You are on page 1of 4

TAMBO NATIONAL HIGH SCHOOL

NAIA Road, Brgy. Tambo, Parañaque City


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
PAUNANG PAGTATAYA-UNANG MARKAHAN
Pangalan:________________________________________________ Petsa:________________
Baitang at Pangkat:______________________________ Iskor:_______________

Unang Bahagi. PAGPIPILI: Basahin at unawain ang mga sumusunod na aytem.


Piliin ang tamang sagot at isulat sa sagutang papel (ANSWER SHEET)

1. Hindi nakagagawa ng mali ang tao dahil ninais niya, kundi nakikita niya ito bilang mabuti at nakapagbibigay ng
kasiyahan. Alin sa sumusunod ang ginamit niya upang ituon at kumiling sa mabuti na nakikita niya bilang tama?
a. isip b. kalayaan c. kilos-loob d. dignidad

2. Ang tao ay inaasahan na dapat palaging gumagawa ng mabuting kilos. Anuman ang mabuti ay dapat
isinasakatuparan niya. Ang mabuting gawa ba ay dapat gawin sa lahat ng pagkakataon?
a. Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihan ng lahat.
b. Oo, dahil ang hindi nito pagsasakatuparan ay isang maling gawain.
c. Hindi, dahil walang obligasyon ang tao na gawin ito.
d. Hindi, dahil ang mabuting kilos ay isinasakatuparan kung hinihingi ng pagkakataon.

3. Alin sa mga sumusunod na kilos ang ang hindi maituturing na kilos ng tao o acts of man?
a. pagtibok ng puso
b. pagkaramdam ng sakit mula sa isang sugat
c. pagkurap ng mata
d. paglalakad palayo sa mga nagtsi-tsismisan

4. Ito ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon kaya


a. kusang loob b. di kusang loob c. walang kusang-loob d. wala sa nabanggit

5. Ito ang kilos na walang kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon walang pananagutan.
a. kusang loob b. di kusang loob c. walang kusang-loob d. wala sa nabanggit

6. Ito ang kilos na may kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon.


a. kusang loob b. di kusang loob c. walang kusang-loob d. wala sa nabanggit

7. Ito ang kilos na isinasagawa ng tao nang may kaalaman, ginagamitan ng isip at kilos loob kaya’t may
kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito.
a. acts of man b. human Acts c. walang kusang-loob d. di kusang loob

8. Ang kilos na ito ay masasabing walang aspekto ng pagiging masama kaya walang
ang tao kung naisagawa ito
a. acts of man b. human Acts c. walang kusang-loob d. di kusang loob

9. Ayon kay ______, anumang uri ng tao ang isang indibidwal ngayon at kung magiging anong uri siya ng tao sa
mga susunod na araw, ay nakasalalay sa uri ng kilos ng kaniyang ginagawa ngayon at gagawain pa sa mga
nalalabing araw ng kaniyang buhay
a. Agapay b. Dy c. Del Mundo d. Agapito

10. Ito ay uri ng kilos na ang mga halimbawa ay paghinga, pagtibok ng puso, pagkurap ng mata, pagkaramdam
ng
sakit mula sa isang sugat at paghikab
a. acts of man b. human Acts c. walang kusang-loob d. di kusang loob

11. Ito ang kilos na resulta ng kaalaman, ginagamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may kapanagutan ang tao sa
pagsasagawa nito
a. acts of man b. human Acts c. kilos na niloob d. di kusang loob

12. Ayon kay ______, ang kilos o gawa ay hindi agad nahuhusgahan kung masama o mabuti. Ang pagiging
mabuti
at masama nito ay nakasalalay sa intensiyon kung bakit ginawa ito.
b. Agapay b. Aristoteles c. Del Mundo d. Agapito

13. Ayon sa kanya, hindi lahat ng kilos ay obligado


a. Agapay b. Aristoteles c. Santo Tomas d. Agapito

14. Ito ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao.


a. pagkamalimutin b. kamangmangan c. alaala d. memorya

15. Siya ang nagsabi na para sa mga magsasaka at manggagawang Pilipino, “May karapatan kayong mamuhay at
pakitunguhan kayo nang naaayon sa inyong dangal bilang tao; at kasabay nito, may karampatang tungkulin din
kayo na makitungo sa kapwa sa ganito ring paraan...”
a. Papa Juan Pablo II
b. Papa Juan Pablo III
c. Papa Juan Pablo IV
d. Papa Juan Pablo V

Ikalawang Bahagi TAMA O MALI. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang pahayag at salitang MALI naman kapag hindi
wasto ang pahayag

1. Ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay panghabambuhay.


