You are on page 1of 7

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

ARALIN 5: PAGSUSURI NG MAKATAONG KILOS

ACTIVITY SHEET NO. 13


LEARNING TASK 37: SITUATIONAL ANALYSIS

PANUTO:

1. Basahin at suriin ang mga sitwasyon.


2. Sagutin ang mga ibinangong tanong sa bawat sitwasyon.

Sitwasyon 1. Sinabihan si Ryan ng kaniyang guro na siya ang mamumuno sa kanilang grupo sa paggawa ng isang
video ad para sa kanilang klase. Lingid sa kaniyang kaalaman na may iba na palang napili ang kaniyang guro na
gumawa ng nasabing video ad. Napahiya si Ryan sa kaniyang mga kaklase at kagrupo. Dapat bang magalit si
Ryan sa kaniyang guro dahil pinahiya siya nito?
Bakit? Ipaliwanag. _________________________

Sitwasyon 2. Nakita at nabasa ni Jovanie ang isang pamamahiyang post ng isang kaklase patungkol sa isa pang
kaklase sa social media. Dahil sa takot na baka madamay sya, hindi niya ito isinumbong sa kinauukulan.
Mapapanagot ba si Jovanie sa kaniyang pananahimik? Bakit? Ipaliwanag.
_______________

Sitwasyon 3. Nagbilin kay Normina ang kaniyang ina na sabihan ang kaniyang ate na magluto ng tanghalian.
Biglaang nagyaya ang mga kaibigan niya na mag-ML (Mobile Legends) sila kung kaya nakalimutan niyang sabihan
ang kaniyang ate. May pananagutan ba si Normina sa maaaring kahinatnan dahil hindi nito nasabi ang
ipinagbilin sa kaniya? Ipaliwanag. _______________________

LEARNING TASK 38: READING COMPREHENSION

PANUTO:

1. Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay.


2. Pagkatapos, sagutin ang pamprosesong mga tanong.

Sadyang natatangi nga ang tao. Ipinagkaloob sa kaniya ang lahat ng kakayahan o pakultad upang hubugin ang
kaniyang pagkatao at upang magpakatao. Kaya isang malaking hamon sa tao ang magpakatao at gamitin ang taglay
niyang mga kakayahan sa pagkamit nito. Paano nga ba nahuhubog ang pagkatao ng tao? Ayon kay Sto. Tomas
de Aquino, may dalawang uri ng kilos ng tao. Ang mga ito ay:

1. Ang Kilos ng Tao (Act of Man). Ito ay mga kilos na nagaganap sa tao. Ito ay likas (natural) sa tao o ayon sa
kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob. Ang kilos na ito ay masasabing walang
aspeto ng pagiging mabuti o masama kaya walang pananagutan ang tao kung naisagawa ito. Ang mga halimbawa
nito ay: biyolohikal at pisyolohikal na kilos na nagaganap sa tao tulad ng paghinga, pagtibok ng puso, pagkurap ng
mata, paghikab, pagkaramdam ng sakit mula sa isang sugat, at iba pa.
2. Ang Makataong Kilos (Human Act). Ito naman ay kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman, kalayaan, at
pagkukusa. Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may pananagutan ang tao
sa pagsasagawa nito. Karaniwang tinatawag itong kilos na niloob, sinadya at kinusa sapagkat isinasagawa ito ng
tao sa panahon na siya ay responsable. Alam niya ang kaniyang ginagawa at ninais niyang gawin. Ang
makataong kilos ay gawain na malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng konsiyensiya. Pananagutan ng
taong nagsagawa ng makataong kilos ang bunga ng kaniyang piniling kilos. Kung mabuti ang kilos, ito ay
katanggap-tanggap. Kung masama ang kilos, ito naman ay kahiya-hiya at dapat pagsisihan.

Sa madaling salita, ang isang kilos ay magiging kilos ng tao (act of man) kung ang kilos na ito ay kasama sa
kaniyang kalikasan (nature) at hindi niya ginagamitan ng isip o kilos-loob.

