You are on page 1of 15

Araling Panlipunan

Ikalawang Markahan Modyul 3:


Isyu sa Paggawa

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

i
Tuklasin

Matapos mong malaman ang hamon ng globalisasyon ukol sa diplomatikong


pakikipag-ugnayan ng mga bansa upang mapalago ang ekonomiya. Ngayon ay
iyong lilinangin ang mga kaalaman sa tulong ng modyul na ito at mga gawain na
inihanda upang maging batayan mo. Mula sa inihandang gawain ay inaasahang
gagabay ito upang malaman ang mga dahilan nga suliraning Unemployment bilang
isa sa implikasyon ng globalisasyon at maaaring magamit mo ito bilang gabay sa
inyong kaalaman sa mga pangyayari sa lipunan. Halina’t umpisahan mo sa
pamamagitan ng gawain nasa ibaba.

Mga Dahilan ng suliraning Kawalan ng Trabaho (Unemployment)


Kawalan ng oportunidad upang makapagtrabaho,ayon sa tala ng PSA hindi
lang yung mga hindi nakapag-aaral o walang natapos ang dahilan ng kawalan ng
trabaho kundi pati na rin ang kakulangan ng oportunidad sa kanila.Ang edad 15
hanggang 24 taon ang ay naghahahnap ng trabaho at ilan ay hinihingian ng natapos
o credentials. Ang mga kabataang ito ay nawawalan na ng kompiyansa sa sarili dahil
wala nang mapapasukan na trabaho di kaya’y matagal na naghihintay na
matawagan sa inaplayang trabaho. Isa pa sa mga dahilan ay ang kakulangan sa
akademikong paghahanda dulot ng mababang kalidad ng sistema ng edukasyon,
gaya ng walang maayos na kapasidad, programa o kurikulum at hindi matustusan
ang pag-aaral kaya, ang iba dito ay huminto at hindi na nakapagtapos at napabilang
sa mga walang trabaho.
Paglaki ng populasyon, Ayon dito ang pagkakaroon ng maraming anak ay
nakabawas sa pagiging produktibo. Dahil ayon sa pamahalaan, kung mas kunti ang
populasyon, mas kunti ang kailangang trabaho. Sa kabilang dako may nagsasabi na
ang isa sa mga pinakadahilan ng unemployment ay ang pamahalaan dahil sa
walang komprehensibo at pangmatagalang plano na makalilikha ng trabaho para sa
mga mamamayan. Umaasa lang ang pamahalaan sa mga dayuhang namumuhunan
para magkaroon ng trabaho sa bansa. Kaya ang mamamayan ay nagtiyaga na
magtrabaho kahit maliit lng ang sahod na natatanggap at kulang ng benepisyo at
hindi maganda ang kondisyon ng pinagtatrabahuan.
Mga kaganapan kung bakit mayroong suliranin sa paggawa at kawalan ng
trabaho (Unemployment):
- Ito ay nagaganap kapag ang indibidwal ay lumilipat sa ibang trabaho sa
dating trabaho.
- Ito ay nagaganap kapag may krisis sa ekonomiya.
- Nagaganap ang pagkawala ng trabaho bunga ng pagbabago ng panahon
at okasyon.
- Naganap ito kapag ang manggagawa ay nawalan ng trabaho bunga ng
pagliit ng industriya sanhi ng makabagong teknolohiya at pagbabago sa
panlasa ng konsyumer.
- Gustuhin mo pang ipagpatuloy pa pero hindi ka na kailangan.

