You are on page 1of 10

Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Markahan

Modyul 1: Ang Makataong Kilos

Ayon kay Agapay, anumang uri ng tao ang isang indibidwal ngayon at kung magiging anong uri sya na tao sa mga
susunod na araw ay nakasalalay sa uri ng kilos na kaniyang ginagawa at gagawin pa. Ayon rin sa kanya, ang kilos ay
nagbibigay ng patunay kung ang isang tao ay may control at pananagutan sa sarili. Ang tao ay kumikilos sa bawat
segundo ng kanyang buhay. At ang kilos na ito ay nagdadala ng pagbabago sa kanyang sarili, sa kapwa at sa
ginagalawan niyang mundo. Maaaring ang kilos na ito ay walang kapanagutan o may kapanagutan. Ang kapanagutan
ng kilos ay batay sa kamalayan ng isang tao sa kanyang ginagawa.

May Dalawang uri ng Kilos ang Tao:

1. Kilos ng Tao ( Acts of Man)- Ito ay likas sa tao at ayon sa kanyang kalikasan. Hindi ito ginagamitan ng isip at
kilos-loob. Walang aspekto ng pagiging mabuti o masama kaya walang papangutan ang tao sa kilos na ito. Ito ang
mga biyolohikal at pisyolohikal na kilos. Halimbawa nito ay ang paghinga, pagkurap ng mata, pagtibok ng
puso,pagkagutom at iba pa.

2. Makataong Kilos (Human Act)- Ito ay isinagawa ng tao nang may kaalaman, malaya at kusa. Ito ay
ginagamitan ng isip at kilos loob kung kaya’t ang tao ay nagiging responsible sa resulta ng kanyang kilos maganda
man ito o hindi. Ang makataong kilos ay kilos bunga ng pagsusuri at konsensya. Ito ay kilos na may pagkukusa
sapagkat ito ay nagmumula sa kalooban ng gumagawa sa patnubay ng isip at kaalaman. Ang tao ay may kapanagutan
sa makataong kilos.

Mga Katangian ng Makataong Kilos


1. Kaalaman- Ang makataong kilos ay nagsisimula sa pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa kalikasan at epekto
ng gawi. Nangangahulugan ito ng tiyak na kamalayan ng tao na nagsasagawa ng kilos. Hindi gagawin ng isang tao ang
isang bagay na hindi niya inisip at ginusto
2. Kalayaan- Ang gawi ng tao ay kanyang itinakda at niloob. Nagpapasaya ang tao sa bagay na kanyang gagawin
o hindi gagawin sa tulong ng kalayaan ng kanyang kalooban. Marapat na hubugin ng tao ang kanyang kalooban na
piliin ang tamang gawi o gawa.
3. Pagkukusa- masasabi natin na ang kilos ay may pagkukusa kung ito ay pinag-isipang mabuti at malayang
isinagawa. Ang kilos na may kaalaman at kalayaan ay kilos na may pagkukusa na nagmumula sa kalooan ng isang tao.

Ang Kilos ng Tao (Act of Man) ay maaring maging makataong kilos.? Ipapaliwanag natin ito gamit ang halimbawa.
Si Bryan ay mahilig gumamit ng kanyang selpon at magbrowse ng mga artikulo at mga babasahin sa iba’t ibang social
media. Sa kanyang pagbabasa, may nakita siyang artikulo na may mga larawan na malalaswa ang nakalagay sa
headlines. Hindi sinasadya na makita ito ni Bryan kaya’t minabuti niyang huwag buksan at basahin ang artikulo.

