You are on page 1of 6

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 7

Name: _________________________ Date:_______ Score:_______


Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong sa bawat bilang. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kapangyarihan ng tao na pumili, magpasiya at
isakatuparan ang napili?
a. Dignidad c. Kalayaan
b. Isip d. Kilos-loob
2. Walang katapusan ang paghahanap ng tao sa katotohanan. Alin sa mga sumusunod na pahayag
ang kahulugan ng pangungusap?
a. Hindi perpekto ang isip ng tao kaya wala siyang kakayahang malaman ang katotohanan.
b. May limitasyon ang isip ng tao kaya nakadarama siya ng kakulangan.
c. Patuloy ang hilig ng tao na matuklasan ang kaniyang kapaligiran.
d. Walang katapusan ang pag-aaral ng tao hanggat siya ay nabubuhay.
3. Upang magkaroon ng pag-unawa, kailangang gamitin ng tao ang pandamdam. Alin sa mga
sumusunod na pahayag ang ibig sabihin ng pangungusap?
a. Kailangan ng tao ang pandamdam upang makilala ang mga bagay sa labas ng kanyang isip.
b. Hindi magkakaroon ng kaalaman ang tao kung hindi niya ito nararamdaman.
c. Walang kakayahan ang pandamdam na makaalam kaya kailangan ng tao ang isip.
d. Ang pag-unawa ay nagaganap sa pamamagitan ng pandama ng tao.
4. Nahuli ng gising si Ombos sa umaga at nahuhuli na siya sa kaniyang unang klase sa paaralan.
Napuyat siya sa kanonood sa telebisyon. Nagalit siya sa kaniyang ina dahil hindi siya ginising ng
maaga. Ano ang dapat gawin ni Ombos?
a. Dapat niyang isipin na may kakayahan siyang pumili ng kilos niya at hindi kasalanan ng
kaniyang ina kung bakit siya napuyat.
b. Dapat niyang patawarin ang ina dahil hindi niya ito kasalanan at sisihin niya ang sarili sa
paggising ng huli.
c. Dapat ay magsilbing aral sa kaniya ito at ibilin nang mas maaga sa kaniyang ina ang
paggising sa kaniya.
d. Dapat aiyang magalit sa kaniyang sarili dahil hindi siya sanay magising nang maaga.
5. “It’s better to cheat than to repeat!” Ito ang pinaniniwalaan ni Ramy sa buhay niya. Ito ang dahilan
kung bakit sa tuwing may pagsusulit ay gumagamit siya ng kodigo. Ayaw niyang maulit ng taon sa
kaniyang baitang at ayaw niyang mabigo sa kaniya ang mga magulang. Ano ang dapat niyang
isipin?
a. Isipin niya na walang katotohanan ang ganitong prinsipyo at paminsan-minsan lang dapat ito
ginagawa.
b. Isipin niya na totoong mas magiging masaya ang kaniyang mga magulang kung
makatatapos siya ng pag-aaral.
c. Isipin niyang hindi siya lubos na matututo bagamat nakakapasa siya sa pagsusulit.
d. Isipin na hindi maiiwasan ang pandaraya paminsan-minsan.
6. Ang tao ay bukod-tangi sa lahat ng mga nilikhang may buhay sa mundo. Ang pahayag ay:
a. Mali, dahil tangi ang Diyos lamang ang bukod-tangi sa lahat at Siya ang lumikha sa atin.
b. Tama, dahil tao lamang ang may isip kumpara sa lahat ng nilikha na may buhay.
c. Tama, dahil mayroong isip at kilos-loob ang tao kumpara sa ibang nilikha.
d. Mali, dahil lahat ng nilikha ay pantay pantay sa mata ng Diyos.
