You are on page 1of 3

IPAG NATIONAL HIGH SCHOOL

Mariveles, Bataan

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


Edukasyon sa Pagpapakatao 7
I. PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin at Isulat ang titik ng pinakawastong
sagot.
1. Ang paghahanap ng isip ay sa kanyang tunay na tunguhin ay hindi nagtatapos. Ang pahayag ay:
a. Mali, dahil natatapos na ito sa pagkamatay ng tao.
b. Tama, dahil ang isip ng tao ay hindi perpekto, mayroon itong hangganan
c. Tama, dahil hindi katulad ng katawan, ang isip ay hndi tuluyang nagpapahinga.
d. Mali, dahil kapag naabot na ng tao ang kanyang kaganapan ay hihinto na ang kanyang paghahanap sa kanyang tunay
na tunguhin.
2. Ang mga sumusunod ay katangian ng isip maliban sa:
a. Ang isip ay may kapangyarihang mag –alala.
b. Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran.
c. Ang isip ay may kapangyarihang maglapat ng mga pagpapasya.
d. Ang isip ay may kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng buhay.
3. Sa pamamagitan ng kilos loob nahahanap ng tao ang _______________.
a. kabutihan b. kaalaman c. katotohanan d. karunungan.
4. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ang tao ay nilikha ng ayon sa wangis ng Diyos?
a. dahil sa kakayahan niyang makaalam at magpasya nang Malaya
b. dahil sa maganda ang kanilang mukha
c. dahil sa marunong silang magmahal
d. dahil may buhay sila
5. Ang Likas na Batas Moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ay pangkalahatang katotohanan
na may makatwirang pundasyon. Anong katangian ng Likas na Batas Moral ang tinutukoy sa pangungusap.
a. Obhektibo b.Unibersal c. Walang hangganan d. Di –nagbabago
6. Ang Likas na Batas Moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi, kultura sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon. Ito
ay nangangahulugan na ang Likas na Batas Moral ay:
a. Obhektibo b.Unibersal c. Walang hangganan d. Di –nagbabago
7. Ang kalayaan ng tao ay nakasalalay sa kanyang ________________.
a. Isip b. Dignidad c. Kilos –loob d. Konsensiya
8. Ayon kay Sto. Tomas, ang kalayaan ay katangian ng kilos –loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa maaaring
hantungan at ang paraan upang makamit ito. Ito ay nangangahulugang:
a. Ang kalayaan ng tao, katulad ng kilos –loob ay nakabatay sa dikta ng isip.
b. Malaya ang taong gamitin ang kanyang kilos loob upang pumili ng particular na bagaya o kilos.
c. Ang hantungan ng kilos ay itinatakda ng tao batay sa kanyang pagiging mapanagutan sa paggamit ng kalayaan.
d. Lahat ng nabanggit.
9. Ang kalayaan ay hindi lubos. Ang pangungusap na ito ay nangangahulugang:
a. Magiging Malaya lamang ang tao kung ang kanyang ginawa ay kabutihan.
b. Ang kalayaan ng tao ay nagtatapos sa kanyang paglabag sa Likas na Batas Moral.
c. Hindi ganap na Malaya ang tao, hindi siya maaring mamili batay lamang sa kanyang nais.
d. Lahat ng nabanggit.
10. Ano ang nagbibigay ng hugis at direksyon sa kalayaan?
a. Isip b. Konsensiya c. Batas Moral d. Dignidad

II. Buuin ang batayang konsepto ng aralin. (10 puntos) 11-20


III. PANUTO: Pagtapatin ang mga pahayag sa Hanay A sa nararapat na katambal nitong salita sa Hanay B. Isulat
lamang ang LETRA ng inyong sagot.