Ating suriin ang halimbawa. Ipinapakita dito na hindi pinili ni Bryan na makita ang malaswang babasahin. Ang kilos
na makita ang babasahin ay isang kilos ng tao. Alam nating hindi sinasadya ni Bryan na makita ang artikulo kahit pa
alam niyang naglalaman ito ng malalaswang pahayag ayon sa headlines ng artikulo. Ang kilos na nakita niya ang
babasahin ay hindi sinadya. Ang kakayahan niyang buksan at basahin ito ay hindi nya pinili. Ngunit ang naging kilos ni
Bryan ay maaaring naging makataong kilos. Sa paanong paraan? Halimbawa sa nakita niyang artikulo, kanya itong
binuksan at binasa. Ito ay naglalaman ng mga malalaswang pahayag at litrato. Pinili nyang tingnan ito. Sa
pagkakataong ito ginamit ni Bryan ang kakayahan niyang pumili at malayang kilos loob. Ipinakita niya ito nang
kanyang binuksan, binasa at tinignan niya ang mga litrato. Isang indikasyon na ito ay ginusto at sinadya. Ito rin ang
tinatawag nating pagkukusang kilos (voluntary act). Sa simpleng nakita ay naging kilos na may intensyong at tingnan
ang mga litrato. Ang dating kilos ng tao (acts of man) ay naging makataong kilos (human act). Dahil ito ay sinadya,
pinili at may kaalaman sa kilos, ito ay may kapanagutan (imputable). Sa halimbawa ng kilos ni Bryan. Siya ay naging
responsible sa kanyang piniling kilos. Ang pag kukusang kilos na may kaalaman at kalayaan ay may pananagutan.
GAWAIN 1: PANUTO. Tukuyin ang mga sumusunod kung ito ba ay KILOS NG TAO o MAKATAONG KILOS. Isulat ang
buong salita.

1. Paghikab -
2. Nakisali sa usapan -
3. Paghinga -
4. Pag-ubo -
5. Pag kurap ng mata -
6. Kinain ang pagkain ng kapatid -
7. Itinawid ang matanda sa kalsada -
8. Pagkaramdam ng sakit sa sugat -
9. Hindi ginawa ang gawaing bahay -
10. Pagbahing

GAWAIN 2: -
Modyul 2: Ang Kapanagutan ng Makataong Kilos

BALIK-ARAL! Panuto. Lagyan ng tsek (√) ang kilos na nagpapakita ng pananagutan at ekis (X) naman kung ito ay walang pananagutan.
_______ 1. Pag-aaral ng mabuti
_______2. Pagpikit ng mata sa sobrang antok
_______3. Nagulat sa sigaw ng kapitbahay
_______4. Maghapong nakahilata at hindi ginawa ang gawaing bahay
_______5. Inubos ang pagkain ng kapatid
_______6. Napasigaw sa gulat ng biglang tumalon ang pusa sa kanyang harapan.
_______7. Pinasa ang nakakatawang larawan ng kaklase sa group chat
_______8. Biglang napabahing sa alikabok
_______9. Inapakan ang sintas ng sapatos ng kapatid para matumba ito.
_______10. Napaluha siya sa tuwa na kanyang naramdaman.
Panuto. Isulat ang salitang Tama kung ang pahayag ay wasto at Mali kung hindi.
_______________ 11. Ang gamit ng isip ay pang-unawa.
_______________ 12. Walang pananagutan ang taong nasa sapat na pag-iisip kung siya ay gumawa ng masama.
_______________ 13. Ang lahat ng sinadyang kilos ay may kaakibat na pananagutan.
_______________ 14. Ang bunga ng makataong kilos ay maaring maging isyung moral at etikal.
_______________ 15. Maaaring idahilang wala kang kamalayan sa makatong kilos.

Suriin

Ang bigat ng pananagutan ng isang makataong kilos ay


nakabatay sa lalim ng kaalaman, kagustuhan at pagkukusa
ng isang gumagawa ng kilos. Pananagutan ng isang indibidwal ang
kawastuhan at kamalian ng isang kilos kung ito ay ginawa niya nang
may katwiran, sinadya(deliberate) at mula sa kanyang kalooban.