7. Hindi nakapag-aral sa Science si Wilmar dahil napuyat siya sa paggawa ng ibang takdang-aralin.
Nagkaroon sila ng biglaang pagsusulit sa klase. Nakita niya ang kaniyang mga kaklase na
nagkokopyahan. Inalok siya na kumopya sa kanila. Ano ang dapat gawin ni Wilmar at bakit?
a. Hindi niya tatanggapin ang alok ng kaklase at sasagutan niya ang pagsusulit dahil mas
mabuting masukat ang kanyang nalalaman nang hindi nangongopya sa iba.
b. Kokopya siya at sa susunod siya na ulit ang magpapakopya dahil dapat siyang tumanaw ng
utang na loob sa kaniyang mga kaklase.
c. Kokopya siya sa kaniyang kaklase dahil mapapagalitan siya ng kaniyang guro kapag hindi
siya makapasa sa pagsusulit.
d. Ipapasa niya ang kaniyang papel na walang laman dahil hindi tama ang pangongopya.
8. Sobra ang sukli sa iyo ng tindera nang bumili ka ng pagkain mo. Naalala mo na may babayaran ka
sa iyong kaklase para sa inyong proyekto. Ano ang gagawin mo at bakit?
a. Isasauli ko ang sobrang sukli dahil magiging kawawa ang tinderang nagkamli at siya ang
magbabayad sa kulang.
b. Ibabayad ko sa kaklase ko ang sobrang sukli dahil mas makakatipid ako kaysa manghingi
pa sa aking mga magulang.
c. Sasabihin ko sa kaibigan ko ang nangyari at paghahatian namin ang pera.
d. Hindi kp isasauli dahil hindi naman ako ang nagkamali.
9. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng katotohanan tungkol sa relasyon ng isip at kilos-loob?
a. Ang mabuti at masama ay binibigay ng kilos-loob upang makapili ang isip ng mabuting kilos.
b. Nakadepende ang isip sa pinipiling mabuting kilos ngbkilos-loob.
c. Ang kilos-loob ay hindi nagkakamali dahil sa kakayahan ng isip.
d. Umaasa ang kilos-loob sa katotohanan na nalalaman ng isip.
10. Ang tao, hayop, at halaman ay may pagkakatulad. Subalit ang tao ay nilikha na may kakayahang
higit sa ibang nilikha, kaya tinatawag ang tao na obra-maestra. Ang tao ay nagtataglay ng isip at
kilos-loob. Alin sa mga sumusunod ang buod ng talatang ito?
a. Ang isip at kilos-loob ang nagpapabukod-tangi sa tao kaysa sa ibang nilikha.
b. Ang tao ay naiiba dahil tao lang ang sinasabing obra-maestra.
c. Nakahihigit ang tao dahil walang kakayahan ang mga hayop at halaman na mamuhay nang
mag-isa.
d. Pantay-pantay ang lahat ng nilikha, ngunit may pagkakaiba rin ang mga ito.
11. Mayroong dalawang elemento ang konsensiya; una, ang maunawaan ang masama at mabuti sa
isang sitwasyon; ikalawa, ang paghatol kung ang isang pasya o kilos ay mabuti o masama at ang
pakiramdam ng obligasyong piliin ang mabuti. Ito ay nangangahulugan na ang pangunahing gamit
ng konsensya ay:
a. Kilalanin ang mabuti at masama sa isang sitwasyon.
b. Tukuyin ang dapat gawin sa isang sitwasyon.
c. Makinig sa pakiramdam na piliin ang mabuti.
d. Pagnilayan ang kalalabasan ng pasiya o kilos.
12. Ano ang batayan ng konsensiya sa paghusga ng mabuti at masama?
a. Batas panlipunan c. Mga aral ng magulang
b. Likas na Batas Moral d. Mga turo sa simbahan
13. Ang Likas na Batas Moral ay hindi naiimpluwensyahan ng anomang bagay lalo na ang pagtingin ng
tao rito. Ang batas na ito ay nangangahulugang?
a. Di nagbabago c. Unibersal
b. Obhektibo d. Walang hanggan
14. Alin sa sumusunod ang tama tungkol sa Likas na Batas Moral?
a. Ito ay batas na binuo ng lipunan upang magkaroon ng gabay ang bawat isa sa pagiging
mabuti.
b. Ito ang nagbibigay ng kakayahan sa konsensiya na kilalanin ang mabuti at masama.
c. Ito ay pamantayan na dapat sundin ng lahat ng nilikha ng Diyos na may buhay.
d. Ito ang batayan sa paghusga sa kung ano ang tama at maling pasiya at kilos.
