sa mga kahulugan ng wika na ibinigay ni Henry Gleason ay
“masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa iisang
kultura”, na nagiging batayan at kahalagahan kung bakit kailangang pag-
aralan ang istruktura o pagkakabuo ng wika.