2. Ang dignidad ay likas na kakayahan ng tao upang paunlarin niya ang kaniyang sarili.

3. Ang pagiging bukod-tangi ng tao ang mabigat na dahilan ng kaniyang dignidad.

4. Bilang tao, may karampatang tungkulin din tayo na igalang ang dignidad ng kapwa.

5. Ang dignidad ng tao ay dipende sa estado sa buhay.


6. Ang tao ay nilikha ng Diyos na katangi-tangi. Siya ay kakaiba sa lahat ng nilikha sa mundo. Siya ay nilikha ng
Diyos na kawangis Niya
7. Ang makataong kilos ay kilos na malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng konsensya.
8. Ang dignidad ang nagbibigay patunay kung ang tao ay may kontrol at pananagutan sa sarili.
9. Ang konsensya ay galing sa salitang Latin na “voluntas” na ang ibig sabihin ay Will o Kilos-loob
10. May mga katangian ang tao na nagpapabukod-tangi sa kaniya kung ihahalintulad sa ibang nilikha
11. Ang tao ay nilikha na may puso at kilos-loob.
12. Ang tao ay obra maestra ng Diyos dahil nilikha siyang katulad din ng mga hayop.
13. Ang mataas na gamit ng isip ay makaunawa; ang mataas na gamit ng kilos-loob ay
kumilos.
14. Ang tunguhin ng isip ay mahanap ang katotohanan; ang tunguhin ng kilos-loob ay
kumilos.
15. Ang tamang paggamit ng isip at kilos-loob sa anumang sitwasyon ay daan upang
makamit ang mabuting pagpapasiya.
16. Ang prinsipyo ng Likas na Batas Moral ay nararapat isaalang-alang upang maiwasan ang
paggawa ng masama.
17. Ayon sa prinsipyo ng Likas na Batas Moral, nararapat lamang pangalagaan ng tao ang
sarili niyang buhay at hindi ang buhay ng iba.
18. Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung hinuhusgahan nito ang tama bilang tama at
mali bilang mali.
19. Unahin palagi ang kaligayahang pansarili kahit makapagdudulot ito ng kawalan ng
hustisya sa iba.
20. Ang mabuting pagpapasya ay dapat maging kapaki-pakinabang sa kapwa at sa sarili.

Ikatlong bahagi. Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Ilagay ang tsek (✔) kung ito ay nagpapakita ng
pagmamahal at paglilingkod sa paggamit ng kalayaan at ekis ⌧ kung hindi. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

1. Si Peter ay naglaan ng kaniyang oras upang tumulong sa sa mga nasalanta ng bagyo.


2. Si Monica ay nagalit sa babaeng namamalimos sa daan.
3. Pag-aalaga sa nakababatang kapatid dahil pagod na ang iyong Nanay bilang nurse dulot ng pandemya.
4. Tinulungan ni Noel ang matanda na tumatawid.
5. Ang iyong kapitbahay ay walang magagamit na gadget para sa darating na pasukan. Walang face to face na
magaganap kaya’t ang pinaglumaan ng kapatid mo na gadget na maaari pang magamit sa pag-aaral ay ibinigay
na lamang ninyo sa inyong kapitbahay.
6. Pinahiram ni Nico ng paying ang batang naglalakad sa ulan.
7. Tinulungan ni Bea ang titser na dalhin ang kanyang mga gamit.
8. Binigay ni John ang kanyang natirang pera sa nammalimos sa daan.
9. Si Kim ay isang guro na nagtuturo sa mga batang nasa kalsada.
10. Si Mon ay nagalit sa Grab rider dahil ito ay matagal.

Ikaapat na bahagi. Isulat ang tsek (✔) kung ang sitwasyong binasa ay nagpapakita ng wastong
paggamit ng isip at kilos-loob bilang batayan sa wastong pagkilos at ekis (x) naman kung
hindi. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.

1. Nagmamadaling makabayad ng pinamili si Rachel sa grocery store ngunit mahaba ang


pila dahil sa social distancing at maraming namimili ng maramihan dahil sa pandemya.
Nang nakita niya ang kaniyang kapitbahay sa pila sa kahera ay sinabihan niya na isingit
na lamang siya sa pila.
2. Alam ni Kim na maaaring magalit ang mga kaklase kapag isinumbong niya ang mga ito
tungkol sa patago nilang pagsusugal sa group chat room ngunit naglakas loob pa rin siya
na sabihin ito sa kanilang guro sa pamamagitan ng text.
3. Napangiti ka ng maalala mo na noong nakaraang taon ay nagmamadali ka sa pag-uwi
dahil kaarawan ng iyong ina. May humintong jeep sa iyong harapan ngunit nakita mo ang
iyong guro na nag-aabang ng masasakyan kaya pinili mo na siya ay paunahin sa
pagsakay at mag-aabang ka na lang ng susunod na masasakyan.
4. Napanood ni Lotty sa isang programa sa telebisyon na ang maliit na piraso ng basura ay
nakapagdudulot ng pinsala sa kalikasan ngunit sa pagmamadaling makasakay ng jeep
ay inihagis niya ang supot ng kaniyang pinagkainan sa tabing kalsada.
5. Pinaalalahanan si Ryan ng kanyang ina na huwag magbabad sa paglalaro ng online
games dahil mayroon siyang proyekto na kailangang tapusin para maipasa kinabukasan.
Si Ryan ay sumunod naman agad sa kaniyang ina.

You might also like