15. Ang konsensiya ay ang personal na pamantayang moral ng tao. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil ang konsensiya ang pinakamalapit na pamantayan ng moralidad ng tao.
b. Mali, dahil ang Likas na Batas Moral ang mas mataas na pamantayan sa moralidad ng tao.
c. Mali, dahil ang paghuhusga ng tama at mali ay hindi personal.
d. Tama, dahil ang konsensiya ang lumilikha sa tama at mali.
16. Alin sa sumusunod ang hindi naglalarawan sa konsensiya?
a. Ito ang nagsasabi sa atin ng malinaw kung ano ang hindi at dapat nating gawin.
b. Ito ay isang kilos ng isip na maghusga kung ang kilos o pasiya ay mabuti o masama.
c. Ito ay batayan ng kilos-loob sa paghuhusga ng mabuti o masama.
d. Ito ay ang pangunahing kamalayan sa mabuti at masama.
17. Ano ang dahilan kung bakit ang konsensiya ang praktikal na paghuhusga ng isip?
a. Ito ang kakayahan ng isip na maghusga ng kabutihan o kasamaan ng isang pasiya o kilos.
b. Ito ang pangunahing kamalayan sa mabuti o masama.
c. Ito ang naglalapat ng Likas na Batas Moral.
d. Ito ang sinusunod ng kilos-loob.
18. Pagkatapos ng kaniyang klase sa hapon, niyaya si Qiarah ng kaniyang kaklse na manuod ng sine
at kumain sa Restawrant. Bago magpasiya si Qiarah, naisip niya ang kanilang takdang-aralin. Kung
sasama siya, gagabihin siya at mawawalan na ng oras sa pagsagot nito. Kung hindi naman siya
sasama, mas marami siyang oras sa paggawa ng takdang-aralin. Sa anong panahon kumikilos ang
konsensiya ni Qiarah?
a. Bago ang kilos. c. Pagkatapos gawin ang kilos.
b. Habang iniisip ang kilos. d. Habang isinasagawa ang kilos.
19. Naghahanda ng kodigo si Jomarie bago ang pagsusulit nila sa English. Sa oras ng pagsusulit,
nakaramdam siya ng balisa sa paggamit nito. Naisip niya na masama angbgumamit ng kodigo at
mas mabuting maging tapat. Sa anong panahon kumikilos ang konsensiya ni Jomarie?
a. Habang isinasagawa ang kilos. c. Habang iniisip ang kilos.
b. Pagkatapos gawin ang kilos. d. Bago ang kilos.
20. Ano ang kalayaang magnais o hindi magnais?
a. Kalayaang tumukoy. c. Kalayaang gumusto.
b. Panlabas na kalayaan. d. Panloob na kalayaan.
21. “Ang pinili ko ay masama kaya ako ay nagsisisi.”Ano ang kahulugan ng pangungusap na ito?
a. Ang kasamaan ay bunga ng kalayaan ng tao.
b. Ang kalayaan ang pinanggalingan ng masama.
c. Ang kasamaan ay kaakibat ng mabuti.
d. Nagsisi ako dahil may kalayaan ako.
22. “Nagsisisi akp dahil ginawa ko ang masama na hindi ko dapat ginawa.” Ano ang kahulugan ng
pangungusap na ito?
a. Nagsisisi lamang ang tao sa pansariling kilos na ginawa niya.
b. Pagsisisi ang resulta nang hindi paggamit ng tama sa kalayaan.
c. Ang tao ay may tungkuling iwasan ang tukso sa paligid.
d. Ang kasamaan ay dapat pinag-iisipan.
