1. Sino-sino ang itinuring na kabilang sa lakas paggawa? Sa unemployed? Ang lakas paggawa ay tinatawag ding "labor force". Ito ay binubuo ng mga taong may edad 15 pataas na may sapat na lakas, kasanayan at maturidad upang lumahok sa pambansang paggawa. Ang lakas paggawa dito sa Pilipinas ay binubuo din ng mga employed o mayroon trabaho, mga unemployed o walang trabaho, at mga underemployed o mga taong may trabaho ngunit hindi natutgunan ang oras ng trabaho.
WALANG TRABAHO O UNEMPLOYED – tumutukoy sa mga
pansamantalang natanggal sa trabaho, naghahanap ng trabaho, o mga nais magtrabaho ngunit hindi magkakaroon ng oportunidad na makapagtrabaho dahil sa karamdaman.
2.Ano-ano ang mga uri ng unemployment?
Ang mga sumusunod ay ang iba't ibang uri ng unemployment:
Voluntary - Kagustuhan ng isang mamamayan na hindi magtrabaho.
Frictional - Ang isang empleyado ay napahinto lamang sa kanyang trabaho dahil sa maaring panandaliang problemang kinakaharap ng pinatatrabahunan nito. Casual - Nangyayari sa mga trabahador na arawan o lingguhan lamang ang trabaho. Seasonal - Ang industriyang pinagtatrabahuhan ay napapanahon lamang. Structural - Ang industriyang pinapasukan ay hindi na kinakailangan ng ekonomiya. Cyclical - Ang mga manggagawa ay nakakaranas ng business cycle.
3. Paano malulutas ng pamahalaan ang suliranin ng
unemployment?
Base sa aking nakalap sa google na pumukaw sa aking atenisyon ay ang
mungkahi Propesor na si Ginoong Jensen DG. Mañebog na isinulat sa isang libro na kanyang inilathala.
Narito ang ilang mga mungkahi upang malutas ang suliranin ng
unemployment sa isang bansa batay sa aklat ng Propesor na si Ginoong Jensen DG. Mañebog: 1. Pagkuha ng angkop na edukasyon at pagsasanay 2. Pagpapaunlad sa peace and order sa bansa 3. Paglikha ng gobyerno ng maraming trabaho 4. Insentibo sa mga kumpanya 5. Pagpapautang sa maliliit na negosyo 6. Pagpokus sa mga eksport
Ang mga munkaing iyan para sa akin ay makatutulong talaga na
mapaunlad ang ating bansas at upang mabawasan ang unemployment rating na malaking suliranin ng ating bans ana dapat bigyan ng pansin. Kapag nakahikayat ng maraming mamumuhunang negosyante sa ating bansa ay makapagpoproduce ito ng maraming trabahong magbubukas sa ating bans ana makatutulong sa unemployed na mga Pilipino. Ang programang pagpapautang ng pamahalaan sa mga malilit na negosyante sa bansa ay nakakatulong upang mapalaki nila ang kanilang negosyo at upang dumami pa ang kakailanganing mga manggagawa o trabahador. Para sa aking ang pagpapanatili ng Peace and order sa iba’t ibang panig ng ating bansa ay makatutulong upang maakit ang mga dayuhan na mag invest ng negosyo sa loob ng ating bans ana walang pangamba na may malaking impact sa mga trabahong magbubukas sa iba’t ibang dako ng ating bansa.
4. Bakit mahalagang linangin ang lakas ng kasanayan ng lakas
paggawa ng bansa?
Mahalagang linangin ang kasanayan ng lakas paggawa ng
bansa para maibsan ang "underemployment"na pwedeng maging resulta ng labor export, na naghihikaya sa manggagawang Pilipino na magtrabaho sa ibang bansa. Base sa aking pananaw, kailangan na linangin ang lakas ng kasanayan ng lakas paggawa ng ating bansa upang maging handa tayo sa amga trabahong magbubukas sa ating bansa na kakailangan upang lumakas at umunlad ang ating ekonomiya. Hindi na kailangang mag abroad pa ang mga Pilipino para magtrabaho dahil kakailangan na tayo ng ating bansa o ng mga oppurtunidad na trabahong itatayo sa iba’t ibang panig ng ating bansa.