You are on page 1of 3

Mga Layunin

Pagkatapos ng araling ito, dapat na:

 natutukoy mo ang mga paghahandang nararapat gawin sa pagharap sa kalamidad gaya


ng pagputok ng bulkan; at

 nasusuri mo ang mga epekto ng pagsabog ng bulkan sa pamumuhay ng mga apektado


nito at sa kabuhayan ng bansa.

Mahahalagang tanong:

 Ano ang maaaring mangyari kapag pumutok ang bulkan at paano natin ito
mapaghahandaan?

Balikan Natin!
Kalamidad
 Ang kalamidad ay tumutukoy sa pangyayari o kaganapang nagdudulot ng malaking
kapinsalaan at kabagabagan sa mga tao at komunidad na tinatamaan nito.

 Ito ay bunga ng natural na proseso ng kalikasan subalit may kinalaman din ang mga tao
sa madalas at sa hindi maipaliwanag na pagtama nito.

 Ang pagdagsa ng maraming kalamidad ay maaring epekto ng climate change o


pagbabago ng klima.

 Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagbagyo, pagbaha, storm surge,


paglindol, tsunami, pagputok ng bulkan, La Nino, at La Nina.

Pag-aralan Natin!
Iba’t Ibang Uri ng Kalamidad: Pagputok ng Bulkan
Ang Pilipinas ay nasa Pacific Ring of Fire kaya nakararanas ang bansa ng palagiang seismic and
volcanic activities. Nangyayari ang maraming mahihinang paglindol dahil sa pagtatagpo ng mga
pangunahing tectonic plates sa rehiyon.

 Ang bulkan ay isang puwang o siwang sa ibabaw ng lupa, karaniwang nasa anyong


bundok o burol. Ang puwang o bunganga (crater) ay nagsisilbing daanan ng iniluluwang
materyales tulad ng abo at lava na nagmumula sa ilalim ng lupa.

 Maaaring maging tahimik ang bulkan sa mahabang panahon ngunit hindi


nangangahulugang payapa ito. Sasabog ang bulkan kapag nagsimula nang gumalaw ang
lupa malapit dito. Makaririnig ng dumadagundong na ingay mula sa ilalim ng lupa at
makakikita ng maitim na usok galing sa bunganga ng bulkan.

 Ang pagputok ng bulkan ay nagaganap kapag ang magma (nagbabagang tunaw na


mga bato at iba pang materyales) na nagmumula sa ilalim ng lupa ay umaangat patungo
sa bunganga ng bulkan dahil na rin sa pagkapal nito at sa pressure sa ilalim ng lupa.
 Ang pinakamalakas na pagputok ng bulkan na naranasan sa Pilipinas ay ang pagputok
ng Bulkang Pinatubo noong 1991. Ang Bulkang Pinatubo ay isang
aktibong stratovolcano na matatagpuan sa Kabundukang Cabusilan sa Luzon, malapit sa
Zambales, Tarlac, at Pampanga.

 Naging labis na mapaminsala ang pagputok ng bulkang ito. Nagbuga ito ng sulfur
dioxide, isang nakalalasong kemikal. Nagdulot din ito ng ash fall o pag-ulan ng abo na
umabot sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Umagos din ang lahar (volcanic mudflow).

 Malawak ang inabot na pinsala ng pagputok ng Bulkang Pinatubo. Tinatayang umabot


sa 800 ang namatay habang 100,000 katao naman ang nawalan ng tirahan at
kabuhayan sa Gitnang Luzon.

Mga Paghahandang Nararapat Gawin kung may


Puputok na Bulkan
Binabantayan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang aktibidad ng
lahat ng bulkan sa Pilipinas. Ito ang nagbibigay ng mga babala kung may napapansin silang
kakaibang aktibidad sa paligid o sa ilalim ng bulkan.

 Kapag naglabas na ng babala ang PHIVOLCS, dapat itong sundin. Kung pinalilikas,
lumikas na.

 Sa paglikas, magdala lamang ng mahahalagang kagamitan. Huwag kalimutang magdala


ng tubig, flashlight, at radyo. Kung kakayanin pa, isama ang mga alagang hayop.

 Sundin ang lahat ng paalala at babala ng mga kinauukulan upang hindi malagay sa
panganib ang buhay.

 Kahit pa tapos na ang pagputok ng bulkan ay maaari pa rin itong sundan ng mahihinang
pagsabog pati na rin ng paglindol. Huwag piliting bumalik sa lugar hanggat hindi
nasisiguro ang kaligtasan.

Mga Epekto ng Pagputok ng Bulkan


Ang pagsabog ng bulkan ay dulot ng kalikasan. Maraming tao ang naliligalig dahil sa
nakapipinsalang epekto nito. Gayunpaman, nagdudulot rin ito ilang kabutihan.

Mabubuting Epekto
 Ang mga abo at pyroclastic na materyal mula sa bulkan ay nakapagpapataba ng lupa,
mainam ito sa produksiyon ng mga pananim.

 Ginagamit sa mga industriya ang mga materyal na galing sa bulkan tulad ng perlite,
pumice, at scoria pati na rin ang ibang mineral tulad ng borax at sulfur.

 Kapag hindi na aktibo ang bulkan, nakukulong ang init upang makapagbigay
ng geothermal steam para sa produksiyon ng elektrisidad.

Hindi Mabubuting Epekto


 Pagbagsak ng abo (ash fall)

 Pagdaloy ng mga pyroclastic material


 Pagsabog sanhi ng singaw (phreatic explosion)

 Pangalawang pagsabog at mga kasunod pa

 Paglindol

 Pagragasa ng lahar

Pagnilayan
Gaano na kahanda ang mga Pilipino sa pagsabog ng bulkan?

Mahahalagang Kaalaman
 Ang kalamidad ay tumutukoy sa pangyayari o kaganapang nagdudulot ng malaking
kapinsalaan at kabagabagan sa mga tao at komunidad na tinatamaan nito.
 Ang bulkan ay isang puwang o siwang sa ibabaw ng lupa, karaniwang nasa anyong
bundok o burol. Ang puwang o bunganga (crater) ay nagsisilbing daanan ng iniluluwang
materyales tulad ng abo at lava na nagmumula sa ilalim ng lupa. Ang pagputok ng
bulkan ay nagaganap kapag ang magma na nagmumula sa ilalim ng lupa ay umaangat
patungo sa bunganga ng bulkan dahil na rin sa pagkapal nito at sa pressure sa ilalim ng
lupa.
 Kapag naglabas na ng babala ang PHIVOLCS, dapat itong sundin. Kung pinalilikas,
lumikas na.
 May mabubuting epekto ang pagputok ng bulkan. Ang mga abo at pyroclastic na
materyal mula sa bulkan ay nakapagpapataba ng lupa at mainam ito sa produksiyon ng
mga pananim.
 Maraming tao ang nagdurusa dahil sa mga nakapipinsalang epekto ng mga pagsabog
ng bulkan. Ang ilan sa mga ito ay ang pagbagsak ng abo, pagdaloy ng mga pyroclastic
material, phreatic explosion, mga pagsabog, mga paglindol, at pagragasa ng lahar.

You might also like