You are on page 1of 1

2.

3.
Ang ekonomiya ay salamin at simbolo ng estado ng pamumuhay ng isang bansa. Dito
mababatid kung maunlad o may suliraning hinaharapa ng isang bansa. Kaya naman
nakaaapekto ito sa pamumuhay ng mga mamamayan katulad ng mga isyung kinahaharap ng
Pilipinas.

Nagiging balakid ang mga isyung may kinalaman sa ekonomiya sa mga Pilipino higit kung ito ay
tungkol sa presyo ng bilihin, dami ng trabaho, o paghina ng panalalapi ng bansa. Kapag
tumataas ang presyo ng mga produkto at serbisyo, maraming Pilipino ang mahihirapang
makakuha nito. Kapag walang trabaho, marami ang walang kita at mas mahihirapang makabili
ng mga pangangailangan sa araw-araw.

4.
Maraming dahilan kung bakit tumaas ang bilang ng mga unemployed at underemployed sa
ating bansang Pilipinas. Una na rito ay ang pagbagsak ng ekonomiya ng bansa.

Tumaas ang mga bilihin habang ang sahod naman ng mga manggagawa ay pareho pa rin. Ang
ilang mga kumpanya ay sapilitang nagtanggal ng mga tauhan dahil wala ng pambayad o
pampasweldo sa kanila.

Isa pang naging dahilan ay ang pagtaas rin ng matrikula sa mga paaralan na naging dahilan
kung bakit maraming mga Pilipino ang nahinto sa pag-aaral at hindi na nakakapagtapos.

Kung wala namang tinapos na edukasyon ay hindi makakakuha ng matinong trabaho na


kayang sumuporta sa pag-aaral o sa gastusin sa pamilya.

- Hindi tugmang trabaho


- May pangkalahatang pagbaba sa mga aktibidad pang-ekonomiya. Nagdudulot ito ng
pagkabuwag ng mga kumpanya at lalong pagtaas ng antas ng kawalan ng hanapbuhay.
- Pagpapalit ng teknolohiya
- Pagbaba ng kapangyarihan sa pagbili ng pera (currency) ng isang bansa. Ito ay
nagpapahina ng loob sa mga kumpanya na mamuhunan, kaya kaunti ang nalilikhang
trabaho.
- Paglaki ng Populasyon
- Diskriminasyon
- Job Dissatisfaction

You might also like