You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
LUAKAN NATIONAL HIGH SCHOOL
LUACAN, DINALUPIHAN, BATAAN

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

I. PANUTO: Basahin at unawain ang bawat tanong sa UNI-STRUCTURAL. Piliin ang titik ng tamang sagot
at isulat sa sagutang papel.

1. Sa tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ni Aristotle, alin ang karapat-dapat panagutan?
A. Walang kusang- loob
B. Di kusang-loob
C. Kusang-loob
D. Kilos ng tao
2. Alam mong bawal at labag sa iyong kalooban ang “dagdag timbang” pero ginawa mo pa rin
dahil katwiran mo, ginagawa naman ito ng lahat ng nagtitinda sa palengke. Anong uri ito ng
kilos ayon sa kapanagutan?
A. Walang kusang- loob
B. Di kusang-loob
C. Kusang-loob
D. Kilos ng tao
3. Paano mailalarawan ang kusang-loob na kilos ayon kay Aristotle?
A. Ang kilos ay nagpapakita ng kaalaman tungkol sa gawain at pagsang-ayon
B. Ang kilos ay hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan
C. Ang kilos ay walang pagsang-ayon dahil walang kaalaman ang taong nagsasagawa dito
D. Ang kilos ay resulta ng bulong ng konsensiya
4. Ikaw ay laging tumutugon sa tawag ng komunidad sa panahon ng pangangailangan,
sinisiguro mong kahit na maliit na bagay ay may maitutulong ka sa inyong lugar. Sa gawaing
tulad nito, may kapanagutan ka ba sa kahihinatnan ng iyong kilos? Bakit?
A. Wala, dahil hindi masama ang layunin o intensiyon ng pagtulong
B. Wala, dahil kusa kong ginawa ito at walang pumilit
C. Oo, dahil mayroon akong lubos na pagkaunawa sa kalikasan ng aking gagawin at
kahihinatnan nito
D. Oo, kung may masamang magiging bunga ng aking ginawa
5. Bakit hindi mapanagot ang taong nagsagawa ng kilos sa walang kusang-loob na uri ng kilos?
A. May depektibo sa intensiyon at pagsang-ayon ng taong nagsagawa sa kilos
B. Ang tao ay walang alam kaya’t walang pagkukusa sa kilos
C. Ang tao ay may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan pero hindi isinagawa
D. Ang tao ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan ng kilos
6. Ang mga hindi mo namamalayang galaw ng iyong katawangaya ng paghikab, reaksiyon sa
pagkagulat o pagkurap ng mata ay mga halimbawa ng .
A. Kilos ng tao
B. Di kusang-loob
C. Kusang-loob
D. Nakasanayang kilos
7. Nakapulot si Elsa ng bag na naglalaman ng pera. Alam niyang hindi niya dapat buksan ito
dahil hindi niya pag-aari pero nagbabasakali siyang makakita ng pagkakakilanlan ng may-
ari ng bag. Sa sitwasyong ito, alin ang maituturing na makataong kilos?
A. Ang pagkapulot niya ng bag na naglalaman ng pera
B. Ang pagbukas niya sa bag para malaman ang pagkakakilanlan ng may-ari

Address:M. B. Pinili Street, Luacan, Dinalupihan 2110 Bataan


School ID:300708E-mail Address:luakannationalhighschoolmain@gmail.comTelephone No.:(047) 633-2135
C. Alam niyang mali na buksan ang bag na hindi niya pag-aari
D. Nagbabasakaling makilala ang ma-ari ng bag
8. Buong husay na ginagawa ni Elmer ang kaniyang mga proyekto sa lahat ng kaniyang
asignatura. Alam niyang mataas na grado ang katumbas nito at tiyak na ikatutuwa ng
kaniyang mga magulang. Bakit kusang-loob na uri ng kilos ang nasa sitwasyon?
A. Maliwanag sa halimbawa na kusa at may lubos na kaalaman si Elmer sa ginagawa niya
B. Maliwanag na hindi niya namamalayang nagagawa pala niya nang maayos ang kaniyang
proyekto
C. Maliwanag na hindi niya ginusto ang kaniyang ginagawa dahil lamang sa kagustuhan
niyang matuwa ang kaniyang mga magulang
D. Ang sitwasyon ay hindi nagpapakita ng kusang-loob na uri ng kilos kundi ito ay walang
kusang-loob
9. Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginagamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may
pananagutan ang tao sa pagsasagawa nito.
A. kilos ng tao
B. tungkulin
C. pananagutan
D. makataong kilos
10. Ayon kay ____________, may pagkasunod-sunod (sequence) ang pagsasagawa ng makataong
kilos.
A. Sto. Tomas de Aquino
B. Aristoteles
C. Louis de Poissy
D. Socrates
II. PANUTO: Basahin at unawain ang bawat tanong. Tukuyin kung ang pahayag ay TAMA o ito
ay MALI ayon sa paliwang ng mga salik na nakakaapekto sa kahihinatnan ng kilos at pasiya.

