You are on page 1of 4

EXEQUIEL R.

LINA HIGH SCHOOL


Brgy. Poblacion Norte, Licab, Nueva Ecija

MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


Edukasyon sa Pagpapakatao 10- Quarter 2, Week 1
Pangalan: _________________________ Baitang at Pangkat: ________________ Petsa: __________________
Kilos Ko, Pananagutan Ko!

I.Kasanayang Pampagkatuto
1. Naipaliliwanag na may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula ito sa kalooban na malayang isinagawa
sa pamamanutbay ng isip/kaalaman (EsP10MK-IIa-5.1)
2. Natutukoy ang mga kilos na dapat panagutan (EsP10MK-IIa-5.2)
II.Layunin
a. Nakapagsusuri ng mga sitwasyong nakaaapekto sa pagkukusa ng kilos dahil sa kamangmangan, masidhing
damdamin, takot, karahasan at gawi
b. Nakikilala ang bawat salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kanyang kilos at pasya
III. Konsepto ng Pagpapahalaga
May dalawang uri ng kilos ng tao: ang kilos ng tao (acts of man) at makataong kilos (human act). Ang kilos ng tao
(acts of man) ay mga kilos na nagaganap sa tao. Ito ay likas sa tao o ayon sa kanyang kalikasan bilang tao at hindi ginaga-
mitan ng kilos-loob. Ang kilos na ito ay masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti o masama – kaya walang panana-
gutan ang tao kung naisagawa ito
Ang makataong kilos (human act) naman ay kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman, malaya, at kusa. Ang
kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito.
Karaniwang tinatawag itong kilos na niloob, sinadya at kinusa sapagka’t isinasagawa ito ng tao sa panahon na siya ay
responsable, alam niya ang kanyang ginagawa at ninais niyang gawin ang kilos na ito.
IV. MGA GAWAIN
Panuto: Piliin ang tamang pasya sa bawat sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Nakagagawa ng mali ang tao hindi dahil ninais niya kundi nakikita niya ito bilang mabuti at nakapagbibigay ito ng
kasiyahan. Ito ay sa kadahilanang ang _______ niya ay nakatuon at kumikiling sa mabuti sa kanya na nakita niya bilang
tama.
a. isip b. kalayaaan c. kilos-loob d. dignidad
2. Ang tao ay inaasahan na dapat gumagawa palagi ng mabuting kilos. Anuman ang mabuti at dapat isinasakatuparan
niya. Ang mabuting gawa ba ay dapat gawin sa lahat ng pagkakataon?
a. Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihan ng lahat.
b. Oo, dahil ang hindi nito pagsakatuparan ay isang maling gawain.
c. Hindi, dahil walang obligasyon ang tao na gawin ito.
d. Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung ang hindi pagsakatuparan nito ay magdadala ng
isang maling bunga.
3.Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang hindi madaraig na kamangmangan/
a. Pagliban ng isang estudyante sa klase sa kadahilanang wala siya noong nagbigay ng takdang aralin ang kanilang
guro
b. Hindi pagsusuot ni Mabel ng kanyang ID kaya hindi siya pinapasok.
c. Pagpasiya ng isang estudyante na pumasok sa klase kahit pa laging huli sa pagpasok ang kanilang guro
d. Pag-uwi ng maaga ni Pedro dahil sa may emergency meeting ang mga guro ng araw na iyon
4. Alin sa mga ito ang kilos na dahil sa takot?
a. Ang pagnanakaw ng kotse c. Ang pagsisinungaling sa tunay na sakit
b. Ang pag-iingat ng isang doctor sa pag-oopera d. Ang pag-ilag ni Manny Pacquiao sa suntok
5. Alin sa sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit hindi mapananagutan ang kilos dahil sa karahasan?
a. Dahil sa malakas na impluwensiya sa kilos c. Dahil hindi kayang maapektuhan ang isip
b. Dahil sa kahinaan ng isang tao d. Dahil hindi kayang maapektuhan ang kilos-loob
6. Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin?
a. Panliligaw sa crush c. Pagsugod sa bahay ng kaalitan
b. Pagbatok sa kaibigan dahil sa biglaang panloloko d. Panlilibre sa barkada dahil sa mataas na markang nakuha
7. Alin sa mga ito ang hindi maituturing na gawi?
a. Paglilinis ng ilong b. Pagpasok ng maaga c. Pagsusugal d. Maalimpungatan sa gabi
8. Anong kilos ang hindi ginagamitan ng kaalaman?
a. Makataong kilos b. Likas na kilos c. Mapanagutang kilos d. Masamang kilos
9. Ano ang kaakibat ng makataong kilos/
a. Kalayaan b. Kaalaman c. Pananagutan d. Pagmamahal

