You are on page 1of 9

1

ARALING PANLIPUNAN- IKALAWANG KWARTER


PANGALAN: _________________________________________________________________
PANGKAT: ________ GURO: __________________________________________________

Aralin
Isyu sa Paggawa: Kakayahan na Maka-angkop
3 sa Globally Standard na Paggawa

Most Essential Learning Competencies:


Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng paggawa sa bansa.

Sa bahaging ito ng aralin ay inaasahang matututuhan mo ang iba’t ibang isyu


na kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino. Malaking hamon din sa ating bansa
ang mga malaking pagbabago sa iba’t ibang larangan dulot ng globalisasyon. Mas
nagiging bukas ang bansa sa iba’t ibang oportunidad na tuklasin ang potensiyal na
pakikipagsabayan sa pandaigdigang kompetisyon. Kabilang na dito ang pagpasok ng
Pilipinas sa mga kasunduan sa mga dayuhang kompanya, integrasyon ng ASEAN
2015 sa paggawa at mga bilateral at multi-lateral agreement sa mga miyembro ng
World Trade Organization o WTO.
Kaakibat ng mga pagbabagong ito ay ang mga hamon kung paano tutugunan
ng bawat pamahalaan sa daigdig ang mga suliraning naidulot ng globalisasyon, mga
isyu sa lipunan na napag-iwanan na ngunit hindi pa lubusang natugunan bagkus
patuloy pang lumalala lalo na sa mga usapin sa paggawa.
Sa pagtalakay sa aralin, magagamit mo ang iyong mga natutunan upang
maging handa bilang manggagawa sa hinaharap. Importante na maiangkop mo ang
iyong mga kasanayan sa mga inaasahan sa globally standard na paggawa. Ang
kaalamang matatamo mo ukol sa iba’t ibang isyu sa paggawa ay magiging sandigan
mo sa hinaharap upang maging epektibo at mahusay na manggagawa.

Ang modyul ay nakapokus sa pag-aaral sa iba’t ibang isyu sa paggawa kabilang


ang tatlong mahahalagang paksa sa ibaba:
1. Mga kasanayan na inaasahan sa globally standard na paggawa;
2. Apat na haligi sa isang disente at marangal na paggawa; at
3. Kahalagahan ng tamang kaalaman ukol sa inaasahan sa globally standard na
paggawa.

AP10-Qtr2-Wk3
2
ARALING PANLIPUNAN- IKALAWANG KWARTER
Pagkatapos mong basahin ang nilalaman ng modyul at masagot ang lahat ng
mga gawaing nakapaloob dito, inaasahan na iyong:

1. Nailalahad ang mga kakayahang inaasahan sa globally standard na paggawa;


2. Naipapaliwanag ang 4 na haligi sa isang disente at marangal na paggawa; at
3. Nabibigyang halaga ang tamang kaalaman ukol sa iba’t ibang isyu sa paggawa.

MATCHING TYPE: Basahing mabuti ang pahayag sa Hanay A at hanapin sa Hanay


B ang tinutukoy nito. Isulat sa loob ng bituin ang titik ng tamang sagot. Maaaring
ulitin ang titik ng tamang sagot.
HANAY A HANAY B

1. Kakayahan na matuto at makagawa a. Media & Technology


ng bagong pamamaraan upang Skills
mapabilis ang gawain

2. tumutukoy sa kakayahan sa ICT at b. Communication


information literacy Skills

3. kakayahan na humarap at makipag- c. Life and Career


ugnayan sa iba’t ibang uri ng tao Skills

4. tumutukoy sa kakayahan sa tamang d. Learning and


desisyon at pagdadala ng buhay Innovation Skills

5. kakayahan sa paggamit ng
makabagong teknolohiya

Panuto: Suriin ang mga sumusunod at tukuyin kung saan ito kabilang na anyo ng
globalisasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot.

