You are on page 1of 10

1

ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG MARKAHAN

PANGALAN:
PANGKAT: GURO:

Aralin

4
Most Essential Learning Competencies:
Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng paggawa sa bansa.

Sa bahaging ito ng aralin ay inaasahang mauunawaan mo ang kalagayan ng


manggagawa sa iba’t ibang sektor ng ating ekonomiya. Malalaman mo din ang iba pang
isyu na kanilang kinakaharap partikular sa isyu ng kontraktuwalisasyon at karapatang
nararapat na tamasain ng isang manggagawang Pilipino.

Ang modyul ay nakapokus sa pag-aaral sa iba’t ibang isyu sa paggawa kabilang


ang tatlong mahahalagang paksa sa ibaba:

1. Kalagayan ng mga manggagawa sa iba’t ibang sektor;


2. Epekto ng kontraktwalisasyon sa mga manggagawa; at
3. Karapatan ng mga manggagawa.

Pagkatapos mong basahin ang nilalaman ng modyul at masagot ang lahat ng mga
gawaing nakapaloob dito, inaasahan na iyong:

1. Nailalahad ang mga kalagayan ng mangagawang Pilipino sa iba’t ibang sektor


ng ating ekonomiya;
2. Naipaliliwanag ang iba’t ibang isyu na kinakakaharap ng mga manggagawa;
3. Natutukoy ang mga karapatang nararapat na tamasain ng isang manggagawa;
at
4. Napahahalagahan ang tamang kaalaman ukol sa kalagayan at karapatan ng
mga manggagawa sa kasalukuyan.

AP10-QTR2-WeeK 4
2
ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG MARKAHAN

MULTIPLE CHOICE: Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan


at isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Tumutukoy sa sistema ng mababang pasahod sa manggagawa at pagbibigay ng
trabaho na di sakop ng kaniyang tinanggap na gampanin sa kompanya.
A. Kontraktuwalisasyon C. Unemployment
B. Cheap & Flexible Labor D. Subcontracting
2. Tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya ay kumukontrata
ng isang ahensya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o
serbisyo sa isang takdang panahon.
A. Kontraktuwalisasyon C. Unemployment
B. Cheap & Flexible Labor D. Subcontracting
3. Tumutukoy sa kawalan ng trabaho ng mga manggagawa.
A. Kontraktuwalisasyon C. Unemployment
B. Cheap & Flexible Labor D. Subcontracting
4. Tumutukoy sa isang sistema kung saan ang isang manggagawa ay di
permanente sa trabaho at may hangganan ang serbisyo.
A. Kontraktuwalisasyon C. Unemployment
B. Cheap & Flexible Labor D. Subcontracting
5. Isang internasyonal na organisasyon na nagtakda sa karapatan ng mga
manggagawa sa iba’t ibang panig ng mundo.
A. ASEAN B. ILO C. IMF-WB D. APEC

Panuto: Suriin ang mga sumusunod at tukuyin kung anong mahahalagang kasanayan
sa ika-21 siglo ang ipinahahayag ng bawat pangungusap.
Isulat ang titik ng tamang sagot.
a. Media and Technology Skills,
b. Learning and Innovation Skills
c. Communication Skills
d. Life and Career Skills
1. Kakayahan na matuto at makagawa ng bagong pamamaraan upang
mapabilis ang gawain.

AP10-QTR2-WeeK 4
3
ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG KWARTER

2.
2.Kaalaman sa ICT at paggamit ng social networking site.
3. Kakayahang humarap sa tao at makipag ugnayan dito.
4. Kakayahang magkaroon ng matalinong desisyon sa buhay at trabaho.
5. Kakayahan sa paggamit ng teknolohiya.

MAIKLING PAGPAPAKILALA
SA ARALIN

Malaking hamon sa bansa ang mga malaking pagbabago sa iba’t ibanglarangan


dulot ng globalisasyon. Mas nagiging bukas ang bansa sa iba’t ibang oportunidad na
tuklasin ang potensiyal na pakikipagsabayan sa pandaigdigang kompetisyon. Subalit
nakakalungkot sapagkat kasabay ng
mga pagbabagong ito ay ang lumalalang kalagayan ng
manggagawang Pilipino.
Matutunghayan sa PIE GRAPH ang kalagayan ng
mga manggagawa sa bawat sektor ng ating ekonomiya,
4
ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG KWARTER

