You are on page 1of 3

When You Say Nothing At All

Ni: Katrina S. Padilla

October 2019

I. EXT. KALSADA- NIGHT

Palakas ng palakas ang maririnig na mainit na pagtatalo


ng dalawang lalaki. Hindi maulinigan ni STEPHEN, 10-taong
gulang, kung ano patungkol ang pag-aaway habang siya ay
papalapit dito.
(gun shot)

(deafening silence)

(heart beats faster than usual)

(Slow Motion)
Pabagsak na katawan.

(Focus background)
Lalaking may hawak ng baril.
STEPHEN
“Papa!”
II. INT. ROOM-DAY
(voice)
“STEPHEN!”

Puno ng pawis na nagising si STEPHEN. Alas sais-emedya ng umaga.


Naguguluhan. Ginugulo ang buhok. Kinuyos ang mga binti)

(Blankong mukha ng 17- anyos na bata)

III. INT. CLASSROOM-DAY


(Close-up sa blanking mukha ni STEPHEN)
(ambiance)
lecture ng professor on due process sa Pilipinas.

PROFESSOR
“Stephen dela Costa. What is your stand on this matter?”

STEPHEN
(face still blank)

SEATMATE
(kinalabit si STEPHEN)

STEPHEN
(napatayo)
IV. EXT. KALSADA- DAY
Nakatayo sa gilid ng kalsada si STEPHEN, payat at nakasalamin.
Nakatingin sa kabilang kalsada.

May isang pamilyar na pigura na nakaupo, topless, mataba at


nakahawak ng isang bote ng alak.

May lumapit na dalawang pulis. Inabot ang isang papel sa lalaking


nakaupo. Binasa ng lalaki. Akmang lalaban ang lalaki pero
pinosasan na ito.

Napag-abot ang kanilang mga mata ng lalaki. Napakuyos ng mahigpit


sa kamay.

V. INT. HOSPITAL ROOM- NIGHT


Nakakuyos ng mahigpit ang kamay, habang walang-imik na nakatingin
sa katawan ng amang walang malay at nakadepende na lang ang buhay
sa isang life support.

(on the background)


MAMA
Ganun po ba? I-aaquit na ang suspek?

(silence)

Okay, sige po.

(POV ng mata ni STEPHEN na nag blur at eventually nagdilim)

VI.EXT. KALSADA- NIGHT


(POV ng mga mata ni STEPHEN).
Naglalakad sa kalsada patungo sa isang pamilyar na pigurang
pitong taon ng laman ng kanyang bangungot.

Mahigpit na paghawak ng kutsilyo na animo’y nakadepende ang


buhay dito. Palapit ng palapit.

Nanlilisik na mata ni STEPHEN. Mahigpit na pagkakahawak sa damit


ng lalaki. Nanlalaki na mata ng lalaki.
Nakataas na kamay na may kutsilyo.

(nakabibinging sigaw)
“’WAG!”
VII. INT. COURT ROOM- DAY
Minamasid ni STEPHEN ang kabuuan ng kuwartong
kanyang kinaroroonan. Isa-isang pumapasok ang mga tao at
kanya-kanyang umupo. Samut-saring bulong. Maririnig ang
pagbagsak ng isang kahoy sa isang mesa.

-FIN-

You might also like