Ang isang kilos naman ay magiging makataong kilos (human act) kung ang kilos na ito ay ginagamitan ng isip at
kilos-loob. Samakatuwid, anomang kilos kahit na ito pa ay likas o natural, kung ito ay humantong sa paggamit
ng isip o may kasamang pagpapasya o pagdedesisyon, ito ay maituturing na makataong kilos (human act).

Tatlong uri ng Kilos ayon sa Kapanagutan (Accountability)

1
Ang pananagutan ay nararapat na may kaalaman at kalayaan sa piniling kilos upang masabing ito ay pagkukusang
kilos (voluntary act). Ang bigat (degree) ng pananagutan sa kinakaharap na sitwasyon ng isang makataong kilos ay
nakabatay sa bigat ng kagustuhan o pagkukusa . Ang mga ito ay nasa lalim ng kaalaman at kalayaan (degree of
willfulness o voluntariness) na tinatamasa. Sa madaling salita, kung mas malawak ang kaalaman o kalayaan, mas
mataas o mababang degree ang pagkukusa o pagkagusto. Kung mas mataas o mababang bigat ang pagkukusa,
mas mabigat o mababaw ang pananagutan.

Ayon kay Aristoteles, may tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan: (1) kusang-loob, (2) di kusang-loob, at (3)
walang kusang-loob.

1. Kusang-loob. Ito ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang gumagawa ng kilos ay may lubos na
pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito.

Halimbawa: Niyaya ka ng iyong kaklase na umalis ng bahay at gumala. Alam mo na bawal lumabas ng bahay ang
mga batang may edad 14 gulang pababa. Sumama ka pa rin kahit na batid mo na bawal lumabas ang mga katulad
mo. Nahuli kayo ng mga kawani ng barangay.

2. Di kusang-loob. Dito ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon. Makikita ito sa kilos na
hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan.

Halimbawa: (Pagpapatuloy sa naunang sitwasyon). Noong ikaw ay niyaya ng iyong kaklase na umalis ng bahay at
gumala, tinanggihan mo siya dahil alam mong bawal lumabas ng bahay. Ngunit sabi niya kapag hindi ka sumama ay
puputulin na niya ang inyong pagkakaibigan. Kaya sa huli ay sumama ka pa rin sa kaniya.

3. Walang kusang-loob. Dito, ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon sa kilos. Ang kilos na ito ay
hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya’t walang pagkukusa o boluntaryong pagkilos.

Halimbawa: Ang iyong kapatid na limang (5) taong gulang pa lamang ay sinundo ng iyong tiyahin sa inyong bahay
para isama niya sa pamamalengke. Mahigpit na ipinagbabawal na lumabas sa ngayon ang mga batang may edad
na 14 pababa. Ang bata ay walang magiging pananagutan dahil wala naman siyang kaalaman patungkol sa batas
at panuntunan sa kasalukuyan.

Eksepsiyon at Kabawasan ng Pananagutan

Ayon kay Aristoteles, may eksepsiyon, sa kabawasan sa kalalabasan ng isang kilos kung may kulang sa proseso ng
pagkilos. May apat na elemento sa prosesong ito: 1) paglalayon, 2) pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin,
3) pagpili ng pinakamalapit na paraan, at 4) pagsasakilos ng paraan.

1. Paglalayon. Kasama ba sa ninanais ang kinalabasan ng isang makataong kilos? Nasa sa kaniya ang
kapanagutan ng kilos kung sa kabuuan ng paglalayon ay nakikita ng tao ang isang masamang epekto ng kilos.

Halimbawa. Gusto mong gumanti sa nakaaway mong kaklase. Naisip mong patirin siya pagbaba niya sa hagdan.
Ngunit naisip mo, paano kung mahulog at mabagok ang kaniyang ulo? Pero dahil gusto mong gumanti, itinuloy mo
ang iyong plano. Nagpapakita ito na may paglalayon. (Huwag na huwag mo itong gagawin sapagkat mali ito.)

2. Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin. Ang pamamaraan ba ay tugma sa pag-abot ng layunin at hindi
lamang kasangkapan sa pag-abot ng naisin? Dito ay ginagamit ang tamang kaisipan at katuwiran.