HANAY A HANAY B
21. Ito ay nagmula sa salitang Latin na cum at scientia a. Panloob na Kalayaan
22. Ito ay ibinigay sa tao noong siya at likhain. b. Kalayaan
23. Ito ay katangian ng Likas na Batas Moral c. Tama
na ang ibig sabihin ay sinasaklaw nito ang lahat ng tao. d. Mali
24. Ito ay katangian ng Likas na Batas Moral e. Di –nagbabago (Immutable)
na ang ibig sabihin ay nakabatay sa katotohanan. f. Walang Hanggan (Eternal)
25. Ito ay katangian ng Likas na Batas Moral g. Obhektibo (Objective)
na ang ibig sabihin ay umiiral at mananatiling iiral. h. Unibersal (Universal)
26. Ito ay katangian ng Likas na Batas Moral i. Likas na Batas Moral
na ang ibig sabihin ay hindi nagbabago. j. Konsensiya
27. Ito ay uri ng konsensiya na nakabatay sa mga l. Dignidad
maling prinsipyo o ang tamang prinsipyo sa maling paraan.
28. Ito ay uri ng konsensiya kung saan lahat ng kaisipan
at dahilan na kakailanganin sa paglapat ng obhektibong
pamantayan ay naisakatuparan nang walang pagkakamali.
29. Ito ay masusumpungan sa
pagsunod sa likas na Batas Moral.
30. Isa sa halimbawa nito ay Kalayaang gumusto
IV. Suriin ang mga sumusunod na pahayag kung ito ay nagsasaad ng katotohanan o hindi. Isulat ang salitang TAMA
o MALI.
31. Sa pamamagitan ng tamang uri ng konsiyensiya, naisasagawa ang pangkalahatang pamantayang moral sa pang-
araw-araw na buhay.
32. Itinuturing ang konsiyensiya bilang batas- moral na itinanim ng pamahalaan sa isip at puso ng tao.
33. Sa pamamagitan ng konsiyensiya nakagagawa ang tao ng mga pagpapasiya at nasusunod ang batas-moral sa
kaniyang buhay.
34. Ang batas ang pinakamalapit na pamantayan ng moralidad.
35. Ang konsiyensiya ay likas sa tao upang maghusga sa mabuti o masama na maaaring gawin.
36. Ang dignidad ng tao ay mula sa Diyos kaya ito ay likas sa tao.
37. Ang Dignidad ay galing sa salitang Latin na “DIGNITAS”, mula sa “DIGNUS”, na ang ibig-sabihin ay “karapat-
dapat”.
38. Dahil sa dignidad lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makasasakit o makakasama
sa ibang tao.
39. Ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay ibinibigay hangga’t siya ay nabubuhay.
40. Isa sa mensahe ng Golden Rule ay pakitunguhan ang kapwa ayon sa nais mong gawin nilang pakikitungo sa iyo.

V. Pag –aralan ang mga sumusunod na sitwasyon at gumawa ng sariling pagpapasiya. Ipaliwanag ang iyong
pagpapasya.

41-45 Ang iyong kaklase at matalik na kaibigan na si Adel ay nagtapat sa iyo na lalayas siya sa bahay nila dahil sa
problema sa kanilang pamilya. Dahil sa matalik kayong magkaibigan,ipinagkatiwala niyang ipagtapat sa iyo kung saan
siya pupunta. Subalit mahigpit ang bilin niya na huwag itong sasabihin sa iba lalo na sa kaniyang mga magulang.
Kinabukasan, pumunta ang nanay niya sa inyo at humihingi sa iyong tulong. Ano ang gagawin mo?

46-50 Mula sa natutunan mo sa inyong leksyon tungkol sa kalinisan ng kapaligiran, nalaman moa ng suliranin sa basura
at mga epekto nito sa sambayanan. Mayroong babala sa inyong barangay na nagtatakda ng parusa sa mga taong
mahuhuling nagtatapon ng basura sa hindi itinakdang lugar na tapunan nito. Isang gabi na nagpapahangin ka sa labas ng
inyong bahay, nakita moa ng matalik na kaibigan ng iyong ama na nagtapon ng basura sa hindi itinakdang lugar na
tapunan. Ang ama moa ng kapitan ng inyong barangay,ano ang gagawin mo?

Inihanda ni :

Maria Edna T. Viray


(Guro sa Edukasyon sa Pagpapakatao) Iniwasto ni:
Joey R. Silva
(HTIII-OIC)

You might also like