You are on page 1of 5

FEd 111

Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

5 Wika at Linggwistika
(Ikalawang Bahagi)
INTRODUKSYONn

Ang modyul na ito ay tatalakay katuturan ng linggwistiks at maikling histori ng pag-aaral ng


wika.

Inaasahang Bunga ng Pagkatuto

ILO 2. Makapagsagawa ng pagsusuri sa tunog, salita, pangungusap at kahulugan na pokus


-aaral ng wika.
ILO 3. Mapahalagahan ang wika hindi lamang bilang isa sa komponent ng asignaturang
Filipino kundi bilang instrumento ng komunikasyon.

Resulta ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral

SO 4. Naiisa- isa ang mga katangian ng wika sa buong daigdig; at


SO 5. Naipaliliwanag ang kahulugan ng linggwistiks bilang makaagham na pag-aaral ng
wika.

I. PANIMULANG GAWAIN

Panuto: Sagutin ang tanona na:

Paano nakatutulong sa komunikasyon ang pagtataglay ng kasanayang panlinggwistiks?

Ano ang bunga ng kasanayang panlinggwistik sa komunikasyon ng mga tao?

PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS


Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
Medyor sa Filipino

1
FEd 111
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

Rubrik
Sundin mo bilang gabay ang pamantayang rubrik sa pagsasagawa ng gawaing ito.

Nilalaman - 6
Mekanismo sa pagsulat - 4
Kabuuan - 10

II. PAGLALAHAD NG ARALIN

Linggwsitiks

Ang depinisyon ng linggwistiks ay ang sayantifik na pag-aaral ng mga wika ng tao.


Tinatawag ng linggwist ang taong ang pangunahing interes sa pag-aaral sa pag-aaral ng
wika ay ang maanalays at madeskrayb ang nakapaloob na system ng rul sa wika sa
sistematikong paraan. Meron ding mga lnggwist na may interes na pag-aralan ang
kasaysayan o hstorikal-development ng mga system ng wika pati na rin ang namamagitang

kakayahang gumamit ng maraming wika; ang totoo, tinatawag na poliglot ang ispiker ng
maraming wika.

Maikling Histori ng Pag-aaral ng Wika

Napakatagal nang panahon na pinag-aaralan ang mga wika ng tao. Bahagi ng mga unang
pag-aaral ang nabanggit na sa itaas na mahabang pagtatalong namagitan sa mga Greek
filosofer nun tungkol sa pagkakaroon o di-pagkakaroon ng natural na koneksyon ng isang
salita at kahulugan nito (mga naturalist kontra konvensyonalist). Nasundan ito ng mahaba
pa ring pagtatalo tungkol naman sa pagiging regular o di-regular ng mga wika (mga
analojist kontra anomlist) na syang nagbigay-daan para maaydentifay ang mga bahagi ng
pananalita sa wikang Greek. Nang mabuo ang pag-aaral ng mga Greek na gramaryan para
sa gramar ng kanilang wika, inadap ng mga Romano ang gramatikal-patern ng Greek sa
pagtuturo at pagpapalaganap nila ng wikang Latin. Ang nabuong gramar ng Latin ang
ginawa naming modelo sa pagtuturo ng iba pang mga Wika lalo sa loob ng mahabang
panahon na kinikilala ngayong tradisyunal na gramar.

Sa pagtatapos ng ika-19 na sentyuri, itinatak ang sinasabing pagsisimula ng mga unang


linggwistik na pag-aaral ng mga wika. Bago pa man nabuo ang tradisyunal na gramar ng
Latin sa Europe ay meron nang nagawang mahalagang pag-aaral ng gramar ng wikang
Sanskrit na umabot sa kaalaman ng mga Europeyo. Isa sa may malalim na interes sa pag-
aaral ng wikang Sanskrit ay si Sir William Jones (1796) na nagsabi nun na ang nakita nyang
pagkakapareho nito sa mga wikang Latin at Greek at sapat na dahilan para ipalagay na ang
tatlong wikang ito (na sinasalita sa magkakalayong mga lugar) ay may iisang pinagmulan. Ito
ang dahilan kung bakit nagging abala ang mga iskolar ng wika nang mga panahong iyon na
pag-aralan ang relasyon ng mga wikang hindi lamang nabibilang sa mga sinasalita sa
Europe kundi ng iba pang mga wika sa mundo. Ang mga ganitong pag-aaral ay tumuloy sa
pagtatag ng historikal at komparativ na pag-aaral sa linggwistiks. Bunga nit, ang mga pag-

mahalaga kesa rito ay ang pagbubuo o pagdevelop ng mga tyuri tungkol sa pagbabago ng
wika.

PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS


Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
Medyor sa Filipino

2
FEd 111
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

Sa pagsisimula ng ika-20 siglo, napabilis ang Cours de Linguistique Generale ni Ferdinand


de Saussure (1916) na binuo ng mga dati niyang estudyante buhat sa kanyang lektyur nang
librong ito dahil nbatay sa ilang mga prinsipyong
tinalakay dito ang nagging development ng disiplin ng linggwistiks sa sumusunod na
panahon.

Ilan sa mahahalagang konseptong tinalakay ni Saussure ay ang pagkakaiba ng parole at


langue, at ng singkronik at dayakronik na pag-aaral ng wika. Para kay Saussure, ang
langue ang dahilan kung papanong nakakapagsalita at nakakaintindi ang isang indibidwal sa
kanyang wika. Yon sa kanya, ang mga beysik na element ng langue (mga tunog, mga salita,
at mga gramatikal-fityur) ay mga magkakaugnay na straktyur. Ang parole naman ay ang
mismong naririnig taning mismong binibigkas ng ispiker ng wika. Sinabi ni Saussure na ang
singkronik na pag-aaral ay ang pag-aaral ng mga straktyur ng wika sa isang panahon.ang
dayakronik na pag-aaral naman ay ang pag-aanalays at pagkumpara ng mga pagbabagong
ito ay napag-aaralan ang relasyon ng mga wikang may pagkakahawig.

Nasundan ang libro ni Saussure ng pablikeysyon ng librong Language ni Leonard


Bloomfield (1933) at mula noon at tuluyan nang tumatag ang sayantifik na pag-aaral ng
mga wika. Tugma ang mga sinulat ni Bloomfield sa pananaw ni Saussure (1916) na bawat
wika ay may magkakaugnay na straktyur kaya sinasabing bawat wika ay may isang system
na katangi-tangi sa kanya. Magkatugmang pananaw na nagging simula ng straktyuralis na
pamamaraan sa pag-aaral at pag-aanalays ng wika.

Sa kalagitnan ng nakaraang siglo, napabilis ang Syntactic Structures ni Noam Chomsky


(1957) na nagbigay ng malakas na paghamon sa sinundan nitong straktyuralis na pag-aaral
ng mga wika. Ipinahayag ni Chomsky sa librong ito ang sinasabi niyang, sentraliti ng
sintaks, ibig sabihin, ipinapalagay niyang ang sintaktik releysyon sa mga ito ang

pinakamahalagang aspeto ng wika ng tao: ang pagkamalikhain ng wika. Ayon kay


Chomsky, sa pag-aaral ng sintaks o kung paano nabubuo ang mga sentens ng isang wika
maiintindihan ang sinasabi niyang malikhaing kapasidad ng nagsasalita ng wika.

Iniba ni Chomsky ang pamamaraan ng linggwistik analisis nang inintrodyus nya ang kanyang
transformational generative grammar (TG) na dapat ituring na mga instrasyon sa pagbuo
ng lahat ng posibelng magawang tama, makabuluhan, at tanggap ng mga sentens sa wikang
alam o pinag-aaralan. Importanteng Makita o mareflek sa gramar na ito ang pagiging
malikhain ng mga ispiker ng wika. Ang kanilang kompitens sa kanilang wika ay kailangang
masalamin sa mga rul ng wika.

Sa sumunod na mga taon, napablis ang Aspects of the Theory of Syntax ni Chomsky (1965)
kung saan pormal nyang binigyan ng distingksyon ang kanyang mga term na linggwistik-
kompitens at performans. Ang depinisyon nya para sa una ay ang kaalaman at kakayahan
ng tagapagsalita sa kanyang wika, at sa pangalawa naman ay ang aktwal na mga
sinasabi/binibigkas na spesipikong sitwasyon. Kung babalikan natin ang kahulugan ng
parole at langue ni Saussure, makikitang hindi nalalayo ang mga kahulugan nito sa mga
kahulugan ng linggwistik-kompitens at performans ni Chomsky. Ang nabuong modelo ng
pag-aanalays ng wika na hango sa librong ito ay tinawag ni Chomsky na standard theory na
nirevays din pagkaraan lang ng ilang taon sa tinawag naming extended standard theory.

PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS


Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
Medyor sa Filipino

3
FEd 111
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

Hindi pa rin natapos dito ang mga pagbabago sa pamamaraan ng linggwistik-analisis na


iponopropows ni Chomsky. Mula 1980s mas dumami pa ang mga riserts sa tyuri ng sintaks
kung saan ang focus ng riserts sa pagbuo ng mga prinsipol. Ibig sabihin, sa halip na binubuo
ng listahan ng mga ispesipik na rul ang modelong gramar ng linggwistik-kompitens, to
ngayon ay binubuo ng set ng mga nag-iinterak na mga prinsipyo na nakabatay sa katangian
ng bawat wika. Ang mga prinsipol na ito. Ang mga prinsipol na ito ang ipinapalagay na
siyang nagdedefayn ng tinatawag na core grammar ng wika. Ito ang panahon ng
government and binding (GB) sa mahaba at komplikadong pinagdaanan ng unang TG ng
Syntactic Structures ni Chomsky. Ang isang nagiging puna sa tyuri ni Chomsky ay ang pag-
aaral ng wika nang hindi isinasaalang-alang ang konteksto nito. Pinag-aaralan ang wika
labas sa reyalidad ng pakikipag-usap.

III. ANALISIS, APLIKASYON AT EKSPLORASYON

GAWAIN 1
Pangalan: Puntos:
Antas/Pangkat: Petsa:

Panuto: Gumawa ng puzzle na nakabatay sa mga araling panlinggwistik. 15 pahalang at 15


pababa. Sa ilalim nito, ilagay ang mga tanong o pahayag, maaari rin naming kahulugan ng
salitang nasa puzzle na nakasulat nang pahalang o pababa.

IV. PAGLALAHAT

Panuto: Magbigay ng limang sitwasyon kung saan ang makikita sa isang tagapagsalita ang
kahusayang linggwistik o iyong tinatawag na linggwistik-kompitens. Bawat sitawasyon ay
may katumbas na 10 puntos batay sa pamantayan sa ibaba.

Rubrik
Sundin mo bilang gabay ang pamantayang rubrik sa pagsasagawa ng gawaing ito.

Sitwasyon - 3
Nilalaman - 3
Mekanismo sa pagsulat - 4
Kabuuan - 10

V. EBALWASYON

PAGSUSULIT 5
Pangalan: Puntos:
Antas/Pangkat: Petsa:

Panuto: Ibigay ang hinihingi sa mga sumusunod na bilang.

__________________1. Isang modelo ng linggwistika na pokus ay ang pagbibigay ng kahulugan.


__________________2. Ito ay naging popular noong 1925 hanggang 1955.

PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS


Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
Medyor sa Filipino

4
FEd 111
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

__________________3. Ito ay nagbibigay-diin sa pagkakaugnay ng anyo at ng gamit.


__________________4. Ito ay nagbibigay diin sa pagsusuri sa distribusyon ng mga ponema at
morpema sa isang salita o pangungusap.
__________________5. Tawag sa taong ang pangunahing inters sa pag-aaral ng wika ay ang
maanalays at madeskrayb ang nakapaloob na system ng rul sa wika sa sistematikong
paraan.
__________________6. Sa panahong ito, nagkaroon ng mga pananaliksik sa pinagmulan ng
mga wika na humantong sa pagpapapangkat-pangkat ng mga ito ayon sa pinagmulang
angkan.
__________________7. Ito ang orihinal na wikang kinasusulatan ng Matandang Tipan.
__________________8. Ito ang tawag sa ispiker ng maraming wika.
__________________9. Siya ang kinikilalang transitional figure mula sa istruktural tungo sa
linggwistikang heneratibo.
__________________10. Kilala rin ang modelong ito sa tawag na computational linguistics.
__________________11. Ito ay ang sayantific na pag-aaral ng mga wika ng tao.
__________________12. Siya ang proponent ng Transformational-generative grammar
__________________13. Itinuturing na kauna-unahang disiplina sa linggwistika ng
ibang angkan.
__________________14. Hindi gaanong umunlad ang agham ng wika sa panahong ito.
__________________15. Ayon sa kanila, parusa ng Diyos sa pagmamalabis ng tao.
__________________16. Kauna-unahang pangkat na kinilala sa larangan ng linggwistika.
__________________17. Itinuring na syang nagsipanguna sa laragan ng agham wika.
__________________18. Sa panahong ito ay naging masusi at puspusan ang pagsusuring
panglinggwistika sa mga Griyego at Latin dahil sa napakarami at iba
dalawang wika dito lamang matatagpuan.
__________________19. Modelo ng linggwistika na sinasabing nag-ugat sa logical syntax.
__________________20. Bilang ng simbolong ginagamit sa IPA (International Phonetic
Alphabet).

VI. MGA SANGGUNIAN

Maestro, A. S. (2015). Wika at linggwistika. Mula sa


https://www.slideshare.net/maestroailene/wika-at-linggwistiks. Nakuha noong
Setyembre 2020.

Paz, C. J. et al. (2003). Ang pag-aaral ng wika. E. de los Santos St., U.P Campus, Diliman,
Quezon City 1101. The University of the Philippines Press.

PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS


Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
Medyor sa Filipino

You might also like