You are on page 1of 4

Ang Corona Virus Disease o mas kilala bilang COVID-19 ay isang sakit na kumakalat sa

buong mundo. Maraming naidudulot na problema ang krisis na ito sa kadahilanang wala pang
natutuklasang gamot para rito.

Isa sa mga problemang dapat na pagtuunan ng pansin ay ang ating pang-ekonomiyang


katayuan.

Epekto ng COVID-19 sa ekonomiya:

 Mas lalaki ang budget deficit na mula sa 3.2% ay maaaring pumalo sa 5.3 %.
 Ang pandaigdigang mga presyo ng kalakal ay nagkaroon ng malaking pagbagsak,
na umabot hanggang 20.4%.
 Ang turismo ay inaasahang bumaba sa taon na ito sa pagitan ng 58% hanggang
78%.
 Ayon sa Radyo Pilipinas, nasa 1.2 million din ang temporary unemployment ng
Pilipinas.

Iba’t-ibang Pananaw

Lahat tayo ay nakararamdam ng takot ngayon ngunit iba-iba parin ang ating pananas sa
lockdown. Ayon sa isang Social Weather Stations (SWS) survey, 15% ng mga Pilipino
ang nagsasabing hindi sumasang-ayon sa lockdown habang 84% naman ang sumasang-
ayon.
Hindi Sang-ayon
 Maraming negosyo ang nagsara
 Maraming nawalan ng trabaho
Ayon sa International Labor Organization (ILO) nasa may 105 million na trabaho ang
nawala at maaaring umabot ng 305 million sa dulo ng taon. Sa Pilipinas, inaasahang 1.2
million ang mga mamamayan na mawawalan ng trababaho sa patuloy na pagbaba ng ekonomiya
dahil nagkakaroon ng limitasyon sa ‘economic activity’.
 Kakulangan sa suportang pinansyal
 Kakulangan sa kayamanan (resources)
Sang-ayon
 Mabawasan ang bilang ng mga kaso
Sa pagbawas ng bilang ng mga covid-19 cases, mas makatutulong ito sa ekonomiya sa
mahabang panahon dahil mas konting kayamanan ang nagagamit.

Pagkilos:
1. Quarantine
 ECQ- paglabas at pagpasok sa lugar ay bawal. Medikal at essential workers lang
ang pwedeng magtrabaho

 MECQ- media, produksyon ng cement and steel, BPOs, mining and quarrying,
e-commerce, delivery services, vehicle, and real estate rentals, housing services,
and equipment repair.

 GCQ -accounting services, malls, manufacturing of beverages, book stores,


photocopying establishments, etc

 MGCQ- transisyon sa new normal

2. Retrenchment
 Ito ang isa sa mga awtorisadong pamamaraan ng pagtanggal ng trabaho na
pinamamahalaan ng Artikulo 283 ng Labor Code.
3. Work from home
4. Online business
5. Tricycle and jeepney drivers nagtratrabaho na sa delivery services
6. Ayuda
 Small Business Wage Subsidy Program- Mabibigyan ng 5 000 hanggang
8 000 pesos bawat buwan.
- by Social Security System -Dep.Of Finance -Bureau of Internal Revenue 
 Social Amelioration Program- Mabibigyan ng 5 000 hanggang 8 000
pesos bawat buwan.
- Dep. Of Social Welfare and Development, Dep. Of Labor and Employment,
Dep. Of Agriculture and Dep. Of Trade and Industry, 
 OFW - isang beses na tulong pinansiyal na 10 000 pesos ay ibibigay sa
mga overseas Filipino workers na ang trabaho ay naapektuhan ng COVID-
19 global pandemic.
Kahalagahan:

 Mabagal ang produsyon at bentahan na nagresulta sa unti-unting pagbaba ng


ekonomiya.
 Tumataas ang presyo ng bilihin sapagkat kokonti lamang ang supply.
 Maraming apektadong sekto, hindi lang ang ating ekonomiya.

Epekto ng COVID-19:

 Mahigit sa 4,000 katao ang namatay sa buong mundo at higit sa 113,000 mga
kaso ang nakumpirma sa higit sa 110 na mga bansa.
 Maraming mga nagtatrabaho ay nagkakasakit din at ang kanilang mga pamilya ay
makakaramdam ng pinansiyal na pasanin lalo na’t mahal ang pagpapagamot.
 Nadagdagan nito ang bilang ng kahirapan sa buong mundo.

Personal na Damdamin

1. Ako ay nakakadama lungkot.


 Unang beses na bumaba ang GDP ng bansa sa loob ng dalawang dekada.
 Nakikisimpatya ako sa 7.3 Million na mga nawalan ng trabaho at naghihirap
ngayon lalo na sa 250,000 na Jeepney drivers.

2. Ako ay nakakadama ng tuwa.


 Ngunit, natutuwa naman ako sapagkat maparaan ang Pilipino. Naisip ilang mag-
online business.
 Ayon sa E-commerce platform na Shopee, mas dumami ang gumamit nitong
plataporma nang nagsimula ang pandemya.
 Malaki at maliit na business ay sumubok magbenta roon para may income.
3. Ako ay nakadarama ng galit.
 Mas lalong lumaki ang utang ng bansa sa iba’t ibang bangko ng karatig bansa.
Ayon kay Pangulong Duterte, “Wala na tayong pera ngayon.”
 Karamihan ay hindi man lang naramdaman ang ayuda na dapat ay galing sa
inutang na humahalagang P386.6B.
 Nakakagalit rin na dapat sa 2025 ay tapos na natin bayaran ang utang ni
Ferdinand Marcos pero hanggang 2049 pa natin babayaran ang inutang ni Duterte.

Maaaring gawin:

1. Mag work from home na lamang upang makaiwas sa impeksyon.


2. Magsagawa ng online business para kahit nasa bahay lamang ay nakakakita parin ng
pera.
3. Pagkalat ng tamang impormasyon to raise awareness.

You might also like