Bunsod din ng globalisasyon, mas naging mabilis ang pagdating ng mga dayuhang
namumuhunan na mas pinatingkad naman ng kumpetisyon sa hanay ng mga dayuhan
at lokal na kompanya at korporasyon sa bansa. Dahil dito nahikayatang mga dayuhang
namumuhunan na pumasok sa ating bansa bunsod ng malaking kita. Naging mahirap
naman para sa mga lokal na namumuhunan na tapatan angdayuhang korporasyon dulot
ng kakulangan ng puhunan at kakayahan.
Nagpatuloy ang pagiging alipin natin sa mga higanteng dayuhang kompanya,
habang sila ay nagpupunyagi, unting unti namang namamatay ang ating mga lokal na
negosyo. Dahil dito, hindi na naiwasan ang paglaganap ng iba’t ibang sistema na mas
higit na nagpahirap sa maraming Pilipinong manggagawa, sa kadahilanang kontrolado
na ng dayuhang kompanya ang ating ekonomiya, marami sa mga manggagawang
Pilipino ang naging biktima ng mga di makatarungang polisiya, mababang pasahod at
marami pang iba.
Ayon sa ekonomistang si Karl Marx, ang mga manggagawa ang tunay na bayani
ng bansa. Sila ang bumubuo ng mga hilaw at yaring produkto na mahalaga upang
matugunan ang pangangailangan ng buong mundo. Ang buong ekonomiya ng bawat
bansa ay umaaasa sa mga manggagawa, subalit sa kabila ng lahat ng kanilang sakripisyo,
nakakalungkot na nagpapatuloy ang kaawa -awang kalagayan ng marami sa kanila.
Tunghayan ang Dayagram 2 na tumatalakay sa iba’t ibang isyu sa paggawa sa
ating bansa.
DAYAGRAM 2

AP10-QTR2-WeeK 4
5
ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG KWARTER

Ayon sa pag-aaral, patuloy ang paglala ng kalagayan ng mga manggawang


Pilipino sa panahon ng globalisasyon. Higit na dumarami ang bilang ng biktima ng
kontraktuwalisasyon, cheap at flexible labor, iskemang sub-contracting at under
employment at unemployment sa loob at labas ng bansa.
Dahil sa mga nabanggit na mga isyu, mahalaga ang pagkakaisa sa hanay ngmga
manggagawang Pilipino tungo sa isang marangal na trabaho para sa lahat. Pag-
oorganisa ng hanay ng mga manggagawa nang walang itinatangi – regular man ohindi,
kasapi man ng unyon o hindi at may trabaho man o wala, dapat isulong angmga
isyung magiging kapaki-pakinabang sa uring manggagawa.
Hindi lamang ang mga Pilipino ang nakikipaglaban para sa karapatan ng
manggagawa, ang isyu sa paggawa ay isang pandaigdigang suliranin kaya naman ito
ay kabilang sa isang malaking usapin sa mga pandaigdigang pulong. Ang ILO o
International Labor Organization ay nagtakda ng karapatan ng mga manggagawa na
nararapat kilalanin ng lahat ng bansa. Iniisa-isa nila ang mga nararapat tamasahin
ng bawat manggagawa saanman sa mundo.
Tunghayan ang ikatlong dayagram na naglalaman ng mga karapatang nararapat
tamasahin ng isang manggagawa sa loob at labas ng bansa.

DAYAGRAM 3

AP10-QTR2-WeeK 4
6
ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG KWARTER

Gawain 1: Pamprosesong Tanong


1. Paano mo bibigyang reaksyon ang kalagayan ng mga manggagawa sa iba’t ibang
sektor ng ekonomiya? Ano ang masasabi mo ukol dito? Ipaliwanag.
2. Ano ano ang mga suliraning kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino sa
kasalukuyan? Ipaliwanag,
3. Mula sa mga nabanggit na karapatan ng manggagawa ayon sa ILO, masasabi
mo ba na ito ay naipapatupad ng maayos sa loob at labas ng ating bansa?
Ipaliwanag.
4. Sa paanong paraan masasabing mahalaga na alam ng isang manggagawa ang
kaniyang mga karapatan? Ipaliwanag.
Gawain 2: DATA RETRIEVAL CHART: Punan ang talahanayan ng mga kahalagahan ng
bawat karapatang nararapat tamasahin ng isang manggagawa ayon sa ILO

KARAPATAN KAHALAGAHAN
1. Umanib sa anumang union.
2. Makipagkasundo bilang bahagi ng grupo.
3.Hindi mapasailalim ng kahitanong anyo ng sapilitang
paggawa
4.Malaya sa pamimilit o “duress” sa paggawa
5.Maging ligtas sadiskriminasyon

Isa sa mga dulot ng globalisasyon ay ang pagbagsak ng lokal na industriya at


agrikultura ng ating bansa, samantalang patuloy naman ang paglakas ng sektor
ng serbisyo dulot ng pagsulpot ng malalaking korporasyon sa iba’t ibang panig ng
mundo.
Kaalinsabay din ng globalisasyon ang paglala ng kalagayan ng mga manggagawa,
kabilang na dito ang pag-iral ng sistemang subcontracting, mura at flexible labor,
patuloy na unemployment at underemployment at ang di nawawalang sistema ng
kontraktwalisasyon.