23. Ayon lay Ester Esteban, ang mga sumusunod na pahayag ay mapanagutang paggamit ng kalayaan
MALIBAN sa:
a. Nakahandang harapin ang anumang kahihinatnan ng pagpapasiya.
b. Naisaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat.
c. Hindi sumasalungat ang kilos sa Likas na Batas Moral.
d. Nakahandang magsisi sa resulta ng piniling kilos.
24. Bakit may pagkakaiba-iba ang tao kahit na matalino, talentado at magaling siya sa lahat ng bagay?
a. Dahil sa pagkapantay-pantay ng lahat.
b. Dahil sa paggamit ng isip at kilos-loob.
c. Dahil sa kalayaang ipinagkaloob.
d. Dahil sa pagiging angat sa iba.
25. Ang tao ay may taglay na dignidad. Ano ang nararapat ibigay sa tao?
a. Pagmamalasakit at pag-unawa.
b. Pagpapahalaga at paggalang.
c. Pagkalinga at paggalang.
d. Pagkilala at pagtulong.
26. Ayon kay Immanuel Kant, “Ang tao ang naiiba sa lahat ng nilalang.” Ano ang ibig sabihin nito?
a. Ang tao ay mayroong hindi nawawala at mapapantayang halaga dahil sa kaniyang isip at
kalayaan.
b. Ang tao ay may angking talento at galing.
c. Ang tao ay nilikha ng Diyos.
d. Ang tao ay mula sa iba’t ibang lahi.

27. “Kumilos ka nang palagian at magkaalinsabay mong tratuhinbang sariling pagkatao at pagkatao ng
iyong kapwa hindi lamang bilang kasangkapan kundi bilang isang telos.” Ano ang kaisipang
nakapaloob sa pahayag?
a. Ang tao ay hindi maaaring ituring na kasangkapan o bagay dahil siya ay may kakayahang
mag-isip o pagiging rasyonal.
b. Ang tao ay nililinang ang pagkatao.
c. Ang tao ay nilikha ng Diyos.
d. Ang tao ay pantay-pantay.
28. Ano ang ibig sabihin ng telos?
a. Layunin c. Moralidad
b. Karapatan d. Kasangkapan
29. Ang dignidad ay salitang latin na dignus na ang ibig sabihin ay:
a. Kasabihan c. Kaalaman
b. Karapat-dapat d. Kaluwalhatian
30. Ano ang batayan ng paggalang sa dignidad ng tao?
a. Maglaan ng maraming panahon upang maiparamdam sa kapwa ang pagmamahal at
pagpapahalaga.
b. Maging tapat sa lahat ng ginagawa at pakikitungo sa kapwa.
c. Ang kakayahang mag-isip at pagiging malaya.
d. Ang pagkakaroon ng tao ng isip lamang.
31. Bakit may pagkakaiba ang tao kahit matalino, talentado, at magaling siya sa maraming bagay?
a. Dahil sa pagkakapantay-pantay ng lahat.
b. Dahil sa paggamit ng isip at kilos-loob.
c. Dahil sa kalayaang ipinagkaloob.
d. Dahil sa pagiging angat sa iba.
32. Ano ang nagsisilbing motibasyon upang umunlad ang pagkatao ng isang nagmamahal at
minamahal.
a. Paggalang c. Pagmamalasakit
b. Pagmamahal d. Pagtitiwala
33. Bakit mahalaga ang paggalang sa dignidad ng tao habang nabubuhay?
a. Dahil ito ang inaasahan at makabubuti para sa sarili at kapwa.
b. Dahil ito ang paraan upang maging matagumpay sa buhay.
c. Upang maging mabuting halimbawa sa kapwa.
d. Ito ay paggalang sa buhay ng kapwa.