AP10-Qtr2-Wk3
3
ARALING PANLIPUNAN- IKALAWANG KWARTER
a. Globalisasyong Ekonomiko
b. Globalisasyong Teknolohikal at Sosyo-Kultural
c. Globalisasyong Politikal

___1. Paggamit ng cellular phone


___2. Pagiging popular ng mga Korea-novela
___3. Pagiging bukas ng maraming bansa sa manggagawa
___4. Pag-usbong ng mga social networking sites kagaya ng Facebook
___5. Pagkakatatag ng samahan ng mga bansa

MAIKLING PAGPAPAKILALA
SA ARALIN

Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang


anyo ng suliranin at hamon sa paggawa tulad ng mababang pasahod,
kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya, ‘job-mismatch’
bunga ng mga ‘job-skills mismatch,’ iba’t ibang anyo ng
kontraktuwalisasyon sa paggawa, at ang mura at flexible labor.

Dahil sa paglaganap ng globalisasyon naaapektuhan nito maging


ang workplace na kung saan nagbunga ito ng pagtatakda ng mga pandaigdigang
samahan tulad ng World Trade Organization (WTO) ng mga kasanayan o kakayahan
sa paggawa na globally standard para sa mga manggagawa. Naglalagak ang mga
multi-national company ng mga investment para sa mga trabaho sa bansa na kung
saan ang mga kasanayan na kakailanganin ng isang manggagawa ay nakabatay sa
mga naging kasunduan ng bansa sa mga kompanyang ito.
TALAHANAYAN 1: Ilan sa maraming naidulot ng globalisasyon sa paggawa ay
ang mga sumusunod:

AP10-Qtr2-Wk3
4
ARALING PANLIPUNAN- IKALAWANG KWARTER

Ang mga pagbabagong ito ay nakaapekto sa mga manggagawa sa iba’t ibang


aspekto na nagbunsod ng maraming isyu sa paggawa na hinaharap ng mga
manggagawang Pilipino sa kasalukuyan upang magkaroon ng disente at marangal na
pamumuhay.
Kakayahan na makaangkop sa Globally Standard na Paggawa
Makikita sa dayagram sa ibaba ang mga hamong dulot ng globalisasyon, ang naging
bunga nito sa ekonomiya at ang tugon ng ating bansa upang harapin ito.

DAYAGRAM 1

Upang makatugon sa mga kasanayang ito, isinasakatuparan sa panibagong


kurikulum ang pagdaragdag ng dalawang taon sa basic education ng mga
mag-aaral na tinatawag na Senior High School. Sasanayin ang mga mag-aaral sa
mga kasanayang pang-ika-21 siglo upang maging globally competitive na
nakabatay sa balangkas ng Philippine Qualifications Framework – ang Basic
Education, Technological-Vocational Education at Higher Education – DepEd 2012

Mga Naaangkop sa mga


Kasanayan para sa Ika-21 Siglo

1.Media and Technology Skills,


2.Learning and Innovation Skills
3.Communication Skills
4.Life and Career Skills

AP10-Qtr2-Wk3
5
ARALING PANLIPUNAN- IKALAWANG KWARTER

Ang mga kasanayang ito ay inaasahang makukuha ng bawat mag-aaral sa kanilang


edukasyon mula elementarya hanggang kolehiyo.
Ayon sa ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE, 2016) upang
matiyak ang kaunlarang pang-ekonomiya ng bansa kailangang iangat ang antas ng
kalagayan ng mga manggagawang Pilipino tungo sa isang disenteng paggawa
(decent work) na naglalayon na magkaroon ng pantay na oportunidad ang bawat isa
anuman ang kasarian para sa isang disente at marangal na paggawa.
Tunghayan ang ikalawang dayagram na naglalaman ng mga haligi sa isang
disente at marangal na paggawa ayon sa DOLE, 2016.

