You are on page 1of 1

I-READ EKONOMIKS FEBRUARY 10, 2020

EDITORYAL - Umangat ang ekonomiya, dumami ang jobless (Pilipino Star Ngayon)

| Updated February 13, 2014

Hindi tugma ang nangyayari sa bansa kung ang kalagayan ng buhay ng mga Pilipino ang pag-uusapan. Noong nakaraang
taon, umangat daw ng 7.2 percent ang ekonomiya ng Pilipinas at pumangalawa sa China. Maraming nasiyahan nang
marinig ang balitang ito. Napakagandang balita dahil pangalawa sa magandang ekonomiya. Pero nang lumabas ang survey
ng Social Weather Stations (SWS) kamakailan na 12.1 milyong Pilipino ang walang trabaho, maraming nadismaya at hindi
makapaniwala. Nasaan na ang sinasabing magandang ekonomiya. Hindi ito tugma sa laging sinasabi ng pamahalaan,
gumanda ang ekonomiya ng bansa. Noong 2012, umangat daw ng 6.6% ang ekonomiya. Tuwang-tuwa ang pamahalaan s
a p a g k a t ngayon lamang umigpaw nang malaki ang ekonomiya ng bansa. Sabi, ang pag-angat ng ekonomiya ay dahil sa
maayos at mabuting pamamahala. Maaaring tama na kaya gumaganda ang ekonomiya ay dahil sa maayos na pamumuno
pero ano naman kaya ang dahilan at marami ang walang trabaho sa kasalukuyan. Noong Martes na magdaos ng meeting
sa Malacañang, maski si President Noynoy Aquino ay nagtaka kung bakit tumaas ang unemployment rate. Hiningan niya
ng paliwanag ang mga miyembro ng Cabinet kung bakit maraming Pinoy ang jobless. Katwiran ng isang miyembro ng
Cabinet, ang sunud-sunod na kalamidad na tumama sa bansa ang dahilan kaya tumaas ang bilang ng mga walang trabaho.
Binanggit ang pananalasa ng Yolanda sa Visayas at pagtama ng lindol sa Bohol. Ang problema sa unemployment ang
nagbubunga ng iba pang problema. Tiyak na tataas ang krimen at marami ang magugutom. Sa nangyayaring ito, dapat
nang tutukan ng pamahalaan ang pagpapaunlad sa agricultural sector para makalikha ng mga trabaho. Sa sector na ito
maraming makikinabang. Nararapat din namang rebisahin o ibasura ang contractualization. Maraming kompanya ang
hanggang anim na buwan lamang ang kontrata sa manggagawa kaya pagkatapos nito wala na silang trabaho. Lalo lang
pinarami ng contractualization ang mga walang trabaho.

Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman ukol sa iba’t ibang palatandaan ng kaunlaran at mga gampanin mo bilang
isang mamamayang Pilipino, maaari ka nang tumungo sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda mo ang iyong sarili para sa
mas malalim na pag-unawa ng mga ito.

Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo, bilang mag-aaral, ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa
konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran. Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa mga konsepto at
palatandaang ito upang maihanda ang iyong sarili sa pagsasabuhay ng iyong mga natutuhan.

Pinagkunan:http://www.philstar.com/psn-opinyon/2014/02/13/1289713/editoryal-umangat-ang-ekonomiya-
dumamiang-jobless Retrieved on January 5, 2014

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang nilalaman ng editoryal?

2. Sa iyong palagay, ano-ano ang posibleng dahilan kung bakit maraming Pilipino pa rin ang walang trabaho sa kabila ng
sinasabing pag-angat ng ekonomiya ng bansa?

3. Batay sa iyong nabasang artikulo, masasabi bang may pag-unlad sa bansa? Ipaliwanag ang sagot.

You might also like