You are on page 1of 6

ARALIN LESSON 1

ISYU SA PAGGAWA

Mga Dahilan ng suliraning Kawalan ng Trabaho (Unemployment)

 Kawalan ng oportunidad upang makapagtrabaho, ayon sa tala ng PSA hindi lang yung
mga hindi nakapag-aaral o walang natapos ang dahilan ng kawalan ng trabaho kundi pati
na rin ang kakulangan ng oportunidad sa kanila. Ang edad 15 hanggang 24 taon ang ay
naghahahnap ng trabaho at ilan ay hinihingian ng natapos o credentials.
 Isa pa sa mga dahilan ay ang kakulangan sa akademikong paghahanda dulot ng
mababang kalidad ng sistema ng edukasyon, gaya ng walang maayos na kapasidad,
programa o kurikulum at hindi matustusan ang pag-aaral kaya, ang iba dito ay huminto at
hindi na nakapagtapos at napabilang sa mga walang trabaho.
 Paglaki ng populasyon, Ayon dito ang pagkakaroon ng maraming anak ay nakabawas sa
pagiging produktibo. Dahil ayon sa pamahalaan, kung mas kunti ang populasyon, mas
kunti ang kailangang trabaho. Sa kabilang dako may nagsasabi na ang isa sa mga
pinakadahilan ng unemployment ay ang pamahalaan dahil sa walang komprehensibo at
pangmatagalang plano na makalilikha ng trabaho para sa mga mamamayan.

Mga kaganapan kung bakit mayroong suliranin sa paggawa at kawalan ng trabaho


(Unemployment):

1. Ito ay nagaganap kapag ang indibidwal ay lumilipat sa ibang trabaho sa dating trabaho.
2. Ito ay nagaganap kapag may krisis sa ekonomiya.
3. Nagaganap ang pagkawala ng trabaho bunga ng pagbabago ng panahon at okasyon.
4. Naganap ito kapag ang manggagawa ay nawalan ng trabaho bunga ng pagliit ng
industriya sanhi ng makabagong teknolohiya at pagbabago sa panlasa ng konsyumer.
5. Gustuhin mo pang ipagpatuloy pa pero hindi ka na kailangan.

Natalakay sa unang aralin ng modyul na ito na patuloy ang pagangat ng Pilipinas sa larangan ng
Business Process Outsourcing dahil sa mataas na English Proficiency ng mga manggagawang
Pilipino. Ang Pilipinas ang nangungunang bansa sa rehiyon ng Asya sa larangan ng Non-IT
BPO. Ito ay ang sistema ng pagkuha ng serbisyo ng pribadong kompanya na ang kanilang
tanggapan ay nasa ibang bansa at pagkuha ng mga call center agent sa bansa upang magtrabaho.
Gagampanan ng mga agent na ito ang ilang aspeto ng operasiyon na nasa Pilipinas upang
tugunan ang pangangailangan ng kanilang kliyenteng kompanya na nakabase pa rin sa ibang
bansa. Ayon sa ulat ng

Department of Labor and Employment (DOLE, 2016)

upang matiyak ang kaunlarang pang-ekonomiya ng bansa kailangang iangat ang antas ng
kalagayan ng mga manggagawang Pilipino tungo sa isang desenteng paggawa (decent work) na
naglalayong magkaroon ng pantay na oportunidad ang bawat isa anumang ang kasarian para sa
isang disente marangal na paggawa.

PSA – Philippine Statistics Authority


ARALIN LESSON 1
ISYU SA PAGGAWA

Apat na Haligi para sa Isang Desente at Marangal na Paggawa


(DOLE, 2016)
Employment Pillar

- Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa


paggawa, at maayos na workplace para sa mga manggawa.

Worker's Rights Pillar

- Naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at


matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa.

Social Protection Pillar

- Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga sangkot sa paggawa na lumikha ng


mga mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa, katanggaptanggap na pasahod, at
oportunidad.

Social Dialogue Pillar

- Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga sangkot sa paggawa na lumikha ng


mga mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa, katanggaptanggap na pasahod, at
oportunidad.
- Palakasin at laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga manggagawa,
at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining.
ARALIN LESSON 1
ISYU SA PAGGAWA
Konsepto ng Unemployment
Ang isyu ng unemployment o kawalan ng trabaho ay suliran ng kinakaharap ng anumang bansa.

Ang unemployment rate ay tumutukoy sa bahagdan ng mga taong ganap na walang trabaho sa
kabuuan ng lakas-paggawa.

Mga Uri ng Unemployment

1. Voluntary

- Nangyayari kapag sinasadyang hindi nagtratrabaho.

2. Frictional

- Nangyayari habang naghihintay ng panibagong trabaho o panandaliang ipinatigil ang


trabaho dahil sa ibang gawain katulad ng pagwewelga.

3. Casual

- Nangayayari kapag ang trabaho ay pana panahon o para lamang sa tiyak na panahon.

4. Seasonal

- Nangyayari kapag ang trabaho ay pana panahon o para lamang sa tiyak na panahon
(Halimbawa: Tuwing magpa pasko)

5. Structural

- Nangyayari kapag ang isang uri ng produkto ay hindi na kailangan sa ekonomiya kaya
hindi na rin kailangan ang mga nagtrabaho at namumuhunan.

6. Cyclical

- Nagkakaroon nito kapag ang industriya ng mga mangaggawa ay nakaranas ng business


cycle. Kapag mahina ang industriya, mataas ang antas ng unemployment.

Mga dahilan ng suliranin sa Paggawa at Trabahong Hindi Angkop sa Pinag- aralan o


(Underemployment).