Address: Brgy. Poblacion Norte, Licab, Nueva Ecija


300845
Mobile No.: (0917)506-2282
Email Address: erlhs01231965@gmail.com SCHOOL ID
EXEQUIEL R. LINA HIGH SCHOOL
Brgy. Poblacion Norte, Licab, Nueva Ecija

10. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng makataong kilos MALIBAN sa ______


a. paglilinis b. paglalakad c. pagluluto d. pagtulong

Gawain 2

Panuto: Gamit ang talahanayan, tukuyin kung ang kilos sa unang kolum ay nagpapakita ng presensiya ng isip, kilos-loob, at
kung ito ay mapanagutan kilos. Lagyan ng tsek ( / ) kung ang kilos ay ginamitan ng isip, kilos-loob at mapanagutan, at ekis
( x ) naman kung hindi

Mga Kilos at Gawain ng Tao Isip Kilos- Mapanagutan Paliwanag


loob g kilos
1. Pagdadala ng drayber ng taxi sa ospital sa
kaniyang matandang pasahero na inatake sa
puso
2. Pagsauli ng sobrang sukli sa tinder sa
palengke
3. Paghikab ng malakas na hindi tinatakpan ang
bibig
4. Pagsasalita habang natutulog
5. Pagtanggi sa isang alok ng barkada na
magpunta sa comedy bar dahil sa maaga pa
ang pasok bukas at may report sa trabaho
kinabukasan na dapat tapusin
6. Paghimas sa tiyan dahil sa gutom
7. Pagsisikap na bumuo ng mga tanong na may
mapanuring pag-iisip sa ginagawang
investigatory project
8. Pagkurap ng mata
9. Pagtuturo ng guro sa kaniyang klase nang
handa at may pagnanais na magbahagi ng
kaniyang kakayahan ayon sa learning
competency ng kaniyang aralin
10. Pagsigaw dahil sa pagkagulat sa paputok
Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasampung Baitang, Modyul Para sa mag-aaral, Unang Edisyon 2015

Inihanda ni: Binigyang- pansin:

NERISSA C. BAUTISTA VENUS M. GALINDO MARY FINELA M. BAYAN, PhD


Guro III Ulong Guro III Principal IV

Address: Brgy. Poblacion Norte, Licab, Nueva Ecija


300845
Mobile No.: (0917)506-2282
Email Address: erlhs01231965@gmail.com SCHOOL ID
EXEQUIEL R. LINA HIGH SCHOOL
Brgy. Poblacion Norte, Licab, Nueva Ecija

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Summative Test 1 (Module 1 & 2)

I. Panuto: Isulat ang salitang SANG-AYON kung ang ipinapahayag ng pangungusap ay tama at
DI SANG-AYON kung ang pangungusap ay mali. Isulat ang iyong sagot sa malinis na papel
1. Ang makataong kilos ay kilos na ginagamitan ng kusang- loob, kalayaan at ng kaalaman.
2. Lahat ng kilos ng tao ay may pananagutan
3. Sa makataong kilos, wala kang anumang pananagutan kung ang iyong ginawang kilos ay mali o masama.
4. Ang makataong kilos ay pagbuo ng pasya ng may presnsiya ng kabutihan sa gitna ng mga isyung moral at
impluwensiya ng kapaligiran
5. Hindi pananagutan ng taong nagsagawa ng makataong kilos ang bunga ng kanyang piniling kilos
6. Dahil sa isip at kilos loob ng tao, siya ay may kapangyarihang kumilos ayon sa kanyang nais at ayon sa
katwiran
7. Ang kusang-loob ay uri ng kilos ayon sa kapanagutan na may kaaalaman ngunit walang pagsang-ayon
8. Ang di kusang-loob ay makikita sa kilos na hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat
isakatuparan.
9. Ayon kay Aristoteles, ang kilos o gawa ay agad nahuhusgahan kung masama o mabuti.
10. Anumang uri ng tao ang isang indibidwal ngayon at kung anong magiging uri ng tao siya sa mga susunod
na araw ay nakasalalay sa uri ng kilos na kanyang ginagawa ngayon at gagawin pa sa nalalabing araw ng
kanyang buhay.

II. Panuto; Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Lagyan ng tsek ( / ) ang tapat ng pangungusap kung ang
pahayag ay nagpapakita ng makataong kilos at ekis ( x ) naman kung maling kilos. Ipaliwanag kung
bakit mo nasabing ito ay makataong kilos o hindi. Isulat ang iyong sagot sa malinis na papel.

