You are on page 1of 6

10

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan-Ika-3 Linggo

Pilyego ng mga Gawaing


Pampagkatuto

Mga Kalagayan, Suliranin at


Pagtugon sa Isyu ng Paggawa sa
Bansa
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
DIVISION OF AGUSAN DEL NORTE

PILYEGO NG MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


Pangalan ng Mag-aaral: __________________________ Seksyon: __________

Paaralan: ________________________________________________

Asignatura: Araling Panlipunan


Baitang: 10
Kwarter: Ikalawa
Kasanayan sa Pampagkatuto: Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at
pagtugon sa isyu ng paggawa sa bansa
Koda:
Buwan: Enero, 2021
Linggo: Enero 18-20, 2021 (Ika-3 Linggo)
Pamagat ng mga Gawain: Gawain 1: Sagutan at Unawain
Gawain 2: Imbentaryo ng Manggagawa sa
Pamilya
Gawain 3: Problem-Solution Idea Map
Mga Kagamitan: papel , bolpen at kwaderno
Mga Layunin: 1. Nakapagpapaliwanag sa mga kalagayan,
suliranin at pagtugon sa isyu ng
paggawa sa bansa;
2. Nakapagtatalakay sa mga suliranin at
pagtugon sa isyu ng paggawa sa bansa;
at
3. Nakapagmumungkahi ng mga solusyon
sa pagtugon sa isyu ng paggawa sa
bansa.

Aralin:

Mga Kalagayan, Suliranin at Pagtugon sa Isyu ng Paggawa sa Bansa

Malaking hamon sa bansa ang mga makabagong pagbabago sa iba’t


ibang larangan dulot ng globalisasyon. Kaakibat ng mga pagbabagong ito ay
ang mga hamon kung paano tutugunan ng bawat pamahalaan sa daigdig ang
mga suliraning naidulot ng globalisasyon, mga isyu sa lipunan na napag-
iwanan na ngunit hindi pa lubusang natugunan bagkus patuloy pang
lumalala lalo na sa mga usapin sa paggawa.

1
Mga Isyu sa Paggawa

Ang yamang tao ang lakas ng ating ekonomiya. Dito kinukuha


ang lakas-paggawa o labor force. Ang potensyal na lakas-paggawa
(potential labor force) sa Pilipinas ay binubuo ng lahat ng indibidwal na
may edad 15 taon hanggang 65 taon at tinatawag din itong “working age
population.” Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t
ibang anyo ng suliranin at hamon sa paggawa tulad ng mababang
pasahod, kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya, ‘job-
mismatch’ bunga ng mga ‘job-skills mismatch,’ iba’t ibang anyo ng
kontraktuwalisasyon sa paggwa, at ang mura at flexible labor.

Isang hamon din sa paggawa ay ang mabilis na pagdating at


paglabas ng mga puhunan ng mga dayuhang namumuhunan na mas
nagpatingkad naman ng kompetisyon sa hanay ng mga dayuhang
kompanya at korporasyon sa bansa. Dahil dito mas nahikayat ang mga
namumuhunan na pumasok sa bansa na nagdulot ng iba’t ibang isyu
sa paggawa. Ang mga pagbabagong ito ay nakaapekto sa mga
manggagawa sa iba’t ibang aspekto na nagbunsod ng maraming isyu sa
paggawa na hinaharap ng mga manggagawang Pilipino sa kasalukuyan
upang magkaroon ng disente at marangal na pamumuhay. Bunsod ng
tumataas na demand para sa globally standard na paggawa na
naaangkop sa mga kasanayan para sa ika-21 siglo. Ito ay ang Media and
Technology Skills, Learning and innovation Skills, Communication Skills
at Life and Career Skills (DepED, 2012).
Upang makatugon sa mga kasanayang ito, isinasakatuparan sa
panibagong kurikulum ang pagdaragdag ng dalawang taon sa basic
education ng mga mag-aaral na tinatawag na Senior High School. Isang
matinding hamon ang kinakaharap ng mga manggagawa mula nang
ipatupad ang patuloy na paglala ng “mura at flexible labor” sa bansa
(IBON, 2006). Ito ay isang paraan ng mga kapitalista o mamumuhunan
upang palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng
pagpapatupad ng mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng
paggawa ng mga manggagawa. Ang mura at flexible labor ay mga uri ng
paggawa na madalas kinabibilangan ng mga taong hindi nakapagtapos
ng pag-aaral o hindi kaya ay walang sapat na karanasan na tugma sa
kinakailangang trabaho.Ilan sa mga halimbawa nito ay construction
workers na hindi nabibigyan ng mga benepisyo at sapat na sahod.
Kabilang sa pag-unawa sa konsepto ng kawalan ng trabaho ay ang
pagtingin sa konsepto ng underemployed at unemployed Ang
unemployed ay kawalan ng trabaho o walang mapasukang trabaho
samantalang ang underemployed ay mga taong nagnanais na
magkaroon ng karagdagang oras sa trabaho o magkaroon ng dagdag na
mapagkikitaan. . Ito ay ilan sa mga isyung kinakaharap ng bansa sa
paggawa dahil sa patuloy na paglaki ng bilang ng job-mismatch dahil
hindi makasabay ang mga manggagawa sa kasanayan sa paggawa.

2
Mga Gawain:
Gawain 1: Sagutan at Unawain
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang
papel ang titik ng wastong sagot
1. Ang mga sumusunod ay epekto ng unemployment, maliban sa:
A. kahirapan
B. mataas na antas ng krimen
C. mababang ekonomiya ng bansa
D. maraming turista ang bibisita sa ating bansa.
2. Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng
suliranin at hamon sa paggawa, maliban sa:
A. job-mismatch
B. mababang pasahod
C. mura at flexible labor
D. hinasa ang kakayahan sa paggawa
3. Anong departamento ng pamahalaan ang tumutugon sa mga isyung
hinaharap ng mga manggagawang Pilipino?
A. Department of Education
B. Department of Labor and Employment
C. Department of Social Works and Development
D. Technical Education and Skills Development Authority
4. Ano ang tawag sa mga manggagawa na may mataas na antas ng kasanayan
at edukasyon na nagtatrabaho sa medyo mababa at kulang sa oras ang
trabaho?
A. kontraktuwal B. regular C. underemployed D. unemployed
5. Ano ang tawag sa dagdag na dalawang taon sa basic education ng mga
mag-aaral upang sanayin sa kasanayang pang-ika-21 siglo upang maging
globally competitive?
A. Madrasah Education
B. Special Education
C. Senior High School
D. Tertiary Education

Gawain 2:Imbentaryo ng Manggagawa sa Pamilya


Panuto:Kumpletuhin ang hinihinging impormasyon ng imbentaryo ng mga
mangagawa sa inyong pamilya.Pumili lamang ng isang miyembro ng
pamilya na isang manggagawa. Kopyahin ang talahanayan sa isang
buong papel at dito isulat ang sagot.
Pangalan
Relasyon
Edad
Edukasyon
Natapos na Kurso
Hanapbuhay
Status:

3
Regular/Kontraktuwal/Seasonal
Panuto: Sagutin ang mga tanong at isulat ang iyong sagot sa papel.
1. Ano ang masasabi mo sa hanapbuhay sa isa sa miyembro ng iyong
pamilya?
2. Ano-ano ang hamon o suliraning kinakaharap ng isa sa miyembro ng
pamilya sa kanyang trabaho?

Gawain 3: Problem-Solution Idea Map


Panuto:Pumili ng isang isyu o suliranin sa paggawa at magmungkahi ng
solusyon na may kaugnayan sa isyu. Buuin ang problem-solution
idea map. Kopyahin ang talahanayan at isulat sa papel ang
kasagutan.

Suliranin/Isyu sa Paggawa Solusyon

Rubrik:
Batayan sa pagmamarka sa Gawain 2 at Gawain 3
Mga Eksperto Mahusay Nagsisimula Baguhan Puntos
Paman- 5 puntos 4 puntos 3 puntos 2 puntos
tayan
Nilala- Kumpleto Kumpleto May ilang Maraming
Man at kumpre- ang kakulangan kakula-
hensibo ang nilala- sa nilalaman ngan sa
nilalaman. man. at may ilang nilalaman
Wasto ang Wasto ang maling .
lahat ng lahat ng impormas-
impormas- imporma- yon na
yon. syon nabanggit
Estilo Napakahu- Mahusay Mahusay Hindi
say at at nauna- ang paggawa gaanong
naunawaan waan ang mahusay
ang paggawa paggawa ang
paggawa
Organi- Detalyado, Mahusay Mahusay Kulang
sasyon mahusay at at nauuna- ang mga ang mga
nauunawaa waan ang ideya batay ideya
nang mga mga ideya sa batay sa
ideya batay batay sa impormas- impor-
sa impor- yong masyong
impormas- masyong inilalahad inilalahad
yong inilalahad
inilalahad
Kabuuang Puntos:

4
Konseptong Natutunan:
Sagutin ang mga katanungan at Isulat sa papel ang iyong sagot.
1. Ano-anong hamon sa paggawa na kasalukuyang kinakaharap ng mga
manggagawang Pilipino?
2. Sa iyong natutunang suhestiyon, alin sa iyong palagay ang kaagad
na tutugon sa mga isyung kinakaharap ng mga manggagawang
Pilipino?
3. Sa iyong palagay, ano-ano ang isyu o suliranin sa paggawa na
kailangan ng agarang pagtugon?

Sanggunian:

1. Araling panlipuna: Ekonomiya ng Pilipinas, Efeaza Academic


Publications, Tambo, Lipa City, Batangas, Philippines.
2. Dallo, Evangeline M, Eleanor D. Antonio, Consuelo M. Imperial,
Maria Carmelita B. Samson, Cella D. Soriano, Kayamanan Mga
Kontemporaryong Isyu, REX Book Store, Manila, Philippines,
pahina 69-95.
3. Kontemporaryong Isyu Learner’s Materials,(DepEd) pahina 187-
220.

Susi sa Pagwawasto:

C. 5. Ang puntos ay batay sa rubrik


C. 4.
A. 3. Map
D. 2. Gawain 3: Problem-Solution Idea
D. 1.
Manggagawa sa Pamilya
Gawain 1: Sagutan at Unawain Gawain 2: Imbentaryo ng

Manunulat: JEANETTE B. NAINGGE


Paaralan: Buenavista Special Education High School
Purok: Buenavista-I
email address jeanette.naingge001@deped.gov.ph

You might also like