1
Natalakay sa unang aralin ng modyul na ito na patuloy ang pagangat ng
Pilipinas sa larangan ng Business Process Outsourcing dahil sa mataas na English
Proficiency ng mga manggagawang Pilipino. Ang Pilipinas ang nangungunang
bansa sa rehiyon ng Asya sa larangan ng Non-IT BPO. Ito ay ang sistema ng
pagkuha ng serbisyo ng pribadong kompanya na ang kanilang tanggapan ay nasa
ibang bansa at pagkuha ng mga call center agent sa bansa upang magtrabaho.
Gagampanan ng mga agent na ito ang ilang aspeto ng operasiyon na nasa Pilipinas
upang tugunan ang pangangailangan ng kanilang kliyenteng kompanya na
nakabase pa rin sa ibang bansa. Ayon sa ulat ng Department of Labor and
Employment (DOLE, 2016) upang matiyak ang kaunlarang pang-ekonomiya ng
bansa kailangang iangat ang antas ng kalagayan ng mga manggagawang Pilipino
tungo sa isang desenteng paggawa (decent work) na naglalayong magkaroon ng
pantay na oportunidad ang bawat isa anumang ang kasarian para sa isang disente
marangal na paggawa. Matutunghayan sa Pigura 2.1 ang apat na haligi upang
makamit ang isang disente at marangal na paggawa na hinihimok sa lahat ng
aspekto ng paggawa sa bansa.

Pigura 2.1 Apat na Haligi para sa Isang Desente at Marangal na Paggawa (DOLE,
2016)
Employment Pillar Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng
trabaho, malaya at pantay na oportunidad
sa paggawa, at maayos na workplace para
sa mga manggagawa.
Worker’s Rights Pillar Naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha
ng mga batas para sa paggawa at matapat na
pagpapatupad ng mga karapatan ng mga
manggagawa.
Social Protection Pillar Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at
mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mga
mekanismo para sa proteksyon ng
manggagawa, katanggaptanggap na pasahod,
at oportunidad.
Social Dialogue Pillar Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at
mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mga
mekanismo para sa proteksyon ng
manggagawa, katanggaptanggap na pasahod,
at oportunidad. Palakasin at laging bukas na
pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga
manggagawa, at kompanya sa pamamagitan
ng paglikha ng mga collective bargaining.
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong gamit ang mga natutuhan mula sa
binasang teksto.
1. Ano-ano ang isyu na kinakaharap ng mga manggagawa sa kasalukuyan?

2. Paano nakaaapekto ang mga isyu sa paggawa sa kalagayan ng mga


manggagawa sa kasalukuyan?

3. Ano-ano ang kaganapan bakit nagkaroon ng kawalan ng trabaho?

2
Suriin

Panuto : Punan ang talahanayan ukol sa Apat na haligi para sa desente at


marangal na paggawa

4 na Haligi ng desente at Sariling paliwanag ukol


Paglalarawan
marangal na paggawa sa pagkaintindi

1. Employment Pillar
2. Worker’s Rights Pillar
3. Social Protection Pillar
4. Social Dialogue Pillar

Pagyamanin

Panuto : Ibigay ang iyong opinyon ukol sa mga nabanggit na dahilan sa


suliraning Kawalan ng trabaho. Isulat ang inyong sagot sa mga kahon na nakalaan.

Dahilan sa suliraning kawalan ng


trabaho(unemployed)

__________
___________ ___________ ____________
__________
___________ ___________ ____________
__________
___________ ___________ ____________
__________
___________ ___________ ____________
__ __________

3
Isaisip

Sa mga nabanggit na suliranin sa paggawa lalung – lalo na sa kawalan ng


Trabaho. Bilang mag-aaral ano ang inyong gagawin upang hindi maranasan ang
suliraning nabasa sa teksto? Gumawa ng inyong sariling repleksyon ukol dito.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
________________.

Isagawa

Gumawa ng poster ukol sa paglutas sa suliraning kawalan ng trabaho. paano niya ito
ilalarawan upang maiwasan ang suliraning ito kapag siya ay makatapos na sa pag-aaral.

Tayahin

Modified TAMA at MALI


Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap, Isulat ang salitang TAMA kung ang
pangungusap ay may katotohanan ang pahayag. Kung ito ay MALI, palitan ang
salitang may salungguhit para maging tama ang pahayag.