Halimbawa. Gusto mong magpabili ng bagong cellphone sa iyong tatay. Naisip mo na para maibili ka ay
magpapakabait ka at gagawin mo ang mga gawaing bahay at mga iniuutos niya.

3. Pagpili ng pinakamalapit na paraan. Sa puntong ito, itatanong mo: Nagkaroon ba ng kalayaan sa mga opsiyon na
pagpipilian o pinili lamang ang mas nakabubuti sa iyo na walang pagsasaalang-alang sa maaaring epekto nito?
Iniwasan mo ba ang pagpipilian/opsiyon na mas humihingi ng masusing pag-iisip? Ang lahat ba ay bumabalik lamang
sa pansariling kabutihan na hindi nagtataguyod ng kabutihan ng iba?

Halimbawa. Gusto mong makakuha ng mataas na marka ngayong taong panuruan. Sa halip na pag-aralan at gawin
ang mga gawaing pagkatuto nang mag-isa upang mas matuto, ay pinagawa mo ang mga ito sa iba (sa iyong tutor).
(Tandaan na hindi ito tama. Makabubuting ikaw mismo ang gumawa ng mga gawain sa iyong modyul.)

4. Pagsasakilos ng paraan. Dito ay ginagamit ang kilos-loob na lalong nagpapalakas ng isang makataong kilos
upang maging tunay na mapanagutan. Ang pagkilos sa pamamaraan ay ang paglalapat ng pagkukusa na tunay
na magbibigay ng kapanagutan sa kumikilos.

2
Halimbawa. Kung ating ipagpapatuloy ang naunang halimbawa, sa kagustuhan mong makakuha ng mataas na
marka ay itinuloy mo ang pagpapasagot ng iyong mga modyul sa iyong tutor kahit na alam mong ito ay pandaraya at
hindi mabuti. (Mag-isip at isakilos ang tamang paraan. Huwag itong tularan.)

Ayon kay Aristoteles, kung may kulang sa mga ito, nagkakaroon ng kabawasan sa kapanagutan ng isang tao sa
ginawang kilos. Ngunit hindi nawawala ang kapanagutang ito maliban sa kung apektado ito ng mga salik na
maaaring makapagpawala ng kapanagutan. Dahil dito, maaaring mabawasan o mawala ang kapanagutan. Ibig
sabihin, ang kahihinatnan ng makataong kilos, kasama na ang pagpapataw ng parusa kung mayroon man, ay
nababawasan din o nawawala.

PAMPROSESONG MGA TANONG:


1. Ano-ano ang mga kilos na maituturing na makatao at dapat mapanagutan? Ipaliwanag.
2. Sa tatlong uri ng kilos na maituturing na makatao, alin ang karapat-dapat panagutan? Bakit?
3. Kailan natin matutukoy na ang gawain o kilos ng tao ay hindi makakapanagot sa masamang epekto ng makataong kilos?
Ipaliwanag.
4. Ang layunin ba ng kilos ay batayan din sa paghusga kung ang kilos ay mabuti o hindi mabuti? Pangatwiranan.

3
sbajr
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
ARALIN 5: PAGSUSURI NG MAKATAONG KILOS

ACTIVITY SHEET NO. 14


LEARNING TASK 39: SENTENCE COMPLETION

PANUTO:

1. Mula sa iyong mga natutuhan sa aralin, tapusin ang sinimulang pangungusap upang mabuo ang Batayang Konsepto.

A. Anomang uri ng tao ang isang indibiduwal ngayon at kung magiging anong uri siya ng tao sa mga susunod na
araw, ay nakasalalay sa ______________________________________________________

B. Anomang kilos, kahit na ito pa ay __________________________________ kung ito ay humantong sa paggamit ng isip o may
kasamang pagpapasya o pagdedesisyon, ito ay _____________________________________

C. Ang pananagutan ay nararapat na may kaalaman at kalayaan sa piniling kilos upang masabing
_____________________________

