You are on page 1of 3

When You Say Nothing At All

Ni: Katrina S. Padilla

October 2019

SEQUENCE TREATMENT

I. EXT. KALSADA- NIGHT

(POV) Palakas ng palakas ang maririnig na mainit na pagtatalo


ng dalawang lalaki. Hindi maulinigan ni STEPHEN, 10-taong
gulang, kung ano patungkol ang pag-aaway habang siya ay
papalapit dito. Putok. Nakakabinging katahimikan liban na
lamang sa bilis na pintig ng kanyang puso. (Slow
motion)Pabagsak na katawan. (Focus background) Lalaking may
baril. Sigaw. “Papa!”
II. INT. ROOM- DAY
(Sigaw “STEPHEN”)Puno ng pawis na nagising si STEPHEN. Alas
sais-emedya ng umaga. Yun na naman. Hindi ito ang unang
pagkakataon na ginising siya ng bangungot na ito. (Focus sa
blankong mukha ng 17-anyos na binata.)
III. INT. CLASSROOM- DAY
(Focus sa blankong mukha ni STEPHEN) Maririnig ang lecture ng
professor patungkol sa due process sa Pilipinas.
Tatawagin ng professor ang pangalan. Siniko ng katabing
kaklase. Tumayo.
IV. EXT. KALSADA- DAY
Nakatayo sa gilid ng kalsada. Isang binatang payat na
nakasalamin sa lugar na nakapako ang pagkatao pitong taon na
ang nakalilipas. Nakatanaw sa kabilang kalsada. Makikita ang
isang pamilyar na pigura.

(Light colored) Ang pamilyar na pigura ay nilapitan ng


dalawang pulis. Inabutan ng papel. Binasa ng lalaki. Akmang
lalaban. Pinosasan ang lalaki.
Napag-abot ang mata nila ng lalaki. Napakuyos ng mahigpit ang
kamay.
V. INT. MASTER’S BEDROOM- NIGHT
Nakakuyos ng mahigpit ang kamay, habang walang-imik na
nakatingin sa katawan ng amang walang malay at nakadepende na
lang ang buhay sa isang life support.

Maririnig ang pakikipag-usap ng ina sa telepono. Wala pa ring


progreso ang kaso. Pitong taon na ng mangyari. Walang matibay
na ebidensiya. Maliban na lang sa statement ng isang sampung-
taong gulang. (POV ng mata ni STEPHEN na nag blur at
eventually nagdilim)
VI.EXT. KALSADA- NIGHT
(FADE IN: POV ng mga mata ni STEPHEN). Naglalakad sa kalsada
patungo sa isang pamilyar na pigurang pitong taon ng laman ng
kanyang bangungot.

Mahigpit na paghawak ng kutsilyo na animo’y nakadepende ang


buhay dito. Palapit ng palapit.

(Dissolve) Nanlilisik na mata ni STEPHEN. Mahigpit na


pagkakahawak sa damit ng lalaki. Nanlalaki na mata ng lalaki.
Nakataas na kamay na may kutsilyo. “’WAG”. Nakabibinging
sigaw. (ambiance sound of somebody being stabbed)
VII. INT. COURT ROOM- DAY
(Blur to Clear) Minamasid ni STEPHEN ang kabuuan ng kuwartong
kanyang kinaroroonan. Isa-isang pumapasok ang mga tao at
kanya-kanyang umupo. Samut-saring bulong. Maririnig ang
pagbagsak ng isang kahoy sa isang mesa.

-FIN-
Intention: no matter how hard you try, you cant change the
monsters of the world and turn them into the sandman

Stephen, 19, law student, nerdy and whimpy-looking

Tao sa loob: hunger for justice, father was shot by a relative


and in a state of nervous breakdown for 10 years

- he was there during that fateful day


- suspect was not put into trial nor has concrete evidence
against him; suspect is free

Tao sa labas: nerdy, whimpy-looking, weak

You might also like