______1. Ang edad 15 taon gulang hanggang 24 taon ang karamihan ang naghahahnap ng
trabaho at ilan ay hinihingian ng natapos o credentials.
______ 2. Ang kakulanagan sa akademikong paghahanda dulot ng mataas na kalidad ng
sistema ng edukasyon, gaya ng walang maayos na kapasidad ay suliranin sa
paggawa.
______ 3. Ang pagkakaroon ng maraming anak ay nakakadagdag sa pagiging produktibo.
______ 4. Ayon sa Paaralan, Kung mas kunti ang populasyon, mas kunti ang kailangang
trabaho.
______ 5. Nagaganap ang pagkawala ng trabaho bunga ng pagbabago ng Klima at oras.
______ 6. Ang Pilipinas ang nangungunang bansa sa rehiyon ng Asya sa larangan ng non-
IT BPO.
______ 7. Kailangang iangat ang antas ng kalagayan ng mga manggagawang Pilipino tungo
sa isang disenteng pagggwa (decent work) na naglalayong na magkaroon ng
pantay na oportunidad ang bawat isa anumang ang kasarian para sa isang
disente at marangal na paggawa ito ay ayon ng DOLE.

4
______ 8. Employment Pillar Nagsasaad na tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng
trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa paggawa.
______ 9. Ito ay kaganapan na nangyayari sa paggawa, nawawalan ng trabaho ang
manggagawa kapag may krisis ang ekonomiya.
______10. Umaasa lang ang pamahalaan sa mga dayuhang namumuhunan para
magkaroon ng trabaho sa bansa ang mga manggagawa.
______ 11. Naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa
paggawa at madaling pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa.
______ 12. Ang maggagawa ay nawalan ng trabaho bunga ng paglaki ng industriya sanhi
ng makabagong teknolohiya at pagbabago sa panlasa ng konsyumer.
______ 13. Ayon sa tala ng DOLE hindi lang yung mga hindi nakapag-aaral o walang
natapos ang dahilan ng kawalan ng trabaho kundi pati na rin ang kakulangan ng
oportunidad sa kanila.
______ 14. Palakasin at laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga
manggagawa, at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga Unyon ng
manggagawa.
______ 15. Nagkakaroon ng suliranin sa paggawa kapag nagaganap ang ay pagilipat ng
indibidwal sa ibang trabaho sa dating trabaho.

MAHUSAY! Natapos mo na ang iyong mga gawain

Aralin Mga Dahilan ng mga Iba’t ibang


2 Suliranin sa Paggawa

Tuklasin

Matapos mong malaman ang mga dahilan ng suliranin sa paggawa


(Underemployment) ito ay hindi angkop ang kanyang trabaho sa kanyang natapos
na upang mapalago ang ekonomiya. Ngayon ay iyong lilinangin ang mga kaalamang
ito sa tulong ng modyul na ito at mga gawain na inihanda upang maging batayan
mo. Mula sa inihandang gawain sa modyul ay inaasahang gagabay ito sa iyo upang
malaman ang Isyu sa Paggawa bilang isa sa suliranin dulot ng globalisasyon at
maaaring magamit mo ito bilang gabay sa inyong kaalaman sa mga pangyayari sa
lipunan. Halina’t umpisahan mo sa pamamagitan ng gawaing nasa ibaba.

Konsepto ng Unemployment
- Ang isyu ng unemployment o kawalan ng trabaho ay suliran ng kinakaharap
ng anumang bansa.
- Ang unemployment rate ay tumutukoy sa bahagdan ng mga taong ganap na
walang trabaho sa kabuuan ng lakas-paggawa.
Mga Uri ng Unemployment
1. Voluntary
Nangyayari kapag sinasadyang hindi nagtratrabaho.

5
2. Frictional
Nangyayari habang naghihintay ng panibagong trabaho o panandaliang
ipinatigil ang trabaho dahil sa ibang gawain katulad ng pagwewelga.
3. Casual
Nangyayari kapag ang trabaho ay pana panahon o para lamang sa tiyak na
panahon.
4. Seasonal
Nangyayari kapag ang trabaho ay pana panahon o para lamang sa tiyak na
panahon (Halimbawa: Tuwing magpa pasko)
5. Structural
Nangyayari kapag ang isang uri ng produkto ay hindi na kailangan sa
ekonomiya kaya hindi na rin kailangan ang mga nagtrabaho at
namumuhunan.
6. Cyclical
Nagkakaroon nito kapag ang industriya ng mga manggagawa ay nakaranas
ng business cycle. Kapag mahina ang industriya, mataas ang antas ng
unemployment.

