You are on page 1of 4

Aralin 3 – Pagbabago sa Klima at mga Suliraning

Pangkapaligiran – Climate Change: Aspektong


Pulitikal, Pang-Ekonomiya, at Panlipunan

Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, dapat na:

 naipaliliwanag mo ang konsepto ng climate change; at

 natatalakay mo ang aspektong pampulitika, pang-ekonomiya, at panlipunan


ng climate change.

Mahahalagang tanong:

 Ano ang climate change? Kailan naramdaman ng sangkatauhan ang pagbabagong


ito?
 Paano mo ilalarawan ang aspektong pampulitika, pang-ekonomiya, at panlipunan
ng climate change?

Pag-aralan Natin!
Climate Change
 Ang climate change ay tumutukoy sa pagbabago ng klima sa buong mundo. Ang
pagbabago ay naramdaman noong kalagitnaan ng ika-20 siglo at nagpapatuloy.
Iniuugnay ito sa paggamit ng fossil fuels.

 Ang patuloy na paggamit ng fossil fuels ay naghahatid ng carbon dioxide at iba


pang greenhouse gases sa atmospera.

 Ilan sa mga epekto ng climate change ay ang malubhang tagtuyot, matitinding


pagbagyo, pag-ulan, pagbaha, wildfires, heat waves, at iba pa.

Climate Change: Aspektong Panlipunan


Sa kabila ng mga nakalatag na polisiya tungkol sa climate change, tila hindi nito
natutugunan ang marami pang suliraning panlipunan.

 Ang mga pansarili, pangkapaligiran, at panlipunang salik ay nakaiimpluwensiya


kung paanong ang mga pangyayaring may kinalaman sa klima ay nakaaapekto sa
kapakanan at kaligtasan ng mga tao.

 Ang polisiya ng pakikibagay (adaptation policy) ay nakatuon sa mga personal na


salik (gaya ng kalusugan at edad), sa mga katangiang pangkapaligiran (gaya ng pag-
iwas sa baha), at sa panlipunang salik (gaya ng hindi pagkakapantay-pantay ng kita,
ang pagkakaroon ng social networks, at panlipunang katangian ng mga kapitbahay).

 Ang peligro ng mga tao sa climate change ay hindi lamang sa kung gaano kahantad
sa mga pagbaha o heatwaves, gayundin ang potensiyal na pagliit o pagkawala ng
kanilang kaligtasan mula sa mga pangyayari o kalamidad. Ang panlipunang
kahantaran (social vurnerability) ay ang kawalan ng abilidad ng mga tao, samahan,
at lipunan na malampasan ang negatibong epekto mula sa napakaraming suliranin
kinahaharap.

Climate Change: Aspektong Pang-ekonomiya


Maraming teoretikal at empirikal na tanong ang nananatiling masalimuot.
Iminumungkahing magkaroon ng ibayo pang pag-aaral ng integrasyon sa mga polisiya
upang mapagtuonang-pansin ang mahahalagang gawain at mapanatili ang pandaigdigang
pagkakaisa.

Mahahalagang Gawain:
A) Lumilikha ng mga bagong metodo para sa:

 pagbibigay-halaga (evaluate) sa mga benepisyong pangkapaligiran


 pag-alam at pagtataya ng mga gastusin sa kabila ng masalimuot na mga plano at
proyekto
 paggawa ng pagpipiliang polisiya kahit walang katiyakan
 pagpayag sa pagiging flexible sa mga tugong pampolisiya

B) Lumilikha ng mahahalagang gabay para sa pagpili ng polisiyang nanatiling may bisa sa


praktikal na kondisyon

C) Tumututok sa mga praktikal na gawain sa pamamagitan ng paglikha ng mas kapaki-


pakinabang, na kung saan ang mahusay na impormasyon ay pahahalagahan.

Mula 2003 hanggang 2030, ang buong mundo ay maaaring gumastos ng tinatayang 16
milyong dolyar sa energy infrastructure lamang.

Climate Change: Aspektong Pampulitika


Ang climate change ay isang napapanahong isyung pulitikal. Gayunman, wala pang
makabuluhang balangkas para sa polisiya na nag-aalok nang buo at matibay kung paano
dapat kayanin ng mga pamahalaan ang mahabang panahong hamong pulitikal ng climate
change.