Sa ganitong kalagayan ng mga manggagawa, mahalaga ang pagkakaisa tungo


sa isang marangal na trabaho para sa lahat. Kaya naman nagbigay ang ILO ng mga
karapatang nararapat na tamasahin ng bawat manggagawa sa iba’t ibang panig ng
mundo.

AP10-QTR2-WeeK 4
7
ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG KWARTER

Pag-alam sa
Natutuhan

A. Binabati kita at natapos mo ang araling ito, bilang pangwakas na gawain,


Bigyang reaksyon mo ang kalagayan ng mga manggagawa sa 3 sektor ng ating
ekonomiya lalo na sa ngayon na dumadanas ang bansa ng resesyon dulot ng
pandemia. Sa pamamagitan ng pagguhit ng SAD at HAPPY face sa loob ng bilog
ipakita mo ang iyong reaksyon at isulat ang iyong paliwanag sa kahon.

B. TAMA o MALI: Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang isinasaad ng
pangungusap, at isulat ang salitang MALI kung di wasto ang isinasaad ng
pangungusap.

1. Higit na nakabuti sa manggagawang Pilipino ang globalisasyon.

2. Naging maunlad ang agrikultura dulot ng globalisasyon.

3. Patuloy ang pag-iral ng kontraktuwalisasyon sa kabila na ipinagbabawal na


ito ayon sa batas.

4. Bahagi ng karapatan ng mangagawa ang pagsanib sa unyon.

5. Maraming dayuhang kompanya ang nais mamuhunan sa ating bansa dulot


ng cheap at flexible labor.

C. Ikaw bilang isang mag-aaral, ano ang masasabi mo sa aksyon ng ating pamahalaan
sa mga isyu sa paggawa lalo na sa kasalukuyang panahon na marami ang nawalan
ng hanap-buhay? Gumawa ng isang sulat sa pamahalaanna nagpapahayag ng
iyong saloobin ukol dito.

AP10-QTR2-WeeK 4
8
ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG KWARTER

A. IDENTIFICATION: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat sa patlang


ang tamang sagot.

1. Tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya ay


kumukontrata ng isang ahensya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang
trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.

2. Tumutukoy sa kawalan ng trabaho ng mga manggagawa.

3. Tumutukoy sa isang sistema kung saan ang isang manggagawa ay


di permanente sa trabaho at may hangganan ang serbisyo.

4. Tumutukoy sa sistema ng mababang pasahod sa manggagawa at


pagbibigay ng trabaho na di sakop ng kaniyang tinanggap na gampanin sa kompanya.

5. Ang pandaigdigang samahan na nagtakda ng karapatan ng mga


manggagawa.

B. ENUMERATION: (6-10) Magbigay ng 5 karapatan ng manggagawa ayon sa


itinakda ng ILO para sa mga manggagawa sa buong mundo.

Gumawa ng isang akdang pang editorial na nagpapahayag ng kalagayan ng mga


manggagawa at karapatan na dapat nilang tinatamasa lalo na sa kasalukuyan na ang
buong mundo ay dumadaan sa krisis pang ekonomiya.

AP10-QTR2-WeeK 4
9
ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG KWARTER

SAGUTANG PAPEL

Pangalan:_____________________ Pangkat__________Guro: ___________________

Aralin

4
I. PAUNANG PAGSUSULIT
1.
2.
3.
4.
5.

II. BALIK-TANAW:
1.
2.
3.
4.
5.

III. GAWAIN : Ilagay ang sagot sa portfolio/ Kwaderno ang gabay na tanong
1.
2.
3.
4.
5.

IV. PANGHULING PAGSUSULIT


1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

V. PAGNINILAY

Ilagay ang sagot sa iyong portfolio.

AP10-QTR2-WeeK 4
10
ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG KWARTER

AP10-QTR2-WeeK 4

You might also like