You are on page 1of 6

SCENE 1: INTRODUCTION

SCENE 2:
News ANCHOR 1.Mga napapanahon at nagbabagang balita, aming isisiwalat
News ANCHOR 2.Walang papalagpasin at handang maglingkod kahit anong oras
News ANCHOR 1: 107.5 sa inyong mga radio.
News ANCHOR 1.Magandang araw pilipinas
News ANCHOR 2.Magandang araw lungsod ng Nueva Ecija
News ANCHOR 1.Ako ang inyong lingkod bayan(pangalan)
News ANCHOR 2.At ako naman ang inyong kabalitaan (pangalan)
News ANCHOR 1.Ito ang Radyo Aktibo
(intense music back ground)
SCENE 3:
News ANCHOR 1. Kamustahin natin ang lagay ng ating ekonomiya ngayon. Labis labis na pagtaas
ng ating inflation rate sa ating bansa kumpara sa mga nakaraang taon.
News ANCHOR 2.Ano nga ba ang bilang ng mga taong Unemployed at Underemployed sa ating
bansa. Ating pag uusapan na rin ang ating populasyon sa nakaraang buwan.

News ANCHOR 2.Kamakailan lamang ay nagsagawa ang ating mga manggagawa upang ipag
sigawan ang kanilang hinanaing sa mababang pa-sahod. Ating hihimay himayin at pag uusapan
kung ano nanga ba ang tunay na lagay ng ating ekonomiya. Daang-daang Pilipino ang
nakaranas ng matinding hirap dahil sa mabilis at hindi magandang pagbabago ng ekonomiya ng
ating bansa.
SCENE 4:
News ANCHOR 2 Ating makakasama ngayon si (Kristine Antonio), Gaano nanga ba nakaka
apekto ang mataas na inflation rate sa mga mamimili.

Reporter 1 Malaki nanga ang epekto nito(Dyanzei) sa ating mga kapwa Pilipino, Dati kasya na
ang Php 500.00 para makabili ng ulam sa isang araw ngunit ngayon kakapusin pa ito.
Ayon kay sir Astro Del Castillio, President and Managing Director ng First Grade Finance, Inc.
dapat maging mapag matyag ang pamahalaan sa mga grupong sinasamantala ang sitwasyon ng
bansang particular na mataas ang presyo ng mga bilihin.

“Definitely the runaway inflation has been a drag to our Economy” pahayag ni castillio sa Radio
Veritas.

Batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority(PSA) nangunguna ang mga produktong pagkain at
transportasyon sa pinaka mabilis ang pagtaas ng presyo dulot na rin ng mataas na presyo ng
produktong langis sa pandaigdigan na pamilihan.

Sa kabilang banda, dapat pang paigtingin ng pamahalaan ng mga paraan upang mapigilan ang
patuloy na pagtaas ng inflation dahil sa bandang hulii, ang mga ordinaryong konsyumer ang higit
na naapektuhan sa mga macro economic factor na ito.

News ANCHOR 1 Maraming salamat ngayon naman ay dumako tayo sa usaping Unemployment
at Underemployment, gaano nanga ba karami ang mga Pilipinong walamg trabaho at bilang ng
kakulangan sa trabaho?

Scene 5: ]
Reporter 2 Isa sa mga suliraning panlipunan ngayon ay ang lumalalang isyu ng unemployment sa
bansa. Karamihan sa mga Pilipino ay walang mapasukang trabaho. Kahit patuloy na umuusbong
ang ekonomiya ng Pilipinas, Karamihan sa mga walang trabaho ay nakapag tapos lamang ng
high school.

Maraming maaaaring gawin solusyon ang pamahalaan para mabawasan ang pagdami ng mga
walang trabaho sa pilipinas.

Una, bigyang pansin ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas upang sila ay makalinang ng mga
matatalino at magagaling na mga manggagawa. Sa paraang ito, maraming institusyon ang
maaaring tumanggap sa mga nakakapag tapos ng pag aaral.
Pangalawa, paunlarin ang ekonomiya ng Pilipinas at magbukas ng mga kumpanya upang
maraming mapasukan ang mga manggagawa.

At ikatlo, ang pamahalaan sa tulong ng pribadong sektor, ay dapat ipagpatuloy ang pagsasagawa
ng job fare upang mabilis na makahanap ng trabaho ang mga manggagawa ayon sa knilang
kalakasan o kakayahan.

Ang isyu ng kawalan ng trabaho ay repleksyon ng kalagayan ng ating bansa. Maraming mga tao
ang maghihirap kung wala silang trabaho.

Narito ang mga epekto nito sa Pilipino:


Mahirap mamuhay
Walang sapat na kita upang masuportahan ang sarili maging ang pamilya
Babagsak ang ekonomiya ng bansa
Pagdami ng nangangailangan ng trabaho
Eto naman ang maaaring solusyon para sa problema
Libreng edukasyon
Sapat na mga trabaho

SCENE 6:
News ANCHOR 2 Lubhang nakakalula na ang bilang nang ating populasyon samahan pa ng
walang sapat na bilang na trabaho sa bawat Piliipino at ang iba hindi pa pasok sa
kuwalipikasyon, kaya ang iba ay walang nagiging trabaho. Maraming salamat , Gayong patong
patong na suliraning ekonomiya ang kasalukuyang kinakaharap ng ating bansa, kamusta naman
ang estado ng ating bansa
(bg music)
News Reporter 3 Nasa tinatawag na “Golden Era” ang bansa nating ngayon dahil hindi na talaga
biro ang taas ng mga bilihin ngayong taon. Seryosong krisis ang tuloy tuloy na pag sirit ng
inflation rate. Pero, ano nga ba ang inflation rate?
Ang “inflation” ay ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo na binibili ng mga tao.
Tumataas ang porsyento ng Demand ng mga bilihin(spending) kesa sa naipo produce na
produkto o serbisyo.

