You are on page 1of 4

Sheryl C.

Guerra

BSBA 4101

Pagsulat ng Editoryal

Entry #1

Ipaglaban ang Boses ng Katutubo

Magdudulot ng pagkasira ng kalikasan partikular na sa kabundukan ng Sierra Madre ang


pagpapagawa ng Kaliwa Dam. Una itong inilatag noong panahon pa ni Pang. Noynoy Aquino
subalit ibinasura ng kongreso. Ngunit, muli na naman itong naungkat dahil sa malawakang
pagkaubos ng tubig sa Metro Manila.

Ayon sa Malacañang, aabot sa 600 milyong ektarya ng tubig ang aagos mula rito
patungong Metro Manila—higit pa ang bilang na ibinibigay ng Angat Dam. Ngunit, kaakibat ng
milyones na ektarya nito ay siya namang katumbas ng bilyong-bilyong dolyares na utang ng
gobyerno.

Sinasabing kakailanganin ng 12.2 bilyong pisong halaga upang masimulan ang pagtatayo ng
nasabing dam kung saan 85% nito ay uutangin ng bansa mula sa Tsina. Maibabaon na nga nito
sa utang ang bansa na syang magtutulak upang maitali ang Pilipinas sa bansang Tsina. Kung
sinasabing ito ang magiging solusyon, paano ito haharapin ng mga susunod na henerasyon? Ang
pagbabayad ng utang mula sa malaking pagkakamali ng administrayon?

Samantala, hindi alintana ng gobyerno ang mga taong naninirahan malapit sa pagtatayuan
ng dam. Sa katunayan, ang mga dokumentong nagpapakita ng kasunduan at transparency na
hanggang ngayon ay ‘di pa naisasapubliko. Isa lamang itong patunay na kung anong pagmamay-
ari ng bansa ay siya ring pagmamay-ari ng Tsina.

Kaugnay nito, naninirahan sa Infanta, Quezon—lugar na pagtatayuan ng nasabing dam—


ang mga katutubong Dumagat. Kung itutuloy ang pagtatayo nito, hindi lamang kinitil ang
lupang ipinamana sa kanila bagkus ay lalabagin nito ang batas na RA 8173. Sa halip na humingi
ng pahintulot ang gobyerno sa mga Dumagats ay agad na itong nilagdaan at isinara sa pagitan
ng Tsina at ng ating bansa.

Iisa lamang ang layunin ng bansa—magkaroon ng maayos na patubig at irigasyon upang


hindi magkaroon ng pagkaubos nito. Ngunit, ang pagkuha ng lupa sa mga katutubo ay isang
malaking paglabag sa kanilang karapatan. Ito ay mahigpit na ipinagbabawal dahil hindi nito
masusulosyunan bagkus mas lalala pa ang sitwasyon.
Maaring umabot ito sa puntong maraming tao ang mag-aalay ng buhay masunod lamang
ang gusto ng gobyerno. Isa itong patunay na kung sino pa ang dapat na tagapagtanggol ng
yaman ng bansa ay siya pang punong nagpasiil sa mga gahamang manlulupig.

Sa gayun, hindi ito masasabing matagumpay at progresibong proyekto kung may maiiwan
naman sa huli ng paglalakad. Marami namang paraan upang maiwasan ang pagkaubos ng tubig.
Maaring mag-imbak ng balde-baldeng tubig uoang msy magamit sa susunod pang araw.
Mahalaga din ang pagtitipid sa paggamit nito. Sa pamamagitan ng alternatibong solusyon,
maiiwasan ang pagkasira ng Sierra Madre at mapapanatili ang kaligtasan ng mga Dumagats sa
nasabing lugar
Pagsulat ng Editoryal

Entry #2

Katamaran: Huwag gawing bisyo!

Nakapanlulumong isipin na nahuhuli na ang bansang Pilipinas sa ibang bansa sa Timog-


Silangang Asya sa porsyento ng gobyernong may pinakamagaling tumugon sa COVID-19. Hindi
na lingid sa iilan kung bakit ganoon na lamang kababa ang bahadgan ng Pilipinas dahil
karamihan sa mga gobyerno ay nagiging tamad na sa pagtupad ng tungkulin. Gayong, mayroon
na namang mga bagong variant na pinaniniwalaang mas delikado, paano na ang pagtugong
gagawin ng gobyerno gayung sa maliit na problema pa lamang ay hindi na nagagawa ng
maayos?

Ayon sa rappler.com, unang nakitaan ng variant ng COVID-19 sa bansang United Kingdom


na tinawag na B.1.1.7 na pinaniniwalaang mas nakamamatay sa lahat ng variant ng nasabing
virus. Kung libo-libo na ang mga namatay at daang libo naman ang pinahihirapan ng pandemya
sa bansa, marahil ay mas dodoble pa ang bilang kung sakaling hindi na naman mapigilan ng
gobyerno ang pagpasok ng nasabing variant sa bansa. Samantala, nabalita rin ang bagong
variant na pinangalanang P.1 na nagmula sa bansang Brazil. Sinasabing tumaas ng 73% ang mga
kaso ng COVID-19 na mayroong P.1, na halos apat na beses ang bilis ng pagdami ng mga
tinatamaan nito. Sa madaling salita, isa ang variant na ito sa mabilis makahawa na siyang
nagpaparami sa kaso ng COVID-19.

Sa katunayan, mayroon ng isang kaso ng COVID-19 na mayroong P.1 variant sa Pilipinas,


isa itong balikbayan na nagmula sa Brazil at kasalukuyang nakaquarantine. Kung hindi ito
pagtutuunang pansin ng gobyerno, mas dodoble pa ang bilang ng kaso ng mga naimpeksyon
saka-sakaling makahawa ito. Pinaniniwalaan ding mas nakamamatay at nakakahawa ang mga
bagong variant na mula sa South Africa na K417N/T, E484K, at N501Y. Sa patuloy na paghawa
ng mga variant na ito ay siya ring mas mabilis na pagdami ng kaso sa buong Aprika at maaaring
ikataas ng bahagdan ng mga namamatay. Ikinababahala rin ng mga eksperto ang pagiging hindi
epektibo ng mga bakunang Pfizer at BionTech na napapanatili lamang ang mga nakakatakot na
variants sa katawan ng tao.

Isa rin sa mga binabatayan ng mga eksperto ang lokal na variant na tinawag na P.3.
Natiktikan ito ng mga eksperto na sinabing tanging sa Pilipinas lamang ito matatagpuan kung
saan nakapagtala kaagad ito ng 98 pangunahing kaso. Ang kasong ito ay pangunahin pa lamang
ngunit ito na siguro ang dahilan ng tripleng pagdami ng mfa kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa pagkakataong ito, oras na para sa gobyernong maging masipag sa pagtupad ng kani-
kanilang tungkulin upang ng sa gayun ay mas tataas ang porsyent o ng pagtugon sa pandemya. Sa
mabilis na pagsugpo ng COVID-19 sa bansa ay siya ring magiging dahilan ng mabilis na pag-ahon ng
bansa mula sa pagkakalugmok dahil sa pandemya.

You might also like