DAYAGRAM 2

Gawain 1: Pamprosesong Tanong

1. Ano-ano ang 5 pangunahing suliranin na kinakaharap ng mga manggagawa sa


kasalukuyan? Ipaliwanag
2. Magbigay ng 4 na mga naidulot ng globalisasyon sa paggawa? Ipaliwanag
3. Ipaliwanag ang naging bunga ng iba’t ibang hamong dulot ng globalisasyon sa
paggawa? Sa papaanong paraan ito tinugunan ng ating bansa?
4. Ilahad ang 4 na naaangkop na kasanayan para sa ika-21siglo. Ipaliwanag
5. Anu ano ang nilalaman ng 4 na Haligi sa Marangal at Disenteng Paggawa,
ipaliwanag.

AP10-Qtr2-Wk3
6
ARALING PANLIPUNAN- IKALAWANG KWARTER
Gawain 2: LARAWAN SURI: Suriin ang mga larawan na nagpapakita sa inaasahanag
kakayahan ng mga manggagawa ngayong Ika- 21 siglo. Tukuyin ang kakayahang
inilalarawan nito. Isulat sa patlang ang iyong sagot.

1 4
2
_____________ ______________

5
2 _______________ 2 ______________
2 ____

3 ____ ___________
2

Gawain 3: Basahing mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon at tukuyin kung


anong haligi sa disente at marangal na paggawa ang nalabag dito.
Isulat sa patlang ang iyong sagot.

___________________________1. Ipinagbawal ang pagtatag ng unyon at pagpapahayag ng


mga maggagawa ng kanilang saloobin sa kompanya at pamahalaan.
___________________________2. Sahod na mas mababa sa minimum wage.
___________________________3. Pagtatrabaho sa construction site ng walang protective
gear at tamang kagamitan para sa kaligtasan ng manggagawa.
___________________________4. Kawalan ng maayos na batas at polisiya para sa mga
mangagawa ngayong panahon ng pandemya partikular sa kanilang kalusugan at
transportasyon.
___________________________5. Diskriminasyon sa kasarian at relihiyon sa pagpili ng
manggagawa.

AP10-Qtr2-Wk3
7
ARALING PANLIPUNAN- IKALAWANG KWARTER

Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang

anyo ng suliranin at hamon sa paggawa – mababang pasahod, kawalan ng


seguridad, job mismatch, kontraktwalisasyon at cheap at flexible labor.
Dahil sa paglaganap ng globalisasyon nagbunga ito ng pagtatakda ng WTO
ng mga kasanayan o kakayahan sa paggawa na globally standard para sa
mga manggagawa.
Upang makatugon sa mga kasanayang ito, isinasakatuparan sa panibagong
kurikulum ang pagdaragdag ng dalawang taon sa basic education ng mga
mag-aaral na tinatawag na Senior High School. Sasanayin ang mga
mag-aaral upang maging globally competitive taglay ang 21st century skills.
Upang matiyak ang kaunlarang pang-ekonomiya ng bansa kailangang iangat
ang antas ng kalagayan ng mga manggagawang Pilipino tungo sa isang
disenteng paggawa (decent work) - 4 na Haligi sa Isang Disente at Marangal
na Paggawa.

Pag-alam sa
Natutuhan

A. Binabati kita at natapos mo ang araling ito, bilang pangwakas punan mo ang
talahanayan ng mahahalagang datos patungkol sa ating napag-aralan.

DATA RETRIEVAL CHART

Hinihinging Datos Sagot


5 Pangunahing Suliranin
na kinakaharapan ng
manggagawang Pilipino sa
kasalukuyan
4 na Naangkop na
Kasanayan sa Ika-21 Siglo

4 na Haligi sa Isang
Disente at Marangal na
Paggawa

AP10-Qtr2-Wk3
8
ARALING PANLIPUNAN- IKALAWANG KWARTER
B. Gumawa ng isang makabuluhang sanaysay ukol sa hamon ng globalisasyon sa
mga manggagawa sa kasalukuyang panahon ng pandemiya na kapapalooban ng
mga sumusunod na ideya, na nasa aralin.

