You are on page 1of 4

Pangalan: Casino, Chynna Mariz

Seksiyon & Baitang: 10-Endurance

Ang Epekto ng unemployment sa kasalukuyan at kinabukasan, at pagtaas ng rate nito sa bansa

Ang unemployment ay ang estado ng isang indibidwal kung saan ang bahagi ng lakas paggawa ay walang

trabaho ngunit naghahanap ng maaaring maging trabaho. Tumutukoy rin ito sa mga talentong tao o may

pinag aralan na nais makakakuha ng trabaho ngunit hindi makahanap dahil sa maraming dahilan. Ang

kawalan ng trabaho ay isang seryosong isyu hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo.

Mayroong libu-libong tao na nakakaranas ng ganitong suliranin at padagdag ng padagdag ito taon-taon.

Lalong tumitindi ito dahil sa dumaraming populasyon at pangangailangan ng bansa. Marami ang

napapasara o nawawalan ng mga trabaho sa kasalukuyan at patuloy pa ito nadadagdagan tulad na rito si

Reichelle Carlos, isang businesswoman . Ayon sa GMA news si Reichelle ay na pwersahang ipasardo ang

kanyang negosyo na restaurant dahil lumalaki na ang lugi sa kanyang negosyo. Sa narinig kong podcast,

pag-uusapan nina Rappler labor reporter Aika Rey at researcher-writer Jodesz Gavilan kung bakit aabot sa

ganitong bilang ng mga Pilipino ang nawalan at mawawalan ng trabaho, anu-ano ang mga programa ng

gobyerno para tulungan ang mga mamamayan, at paano makakabangon muli ang ating ekonomiya. Ayon

kay Rey “Kung hindi pa magjumpstart ang economy natin, a lot of businesses will have to close down and

it's going to be hard, especially for the small businesses, to go back up. Right now, may mga nakikita na

ako at nakakausap na business na really have to close kasi nga hindi na nila kayang sustehan ang mga

empleyado nila. Earlier, we also heard na may school na nagsabi na hindi na nila kaya mag-operate sa

next school year. I mean, it's an effect of the pandemic na not a lot of people have money to buy, to enrol

their students. Worst case scenario, marami talagang mawawalan ng trabaho. Itong 10 million na sinasabi

ng House na posible at sinasabi ni Secretary Silvestre Bello na posibleng mangyari, worst case scenario.”
Bakit nga ba lalong tumataas ang rate ng employment sa kasalukuyan? Ano ang magiging epekto nito sa

kinabukasan ng marami? Handa ba ang gobyerno sa maaaring epekto ng kawalan ng trabaho sa

ekonomiya? Ano ang mga dapat na programang bigyang prayoridad para sa mga mamamayan?

Malubha ang problema ng kawalan ng trabaho sa istruktura sa Pilipinas. Nakatayo ito sa halos dalawang

beses sa bilang ng mga walang trabaho sa mga bansang Asyano, sa kabila ng medyo malakas na pagtaas

ng paglago ng ekonomiya sa mga nagdaang taon. Pangunahin itong maiuugnay sa mahinang sistema ng

edukasyon at ang katotohanan na ang paglikha ng trabaho sa net ay hindi makasabay sa mabilis na

paglaki ng populasyon at pagtaas ng pakikilahok ng lakas-paggawa sa Pilipinas. Marami ang sanhi ng

kawalan ng trabaho kagaya ng hindi pag tugma ng trabaho, Resesyon, Pagpapalit ng teknolohiya at

marami pang iba. Ang pinaka sanhi nitong problema na kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan ay ang

COVID 19. Abot 5 milyong Pilipino ang mawawalan ng trabaho dahil sa coronavirus pandemic, ayon sa