Mga dahilan ng suliranin sa Paggawa at Trabahong Hindi Angkop sa Pinag-


aralan o (Underemployment).
1. Isa sa mga sagabal sa pagkakaroon ng trabaho ay yong hindi tugma ang
kanilang pinag-aralan o kwalipikasyon sa dapat nilang pasukang trabaho. Ang ibang
nakapagtapos ng pag-aaral ay namamasukan na lamang sa trabahong mas mababa
kaysa sa kanilang pinag-aralan o kwalipikasyon.
2. Kakulangan sa kinakailangang kasanayan para sa trabaho. Ayon sa pag-
aaral nahihirapan ang mga establisyemento na punan ang mga bakanteng posisyon
sa kanilang kompanya, ang dahilan ay kawalan ng kinakailangang kasanayan. May
malaking proporsyon ng “hindi tugma o mismatch” sa pagitan ng pagsasanay at
aktwal na pagtratrabaho.
3. Isa pang dahilan ng suliranin sa paggawa ay ang hindi pagbibigay ng
wastong pasahod at kaunting benepisyo ang ibinibigay ng mga kapitalista sa mga
manggagawa, kasama ang hindi maayos na kondisyon sa pinagtratrabahuan o
(poor Working Conditions). Halimbawa may mga manggagawa na nagtratrabaho
sa mapanganib na lugar ngunit walang maayos na kagamitan na magprotekta sa
kanila. “Mura at Flexible Labor” isang matinding hamon ang kinakaharap ng mga
manggagawa mula nang ipatupad ang patuloy na paglala ng “mura at flexible labor”
sa bansa (IBON, 2006). Ito ay isang paraan ng mga kapitalista o mamumuhunan
upang palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad
ng mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga
manggagawa. Isang paraan ito upang sila ay makaiwas sa patuloy na krisis dulot ng
labis na produksiyon at kapital na nararanasan ng iba’t ibang mga bansa
4. Kabilang sa dahilang ng kawalan ng trabaho ng mga Pilipino ay ang
Katamaran. Makikita natin na maraming nagistambay at maghapong walang
trabaho.
5. Isa rin sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang patuloy na
pagdami ng mga lokal na produkto na iniluluwas sa ibang bansa at ang pagdagsa ng
mga dayuhang produkto sa pamilihang lokal. Lubusang naaapektuhan ang mga
lokal na magsasaka dahil sa mas murang naibebenta ang mga dayuhang produkto
sa bansa. Mas maraming insentibo ang naipagkakaloob sa mga dayuhang

6
kompanya na nagluluwas ng kanilang parehong produkto sa bansa. Sa kabilang
banda, may mga lokal na high class product na saging, mangga at iba pa na
itinatanim sa atin na nakalaan lamang para sa ibang bansa
Isa rin sa dahilan ng kawalan ng trabaho ay ang pananalasa ng kalamidad.
Lubhang napinsala ang sektor ng agrikultura na siyang dahilan ng walang
matratrabaho na lupain.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong gamit ang mga natutuhan mula sa
binasang teksto.
1. Ayon sa salitang job mismatch ano ang naiintindihan ninyo sa dalawang
salitang ito?
2. Sa iyong palagay ano ang ibig sabihin ng Mura at Flexible labor?
3. Sa kasalukuyang kalagayan ng mga manggagawa sang-ayon ba kayo sa
sinasabi na dahil sa katamaran kaya nangyari ang suliranin sa kawalan ng
trabaho?

Suriin

Panuto: Lagyang ng kaukulang paliwanag ang mga sumusunod ayon sa inyong


pagkakaintindi sa binasa. Punan ang Data Retrieval Chart.

Mga Kategorya Paliwanag

1. Hindi tugma o mismatch

2. Poor working condition

3. Mura at Flexible labor

4. Pananalasa ng
kalamidad

Pagyamanin

Panuto: Alamin kung ano ang tinutukoy sa mga sumusunod na pangungusap

___________1. Pandaigdigang samahan na nagtatakda sa regulasyon ng kalakalan


sa mga kalakal, serbisyo at intelektwal na ari-arian sa pagitan ng
mga kalahok na bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang
balangkas para sa pakikipagkasundo sa mga kasunduan sa
kalakalan.