LEARNING TASK 40: SITUATIONAL CHART

PANUTO:

1. Gamit ang talahanayan, tukuyin kung ang kilos sa unang hanay ay nagpapakita ng presensiya ng Isip, Kilos-loob, at kung ito ay
Mapanagutang Kilos.
2. Lagyan ng tsek ( / ) kung ang kilos ay ginamitan ng isip, kilos-loob, at mapanagutan, at ekis ( X ) naman kung hindi.
3. Ipaliwanag sa huling kolum kung bakit masasabing ang kilos ay ginamitan o hindi ng Isip, Kilos-loob, at Mapanagutan o
Hindi Mapanagutan.

Kilos– Mapanagutang
Mga Kilos at Gawain ng Tao Isip Paliwanag
loob Kilos

1. Pagdala ng drayber ng taxi sa ospital sa


kaniyang matandang pasahero na
inatake sa puso.

2. Pagsauli nang sobrang sukli sa tindera


sa palengke.

3. Paghikab ng malakas na hindi tinatakpan


ang bibig.

4. Pagsasalita habang natutulog.

4
5. Pagsigaw dahil sa pagkagulat sa
paputok.

LEARNING TASK 41: WHAT YOU GONNA DO

PANUTO:

1. Ipaliwanag ang iyong gagawin kung maharap ka sa mga sitwasyon na nakatala sa ibaba.

1. Sa isang pangkatang gawain, hinati kayo ng guro na may tig-aapat


na miyembro sa bawat pangkat. Ngunit may isa kayong kaibigan na
nais lumipat at sumama sa inyong pangkat.
2. May napulot kang cellphone sa tricycle na sinasakyan mo.
3. May mali sa panuto ng guro at maaaring mamali kayo sa pagsagot.
4. Nalaman mo na may kasintahan na ang nakababata mong kapatid.

5
sbajr
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
ARALIN 5: PAGSUSURI NG MAKATAONG KILOS

ACTIVITY SHEET NO. 15


LEARNING TASK 42: DATA INFORMATION CHART

PANUTO:

1. Punan ang talahanayan ayon sa hinihinging impormasyon.


2. Alalahanin ang mga pangyayari sa buhay mo kung saan may mga tao kang nasaktan (maaaring dahil sa
kapabayaan mo o dahil sa pansariling kabutihan lang ang inisip mo).
3. Isulat ang mga sitwasyong ito sa unang kolum at sino ang kapwang nasaktan sa ikalawang kolum.
4 . Magtala sa ikatlong kolum ng mga h a k b a n g u p a n g a y u s i n a n g m g a p a g k a k a t a o
ng
m a y nasirang tiwala, samahan, o ugnayan sa pagitan mo at ng iyong magulang, kapatid, kaibigan, kaklase, o
kapitbahay.

Sitwasyon kung saan may Kapwang nasaktan Mga Hakbang upang


nasaktan akong kapwa (Halimbawa: aking maayos ang
Magulang at iba ugnayan
pa)

1.

2.

3.

4.

5.

LEARNING TASK 43: FILL IN THE BLANKS

PANUTO:

1. Punan ang bawat patlang sa talata upang mabuo ang mahalagang kaisipan.

Kailangang maging maingat ang tao sa paggawa ng ___________________ sapagkat ang mga ito ay maaaring maging isyung
moral o etikal. Ito ay dahil ang nasabing kilos ay ginagawa nang may pang-unawa at pagpipili kung kaya ito ay may kaakibat na
______________________ (accountability).

Ang isang kilos na ginagawa ng tao ay magiging __________________ kung ito ay kasama sa kaniyang kalikasan at hindi niya
ginagamitan ng isip at kilos-loob.

Ang isang kilos naman ay magiging _____________________ kung ito ay ginagamitan ng isip at kilos-loob. Samakatwid, anomang
kilos, kahit na ito pa ay ______________________ na kilos kung ito ay humantong sa paggamit ng isip o may kasamang
pagpapasya o pagdedesisyon, ito ay maituturing na makataong kilos (human act).
6
.
sbajr

You might also like