Department of Labor and Employment (DOLE). Ang bilang na ito ay maaaring tumaas, depende kung

gaano kalakas ang impact ng pandemic sa ekonomiya ng Pilipinas sa mga susunod na buwan. Ito ay may

mga gastos sa isang lipunan na higit pa sa pampinansyal. Ang mga indibidwal ay hindi lamang nawawalan

ng kita ngunit nahaharap din sa mga hamon sa kanilang kalusugan sa pisikal at mental. Ang mga gastos

sa lipunan na may mataas na kawalan ng trabaho ay kasama ang mas mataas na krimen at isang

nabawasan ng rate ng pagiging boluntaryo. Ayon sa tradingeconomics.com Ang rate ng kawalan ng

trabaho sa Pilipinas ay bumaba nang husto sa 6.9 noong Setyembre ng 2021 mula sa 10 porsyento sa

parehong quarter isang taon na mas maaga. Dahil sa pag baba nang husto ng rate ng kawalan ng trabaho

sa pilipinas milyun-milyong manggagawa ang nagsampa para sa mga benepisyo sa seguro . Kung

nawalan ka ng trabaho o isang bahagi ng iyong kita, maaari kang mag-apply para sa mga benepisyo sa

pamamagitan ng iyong programa sa kawalan ng trabaho ng state, at kung nararapat ka, mayroon kang

mga pagpipilian kung paano mo matatanggap ang perang ito. Maapektuhan rin ang sari sarili nilang
pamilya kinabibilangan na rito ang kahirapan at kalusugan, at stress sa pabahay. Ang kawalan ng trabaho

ay maaari ring makapinsala sa pag-unlad ng mga bata at kinabukasan nila sa trabaho.

Bilang konklusyon, malaki ang naging epekto ng kawalan ng trabaho sa kabuhayan ng mga mamamayan

lalo na’t nakakaranas tayo ng pandemya ngayon. Maaari pa itong tumaas sa susunod na buwan o taon

depende na lang sa impact ng pandemya. Naapektuhan rin ang kinabukasan ng bawat kabataan kaya’t

kailangan na gumalawa ang bawat isa at tagumpay na mapalaganap ang mga solusyon ng pamahalaan sa

problemang ito. Maari rin natin bigyan ng solusyon ito sa pamamagitan ng ating mga sarili at ang mga

kabataan ngayon ay maaari na ring gumawa ng aksyon upang maiwasan ito sa kanilang mga kinabukasan.

Kaya’t habang ang sitwasyon ng kawalan ng trabaho sa Pilipinas ay malabo sa ngayon, maaari itong

mapabuti kung ang gobyerno ipagpatuloy ang paggawa ng matatag at mapagpasyang aksyon. Isang

solusyon na pinatupad ng pamahalaan ay ang PUA o programang Tulong sa Kawalan ng Trabaho sa

Pandemya o Pandemic Unemployment Assistance ay nagbibigay ng pansamantalang benepisyo sa mga

manggagawa na nawalan ng trabaho dahil sa ilang mga kadahilanang kaugnay sa COVID-19. Sa

pangkalahatan, nagbibigay ito ng hanggang 39 na linggong benepisyo sa kawalan ng trabaho. Maaaring

solusyon rin ang Paglinang sa mga kakayahan at kaalaman ng mga Pilipino kagaya ng pagbibigay ng mga

kurso sa TESDA at pag-iinvest sa mga trainings, workshops at programs. May ikinakasa na rin ang DOLE

na online job fair para sa mga umuwi ng OFW na interesadong magtrabaho sa IT-BPM industry. Nasa

10,000 trabaho sa gobyerno ang inaalok sa mga jobseeker sa online job fair. Malaking epekto rin ito sa

sarili nating mental health kaya’t may mga solusyon rin kung paano natin matutulungan ang ating mga sarili

ukol sa problemang ito. Kagaya ng pagtanggap ng emosyon na tugon, hindi mona kailangan na pagtakpan

ito sa harap ng iba, sunod ay suriin ang mga sanhi ng kawalan ng trabaho at kumuha ng naaangkop na

mga panukala, at panghuli ay lutasin ang problema sa mga positibong saloobin.


TALASANGGUNIAN

Rappler.com. (2021, March 4). [PODCAST] Pagdurusa ng manggagawang Pilipino sa gitna ng

pandemya. Rappler. https://www.rappler.com/newsbreak/podcasts-videos/beyond-stories-labor-

jobs-losses-coronavirus-pandemic-philippines

MyInfo Basket.com. (2021, September 7). Ang Mga Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Unemployment.

https://myinfobasket.com/ang-mga-dahilan-ng-pagkakaroon-ng-unemployment/

You might also like