7
___________2. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang
kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad na
mababang pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga
manggagawa.
___________3. Isang kontrata ng manggagawa kung saan may nakatakdang
panahon lamang ang kanyang serbisyo sa isang kumpanya.
___________4. Ito ay ang pagkakaroon ng trabaho ng isang manggagawa na hindi
tugma ang kanilang pinag-aralan sa pinapasukang trabaho.
___________5. Isang kumpanyang naglalagak ng investment sa iba’t ibang bansa
kung saan ang mga kasanayan na kakailanganin ng isang
manggagawa ay nakabatay sa mga naging kasunduan ng bansa sa
mga kumpanyang ito.

Isaisip

Panuto: Gumawa ng repleksyon tungkol sa Mura at Flexible Labor at Job Mismatch


___________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.

Isagawa

Panuto: Gumawa ng sanaysay ukol sa underemployment. Bakit nangyayari ang


sitwasyong ito sa lipunan?

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan sa bawat aytem. Piliin at
bilugan ang titik ng tamang sagot mula sa pagpipilian.

______1. Ito ay tumutukoy sa kawalan ng trabaho ng isang manggagawa.


A. Employment
B. Job-mismatch
C. Job order
D. Unemployment

8
______2. Si Pedro ay graduate sa kursong Nursing sa isang Unibersidad sa kanilang lugar
ngunit siya ay nagtratrabaho bilang isang sekretarya ng Law Firm. Ito ay isang
halimbawa ng______________.
A. Employment
B. Job-mismatch
C. Job order
D. Unemployment
______3. Isa sa dahilan ng suliranin sa paggawa ay hindi angkop ang pinag-aralan o
kwalipikasyon sa dapat nilang pasukang trabaho. Halimbawa nito ay
makapagtapos sa kurso sa kolehiyo ngunit namasukang mas mababa kaysa
pinag-aralan o kwalipikasyon.
A. Deflation
B. Inflation
C. Overqualified
D. Underemployment
______4. Isang paraan ng kapitalista o namumuhunan upang palakihin ang kanilang kinikita
at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pagpapasahod at
paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
A. Mura at flexible labor
B. job-mismatch
C. unemployment
D. poor working conditions
______5. Ito ay uri ng unemployment kung saan nangyayari kapag ang trabaho ay pana-
panahon o para lamang sa tiyak na panahon.
A. Casual
B. Frictional
C. Seasonal
D. Voluntary
______6. Ito ay uri ng unemployment kung saan nangyayari ang isang uri ng produkto
ay hindi na kailangan sa ekonomiya kaya hindi na rin kailangan ang mga
nagtratrabaho at namumuhunan.
A. Casual
B. Cyclical
C. Frictional
D. Structural
______7. Isang kaugalian ng ating mamamayang Pilipino kaya maraming nag istambay at
maghapong walang trabaho.
A. Kaalaman
B. Kaayusan
C. Kagalingan
D. Katamaran
______8. Ang unemployment o kawalan ng trabaho ay suliraning kinakaharap ng
ating mga mamamayan. Ilan sa mga solusyon upang matugunan ang kawalan ng
trabaho maliban sa __________________.
A. Pagbibigay ng kurso sa TESDA
B. Pagpaparami ng mga trabaho
C. Pagsasaayos ng sistema ng edukasyon
D. Paglimita sa mga mamumuhunan sa bansa
______9. Ang mamamayang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at
hamon sa paggawa maliban sa______?
A. Job mismatch
B. Kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya
C. Mababang pasahod
D. Pagpili ng trabaho na may mataas na pasahod.

9
Panuto: Ano ano ang implikasyong dulot ang kawalan ng trabaho sa bansa?

1. Sa kabataan (2 points)
___________________________________________________________________

2. Sa pamumuhay ng mga tao (2 points)


___________________________________________________________________

3. Sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa (2 points)


_____________________________

MAHUSAY! Natapos mo na ang iyong mga gawain.