Kung ang resulta ng kanyang makataong kilos ay maganda, ito ay


kahanga-hanga, ngunit kung ang resulta naman ay masama, ito ay
kahiya-hiya. Kung kaya’t ang isang tao ay dapat maging maingat sa
kanyang pipiliing kilos dahil anumang kilos na kanyang ginusto ay
pananagutan niya ito at maaaring maging isyung moral o etikal. Ngunit
paano ba nating matutukoy ang isang makataong kilos ay dapat
panagutan? Ano ba ang uri ng kilos na may kapanagutan? Ayon kay
Aristotel, may tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan.

Una, ang Kusang-Loob. Mayroon kang kaalaman sa iyong kilos at


nauuanawan mo ang iyong gawin kaya’t sumasang-ayon ka na gawin
ito. Alam mo ang kalikasan ng iyong kilos at ang kahihinatnan nito.
Lubos ang iyong kaalaman tungkol sa isang gawain at malayang kilos-
loob na isakatuparan ang piniling kilos at maging ang kapanagutan
nito. Mas mabigat ang kapanagutan ng kawastuhan at kamalian ng
kusang-loob na kilos. Halimbawa, kinopya mo ang sagot ng iyong
kaklase para mayroon kang marka. Hindi niya alam na kinuha mo ang
kanyang papel.

Pangalawa, ang Di kusang-loob. Ang kilos na ito ay mayroon kang


kaalaman sa iyong gagawin ngunit kulang ng pagsang-ayon o
kagustuhan na gawin ito. Ang kilos na ito ay kulang sa pagkukusa
dahil ito ay labag sa kanyang kalooban na gawin ito. Halimbawa,
napilitan kang ipost ang iyong nakakatawang larawan sa Facebook
dahil natalo ka sa pustahan ninyong magkakaibigan.
Pangatlo, Walang Kusang-loob. Ang taong nagsagawa ng kilos ay
walang sapat na kaalaman kaya’t hindi niya isasakatuparan ang isang
kilos. Walang kapanagutan ang kilos na ito dahil wala itong
pagkukusa. Halimbawa, kakaibang manerismo tulad ng pagkindat ng
mata.

Ayon rin ay Aristoteles, ang kilos o gawa ay hindi agad nahuhusgahan


kung ito ay masama o mabuti. Ito ay nakasalalay sa intensyon kung
bakit niya ito ginawa. Ngunit anuman ang intensyon niya, kung ang
kanyang kilos ay niloob o sinadya, ito pa rin ang kanyang panagutan.
Pananagutan niya ang kamalian at kawastuhan ng kanyang kilos.
Hindi mapapanagot ang isang tao kung ang bunga ng kanyang kilos ay
walang kaugnayan sa mismong ikinilos niya.

Halimbawa, nasaktan ang kaklase mo dahil hindi mo siya pinakopya.


Ang nasaktang damdamin ay hindi maaaring iugnay sa iyo dahil
hiwalay ito sa pasya mong hindi sya pakopyahin. Ngunit isa pang
halimbawa ang ating tingnan. May isang lasing na nakapanakit. Hindi
natin maaaring isisi ang pananakit dahil siya ay lasing ngunit masisisi
siya sa dahilang kung bakit sya nalasing. Ang pag-iinom ay isang
makataong kilos na ginagamitan ng isip at kilos-loob. Ang paglalasing
ay pagkukusang kilos (sinadya at niloob) kung kayat dapat siyang
managot sa bunga ng kanyang kalasingan. Ang mabuti o masamang
bunga ay hindi mangyayari kung wala itong katwiran, hindi sinadya at
niloob ng tao. Ibig sabihin, kailangan maging maingat sa pagpapasiya
sa bawat kilos.

GAWAIN 1: PANUTO: Ano ang iyong natutunan mula sa binasa sa Suriin? Isulat ito sa pamamagitan ng pagdugtong ng
pangungusap upang mabuo ang konsepto.

1. Ang makataong kilos ay sinadya at niloob ng tao_________________________

2. Ang kilos ay maituturing na makatao at dapat panagutan kung ito ay __________________

GAWAIN 2: PANUTO. Iugnay ang sagot na nasa hanay B sa mga katanungan sa hanay A. Isulat ang sagot sa patlang
bago ang bilang.

