Professional Documents
Culture Documents
PAGTATALAKAY SA PAKSA:
Ayon kay Constantino (1972), ang pag-aaral sa mga wika sa Pilipinas ay mapapangkat sa tatlong
panahon: (1) panahon ng mga Kastila; (2) panahon ng mga Amerikano; at (3) panahon ng kalayaan o
kasalukuyang panahon.
PANAHON NG KASTILA
Ayon kay Scheerer, ang pag-aaral sa mga wika ay isinagawa ng mga misyonerong Kastila na
karamihan ay mga paring Heswita at Dominikano sa layuning mapabilis ang pagpapalaganap ng
Kristiyanismo. Napatunayan ng mga misyonerong Kastila na higit na madali na sila ang mag-aral sa mga
katutubong wika kaysa ang mga Indios ang turuan ng wikang Kastila. Kaya at nang dumating Sa Cebu
noong Pebrero 13, 1565, ang anim (6) na paring Augustian na kasama ni Adelantado Miguel Lopez de
Legaspi, ay gayon nga ang kanilang isinagawa sa pagpapalaganap ng relihiyong Katoliko Romano.
Ang mga pag-aaral sa wika na isinagawa ng mga prayle, kung sabagay, ay mga pag-aaral na hindi
sopistikado. Gayunpaman, ang isinagawang pag-aaral ng mga prayle ay maituturing na napakahalaga
bilang mga panimulang pag-aaral sa ating mga katutubong wika.
Sa larangan ng wikang Tagalog na naging saligan ng wikang pambansa, masasabing bahagi ng
kasaysayan ang sumusunod na mga isinagawang pag-aaral ng mga prayle at ilang nakapag-aral na
Pilipino:
Nauukol sa Gramatika:
1. Árte y Vocabulario de la Lengua Tagala’ (1951) ni Pari Juan de Quiñones – Pinaniniwalaan na ito
ang kaunahang pananaliksik na isinagawa ng mga prayle ukol sa wikang Tagalog;
2. Árte y Regla de la Lengua Tagala’ (1610) ni Pari Francisco Balancas de San Jose – nilimbag ni
Tomas Pinpin (Ama ng Limbagang Pilipino);
3. Árte de la Lengua Tagala’ (1703) ni Pari Gaspar de San Agustin;
4. ‘Nueva Gramatica Tagalog’ (1872) ni Pari Juan Corica;
5. Énsayo de Gramatica Hispano-Tagala’ (1878) ni Pari Toribio Minguella; at
6. Pari San Juan Plasencia – sumulat ng isang gramatika sa Tagalog, isang diksyunaryo sa Tagalog,
at isang katesismo sa Tagalog na pinagtibay ng Ecclesiastical Junta noong 1852.
Nauukol sa Talasalitaan:
1. ‘Vale-Mecum o Manual de la Concervacion Familiar Espanyol-Tagalog, Siglo de un Curioso
Vocabulario de Modismos Manileños ni T.M. Abella;
2. ‘Vocabulario de la Lengua Tagala’ (1613) ni Pari San BuenaVentura – Pinaniniwalaan talasalitaan
sa Tagalog;
3. ‘Vocabulario de la Lengua Tagala’ (1754) nina Pari Juan de Noceda at Pari Pedro de San Lucar;
4. ‘Nuevo Diccionario Manual Español-Tagala’ ni Rosalio Serrano;
5. ‘Diccionario de Terminos Communes Tagalo-Castellano’ (1669) ni Pari Juan Coria; at
6. ‘Diccionario Hispano-Tagalog’ (1889) ni Pedro Serrano Laktaw
Iba pang pag-aaral:
1. ‘Memorial de la Vida Christiana en Lengua Tagala’ (1605) ni Pari Balancas de San Jose;
2. “Compendio del Arte de la Lengua Tagala’ (1745) ni Gaspar de San Agustin;
3. Árte de la Lengua Tagala y Manual Tagalog’ (1745) ni Sebastian de Totanes; at
4. ‘Sobre La Nueva Ortografia de la Lengua Tagala’ (1889) ni Dr. Jose Rizal.