Aralin Dahilan sa Suliranin ng Paggawa sa


3 Kontraktwalisasyon

Tuklasin

Matapos mong malaman ang dahilan sa suliranin sa paggawa ukol sa


diplomatikong pakikipag-ugnayan ng mga bansa upang mapalago ang ekonomiya.
Ngayon ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng modyul na ito at mga
gawain na inihanda upang maging batayan mo. Mula sa inihandang gawain sa
modyul ay inaasahang gagabay ito sa iyo upang malaman ang hamon ng
globalisasyon bilang isa sa implikasyon ng globalisasyon at maaaring magamit mo
ito bilang gabay sa inyong kaalaman sa mga pangyayari sa lipunan. Halina’t
umpisahan mo sa pamamagitan ng gawain nasa ibaba.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong gamit ang mga natutuhan mula sa
binasang teksto.
1.Anu-ano ang iba’t ibang anyo ng suliranin sa paggawa?
2. Ano ang ibig sabihin ng job - mismatch?
3. Ano ang kaibahan ng kontraktwalisasyon sa mura at flexible labor?

10
Suriin

Panuto: Ipaliwanag ang iba’t ibang anyo ng suliranin sa paggawa


Anyo ng suliranin sa Pagggawa Pagpapaliwanag
1. Mababang pasahod
2. Kawalan ng seguridad
3. Job-mismatch’
4. Poor Working Conditions
5. Katamaran

Pagyamanin

Panuto: Isulat ang T kung tama ang pangugusap at M kung mali ang isinasaad ng
pangungusap.

________1. Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang hamon


ng globalisasyon tulad ng mataas na pasahod, kawalan ng seguridad sa
pinapasukang kompanya at job mismatch.
________2. Ang pagdating at paglakas ng dayuhang mamumuhunan sa ating bansa
ay nakatutulong sa paglago ng ating ekonomiya.
________3. Ang pag-usbong ng K-POP trend ng Korea na kadalasan makikita sa
internet at telebisyon ay walang epekto sa pag-usbong ng kalakalan sa
ating bansa.
_______ 4. Dahil sa pag-usbong ng globalisasyon, nagiging bukas ang bansa sa
iba’t ibang oportunidad na tuklasin ang potensyal na pakikipagsabayan
sa pandaigdigang kompetisyon.
________5.Dahil sa pag-usbong ng globalisasyon, higit na napalaganap ang
wikang English.
________6. Isang positibong dulot ng globalisasyon ay paghina at pagkabura ng
pambansang pagkakilanlan.
________7. Isa sa layunin ng World Trade Organization (WTO) ay nagtatakda sa
regulasyon ng kalakalan sa mga kalakal, serbisyo at intelektwal na ari-
arian sa pagitan ng mga kalahok na bansa sa pamamagitan ng
pagbibigay ng isang balangkas para sa pakikipagkasundo sa mga
kasunduan sa kalakalan.
________8. Dahil sa globalisasyon, ang karamihan sa mga pandaigdigang trabaho
sa ekonomiya ay walang katiyakan at pansamantala.

11
________9. Ang pagtaas ng produksiyon ay nangangahulugang nadagdagan ang
paggamit ng mga likas na yaman. Ito ay magdudulot ng isang
masamang epekto sa ating kapaligiran.
_______10. Isa sa naidulot ng globalisasyon sa paggawa ay ang demand ng bansa
sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na locally standard.

Isaisip

Panuto: Gumawa ng paghahambing sa dalawang anyo ng sub contracting sa mga


mangagawa. Sumulat ng dalawang paragraph para sa gawaing ito, ikaw ang
bahalang gumawa ng pamagat ng iyong paglalahad.
______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
________________________________________________________.

Isagawa

Panuto: Isulat ang mga suliranin sa paggawa ‘job-mismatch’ bunga ng mga ‘job-
skills mismatch.

Naunawaan ko na ang suliranin sa paggawa ‘job-mismatch’ bunga


ng mga ‘job-skills mismatch,’
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________.

12
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan sa bawat aytem. Piliin at
bilugan ang titik ng tamang sagot mula sa mga pagpipilian.