Hanay A Hanay B

____1. Kilos na walang kaalaman at pagsang-ayon A. Makataong Kilos

____2. Kilos na may lubos na kaalaman at may B. Kusang-loob

pagsang-ayon C. Di kusang-loob

____3. Kilos na niloob patnubay ang isip D. Walang kusang-loob

____4. Kaakibat ng makataong kilos E. pananagutan

____5. Kilos na may sapat na kaalaman F. Kilos ng Tao


ngunit kulang ng pagsang-ayon
Module 3: Mga Salik na Nakakaapekto sa Pananagutan ng Tao
Ang makataong kilos ay maaring mabawasan o kaya ay mauwi sa pagiging isang ordinaryong kilos ng tao dahil
sa mga salik na nakakaapekto rito. Ang mga salik ay direktang nakakaapekto o nakapagpapabago ng kalikasan
ng isang makataong kilos lalo na sa papel ng isip at kilos-loob. Maari ring mabawasan ang pananagutan ng
makataong kilos dahil sa impluwensiya ng mga salik na ito.

May limang salik na nakakaapekto sa makataong kilos:

1. kamangmangan,

2. masidhing damdamin,

3. takot

4. karahasan at

5. gawi
Kamangmangan.

➢ Isa sa pinakamahalagang elemento ng makataong kilos ay ang papel ng isip.


➢ Ang kamangmangan ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao. Ito ay may
dalawang uri:
1. Nadaraig (vincible) ay ang kawalan ng kaalaman sa isang gawain subalit may pagkakataong itama o
magkaroon ng tamang kaalaman kung gagawa ng paraan upang malaman at matuklasan ito
2. Hindi nadaraig (invincible). ay maaaring kamangmangan dahil sa kawalan ng kaalaman na mayroon
siyang hindi alam na dapat niyang malaman. O kaya naman walang posibleng paraan upang malaman ang
isang bagay sa sariling kakayahan o sa kakayahan man ng iba.
Sa madaling salita, naibigay na ang lahat ng paraan upang maitama ang kamangmangan. Kung walang paraan
upang maitama ang kamangmangan, ang isang gawa ay hindi itinuturing na makataong kilos at walang
pananagutan sa bahagi ng gumawa.

Ngunit kung ang kamangmangan na kayang baguhin sa pamamagitan ng isang masikap na paraan na
alamin ang isang bagay bago gawin, may kapanagutan na siya sa kaniyang kilos. Maaari itong
makapagbawas ng pananagutan dahil sa kaunting kakulangan sa pagsisikap na malabanan ang
kamangmangan.
2. Masidhing Damdamin.

➢ Ito ay ang dikta ng bodily appetites, pagkiling sa isang bagay o kilos (tendency) o damdamin.
➢ Maituturing ito na paglaban ng masidhing damdamin sa isip - para bang ang pangangailangan ng
masidhing damdamin ay mas matimbang kaysa sa dikta ng isip. Ito ay ang malakas na utos ng sense
appetite na abutin ang kaniyang layunin.
➢ Tumutukoy ito sa masidhing pag-asam o paghahangad na makaranas ng kaligayahan o kasarapan at pag-
iwas sa mga bagay na nagdudulot ng sakit o hirap. Halimbawa nito ay ang pag-ibig, pagkamuhi,
katuwaan, pighati, pagnanais, pagkasinddak, pagkasuklam, pagnanasa, desperasyon, kapangahasan,
pangamba, at galit.
Ang masidhing damdamin o passion ay normal na damdamin subalit ang tao ay may
pananagutan upang pangasiwaan ang kaniyang emosyon at damdamin dahil kung hindi, ang mga
emosyon at damdaming ito ang mangangasiwa sa tao. Ang paghubog ng mga positibong damdamin at
maayos na pagtanggap sa mga limitasyon sa buhay ay isang daan upang mapangasiwaan ang damdamin.
Ang masidhing damdamin ay maaaring nauuna (antecedent) o kaya’y nahuhuli (consequent).