__________11. Si Anna ay laging maagang gumigising para mag-ehersisyo at gawin ang mga
gawaing bahay. Ang paulit-ulit na pagsasagawa nito ni Anna ay maituturing na
gawi.

__________12. Nawalan ng trabaho ang tatay ni Brooke sa panahon ng pandemia. Dahil dito,
nakaramdam siya ng takot na baka matigil ang kanyang pag-aaral. Ang takot ay
nagdudulot ng pagkabagabag ng isip.

__________13. May kakayahan ang bawat tao na makita ang mga kahihinatnan ng kanilang mga
kilos at pasiya kung kaya't nag-iingat sila sa lahat ng kanilang ginagawa.

__________14. Ayon sa Teorya ni David Kolb sa pamamagitan ng pagmamasid, ang isang tao ay
nagkakaroon ng pagkakataon na matutunan ang isang kilos ito ay maaaring
makataong sa kilos o masamang kilos.

__________15. Ang masidhing damdamin ng isang tao ay maaaring magdulot ng kilos na hindi
sinasadya.

__________16. Nakita mo ang isang pasahero sa jeep na "binu-bully" ang kanyang katabi ang
pangyayaring ito ay isang halimbawa ng karahasan at hindi ito mabuting tularan.

__________17. Dahil sa kawalan ng sapat na kaalaman, ang tao ay nakakagawa ng maling


desisyon, ngunit maaari niya itong itama.

__________18. Ayon sa Teorya ni Albert Bandura ang pagninilay ay likas sa bawat tao. Ang bawat
tao ay may kakayahang sumailamin o magnilay sa kanilang kilos at mga pasiya sa
buhay.
__________19. May mga maling kilos at desisyon ang tao na hindi maaaring mabigyan ng solusyon.

__________20. Mahalagang pag-isipang ng tao ang kanyang mga kilos at pasya upang maiwasan
ang pagsisisi sa kahihinantnan.

III. MULTI-STRUCRURAL
PANUTO: Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod:

21-22 Dalawang uri ng kilos ng tao (Tagalog and English term)

23-25 Tatlong uri ng mapanagutang kilos

26-30 Mga salik na nakaaapekto sa makataong kilos

31-33 Halimbawa ng makataong kilos

34-35 Halimbawa ng kilos ng tao

IV. RELATIONAL
PANUTO: Pagnilayan ang bawat sitwasyon at tukuyin ang layunin, paraan at sirkumstansya sa
bawat ipinakitang kilos.

36-38 SITWASYON 1:

Malapit na ang unang markahang pagsusulit, si Mark ay nagkulong sa kanyang silid upang
magrepaso sa ganoon ay mayroon siyang maisasagot sa mga tanong sa araw ng pagsusulit.

LAYUNIN: _______________________________________________

PARAAN: _______________________________________________

SIRKUMSTANSYA: ________________________________________

39-41 SITWASYON 2:

Si Mayumi ay magaling sa asignaturang Matematika. Siya ang panlaban ng paaralan sa mga


kompetisyon at palagi siyang nananalo. Tinuturuan niya ang kanyang kamag-aral na mahina sa
asignatura tuwing may bakante siyang oras.

LAYUNIN: _______________________________________________

PARAAN: _______________________________________________

SIRKUMSTANSYA: ________________________________________

42-44 SITWASYON 3:

Naiwang mag isa si Dave sa kanilang bahay kaya’t siya ay malungkot. Tinawagan at niyaya siya ng
kanyang mga kaibigan na nag-iinuman para sumali sa kanila. Dahil nag-iisa at nalulungkot si
Dave, pinuntahan niya ang kanyang mga kaibigan at nakipag-inuman.

LAYUNIN: _______________________________________________

PARAAN: _______________________________________________

SIRKUMSTANSYA: ________________________________________
45-47 SITWASYON 4:

Gustong gusto ni Kim na magkaroon ng cellphone. Isang hapon habang mag-isa lamang siya sa
kanilang silid ay Nakita niyang naiwan ng kanyang kamag-aral ang cellphone nito. Kinuha ito ni
Kim at itinago.

LAYUNIN: _______________________________________________

PARAAN: _______________________________________________

SIRKUMSTANSYA: ________________________________________

48-50 SITWASYON 5:

Mayroong pagsusulit na pinaghahandaan si Zonia kinabukasan. Si Zonia ay nagnanais na


makakuha ng mataas na marka. Dahil dito, siya ay pumasok ng maaga sa paaralan at doon siya
nag review ng kanyang aralin upang siya ay makapasa.

LAYUNIN: _______________________________________________

PARAAN: _______________________________________________

SIRKUMSTANSYA: ________________________________________

You might also like