_____1. Isa sa pinakamalaking suliranin na kinakaharap ng mga mangagawa sa


bansa ay ang paraan ng mga kapitalista o namumuhunan upang palakihin
ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng
mababang pasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga
manggagawa. Anong sistema ang pinapairal nito?
A. Kontraktwalisasyon
C. Iskemang subcontracting
B. Mura at Flexible labor
D. Underpaid Employee
_____2. Ang “ENDO” ay sistema ng paggawa na umiiral noong 2016 ayon sa
DOLE, ito ay iminungkahi ng iba’t ibang mambabatas, ahensiya sa
paggawa, at grupo ng mga mangagawa na tuluyan ng ibinasura. Anong
kalagayang mangagawa ang tinutukoy nito?
A. Contraction labor only
B. Job Order
C. Kaswal
D. Kontraktwalisasyon
_____3. Ang job mismatch o skill mismatch ay tumutukoy sa isang kalagayan sa
paggawa kung saan ang isang indibidwal ay may trabaho ngunit hindi
tugma sa kakayanan o pinag-aralan nito. Sa iyong sariling pag-unawa,
bakit ito nangyayari sa bansa?
A. Ang mga kapitalista ay nagbibigay ng mataas na pasahod
B. Maraming mapagpipiliang trabaho na malapit sa tinitirhan
C. May kakulangan sa kakayanan/ kasanayan ang mga aplikante
D. Bigo ang mga mag-aaral sa pagkuha ng kurso o skill na may mataas na
Pasahod
_____4. Maraming umiiral na suliranin sa sistema ng paggawa sa bansa. Alin sa
mga sumusunod na kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya ay
komukontrata ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang
gawin ang isang trabaho o serbisyo?
A. Iskemang sub-contracting
B. Job contracting
C. Job mismatch
D. Labor only contracting
_____5. Ang kontraktwal ay isang katayuan sa trabaho kung saan ipinagkait ang
ugnayang employer-employee sa pagitan ng isang manggagawa at ng
kapitalista. Anong katayuan ang ipinagkait sa isang kontrakwal na
manggagawa?
A. Mataas na pasahod
B. Pagiging regular na empleyado
C. Pagbibigay ng mga benepisyo
D. Seguridad sa trabaho

13
_____6. Ang kontraktwalisasyon ay isa sa mga suliranin sa paggawa sa bansa. Ito
ay isa sa mga patakarang neoliberal na ipinalaganap sa bansa noong
huling bahagi ng dekada 70. Sa iyong palagay, bakit ito ipinaiiral ng mga
kapitalista sa bansa?
A. Upang magkamal ng yaman
B. Upang magbigay ng seguridad sa trabaho
C. Upang mapalakas ang kilusang
D. Paggawa upang mabigyan ng trabaho ang mga mamamayan
_____7. Malaking hamon sa bansa ang mga pagbabago sa iba’t ibang larangan
dulot ng globalisasyon. Alin ang hindi kabilang sa mga mabuting naidulot
ng globalisasyon sa paggawa sa bansa?
A. Binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksyon tulad
ng pagpasok ng iba’t ibang gadyet at iba pang makabagong kagamitan
sa paggawa.
B. Demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa
paggawa ng globally standard.
C. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa
pandaigdigang pamilihan.
D. Mapapaunlad nito ang maliliit na mga kompanya na pagmamay-ari ng
mga lokal na mga namumuhunan sa bansa.
_____8. Ang mga sumusunod na kaganapan ay nagpapakita ng di-mabuting
epekto ng kontraktwalisasyon sa lipunan. Alin ang hindi kabilang dito?
A. Magbuo o sumapi sa unyon
B. Pinalala ang disempleyo sa bansa
C. Pinalala ang kahirapan ng mga manggagawa
D. Nilalabag ang lahat ng karapatan at proteksyon ng mga manggagawa
_____9. Ang unemployment o kawalan ng trabaho ay suliraning kinakaharap ng
anumang bansa lalo na ang Pilipinas. Naghahatid ito ng masamang epekto
sa pamumuhay ng mga mamamayan maliban sa______________?
A. Naaapektuhan ang mental at pisikal na kalusugan ng tao
B. Nagdulot ng matinding kahirapan
C. Nagtulak sa pangingibang bansa para makakuha ng hanapbuhay
D. Pagkakaroon ng mataas na oras sa pamilya
_____ 10. Ang mga mamamayang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng
suliranin at hamon sa paggawa maliban sa___?
A. Job mismatch
B. Kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya
C. Mababang pasahod
D.Pagpili ng trabaho na may mataas na pasahod

14

You might also like