1. Antecedent) ito ay damdamin na nadarama o napupukaw kahit hindi niloob o sinadya. Ito ay umiral bago
pa man gawin ang isang kilos. Ang kilos na nasa sa ilalim ng damdaming ito ay hindi malaya kaya ito ay
kilos ng tao (act of man).
2. Consequent ito ay damdaming sinadyang mapukaw at inalagaan kaya ang kilos ay sinadya, niloob, at may
pagkukusa.

Bago pa isagawa ang kilos ay dapat na magkaroon ng panahon upang labanan nang mas mataas na antas
na kakayahan – ang isip – upang mawala ang sidhi ng damdamin.
3. Takot ay isa sa mga halimbawa ng masidhing silakbo ng damdamin.
➢ Ang takot ay ang pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng pagbabanta sa kaniyang
buhay o mga mahal sa buhay.
➢ Tumutukoy din ito sa pagpataw ng puwersa gaya ng pananakit o pagpapahirap upang gawin ng isang tao
ang kilos na labag sa kaniyang kalooban. Kasama rin dito ang pananakot sa tao o sa kaniyang mga mahal
sa buhay upang mapasunod itong gumawa ng masama.
Hindi nawawala ang pananagutan ng isang tao sa kilos na ginawa dahil sa takot kundi nababawasan
lamang. Ito ay dahil malinaw pa rin sa isip ang ginagawa mo.

4. Karahasan.
➢ Ito ay ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang bagay na
labag sa kaniyang kilos-loob at pagkukusa.
➢ Ito ay maaaring gawin ng isang taong may mataas na impluwensiya.
➢ Maaaring mawala ang pananagutan ng kilos o gawa na may impluwensiya ng karahasan. Ito ay kung
nagkaroon ang tao ng sapat na paraan para labanan ang karahasan subalit nauwi sa wala at mas nasunod
ang kalooban ng labas na puwersa.
➢ Ang tanging naaapektuhan ng karahasan ay ang panlabas na kilos ngunit ang pagkukusa o kilos-loob ay
hindi. Ngunit kailangan mong maglapat ng ibang paraan sa gitna ng karahasan bago masabing hindi ka
mapanagot.
5. Gawi.
➢ Ang mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema ng buhay sa araw-araw ay
itinuturing na gawi (habits).
➢ Kung ang isang gawa o kilos ay nakasanayan na, nababawasan ang pananagutan ng isang tao ngunit hindi ito
nawawala. Ito ay dahil ang isang gawi bago nakasanayan ay nagsimula muna bilang isang kilos na may
kapanagutan at pagkukusa sa taong gumagawa.
Kaya ang gawi ay hindi kailanman nakapagpapawala ng kapanagutan sa kahihinatnan ng makataong
kilos. Halimbawa nito ay ang pagmumura na naging pang-araw-araw ng ekspresyon ng isang tao.
Ang gawi ay masama kahit ito man ay maging isang uri ng kilos ng tao (act of man) dahil sa
pinakaunang pagkilos nito ay may pag-iral ng kaalaman at kilos-loob.

