You are on page 1of 9

10

Edukasyon sa Pagpapakatao
Quarter 2 – Week 5
Weekly Learning Activity Sheet

MGA YUGTO NG MAKATAONG KILOS AT MGA


HAKBANG SA MORAL NA PAGPAPASIYA

WLAS ADN
WEEKLY LEARNING ACTIVITY SHEET
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO QUARTER 2, WEEK 5

MGA YUGTO NG MAKATAONG KILOS AT MGA HAKBANG SA MORAL NA


PAGPAPASIYA

Pangalan _________________________________ Pangkat ____________________

Most Essential Learning Competency (MELC)

A. Naipapaliwanag ang bawat yugto ng makataong kilos.


B. Natutukoy ang mga kilos at pasiyang nagawa na umaayon sa bawat
yugto ng makataong kilos.
Learning Objectives

A. Naipapaliwanag ang bawat yugto ng makataong kilos.(EsP10MK-IIe-7.1)


B. Natutukoy ang mga kilos at pasiyang nagawa na umaayon sa bawat
yugto ng makataong kilos.(EsP10MK-IIe-7.2)

Time Allotment – Isang Linggo

Key Concepts: Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 10, Learner’s Material, pp.143-


158
EXERCISES/ACTIVITIES

BALIK TANAW!

Gawain 1

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sitwasyon. Tukuyin kung ito ay


nagpapakita ng makataong kilos at guhitan ng masayang mukha ang
katabing bilog. Malungkot na mukha naman kung nagpapakit ng di
makataong kilos.

1. Nakita ni Joel kung sino ang sumuntok sa kapitbahay niya subalit


nagkibit-balikat siya ng tanungin ng pulis.

2. Niyaya si Libeth ng kanyang kasintahan na magtanan dahil raw


mahal nila ang isa’t-sa pero hindi siya sumang-ayon.

3. Tinanggihan ni Alma ang paanyaya ng kaniyang kaibigan na mag-


inuman.

4. Naglinis ng simbahan ang dalagitang si Ana dahil alam niyang


may simba kinabukasan.

5. Pinulot ni John ang mga kalat sa pasilyo kahit hindi naman siya
inutusan.
TUKLASIN NATIN!

GAWAIN 1

Panuto : Sa mga ibinigay na mga sitwasyon, hanapin mula sa kahon ang posibleng
epekto ng isinagawang pasiya ng tauhan at isulat ito sa talahanayan.

A. Hindi nasama sa mga batang nalunod sa ilog.


B. Nailigtas ang mga kalabaw at nasiyahan ang ama.
C. Manonood nalang ng TV dahil tapos na sa mga gawain.
D. Nakakuha ng malaking marka sa proyekto.
E. Maraming naimbak na paggatong kahit tag-ulan.

Sitwasyon at kilos na isinagawa Epekto ng isinagawang pasiya


1. Araw-araw pagkatapos ng klase ay
kumukuha si John ng panggatong at
dala-dala niya ito pauwi mula sa
paaralan. Kahit yayain siyang ng
barkada ay tumatanggi siya.
2. Pagkauwi sa bahay ni Janice ay agad
niyang ginagawa ang mga gawaing
bahay at mga aralin. Hindi siya
sumasama sa mga kaibigan na
nagdadaldalan at nagkakasiyahan
lang.
3. Niyaya si Renz ng kaniyang mga
kaibigan na maligo sa ilog dahil
Sabado naman. Pero hindi siya
sumama bagkos tinulungan niya ang
kaniyang nanay sa paglalaba.
4. Umalis ang tatay ni Ben nang
bumaha sa kanilang lugar. Agad
niyang itinali ang mga kalabaw ng
kaniyang itay sa ligtas at mataas na
lugar bago pumunta sa evacuation
center.
5. Kulang na sa oras si Hack upang
gumawa ng proyekto. Mungkahi ng
kaniyang kaklase na gayahin nalang
ang proyekto niya subalit gumawa
parin siya ng sarili niya.

GAWAIN 2

Panuto: Tukuyin kung nagpakita ba ng mapanagutan at makataong kilos ang mga


tauhan sa mga sitwasyon. Lagyan ng tsek ( )kung oo at ekis kung hindi
(x).
__________1. Araw-araw pagkatapos ng klase ay kumukuha si John ng panggatong
at dala-dala niya ito pauwi mula sa paaralan. Kahit yayain siya ng barkada ay
tumatanggi siya.
__________2. Pagkauwi sa bahay ni Janice ay agad niyang ginagawa ang mga
gawaing-bahay at mga aralin. Hindi siya sumasama sa mga kaibigan na
nagdadaldalan at nagkakasiyahan lang.

__________3. Niyaya si Renz ng kaniyang mga kaibigan na maligo sa ilog dahil


Sabado naman. Pero hindi siya sumama bagkos tinulungan niya ang kaniyang
nanay sa paglalaba.

