You are on page 1of 1

Buwan ng Statistiko: Tungo sa Pag-arangkada ng Ekonomiya

Ekonomiya. Sa simpleng pangangahulugan, ito ay tungkol sa paikot na daloy ng mga


serbisyo at produkto. Kung ating matatandaan, pinag-aaralan natin dito ang tungkol sa supply at
demand ng mga serbisyo at produkto sa isang bansa. Sa panahon ng pandemya, anu-ano nga ba
ang nagdulot ng pagbaba ng ating ekonomiya. Maaari ba tayong makatulong sa muling pag-
arangkada ng ating bansa? Anu-ano ang mga nakikitang solusyon ng gobyerno para manumbalik
ang ating ekonomiya?

Ang COVID-19 ay higit na nakaapekto sa ating bansa; mula sa mga trabaho, hanap-
buhay, transportasyon hanggang sa edukasyon ng mga batang Pilipino. Ayon sa pag-aaral ng
Philippine Statistics Office noong Abril 2020, tumaas ng 17.7 na bahagdan ang mga Pilipinong
walang trabaho. Ito ang pinakamataas na antas ng mga walang trabaho sa buong talaan ng PSA.
Ayon pa sa pag-aaral ng PSA, tumaas ng 55.6 na bahagdan ang mga batang edad 15 pataas na
nagtatrabaho na sa murang edad. Ang mga bata na dapat sana’y nag-aaral pa lamang ay
napipilitan nang magtrabaho dahil sa kakulangan ng pang-araw-araw na gastusin para sa
kanilang mga pamilya dulot na rin ng pagkakatanggal ng kanilang mga magulang sa trabaho
dahil sa kakulangan ng kita ng mga kumpanyang kinabibilangan ng mga ito. Isa ito sa mga salik
na nakaaapekto sa ating ekonomiya sapagkat karamihan ng mga skilled workers ngayon ay
natatanggal na sa mga trabaho nila o di kaya’y ang mga kumpanya ay nagsasara na dahil
nalimitahan na ang pagpunta ng mga mamimili at dahil dito ay unti-unti nang bumagsak ang kita
ng mga ito. Isa pa sa mga dahilan ng pagbaba ng ekonomiya ng Pilipinas ay ang limitadong
bilang ng mga trabahador pati na rin ang oras at araw ng kanilang paggawa. Noong 2020,
nagsimula ang skeletal workforce, na kung saan ang mga trabahador ay papasok lamang ng
dalawa o tatlong beses sa isang linggo.

You might also like