C. Ikaw bilang isang mag-aaral, sa papaanong paraan mo ihahanda ang iyong sarili
upang makasabay sa hamon ng globalisasyon? Ipaliwanag.

A. MULTIPLE CHOICE: Basahing mabuti ang mga katanungan at


isulat ang titik ng tamang sagot.

_____1. Ito ay naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa
paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa.
A. Employment Pillar C. Social Dialogue Pillar
B. Worker’s Rights Pillar D. Social Protection Pillar
_____2. Ano ang tawag sa pagtitiyak ng paglikha ng mga sustenableng trabaho,
malaya at pantay na oportunidad sa paggawa, at maayos na workplace para sa
manggagawa.
A. Employment Pillar C. Social Dialogue Pillar
B. Worker’s Rights Pillar D. Social Protection Pillar
_____3. Paghihikayat sa mga kompanya, pamahalaan, at mga sangkot sa paggawa na
lumikha ng mekanismo para sa proteksiyon ng manggagawa, katanggap tanggap na
pasahod, at oportunidad.
A. Employment Pillar C. Social Dialogue Pillar
B. Worker’s Rights Pillar D. Social Protection Pillar
_____4. Ito ang paglikha ng mga collective bargaining unit upang palakasin at laging
bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga manggagawa, at mga
kompanya.
A. Employment Pillar C. Social Dialogue Pillar
B. Worker’s Rights Pillar D. Social Protection Pillar

AP10-Qtr2-Wk3
9
ARALING PANLIPUNAN- IKALAWANG KWARTER
___5. Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga naidulot ng globalisasyon sa paggawa
maliban sa isa.
A. demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan
B. nabigyan ng pagkakataon ang lokal na produkto na makilala sa daigdig
C. binago ng globalisasyon ang workplace
D. naging mataas ang sahod ng mga manggagawa
___6. Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga hamon ng globalisasyon sa paggawa
maliban sa isa
A. pagpasok ng Pilipinas sa mga kasunduan sa mga dayuhang kompanya
B. integrasyon ng ASEAN 2015
C. pagbabawal sa pagpasok ng mga manggagawa sa ibang bansa
D. mga bilateral at multi-lateral agreement sa mga miyembro ng WTO
___7. Isa sa mga kakayahan na hinahanap sa 21st Siglo na tumutukoy sa kakayahan
na humarap at makipag-ugnayan sa iba’t ibang uri ng tao
A. Media and Technology Skills C. Learning and Innovation Skills
B. Communication Skills D. Life and Career Skills
___8. Tumutukoy sa kakayahan sa ICT at information literacy
A. Media and Technology Skills C. Learning and Innovation Skills
B. Communication Skills D. Life and Career Skills
___9. Tumutukoy sa kakayahan sa tamang pagdedesisyon at pagdadala ng buhay.
A. Media and Technology Skills C. Learning and Innovation Skills
B. Communication Skills D. Life and Career Skills
___10. Kakayahan na matuto at makagawa ng bagong pamamaraan upang mapabilis
ang gawain.
A. Media and Technology Skills C. Learning and Innovation Skills
B. Communication Skills D. Life and Career Skills

Sa panahon ngayon na ang buong mundo ay nahaharap sa iba’t ibang


suliranin dulot ng COVID-19 kung saan ang paghahanapbuhay ay isang malaking
hamon para sa bawat manggagawa. Bilang isang mag-aaral, kung mabibigyan ka ng
pagkakataong maglatag ng 3 polisiya o bagong patakaran na makapagbibigay ng
proteksyon at seguridad sa mangaggawa, ano-ano ito? Ipaliwanag.

POLISIYA 1: ____________________________________________________________________

POLISIYA 2: ____________________________________________________________________

POLISIYA 3: _____________________________________________________________________

Natapos mo na ang ating Modyul para sa araling ito. Binabati Kita!!!

AP10-Qtr2-Wk3

You might also like