1. Isa sa mga sagabal sa pagkakaroon ng trabaho ay yong hindi tugma ang kanilang pinag-aralan
o kwalipikasyon sa dapat nilang pasukang trabaho. Ang ibang nakapagtapos ng pag-aaral ay
namamasukan na lamang sa trabahong mas mababa kaysa sa kanilang pinag-aralan o
kwalipikasyon. (MISMATCH)

2. Kakulangan sa kinakailangang kasanayan para sa trabaho. Ayon sa pag- aaral nahihirapan ang
mga establisyemento na punan ang mga bakanteng posisyon sa kanilang kompanya, ang dahilan
ay kawalan ng kinakailangang kasanayan. May malaking proporsyon ng "hindi tugma o
mismatch" sa pagitan ng pagsasanay at aktwal na pagtratrabaho.

3. Isa pang dahilan ng suliranin sa paggawa ay ang hindi pagbibigay ng wastong pasahod at
kaunting benepisyo ang ibinibigay ng mga kapitalista sa mga manggagawa, kasama ang hindi
maayos na kondisyon sa pinagtratrabahuan o (poor Working Conditions). Halimbawa may mga
manggagawa na nagtratrabaho sa mapanganib na lugar ngunit walang maayos na kagamitan na
ARALIN LESSON 1
ISYU SA PAGGAWA
magprotekta sa kanila. "Mura at Flexible Labor" isang matinding hamon ang kinakaharap ng
mga manggagawa mula nang ipatupad ang patuloy na paglala ng "mura at flexible labor" sa
bansa (IBON, 2006). Ito ay isang paraan ng mga kapitalista o mamumuhunan upang palakihin
ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pagpapasahod
at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa. Isang paraan ito upang sila ay
makaiwas sa patuloy na krisis dulot ng labis na produksiyon at kapital na nararanasan ng iba't
ibang mga bansa

4. Kabilang sa dahilang ng kawalan ng trabaho ng mga Pilipino ay ang Katamaran. Makikita


natin na maraming nagistambay at maghapong walang trabaho.

5. Patuloy na pagdami ng mga lokal na produkto na iniluluwas sa ibang bansa at ang pagdagsa
ng mga dayuhang produkto sa pamilihang lokaL. Lubusang naaapektuhan ang mga lokal na
magsasaka dahil sa mas murang naibebenta ang mga dayuhang produkto sa bansa. Mas
maraming insentibo ang naipagkakaloob sa mga dayuhang kompanya na nagluluwas ng kanilang
parehong produkto sa bansa. Sa kabilang banda, may mga lokal na high class product na saging,
mangga at iba pa na itinatanim sa atin na nakalaan lamang para sa ibang bansa.

6. Pananalasa ng kalamidad. Lubhang napinsala ang sektor ng agrikultura na siyang dahilan ng


walang matratrabaho na lupain.
ARALIN LESSON 1
ISYU SA PAGGAWA
Komposisyon ng populasyon ayon sa edad

0 – 14 Batang Populasyon

15 – 64 Lakas paggawa

65 – Pataas Matandang populasyon

Ilan sa maraming naidudulot ng globalisasyon sa paggawa

1. Tumaas ang demand ng bansa para sa ibat ibang kakayahayan o kasanayan sa paggawa
ng globally standard.
2. Mabibigyan ng pagkakatao ang mga local na produkto na makilala sa pandaidigang
pamilihan.
3. Binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksyon tulad ng pagpasok
ng ibat ibang gadget, computr/IT programs, complex machinrd at iba pang makabagong
kagamitan sa paggawa, at
4. Dahil sa mura at mababa ang labor o pasahod sa mga maggagawa kayat madali lang sa
mga namumuhunan na mag presyo ng mura o mababa laban sa mga dauhang produkto o
mahal na serbisyo at pareho ang kalidad sa mga produktong local.

Ang mga pagbabagong ito nakaaapekto sa mga manggagawa sa ibat ibang aspeto na
pagbunsod ng maraming isyu sa paggawa na kinakaharap ng maraming manggagawang
Pilipino na magkaroon ng disente at marangal na pamumuhay.

Mga hamon sa paggawa

1. Kakayahan at kasanayan na maka angkop na globally standard na paggawa. (hal.


Pagpasok ng pilipinas sa kasunduan ng mga dayuhang kompanya katulad ng pagsapi
nito sa ASEAN at WTO.
2. Mga kasanayan para sa ika- 21 na siglo:
a. information, media at technology skills – media literacy at ICT literacy
b. learning and innovation skills – creativity and innovation skills, critical
thinking and problem solving skills
c. communication skills – communication and collaborations skills

Kaya nag kakaroon ang pagbabago sa sistema ng ating edukasyon.

K – 12 Basic Education Program

Kindergarten

Elementary (6)

JHS (4)

SHS (2)

Academic, Tech-voc, Sports and Arts and Design


ARALIN LESSON 1
ISYU SA PAGGAWA
3. Mababang pasahod
Metro Manila : Php 537/day or Php 14,000/mo ; Provincial Rate: Php390-420/day or
Php 11,000/mo.
Ayon sa NEDA (2018), Php 42,000/mo – para masabing may disenteng budget ang
pamilya na may 5 myembro
4. Job mismatch – bunga ng skills mismatch isang krisis sa bansa. Job Mismatch –
pagkuha ng trabaho na di angkop sa kakayahan o di kaya ay naayon sa kursong
tinapos. Hindi tugma ang kakayahan sa trabahong hiahanap ng kompanya.
5. Isyu sa kontraktwalisasyon – pagtatakda ng panahon sa pagtratrabaho ng isang
empleyado.
6. Mura at flexible labor- paraan ng mga kapitalista na palikihin ang tinutubo sa
pamamagitan ng mababang pasahod at paglimita sa panahon ng paggawa.

NEDA – National Economic and development Authority

You might also like