34. Ayon sa kanya, “Nakasalalay sa kilos-loob ng tao ang kanyang kalayaan.”
a. Santo Tomas De Aquino c. Fr. Joseph M. De Torre
b. Immanuel Kant d. Esteban
35. Ito ay ang kalayaan upang tukuyin kung ano ang nanaisin.
a. Kalayaang gumusto c. Panlabas na kalayaan
b. Kalayaang tumukoy d. Panloob na kalayaan
36. Ito ay tumutukoy sa pag-amin na ikaw ay nakagawa ng masama.
a. Obhetibo b. Suhetibo
c. Konsensya d. Pagtatapat
37. Ito ay ang paggawa ng mabuti at iwasan ang masama.
a. Kalayaan c. Tungkulin
b. Kasangkapan d. Layunin
38. Dahil ang Likas na Batas Moral ay para sa tao, sinasaklaw nito ang lahat ng tao. Ang pahayag na
ito ay tumutukoy sa:
a. Eternal c. Immutable
b. Unibersal d. Objective
39. Ito ay umiiral at mananatiling iiral.
a. Eternal c. Immutable
b. Unibersal d. Objective
40. Ito ay hindi nagbabago.
a. Unibersal c. Objective
b. Immutable d. Eternal
41. Ang mga sumusunod ay ang tamang paaran upang linangin ng lubusan ang isip MALIBAN sa:
a. Pagsasaliksik at pagtatanong.
b. Pagsusuri ng sanhi at epekto ng mga pasiya at pag-uugali.
c. Paglutas ng mga problema na may katwiran.
d. Pagbalewala sa payo ng matatanda.
42. Sa paggawa ng maingat na pasya, magkalap muna ng makabuluhang impormasyon. Itp ay
nangangahulugang?
a. Pagsasaliksik at pagtatanong.
b. Pagsusuri ng sanhi at epekto ng mga pasiya at pag-uugali.
c. Paglutas ng mga problema na may katwiran.
d. Pagkilos tungo sa mabuti at maingat na pasya.
43. Bakit sinasabing obra maestra ang tao?
a. Dahil ang tao ay nilikhang may kakayahan higit pa kaysa ibang nilalang.
b. Dahil ang tao ay kawangis ng Diyos.
c. Dahil ang tao ay may isip.
d. Dahil ang tao ay may kalayaan.
44. Ito ay ang kapangyarihan ng tao na makaalam at mangatuwiran.
a. Magsayaw c. Magmahalan
b. Mag-isip d. Magbangayan
45. Sa paanong paraan nagkapantay pantay ang lahat ng tao?
a. Lahat ng tao ay may dignidad.
b. Lahat ng tao ay may puso.
c. Lahat ng tao ay may pagmamahal.
d. Lahat ng tao ay may kasalanan.
46. Ang pagsisikap na magkaroon ng moral na pamumuhay ay ang pagsisikap na mamuhay ng may
pagmamahal na walang hinihintay na_________.
a. Pagmamahal c. Regalo
b. Kapalit d. Kaalaman
47. Lahat ng tao, anuman ang kanilang gulang, anyo, antas ng kalinangan at kakayahan ay may
_______.
a. Puso c. Dignidad
b. Kaligayahan d. Kasawian
48. Saan nararapat patungo ang mga kilos na malayang pinipili ng tao?
a. Kasamaan c. Kalungkutan
b. Kabutihan d. Kasayahan
49. Pinili mong magising nang maaga upang makapaghanda ng almusal hindi lamang para sa iyong
sarili kundi para sa lahat. Ito ay tumutukoy sa kabutihang ________?
a. Pansarili c. Nais
b. Panlahat d. Pinapangarap
50. Ano ang Batas Moral?
a. Ito ay ang batas na gawa ng tao.
b. Alituntunin na dapat sundin na nagbibigay hugis at direksyon sa kalayaan ng tao.
c. Ito ay nakakatakot kapag hindi nasunod.
d. Ito ay kaakibat ng ating buhay.

GOODLUCK!

You might also like