__________4. Umalis ang tatay ni Ben nang bumaha sa kanilang lugar. Agad niyang
itinali ang mga kalabaw ng kaniyang itay sa ligtas at mataas na lugar bago
pumunta sa evacuation center.

__________5. Kulang na sa oras si Hack upang gumawa ng proyekto. Mungkahi ng


kaniyang kaklase na gayahin nalang ang proyekto niya subalit gumawa parin siya
ng sarili niya.

Mga Gabay na Tanong:

Panuto: Gamit ang rubriks na nasa ibaba, sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.

5 3 2 1
Nilalaman at Kompleto, Tugma at maayos Kulang at hindi Hindi angkop
Presentasyon napakaayos at ang mga ideya maayos ang at hindi
tugma, ang pagkasunod-sunod magkasunod-
apgkasunod-sunod ng mga ideya sunod ang
ng mga ideya mga ideya
Wastong baybay at Tama ang Tama ang Tama ang bantas Maraming
bantas pagkakabaybayat pagkakabaybay ngunit mayilang mali sa
paggamit ng mga ngunit may ilang mali sa pagkakabayba
bantas bantas na mali pagkakabaybay y at paggamit
ng bantas
Kabuuan 10 6 4 2

1. Sa kabuuan, nakita mo ba ang mahalagang pananagutan mo sa bawat


pasiya na iyong ginagawa? Ipaliwanag.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Ano ang nararamdaman mo kung pinag-uusapan ang pananagutan?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Paano ito nakatutulong sa iyo bilang kabataan?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

TALAKAYIN NATIN!
(Kinuha sa Batayang Aklat ng ESP 10, Modyul ng Mag-aaral. Pp 151-157)

Bahagi ng buhay ng tao ang magsagawa ng pasiya. Ito ay madalas mong


ginagawa sa iyong pang-araw-araw na buhay.
Ayon kay Tomas de Aquino, may 12 Yugyo ito at nahahati sa dalawang
kategorya : ang isip at kilos-loob.
ISIP KILOS-LOOB
1. PAGKAUNAWA SA LAYUNIN 2. NAIS NG LAYUNIN
3. PAGHUHUSGA SA NAIS MAKAMTAN 4. INTENSIYON NG LAYUNIN
5. MASUSING PAGSUSURI NG PARAAN 6. PAGHUHUSGA SA PARAAN
7. PRAKTIKAL NA PAGHUHUSGA SA PINILI 8. PAGPILI
9. UTOS 10. PAGGAMIT
11. PANGKAISIPANG KAKAYAHAN NG 12. BUNGA
LAYUNIN

Paano gagamitin ang mga yugtong ito?

Sitwasyon: nakakita si Alvin ng isang bagong modelo ng cellphone sa isang


mall kung saan siya namamasyal. Lahat ng kaniyang mga kaibigan ay
mayroon na nito.

Suriin natin ang paglalapat ng makataong kilos sa sitwasyong ito.

1. PAGKAUNAWA SA LAYUNIN – Matagal na niyang nais magkaroon ng


bagong cellphone sapagkat luma na ang kaniyang ginagamit.
2. NAIS NG LAYUNIN – ang unang reaksiyon ni Alvin ay ang pagkakaroon ng
pagnanasa rito. Nag-iisip na siya kung saan kukuha ng pera para mabili
ito.
3. PAGHUHUSGA SA NAIS MAKAMTAN – ito ang nais ng kaniyang kalooban,
ang magkatoon ng bagong modelo ng cellphone.
4. INTENSIYON NG LAYUNIN – hanggang ngayon ay wala paring kalayaan si
Alvin na pumili sapagkat ang kaniyang kilos-loob ay likas na tumatanggap
lamang kung ano ang mabuti na sinasabi ng kaniyang isip. Mayroon siyang
pera ngunit iniipon niya iyon para sa kaniyang pag-aaral sa kolehiyo.
Kailangan niyan gpumili, bilhin niya ang bagong modelo ng cellphone o
hayaang maubos ang pera para sa kaniyang pag-aaral sa kolehiyo. Kung
itinigil na niya ang ideya na bilhin ang cellphone, natatapos na rito ang
moral na kilos
Ngunit, kung nag-isip pa siya ng ibang alternatibo tulad ng panghihiram ng
pera sa mga kaibigan o barkada, ang moral na kilos ay nagpapatuloy.
Pinag-iisipan na niya ngayon ang iba’t ibang paraan upang mabili ang bagay
na iyon. Bibilhin ba niya ito ng cash o instalment? O nanakawin ba niya ito?
5. MASUSING PAGSUSURI NG PARAAN – ang pagsusuri ng paraan na
kaniyang gagawin ay nagpapatuloy at ang pagsang-ayon niya sa mga
nasabing pagpipilian.
6. PAGHUHUSGA SA PARAAN – ngayon ay huhusgahan na niya kung alin
ang pinakamabuti. Pagbabayad sa kabuuang halaga, pagbabayad paunti-
unti o pagnanakaw; pagkatapos ay huhusgahan niya ang pinakamabuti sa
lahat.
7. PRAKTIKAL NA PAGHUHUSGA SA PINILI – ang isip ay kasalukuyang
pumipili ng pinakamabuting paraan.
8. PAGPILI – dito ay pumapasok na ang malayang pagpapasiya na kung saan
ang kaniyang isip ay nag-uutos na bilhin ang nasabing cellphone.
9. UTOS – matapos niya itong bilhin ay ginamit na niya ito agad.
10. PAGGAMIT – ngayon ay mauunawaan niya kung angkop ba ang kaniyang
isinagawang kilos.
11. PANGKAISIPANG KAKAYAHAN NG LAYUNIN – ngayon ay ikatutuwa niya
ang pagtatamo ng cellphone.
12. BUNGA – ito ang resulta ng kaniyang pinili.

