You are on page 1of 4

Aralin 5 – Globalisasyon

Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, dapat na:
 naipaliliwanag mo ang konsepto ng globalisasyon; at
 natatalakay mo ang pangkasaysayan, pang-ekonomiya, pampulitika, at sosyo-
kultural na pinagmulan ng globalisasyon.

 Ano ang globalisasyon? Ano-ano ang pagbabagong dala o hatid nito?


 Paano nagsimula ang globalisasyon?

Alamin ang mga sagot sa araling ito!

Pag-aralan Natin!
Ang Unemployment at Full Employment

 Ang kawalang hanapbuhay o unemployment ay tumutukoy sa kalagayang kapag


ang isang tao ay pursigidong naghahanap subalit walang makita o makuhang
trabaho o pagkakakitaan.

 Ang isang ekonomiya ay nasa pinakamaunlad na kalagayan kung mayroon itong full


employment. Ibig sabihin, kung ang lahat ng gusto at maaaring magtrabaho,
dalubhasa man o hindi, ay may marangal na hanapbuhay.

 Hindi ibig sabihin nito na kapag may suliranin sa unemployment ang bansa, hindi na
maaaring magkaroon ng full employment. Mawawala lamang ang posibilidad ng full
employment kapag ang uri ng unemployment ay hindi na nagbibigay ng
pagkakataong muling makapagtrabaho ang mga tao, kahit na mag-aral pa ng ibang
gawain o trabaho ang bawat indibidwal .

Mga Uri at Dahilan ng Unemployment

 Isa sa mga suliranin ng mga umuunlad pa lamang na bansa ang kawalang


hanapbuhay o unemployment. May kinalaman ang sumusunod sa suliraning ito.

1. Voluntary - Nangyayari kapag sinasadyang hindi nagtatrabaho


2. Frictional - Nangyayari habang naghihintay ng panibagong trabaho o panandaliang
ipinatigil ang trabaho dahil sa ibang gawain katulad ng pagwewelga

3. Casual - Nangyayari sa mga may trabahong arawan o lingguhan, katulad


sa construction at sakahan

4. Seasonal - Nangyayari kapag ang trabaho ay pana-panahon o para lamang sa tiyak


na panahon (Halimbawa, tuwing magpa-Pasko)

5. Structural - Nangyayari kapag ang isang uri ng produkto ay hindi na kailangan sa


ekonomiya, kaya, hindi na rin kailangan ang mga nagtatrabaho at namumuhunan

6. Cyclical - Nagakakaroon nito kapag ang industriyang kinabibilangan ng mga


manggagawa ay nakararanas ng business cycle. Kapag mahina ang industriya, mataas
ang antas ng unemployment.

7. Technological - Nangyayari kapag ang trabahong ginagampanan ng tao ay


nagagawa na ng makina o ng makabagong teknolohiya

Imperfect Mobility of Labor

Bukod sa mga nabanggit, isa rin ang imperfect mobility of labor sa mga nakapag-aambag
sa unemployment. Ito ay dalumat na tumutukoy sa bihirang kakayahan ng mga
manggagawang magpalipat-lipat ng trabaho.

Sa kabuuan, nakikitang ang unemployment ay may iba’t ibang uri at dahilan, ngunit ang
kakayahan ng taong mag-iba o lumipat ng gawain ayon sa pangangailangan ng ekonomiya
ay isa sa mga salik nito.

Mga Implikasyon ng Unemployment sa Pamumuhay at sa Pag-unlad

Dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang lumalalang suliranin ng unemployment.


Malaki ang epekto nito sa bawat isa, sa industriya, at sa bansa mismo.

Indibiduwal

 Mababang antas ng pamumuhay

 Pagtatrabaho nang mas mababa kaysa sa kakayahan

 Depresyon at iba pang suliranin pangkalusugan

Industriya

 Mas mababang pasahod dahil marami namang puwedeng “pamalit”


 Paggawa ng mga produktong tipid sa materyales upang makapagbenta ng mas
murang produkto

Pamahalaan/Bansa

 Kakaunting buwis para sa limitadong mga proyekto

 Malaking gastos para sa mga pangagailangan ng mga mamamayan

 Mabagal na paglago ng ekonomiya, na maaring makaapekto sa ugnayan sa ibang


bansa

Paglutas sa mga Suliraning Dulot ng Unemployment


Kadalasan, kapag matindi na ang unemployment at kinakailangan na ng matinding pagkilos,
dalawang uri ng polisiya ang pinamimilian ng pamahalaan.

1) Expansionary Monetary Policy


 Ang madalas na pangunahing solusyon ay ang pagbabawas ng interest rate upang
hikayatin ang mga mamamayan na umutang sa pamahalaan.
 Ang perang inutang ay magagamit upang may magugol sa pagpapatakbo ng
ekonomiya.
 Sa ganitong paraan, magkakaroon ng demand o pangangailangan sa mga produkto at
serbisyo na magiging dahilan naman upang magkaroon ng mga panibagong trabaho.

2) Expansionary Fiscal Policy


 Ito ay tumutukoy sa direktang pagmamanipula ng pamahalaan sa ekonomiya.
 Kapag tumataas ang antas ng unemployment at hindi gumagana ang expansionary
monetary policy (halimbawa, hindi pa rin gumagastos ang mga mamamayan), ang
pamahalaan mismo ang gumagastos sa pamamagitan ng pagbili ng produkto o
serbisyo upang mas dumami ang pagkakataong makapagtrabaho.

Pagnilayan
Paano maiibsan ang patuloy na paglala ng kaso ng unemployment sa bansa?

Mahahalagang Kaalaman
 Ang kawalang hanapbuhay o unemployment ay tumutukoy sa kalagayang kapag
ang isang tao ay pursigidong naghahanap subalit walang makita o makuhang
trabaho o pagkakakitaan.
 Ang unemployment ay maaaring voluntary, frictional, casual, seasonal, structural,
cyclical, at technological.
 Ang bawat isang uri ng unemployment ay may kani-kaniyang dahilan, pati na epekto
sa mga indibidwal, industriya, at pamahalaan o bansa.
 Upang masolusyonan ang unemployment, madalas na gumagamit ng expansionary
monetary policy at expansionary fiscal policy ang pamahalaan ayon sa
pangangailangan at kakayahan ng bansa.

You might also like