Mga Sitwasyon / or X Paliwanag


1. Pagsasabi ng totoo sa mga taong
nakapaligid sa iyo
2. Pagsasauli ng sobrang sukli sa tindahan

3. Paggawa ng lahat ng gusto mo kahit hindi


tama o may masasaktang ibang tao
4. Pagkakaroon ng disiplina sa sarili

5. Pagtatapon ng basura kung saan saan

6. Pagsunod sa batas

7. Pagplano ng paghihiganti sa taong


nakaalitan mo
8. Pagkuha ng gamit na hindi sa iyo

9. Pagtulong sa mga nangangailangan lalo na


sa kapus-palad
10. Pagsagot sa mga magulang kung ikaw ay
pinagsasabihan sa mali mong kilos

Inihanda ni: Binigyang pansin:

NERISSA C. BAUTISTA VENUS M. GALINDO MARY FINELA M. BAYAN, PhD


Guro III Ulong Guro III Punong Guro IV

Address: Brgy. Poblacion Norte, Licab, Nueva Ecija


300845
Mobile No.: (0917)506-2282
Email Address: erlhs01231965@gmail.com SCHOOL ID
EXEQUIEL R. LINA HIGH SCHOOL
Brgy. Poblacion Norte, Licab, Nueva Ecija

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
Summative Test 2 (Module 3 & 4)

I. Panuto: Tukuyin kung anong salik ang nakaaapekto sa makataong kilos. Piliin ang iyong sagot mula sa
mga salitang nasa ibaba.

KAMANGMANGAN MASIDHING DAMDAMIN TAKOT KARAHASAN GAWI

1. Si Lando ay bagong salta sa Maynila, tumawid siya sa isang kalsada kung saan ipinagbabawal ang pagtawid
2. Nagsisigaw si Ana ng sapilitang kunin ng snatcher ang kanyang bag.
3. Tuwing araw ng Linggo ay sama-samang nagsisimba ang mag-anak na Dela Cruz.
4. Katatapos lamang manood ni Rolan ng isang horror movie. Habang nag-iisa, naglalaro sa isip niya ang mga
napanood kaya pakiramdam niya ay may nakatingin sa kanya. Biglang may tumalon na pusa sa harapan
niya kaya siya ay napasigaw.
5. Habang nasa sasakyan, nalaman ni Ateng na siya ay nanalo sa lotto. Hindi sinasadyang napasigaw siya dahil
sa tuwang nararamdaman kahit maraming tao.
6. Pinatawag si Andrea ng kaniyang guro ng dahil sa hindi pagpasa nito ng kanilang proyekto sa kanilang
paaralan
7. Isang kaklase mong siga ang namimilit sa iyo na kumuha ng pagkain sa canteen. Binantaan ka niya na
aabangan sa labas kung hindi mo siya susundin. Sa pagtanggi mo ay pinitik niya ang iyong tenga kaya
napilitan ka na sundin siya.
8. Nakasanayan na ni Jasmin na gumising ng maaga may pasok man o wala.
9. Pauwi si Nato mula sa kanyang trabaho nang harangin siya ng mga tambay at kinuha ang kanyang pera. Sa
sobrang nerbiyos ay naibigay niya ang lahat ng kanyang pera at tumakbo palayo.
10. Maysakit ang iyong kapatid at wala naman ang iyong ina, kaya kinuha mo ang gamot na nakita mo sa
lalagyan at ipanainom agad sa kanya. Hindi nagtagal ay nagsusuka ang iyong kapatid matapos mo siyang
painumin ng gamot.

II. Panuto: Ang makataong kilos ay may papel ng isip at kilos-loob. Bilang tao, hindi natin hangad ang
masamang bunga ng ating piniling kilos o gawa; kung kaya dapat na maging maingat sa mga
pagpapasiya. Kung maharap ka sa mga sitwasyon sa ibaba, ano ang iyong dapat gawin? Ipaliwanag

1. Sa isang pangkatang gawain, hinati kayo ng inyong guro sa tig-aapat sa bawat pangkat. Ngunit may isa
kayong kaibigan na nais makisama sa inyong pangkat.

2. May napulot kang cellphone sa tricycle na sinasakyan mo

3. May mali sa panuto ng inyong guro at maaaring mamali kayo sa inyong pagsagot.

4. Nalaman mo na may kasintahan na ang iyong nakababatang kapatid

Inihanda ni: Binigyang pansin:

NERISSA C. BAUTISTA VENUS M. GALINDO MARY FINELA M. BAYAN, PhD


Guro III Ulong Guro III Punong Guro IV

Address: Brgy. Poblacion Norte, Licab, Nueva Ecija


300845
Mobile No.: (0917)506-2282
Email Address: erlhs01231965@gmail.com SCHOOL ID

You might also like