You are on page 1of 4

BULAKANON HIGH SCHOOL

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


Edukasyon sa Pagpapakatao 7
S.Y. 2022-2023

Pangalan: Iskor:
Baitang at Pangkat:

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang titik ng
iyong sagot sa patlang.

Test I. ANG TUNAY NA KALAYAAN AY ANG PAGGAWA NG KABUTIHAN.


Pag-aralan ang mga situwasyon na karaniwang ginagawa ng ilang nagdadalaga at
nagbibinatang katulad mo. Lagyan ng check (/) kung may kalayaan at ekis (x) kung
walang kalayaan ang bawat sitwasyon.

____1. Pagbibisyo (pagsugal, pagsigarilyo, pag-inom ng alak, pagkalulong sa droga)


____2. Maagang pag-aasawa o pagbubuntis
____3. Pagsunod sa magulang.
____4. Paggalang sa nakatatanda
____5. Paggawa ng gawaing bahay

Test II.
Panuto: Lagyan ng check (/) kung ang pahayag ay Tama at ekis (x) kung MALI.

____6. Ang konsensya ay nakakabit sa isip ng iilang tao lamang.


____7. Ang tamang konsensya ay humuhusga sa mali kung mali.
____8. Ang konsensya ay may pagkakataon na maging mali.
____9. Ang konsensya ay nasa puso ng tao.
____10. Pweding maging manhid ang konsensya ng tao.

Test III. Pagpipilian


Panuto: Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang.

11. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kapangyarihan ng tao na pumili,


magpasiya at isakatuparan ang napili?
a. Dignidad c. Kalayaan
b. Isip d. Kilos-Loob

12. Alin sa mga sumusunod ang may kapangyarihang humusga, sumuri, mag-alaala
at umunawa ng kahulugan ng mga bagay?
a. Dignidad c. Kalayaan
b. Isip d. Kilos-Loob

13. Ang tao ay bukod-tangi sa lahat ng mga nilikhang may buhay sa mundo. Ang
pahayag ay:
a. Tama, dahil ang tao lamang ang nilikhang may isip at kilos-loob, kaya
kawangis siya ng Diyos.
b. Mali, dahil tanging ang Diyos lang ang bukod-tangi sa lahat at Siya ang
lumikha sa atin.
c. Tama, dahil tao lamang ang may isip kumpara sa ibang nilikhang may buhay.
d. Mali, dahil lahat ng nilikha ay pantay-pantay sa mata ng Diyos.
14. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?
a. mag-isip c. humusga
b. umunawa d. magtimbang ng esensya ng mga bagay

15. Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?


a. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina
b. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob
c. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili
d. Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng
karanasan

16. Ang tao ay may tungkuling ang isip at kilos- loob.


a. Sanayin, paunlarin at gawing ganap
b. Kilalanin, sanayin, at gawing ganap
c. Kilalanin, sanayin, paunlarin at gawing ganap
d. Wala sa nabanggit

17. Paano nagkakaroon ng ugnayan ang isip at kilos-loob?


a. gumawa ng tamang pagpapasya
b. gumawa ng ayon sa iyong kagustohan kahit may ibang nasasaktan
c. tutulong na may hinihintay na kapalit
d. magtiwala sa sarili lamang at wala ng iba

18. Bilang mag-aaral, paano ka gagawa ng pagpapasya batay sa gamit at tunguhin ng


isip at kilos-loob?
a. sasama ka sa iyong mga kaibigan na mamasyal ng hindi nagpapaalam sa
mga magulang
b. gagastusin mo ang sukli na hindi naman sa iyo
a. ibabahagi mo sa iyong kaklase ang iyong baon
a. kukunin mo ang gamit ng iyong kaklase na walang paalam

19. Ang tao ay biniyayaan ng kakayahan na kumilala ng mabuti o masama. Ang


kakayahang ito ay tinatawag na?
a. Konsensya c. kamalayan
b. katapatan d. kapangyarihan

20. Ang salitang konsensiya ay mula sa salitang Latin na _________ na ang ibig
sabihin ay with o mayroon at na ang ibig sabihin ay knowledge o
kaalaman.
a. Cum at scientia c. caelum at potentia
b. Scientia at caelum d. amor at praesidium

21. Sa pamamagitan ng batas na ito, ang tao ay may kakayahang makilala ang
mabuti at masama.
a. Likas na Batas na Moral c. Batas ng Kalikasan
b. Likas na Batas d. Saligang Batas

22. Siya ang natatanging nilalang na nararapat tumanggap ng batas mula sa Diyos?
a. Halaman c. tao
b. hayop d. lahat ng nabanggit
23. Anong katangian ng likas na batas moral ang namamahala sa tao na nakabatay
sa katotohanan?
a. di nagbabago c. unibersal
b. obhektibo d. walang hanggan

24. Anong katangian ng likas na Batas Moral ang sumasaklaw sa lahat ng tao?
a. Unibersal c. Walang Hanggan
b. Obhetibo d. di nagbabago

25. Hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral dahil hindi nagbabago ang pagkatao
ng tao.
a. Unibersal c. Walang hanggan
b. Obhetibo d. di nagbabago

26. Ang kalikasan ng tao ay permanente kaya’t ang batas na sumasaklaw sa kanya ay
permanente rin.
a. Unibersal c. Walang hanggan
b. Obhetibo d. di nagbabago
27. Uri ng konsensya kung saan nakabatay sa mga maling prinsipyo o nailapat ang
tamang prinsipyo sa maling paraan.
a. Tama c. wala
b. Mali d. wala sa nabanggit

28. Sa pamamagitan nito, ang tao ay naghahanap ng katotohanan; kaya’t patuloy


siyang nagsasaliksik upang makaunawa at gumawa nang naaayon sa katotohanang
natuklasan
a. Isip c. katawan
b. kilos d. buhay

29. Nakita mo ang iyong matalik na kaibigan na kumokopya ng takdang-aralin sa


isang kamag aral. Hinikayat niyang kumopya ka rin dahil sa wala ka ring takdang-
aralin. Sinasabi sa iyo ng iyong konsensiya na dapat maging tapat ka sa mga gawain
pang-akademiko sa paaralan. Ano ang iyong dapat gawin?
a. Makikinig sa iyong konsensya at hindi na gagawa ng takdang-aralin.
b. Magpapasalamat ka sa iyong matalik na kaibigan at pakokopyahin mo na lang
siya sa susunod na ikaw naman ang may ginawang takdang-aralin.
c. Susundin mo ang iyong konsensya at gagawa ka ng sariling takdang-aralin
upang maging tapat ka sa paggawa ng takdang aralin.
d. Sasabihin mo sa iyong guro na wala kang takdang-aralin at gagawin mo na lang
ang susunod na takdang-aralin.

30. Ano ang batayan ng konsensiya sa paghusga ng mabuti at masama?


a. Batas panlipunan c. Mga turo sa simbahan
b. Likas na Batas Moral d. Mga aral ng magulang

31. Bakit walang katapusan ang paghahanap ng tao sa katotohanan?


a. Hindi perpekto ang isip ng tao kaya wala siyang kakayahang malaman ang
katotohanan.
b. May limitasyon ang isip ng tao kaya siya nakadarama ng kakulangan.
c. Patuloy ang hilig ng tao na matuklasan ang kaniyang kapaligiran.
d. Walang katapusan ang pag-aaral ng tao hanggat siya ay buhay.
32. Naghanda ng kodigo si Jacqueline bago ang pagsusulit nila sa Matematika. Sa
oras ng pagsusulit, nakaramdam siya ng pagkabalisa sa paggamit nito. Naisip niya na
masama gumamit ng kodigo at mas mabuting maging tapat. Sa anong panahon
kumikilos ang konsensiya ni Jacqueline?
a. Bago ang kilos c. Pagkatapos gawin ang kilos
b. Habang isinasagawa ang kilos d. Habang iniisip ang kilos

33. Sa tanong na “Kapag pinili niya ang mas mataas na mabuting kilos, uusigin kaya
siya ng kaniyang konsensiya? aling katwiran ang ayon sa Likas na Batas Moral?
a. Oo, dahil inisip niyang mahalaga na makasama niya ang mga kaibigang matagal
nang hindi nakikita kaysa ang pagsunod sa utos ng mga magulang.
b. Hindi, dahil ang pagsunod sa utos ng magulang lalo na kung makabubuti ito sa
sarili ang mas mataas na mabuti (higher good) kaysa sa paglabas ng bahay
kahit emergency.
c. Oo, dahil ang pagsaalang-alang sa hiling ng mga kaibigan kaysa s autos ng mga
magulang ay paglabag sa Likas na Batas Moral.
d. Hindi, dahil ang pagsunod sa utos ng magulang lalo na kung makabubuti ito sa
sarili ang mas mataas na mabuti (higher good) kaysa sa hiling ng kaibigan sa
sitwasyong iyon.

34. Sobra ang sukli sa iyo ng tindera ng bumili ka ng pagkain sa kantina ninyo.
Naalala mo na may babayaran ka sa iyong kaklase para sa inyong proyekto. Ano ang
gagawin mo at bakit?
a. Isasauli ko ang sobrang sukli dahil magiging kawawa ang tinderang nagkamali
dahil siya ang magbabayad ng kulang.
b. Ibabayad ko sa kaklase ko ang sobrang sukli dahil mas makakatipid ako kaysa
humingi ng pera sa aking magulang.
c. Sasabihin ko sa kaibigan ko ang nangyari at paghahatian namin ang pera.
d. Hindi ko isasauli dahil hindi naman ako ang nagkamali.

35. Hindi nakapag-aral sa science si Pol dahil napuyat siya sa paggawa ng ibang
takdang-aralin. Nagkaroon sila ng biglaang pagsusulit sa klase. Nakita niya ang
kaniyang mga kaklase na nagkokopyahan. Inaalok siya na kumopya sa kanila. Ano
ang dapat gawin ni Pol at bakit?
a. Hindi niya tatanggapin ang alok ng kaklase at sasagutan niya ang pagsusulit
dahil mas mabuting masukat ang kaniyang nalalaman nang hindi kumokopya
sa iba.
b. Kokopya siya at sa susunod ay sila naman ang pakokopyahin niya dahil dapat
siyang tumanaw ng utang na loob sa kaniyang mga kaklase.
c. Kokopya siya sa kaklase dahil mapapagalitan siya ng kaniyang guro kapag hindi
siya pumasa sa pagsusulit
d. Ipapasa niya ang kaniyang papel nang walang laman dahil hindi tama ang
pagkopya.

You might also like