Pagkakahati-hati ng Kapuluan sa Apat na Orden (1954), ang utos ni Haring Felipe II na itinuturing
na pinakadahilan kung bakit napabilis ang pag-aaral sa mga wikang katutubo. Ito ang pagkakahat-hati:
Kabisayaan – Augustinian at Jesuitas
Ilocos at Pampanga – Augustinian
Mga Instik, Pangasinan at Cagayan – Dominican
Bicol – Franciscan
Ayon kay Phelan, hindi kukulangin sa dalawanpu’t apat (24) na aklat ang nalimbag tungkol sa
wikang Tagalog, samantalang lima (5) sa wikang Bisaya. Ang dahilan kung bakit marami ang nailimbag sa
wikang Tagalog dahil ito ang ginagamit sa Maynila kung saan pinakasentro ng pamahalaan.
Vein/ Nerve
Urat (Malay) Ugat (Tagalog) Uhat (Dakya) Oya (Lampong)
*Nangyayari rin na kung minsan ay nawawala ang R, tulad ng uat ng Javanese.
Naniniwala ang mga dalubwika na ang mga salitang urat, ugat, uhat, oya, at pati narin ang uat ay
buhat lahat sa iisang salitang Malayo-Polinesyo. Nagkaroon lamang ng pagbabago buhat sa pagdaraan ng
panahon at dahil sa pagkawatak-watak ng mg taong gumagamit nito.
Ayon kay Conant, ang mga wika sa Pilipinas ay may tunog g sa RGH na katinig, na ang ibig
sabihin ay nagiging g sa karamihan ng mga wika sa Pilipinas ang R, bagama’t ang ilan ay nagiging R, L, O
kayaý Y. Kaya pinangkat niya ang mga ito:
Tagalog, Bicol, Cebuano, Hiligaynon, Waray, Kinaray-a, at ang mga Romblomanon ay mga wikang
g;
Ilocano, at Tirurai ay wikang r;
Pangasinan, Kankanai, Ibaloi, Bontoc, at Calamian ay wikang l;
Pampanga, Ivagtan, at Sambal ay wikang y.
Halimbawang patunay ni Conant:
Posisyong Inisyal
Wikang G Wikang R Wikang L Wikang Y
Gamót Ramút Lamót Yamút
Posisyong Medyal
Wikang G Wikang R Wikang L Wikang Y
Ugát Urát Ulát Uyát
Posisyong Pinal
Wikang G Wikang R Wikang L Wikang Y
Ikog igor ikol iki
PANAHON NG KALAYAAN
Nagsimula ang panahong ito pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at makamit ng
Pilipinas ang kalayaan noong 1946. Ayon kay Constantino, ang pag-unlad ng aghamwika sa Pilipinas
pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay naimpluwensiyahan ng tatlong mahahalagang
pangyayari:
1. Ang pagtatag sa Pilipinas ng ‘Summer Institute of Linguistics’ (SIL) noong 1953 – mula noon ay
marami ng mga linggwistikang misyonero na kasapi sa organisasyon ang nagtungo rito sa Pilipinas
at nagsasagawa ng mga pagsusuri sa wikain ng kapuluan.
2. Ang pagtatag ng ‘Philippine Center for Language Study’ noong 1957 – Ito ay resulta ng paggamit
ng makalinggwistikang pamamaraan sa pagtuturo ng Ingles sa mga Pilipino na lumikha ng
malaganap na pagnanais upang suriin ang mga wika sa kapuluan.
3. Ang ikatlo ay ang gradwal na pagdami ng mga linggwistikang Pilipino, lalo na pagkaraan ng 1960.
Ang mga linggwistikang Pilipinong ito ay mahahati sa dalawang pangkat:
Una, ang mga nagsipagtapos sa mga Unibersidad ng Estaods Unidos at ng Canada
kagaya nila Constantino at Casambre ng UP, Sibayan at Otanes ng PNC, Gonzales ng De
la Salle, Llamzon at Pascasio ng Ateneo atbp.