Mga Hamong Pulitikal:


1. Peligro ng Pangasiwaan

 Ang nananaig na siyentipikong pangkalahatang kasunduan (scientific consensus) sa


epekto ng climate change ay laging pinagdududahan ang antas
ng urgency at severity ng ginagawang pagtataya.

2. Pagrepaso sa Plano

 Ang epektibong aksiyon sa climate change ay nangangailangan ng pagrepaso sa


ibang paraan tungo sa pangmatagalang plano ng mga pamahalaan.

3. Paglikha ng Pampulitika at Pampublikong Consensus para sa Aksiyon

 Bumabangon ang tanong na ito: Ano ang magagawa ng mga pamahalaan upang
makahikayat ng suporta para sa climate change?

4. Implikasyon para sa Hustisyang Panlipunan


 Ang gastusing panlipunan at pang-ekonomiya ay magiging malaki.

Pagnilayan
Ramdam mo na ba ang epekto ng climate change? Gaano na katindi? Paano ka tutugon sa
hamon nito?

Dagdag Kaalaman
 Nagsimula ang usapin ukol sa climate change noong unang bahagi ng 1970 sa ilalim
ng pangulo ng USA na si Richard Nixon at ng North Atlantic Treaty Organization
(NATO) na sinundan ng World Climate Conference noong 1979. Ang Montreal
Protocol na nilagdaan noong 1987 ay tumutugon sa pagnipis ng ozone layer na
nagpuprotekta sa mundo sa matinding init ng araw na humahantong sa climate
change.
 Noong 1994, ang United Nations Framework Convention for Climate Change
(UNFCCC) ay pinasinayaan. Ito ang nangunguna sa taunang pagpupulong ng mga
bansa upang pagtuonan ng pansin ang pagresolba sa climate change.
 Ang Kyoto Protocol na isang kasunduang nalikha noong 1997 at ganap na ipinatupad
simula noong 2005 ay tila bigo sa pagresolba ng climate change dahil sa hindi
pagsang-ayon ng mga maimpluwensiyang developed countries tulad ng USA at
Australia na may matataas na antas ng carbon emissions at ang kawalan nila ng
kakayahang kontrolin ang mga ito.
 Humantong ang mga bigong kasunduan tulad ng Kyoto Protocol sa mga
boluntaryong hakbang ng mga bansa na lumikha ng mga paraan upang supilin
ang climate change tulad ng Climate and Clean Air Coalition to Reduce Short-Lived
Climate Pollutants na kinabibilangan ng USA, Canada, Mexico, Bangladesh, at
Sweden na naglalayong iwasan ang mga sanhi ng climate change tulad ng methane,
black carbon, at hydrofluorocarbons (HFCs).
 Mahalagang makilahok ang mga mamamayan sa usapin ng climate change. Ito ay
nagbibigay ng kahandaan at kapangyarihan laban sa panganib na dala ng pagbabago
ng klima kaysa sa pagiging mga tagamasid o onlookers lamang.

Mahahalagang Kaalaman
 Ang climate change ay tumutukoy sa pagbabago ng klima sa buong mundo. Ang
pagbabago ay naramdaman noong kalagitnaan ng ika-20 siglo at napapatuloy.
Iniuugnay ito sa pagtaas ng antas ng carbon dioxide sa atmospera mula sa paggamit
ng fossil fuels.
 Ang mga pansarili, pangkapaligiran, at panlipunang salik ay nakaiimpluwensiya
kung paanong ang mga pangyayaring may kinalaman sa klima ay nakaaapekto sa
kapakanan at kaligtasan ng mga tao.
 Isa sa mahahalagang gawain kaugnay ng aspektong pang-ekonomiya ay ang
paglikha ng mga bagong metodo para sa pagbibigay-halaga sa mga benepisyong
pangkapaligiran.
 Ang climate change ay isang napapanahong isyung pulitikal. Ilan sa mga hamong
pulitikal ay ang peligro ng pangasiwaan, pagrepaso sa plano, paglikha ng
pampolitika at pampublikong consensus para sa aksiyon, at ang implikasyon para sa
hustisyang panlipunan.

You might also like