ATING TAYAHIN!

Panuto: Lagyan ng bilang 1-12 ayon sa pagkasunod-sunod ng mga Yugto ng


Pagpapasiya. Isulat ang numero sa patlang bago ang bilang.

__________1. PAGKAUNAWA SA LAYUNIN


__________2. NAIS NG LAYUNIN
__________3. PAGHUHUSGA SA NAIS MAKAMTAN
__________4. INTENSIYON NG LAYUNIN
__________5. MASUSING PAGSUSURI NG PARAAN
__________6. PAGHUHUSGA SA PARAAN
__________7. PRAKTIKAL NA PAGHUHUSGA SA PINILI
__________8. PAGPILI
__________9. UTOS
__________10. PAGGAMIT
__________11. PANGKAISIPANG KAKAYAHAN NG LAYUNIN
__________12. BUNGA
PAGKATUTO AY ISABUHAY MO!

Panuto: Mula sa ibinigay na sitwasyon, punan ang talahanayan at tukuyin ang


angkop na pasiyang nagawa ayon sa yugto nito mula sa kahon.
ISIP KILOS-LOOB
1. PAGKAUNAWA 2. NAIS NG LAYUNIN
SA LAYUNIN

3. PAGHUHUSGA 4. INTENSIYON NG
SA NAIS LAYUNIN
MAKAMTAN

5. MASUSING 6. PAGHUHUSGA SA
PAGSUSURI PARAAN
NG PARAAN
7. PRAKTIKAL NA 8. PAGPILI
PAGHUHUSGA
SA PINILI
9. UTOS 10. PAGGAMIT

11. PANGKAISIPA 12. BUNGA


NG
KAKAYAHAN
NG LAYUNIN

Sitwasyon : Pagod na pagod si Joan pagkagising dahil napuyat ka kagabi.


Kailangan mong maglinis.

A. Dito ay pumapasok na ang malayang pagpapasiya kung matutulog muli o


maglilinis
B. Matapos makapili, agad niyang sinimulan ang gawain.
C. Ngayon niya malalaman na tama ba ang kaniyang pasiya na maglinis.
D. Ngayon ay ikatutuwa niya ang ginawang paglilinis.
E. Ito ang resulta ng kaniyang pinili.
F. Pagod na pagod siya, pero ipinagbilin ng nanay na maglinis agad.
G. Nais niyang matulog uli.
H. Matulog ang nais ng kaniyang kalooban.
I. Gusto niyang matulog dahil antok na antok siya, subalit gusto niyang
maglinis upang di pagalitan
J. Sinusuri niyang mabuti ngayon kung anong gagawin niya.
K. Pipiliin niya kung alin ang pinakamabuti.
L. Ang isip ay kasalukuyang pumipili sa pinakamabuting paraan.
PAGNINILAYAN NATIN!

Panuto : Balikan mo ang iyong mga isinagawang pasya na hindi mo malilimutan.


Batay sa iyong natutuhan sa araling ito, tukuyin ang iyong mga naging
reyalisasyon. Isulat ito sa scroll. Ang pagbibigay ng puntos ay base sa
rubrik na nasa Gawain 2.

SANGGUNIAN

Kagawaran ng Edukasyon. “Edukasyon sa Pagpapakatao”, Grade 10 Larner’s M aterial. pp.


143-158

Photo Credits
Ayo, Eduardo Jr. “Children Praying”, Butuan City, 2020
reah.enciso@deped.gov.ph
Division of Agusan del Norte
Doña Rosario National High School
REAH B. ENCISO
Pagkatutoy isabuhay mo
Tuklasin Natin! Gawain 1 1. F
2. G
1. E
3. H
2. C
4. I
3. A
5. J
4. B
6. K
5. D
7. L
8. A
Gawain 2
9. B
1. tsek
10. C
2. tsek
11. D
3. tsek
12. E
4. tsek
5. tsek
Ating Tayahin!
1. 1
2. 2
3. 3
Balik Tanaw 4. 4
5. 5
1. 
2.  6. 6
3.  7. 7
4.  8. 8
5.  9. 9
10. 10
11. 11
12. 12
SUSI NG PAGWAWASTO!

You might also like