GAWAIN: A. Unawaiing mabuti ang pangungusap at isulat ang TAMA o MALI ang konseptong sinasaad sa bawat
aytem.
1. Ang makataong kilos ay maaring mabawasan o kaya ay mauwi sa pagiging isang ordinaryong kilos
ng tao dahil sa mga salik na nakakapekto rito.
2. Hindi nawawala ang pananagutan nang isang tao sa kilos na ginawa dahil sa takot kundi
nababawasan lamang.
3. Kung ang isang gawa o kilos ay nakasanayan na hindi nababawasan ang pananagutan ng isang tao
ngunit ito ay nawawala.
4. Ang gawi ay masama kahit ito man ay maging isang uri ng kilos ng tao (act of man) dahil sa
pinakaunang pagkilos nito ay may pag-iral ng kaalaman at kilos-loob.
5. Ang takot ay ang pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng pagbabanta sa
kaniyang buhay o mga mahal sa buhay.
6. Ang pagiging mangmang sa pagsunod sa batas ng tao ay maituturing na makataong kilos kung ang
isang tao ay wala sa matinong pag-iisip.
7. Walang pananagutan sa kanyang kilos ang taong nakaramdam ng damdaming di niya nakayang
labanan sa panahong maramdaman niya ito at di inaasahan at di niya niloob o sinadyang gawin.
8. Ang paggawa ng pagpapasiya ng isang tao sa gitna ng impluwensiya ng karahasan ay
nakapagbibigay sa kanya ng panlabas na pwersa upang gawin ang mali o labag sa kanyang isip at kilos-
loob ay kinakailangang maglapat ng pamamaraan sa gitna ng karahasan bago masabing hindi siya
mapanagot.
9. Ang bawat kilos na niloob ng tao ay may kakabit na pananagutan.
10.Ang pananagutan ng isang tao ay maaring mabawasan o mawala batay sa kilos na kanyang nagawa
at mga salik na nakakaepekto dito at sa dikta ng kanyang isip at kilos-loob.
B. Panuto: Ibigay ang salik na nakakapekto sa makataong kilos sa bawat aytem. Isulat sa patlang ang
iyong tamang sagot.
_________1. Ang gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema ng buhay sa
araw-araw.
_________ 2. Ito ay pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang bagay na labag sa sa
kaniyang kilos-loob at pagkukusa.

__________3. Ito ay ang pagkabagabag sa isip ng isang tao na humaharap sa anumang uri ng pagbabanta
sa kaniyang buhay o mga mahal sa buhay.

__________4.Ito ay tumutukoy sa matinding pag-asam o paghahangad na makaranas ng kaligayahan o


kasarapan at pag-iwas sa mga bagay na nagdudulot ng mga sakit o hirap.

__________5. Tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao.


Module 4: Panuto: Mag-isip kung paano ang gagawin mo kung ikaw ay nahaharap sa
bawat sitwasyon gamit ang iyong mga napag-aralan kaugnay sa mga epekto ng
salik na nakakapekto sa makataong kilos.

Sitwasyon Salik na Isip Kilos-loob Makataong


Nakakaapekto Kilos
sa
Makataong
kilos

Halimbawa: Ipagbigay alam


sa may
Nakakita ka ng isang Takot Lumayo na Magsumbong awtoridad ang
away ng dalawang grupo lamang sa sa kinauukulan nasaksihang
ng mag aaral na lalaki sa nag-aaway o mga gulo at umiwas
labas ng inyong paaralan at baka nakatatanda sa mga
sa oras ng uwian. na nakakita sa mararahas na
madamay ka
pa. pangyayari. uri ng magaaral.

1. Niyaya ka ng iyong
kamag-aral na huwag
pumasok sa klase at
pumunta sa computer
shop upang maglaro
rito.

2. Nangungulit ang iyong


katabi na pakopyahin
mo siya sa pagsusulit
dahil maaari siyang
bumagsak

3. Nakita mo na nalaglag
ang pitaka sa isang
babae sa loob ng
simbahan.
Modyul 5: Mga Yugto Ng Makataong Kilos

Ating napag-aralan sa nakaraang modyul ang kahulugan ng makataong Kilos. Ito ay kilos na ginagamitan ng
isip at kilos-loob. Napag-alaman din natin na may mga salik sa mga makataong kilos. At ang bawat makataong kilos
ay maaring may ibubunga na mabuti o masama. Kung kaya’t mahalaga na iisipin muna ang mga bagay bago ito
gawin. Gamitin ang biyaya ng kaisipan at kalooban na gawin ang tama. Katulad ng isang drayber, nasa kanya ang
kontrol kung saan siya patutungo gayundin ang tao nasa kanya kung ano ang pasiya niya na magdudulot sa kanya at
sa kanyang kapwa ng pagbabago. May mga kilos na hindi na kailangan pang pag-isipan ngunit may mga kilos na
kailangan mong mag-isip at magnilay bago ito gawin. Mahalaga na ibatay sa makataong kilos ang iyong pipiliin.

Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, may dalawang kategorya ang mga yugto ng makataong kilos:

Isip Kilos-loob

1. Pagkaunawa sa layunin 2. Nais ng layunin

3. Paghuhusga sa nais makamtan 4. Intensiyon ng layunin

5. Masusing pagsusuri ng paraan 6. Paghuhusga sa paraan

7. Praktikal na paghuhusga 8. Pagpili

9. Utos 10. Paggamit

11. Pangkaisipang kakayahan layunin ng 12. Bunga

Maaring hindi tayo mulat sa mga yugto ng makataong kilos o ang pagkakasunodsunod
nito, ngunit mahalaga na alam natin ang mga ito. Ito ay maaring maging gabay natin sa araw-
araw ng ating buhay lalo na kung ang kilos ay kailangang pag-isipan. Sa pamamagitan ng mga
yugto na ito, masusuri natin ang ating mga kilos at mga pasiyang gagawin upang makapagdulot
ito ng mabuting bunga o resulta.
Gawain: PANUTO. Tukuyin ang mga sumusunod na yugto ng makataong kilos kung anong
kategorya ito. Piliin ang ISIP o KILOS-LOOB.

_____________ 1. Paghuhusga sa paraan


_____________2. Pagkaunawa sa layunin
_____________3. Utos
_____________4. Paggamit
_____________5. Pangkaisipang kakayahan ng layunin
_____________6. Nais ng layunin
_____________7. Bunga
_____________8. Praktikal na paghuhusga sa pinili
_____________9. Intensyon ng Layunin
_____________10. Pagpili
_____________11. Paghuhusga sa nais makamtan
_____________12. Masusing pagsusuri ng paraan
Modyul 6: Kahalagahan ng Isip at Kilos-loob Sa Moral Na Pagpapasiya

Gawain. Ipaliwanag ang pahayag. Ano sa palagay mo ang mga ibig sabihin nito batay sa iyong sariling pagkaunawa at pagkaintindi?

“Ang bawat kilos ng isang tao ay may dahilan, batayan, at pananagutan.”

Moral na Pagpapasiya

Ang mabuting pagpapasiya ay isang proseso na kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-
bagay. Ito ay mahalaga sapagkat dito nakasalalay ang ating pagpili.

May kalayaan ang bawat isa sa anumang gustuhin niyang gawin sa kaniyang buhay. Sabi nga ni Fr. Neil Sevilla na isang pari sa isang parokya sa
Bulacan, simula nang magkaroon ng isip ang tao hanggang sa kaniyang kamatayan, nagsasagawa siya araw-araw ng pagpapasiya. Ngunit ang
malaking tanong ayon sa kaniya, naayon ba ang pagpapasiyang ito sa kalooban ng Diyos?

Mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya

1. Magkalap ng patunay (Look for the facts). Tanungin ang iyong sarili kung ano o sino ang mga kasangkot sa gagawin mong
pagpapasiya.

2. Isaisip ang posibilidad (Imagine possibilities). Tingnan ang mga posibilidad na mga pagpipiliang magagawa para sa sitwasyon. Ano ang
maaaring maging epekto ng iyong pasiya hindi lamang sa iyong sarili kundi para sa ibang tao?

3. Maghanap ng ibang kaalaman (Seek insight beyond your own). Hindi sa lahat ng oras o pagkakataon ay alam mo ang mabuti.
Kailangan mo pa ring maghanap ng mga magagandang kaalaman na maaaring makapagbigay sa iyo ng inspirasyong makagawa ng tamang
pagpapasiya.

4. Tingnan ang kalooban (Turn inward). Ano ang sinasabi sa iyo ng iyong kalooban tungkol sa sitwasyon? Ano ang sinasabi ng iyong
konsensiya? Ano ang personal mong nararamdaman? