You are on page 1of 3

IPAG NATIONAL HIGH SCHOOL

Mariveles, Bataan

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


Edukasyon sa Pagpapakatao 10

I. PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin at Isulat ang titik ng
pinakawastong sagot.

1. Kung kikilalanin ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita ng isang taong nanakit sa kapuwa dahil sa galit
bilang reaksiyon sa panloloko nito sa kanya?
a. Walang kusang –loob b. Kusang –loob c. Di kusang –loob d. Kilos –loob
2. Nakagagawa ng mali ang tao hindi dahil ninais niya kundi nakikita niya ito bilang mabuti at nakapagbibigay ito ng
kasiyahan. Ito ay sa kadahilanang ang ___________ niya ay nakatuon at kumikiling sa mabut sa kanya na nakikita niya
bilang tama.
a. Isip b. Kalayaan c. Kilos –loob d. Dignidad
3. Alin sa mga sumusunod ang kilos na dahil sa takot?
a. Ang pagnanakaw ng kotse. c. Ang pagsisinungaling sa tunay na sakit.
b. Ang pag –iingat ng isang doctor sap ag oopera d. Ang pag ilag ni Manny Paquiao sa suntok ng kalaban.
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi ginagamit ng tao upang siya ay maging isang makatao?
a. Isip b. Kilos –loob c. Kalayaan d. Puso
5. Ayon kay Agapay, ang ________ ang nagbibigay patunay kung ang isang tao ay may kontrol at pananagutan
sa sarili.
a. Pagmamahal b. Kilos c. Gawi d. Konsensiya
6. Ito ay uri ng kilos na likas sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at
kilos-loob.
a. Makataong kilos b. Kusang –loob c. Kilos ng tao d. Walang kusang –loob
7. Ito ay uri ng kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman, malaya, at kusa.
a. Makataong kilos b. Kusang –loob c. Kilos ng tao d. Walang kusang –loob
8. Ito ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang gumagawa ng kilos ay may lubos na pagkaunawa sa
kalikasan at kahihinatnan nito.
a. Kusang –loob b. Di Kusang –loob c. Walang kusang loob d. Wala sa nabanggit
9. Dito ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon sa kilos. Ang kilos na ito ay hindi
pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya’t walang pagkukusa.
a. Kusang –loob b. Di Kusang –loob c. Walang kusang loob d. Wala sa nabanggit
10. Dito ay may kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon. Makikita ito sa kilos na hindi isinagawa bagaman
may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan.
a. Kusang –loob b. Di Kusang –loob c. Walang kusang loob d. Wala sa nabanggit

II. PANUTO: Suriin ang mga sumusunod na halimbawa kung ito ba ay halimbawa ng:
A. Kilos ng tao B. Makataong Kilos C. Kusang –loob D. Di Kusang –loob E. Walang Kusang –loob;
titik lamang ang isulat.
11. Pagtibok ng puso.
12. Paglilinis ng bahay nang may kasamang pagdadabog.
13. Pagtulong sa kapwa nang may inaasahang kapalit.
14. Pagkurap ng mata.
15. Hindi pakikialam sa problema ng isang grupo sa kadahilang wala siya sa panahon na ito ay naganap.
16. Pagbibigay ng donasyon sa mga nasalanta ng kalamidad.
17. Hindi pagsipot sa isang okasyon na walang kaugnayan sa natapos na propesyon.
18. Paghinga.
19. Pagtulong sa isang may kapansanan sa pagtawid sa kalsada dahil lamang sa maraming taong nakamasid sa
kanya.
20. Pagdidisiplina sa nakababatang kapatid upang hindi ito mawala sa tamang landas.
III. Suriin ang mga sumusunod na pahayag kung ito ay nagsasaad ng katotohanan o hindi. Isulat
ang salitang TAMA o MALI.

21. Ang makataong kilos ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian, kung ano tayo at kung ano
ang kalalabasan ng ating kilos batay sa ating pagpapasya.
22. Sa bawat makataong kilos, ang kilos loob ang tumutungo sa iba’t -ibang layunin.
23. Ang papel na ginagampanan ng kilos loob ay humusga at mag utos.
24. Ang papel naman ng isip ay tumutungo sa layunin o intension ng tao.
25. Sa etika ni Sto.tomas de Aquino, ang moral na kilos ay makataong kilos sapagkat malayang patungo ito sa layunin na
pinag iisipan.
26. Ang Sirkumstansiya tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas o nakadaragdag sa
kabutihan o kasamaan ng isang kilos.
27. Ayon kay Max Scheler, ang mismong kilos ay hindi maaring husgahan kung mabuti o masama kung hindi nito
isasaalang –alang ang layunin ng taong gumagawa nito.
28. Ang Paraan ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos loob.
29. Hindi lahat ng kilos ng tao ay maituturing na makatao. Ang makataong kilos ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nasasalamin
ng ating pagkatao.
30. Hindi makapaghahangad ng anuman ang isang tao kung wala itong pinakahuling layunin at ito ay ang makapiling ang diyos sa
kabilang buhay.

IV. Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at sagutin ang tanong. Ipaliwanag ang sagot sa pamamagitan ng
tatlong pangungusap. (10 puntos)
31-35 Isa ka sa mga sumisikat na batang actor sa inyong henerasyon at mapalad na mapiling gumanap sa isang palabas
sa telebisyon. Nang mabasa mo ang script, naisip mong may ilang eksenang hindi ka komportableng gawin. Ngunit ayon
sa director, kung nais mong magpatuloy ang iyong pagsikat, dapat mong sundin ang script at gawin ang papel mo,
mabuti o masama man ito sa paningin ng iba. Ipinaalala niya na marami ang naghihintay ng pagkakataong sumikat at
gampanan ang papel na ibinigay sa iyo. Ano ang gagawin mo?

36-40 Paborito mong tiyuhin si Bert, kahit may isyu siya sa alkoholismo.Habang naglalakad ka pauwi, napadaan siya dala
ang kaniyang sasakyan at inanyayahan kang ihatid sa ainyong bahay. Napansin mong nakainom siya at maaring
maaksidente kayo kung sasakay ka. Ngunit naisip mong madilim na at wala ka na ring kasabay sa paglalakad pauwi.
Tulad ng nauna mong naisip, nakabangga siya ng isang puno ngunit mapalad pa ring walang malubhang nasaktan sa
inyong dalawa maliban sa ilang gasgas sa iyong braso. Nakiusap ang Tito Bert mo na huwag nang sabihin sa iyong mga
magulang ang nangyari. Napansin ng iyong ina ang mga gasgas mo sa braso pagkarating mo sa bahay. Ano ang gagawin
mo?

V. Ibigay ang hinihingi sa mga sumusunod na bilang.

41-44 Apat na mahahalagang tao na nabanggit sa Modyul 7 na nagbigay aral patungkol sa pagsasakatuparan ng
mabuting kilos
45-50 Mga hakbang sa Moral na Pagpapasya

Inihanda ni :

Maria Edna T. Viray


(Guro sa Edukasyon sa Pagpapakatao) Iniwasto ni:
Joey R. Silva
(HTIII-OIC)

You might also like