Lahat ng bansa sa buong mundo ay humaharap ngayon sa inflation dulot na rin ng nagin gyera
ng Russia at Ukraine na lubos na nakaapekto sa produksiyon ng langis, pagkain, at enerhiya.
Isama mo narin ang dagdag na pressure na dulot ng kalamidad tulad ng lindol, baha, at mga
land slides dala ng malakas na bagyo.

Reporter 1 Totoo yan. Sa tatlong libong pisong budget na pamalengke para sa isang linggong
pangkain, napaka unti na lang ang mabibili ngayon kumpara sa mga nagdaang taon bago ang
pandemya. Noon sapat na ang isang libong piso para sa isang linggong supply. Dalawang libo na
pang grocery nga, pwede mo pang singitan ng mga tsokolate at softdrinks. Ngayon dapat may
dala kang apat na libong piso para makumpleto ang mga pangunahing pangangailangan na nasa
grocery list mo.

Sa sobrang bilis ng inflation, grabe ang pahirap nito sa mga ordinaryong manggagawa dahil
kasama pa ang pagtaas ng presyo ng gasoline, gasul, ng kuryente at tubig

Reporter 2. Tama ka dyan Kristine, importante rin na maintindihan natin na magkaiba ang
masamang epekto ng inflation sa isang mayaman na pamilya at naghihikahos na mga minimum
wage earners.
Samantala, habang naghihigpit ng sinturon ang mga mahihirap, makonsensya sana ang mga
tiwali at korap na opisyales ng gobyerno na walang pakundangan sa pagnanakaw at
pagsasasmantala sa mga yaman ng bayan.

News Reporter 1. Iyon lamang ang maitatala ko sayo tungkol sa estado ng ating bansa ngayon.
Balik sayo Brix.

News ANCHOR 1: (Akmang mukhang natatawa) Ang witty naman ng Golden Era
News ANCHOR 2, Kaya di na rin nakakapag takang maraming umaatumal na manggagawa buhat
ng mababang pa sweldo. Kamakailan lamang ay may mga grupo ng mga manggagawa ang
nagsama samang mag welga upang itaas ang sweldo sa kalagayang tumataas ang presyo ng mga
bilihin. Upang mas maliwanagan tayo kung ano ang pina plano ng mga manggagawa sa demand
salary increase tawagin natin

Reporter 3 trentang mangagawa ang nagsanib-puwersa upang igiit ang kanilang kahilingan para

sa isa pang yugto ng pagtaas ng sahod sa gitna ng pagtaas ng presyo ng pagkain at enerhiya.

Itong grupong ito ng mga manggagawa, na tinatawag na United Labor, ay nagsabi na

mahalagang itampok natin ang kalagayan ng mga manggagawa ngayon. Bukod pa riyan, sinabi

rin ng grupo na sa pinakamababa, dapat mabawi ng mga manggagawa ang halaga ng kanilang

sahod sa pamamagitan ng pagkuha ng agarang pagtaas ng 100 piso sa isang araw, na may

pananaw na kumita ng sahod sa halagang 1,000 piso sa isang araw. Ang mga gorup ay binubuo

ng Nagkaisa coalition, kilusang Mayo Uno, All worker's Unity, Public Services International, at

Uni Philippines Liaison Council.

Bukod sa pagtaas ng sahod, nanawagan din sila na wakasan ang kontraktwalisasyon sa trabaho

at panunupil sa unyon at iginiit ang disenteng trabaho.

Hiniling naman ng Alliance of Concerned Teachers(ACT) sa Malacanang na i-upgrade ang entry

level pay ng mga public school teachers mula Salary Grade(SG) 11, na kasalukuyang nasa 25,439

pesos hanggang Salary Grade 15, o humigit-kumulang 35,000 pesos. Ganyan ang nagingwelga

ng mga manggagawa, Brix.

News ANCHOR 2Oo, sumasang-ayon ako sa sinabi ng mga grupong ito Dapat nating i-highlight

ang kalagayan ng mga manggagawa ngayon at taasan ang lahat ng sahod ng manggagawa.

Tama ba,
News ANCHOR 1 Tama, Brix. Lalo na’t nagtataasan ang mga bilihin ngayon, pati na rin ang mga

bayarin sa tubig kuryente . Kaya naman sa mga manonood natin ngayon, gayong mulat na sa

suliranin ng ating bansa, nawa,y maging isa tayo sa makakatulong sa pag unlad ng ating bansa

bilang isang responsable at may malasakit na mamamayan.

OUTRO:
News ANCHOR 2: At dito nagtatapos ang ulat para sa araw na ito. Muli, ako si (full name).

(News ANCHOR 1): At ako naman si (full name).

Both News ANCHOR: Naghahatid sa inyo ng tapat at napapanahong balita

(outro bg music wait ng 3 seconds tas bow).

You might also like