Pangalawa, ang mga nagsipagtapos sa Pilipinas. Sa Ateneo-PNC Consortium for Ph. D. in
Linguistics, halimbawa sina, Ma. Lourdes Bautista, Elvira Vergara, Gloria Chan-Yap, Rosa
Soberano, Sis. Ma. Isabelita Reigo de Dios, Casilda Luzares, Teresita Rafael at Emma S.
Castillo.
Mga Modelo sa Paglalarawang-Wika
Ito ang tatlong modelo na nangingibabaw ng mga wika sa Pilipinas pagkatapos ng digmaan.
1. Modelong ginamit ni Bloomfield sa paglalarawan sa Tagalog at Ilocano.
2. Tagmemic Model na nilinang ni Kenneth L. Pike na siyang ginaganit ng mga linggkwistika ng
SIL
3. Transformational-Generative Model ni Chomsky na siyang higit na pinaniniwalaan ng mga
linggwistika ng UCLA at sa UP.
Masasabing hindi gaanong nagkakaiba-iba ang tatlong modelong nabanggit, lalo na ang dalawang
una, tungkol sa kung papaano sinusuri ang mga datos. Nagkakaiba-iba lamang sila sa paraan ng pag-
aayos o paglalahad at sa pagbibigay-ngalan sa resulta ng pagsusuri.
Si Constantino ay may sinulat noong 1965 tungkol sa mga padron ng pangungusap sa
dalawampu’t anim (26) na wika sa Pilipinas, kasama na ang walong pangunahin. Inilahad sa artikulo ang
immediate constituent (IC) analysis na sinundan ng transformational-generative analysis ng mga
pangungusap sa wika.
Pinangkat ni Constantino ang mga pangungusap na prediktibo ayon sa amga balangkas ng
kanilang mga IC sa tatlong uri:
1. Definite
2. Indefinite
3. Situational
Kinilala ni Constantino ang mga unang IC ng mga pangungusap na tiyak at di-tiyak at ang
pangalwang IC ng pangungusap na sitwasyonal bilang simuno ng pangungusap, at ang pangalawang mga
IC ng mga tiyak at di-tiyak na mga pangungusap at ang unang pangungusap na sitwasyonal bilang mga
panag-uri.
Ang mga sumusunod ang ilan lamang sa mga nagawang pagsusuri sa wikang Pilipino sa panahon
ng Kalayaan:
Cebuano
Si Anderson, sa kanyang disertasyon sa pagdodoktorado noong 1965, ay nagsagawa rng
paghahambing sa pagsusuri sa Cebuano at Ingles na ginamitan ng transformational model
ni Chomsky
Si John Wolff (1966 at 1967), ay magkasunod na magpalathala ng dalawang bolyum ng
mga aralin sa Cebuano. Ang gramatika ng Cebuano ay inilarawan niya ayon sa modelo ni
Blooomfield.
Ilocano
Intensive Course nina H. Mckaughan at J. Forster (1952), ang unang deskripsiyong
isinagawa sa mga gramatikong Ilocano pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ito ay ibinatay sa outline of Ilocano syntax ni Bloomfield
Kapampangan
Isang tesis sa M.A. ni Castrillo noong 1955 ang nagsulat sa UP na tumalakay sa
balangkas ng mga pangungusap sa Kapampangan na ginamit ang modelo ni Bloomfield
Hiligaynon
Ang balangkas ng Hiligaynon ay sinuri at inihambing sa balangkas ng Ingles nina Juntado
(1961) at Ruiz (1963) sa kani-kanilang disertasyon sa Ph. D.
Pangasinan
Ang Pangasinan ay sinuri ni Schachter noong 1959 sa kanyang disertasyon sa Ph. D. at
pagkatapos ay inihambing niya sa Ingles.
Waray
Sina J. at I. Wolff noong 1967 ay sumulat ng isang aklat na “Beginning Waray-waray.”
SANGGUNIAN:
Dokumen.Tips (2014). Kasayasayan ng Linggwistika. Nakuhsa sa https://dokumen.tips/documents/kasaysa
yan-ng-linggwistika-1.html noong May 15, 2020.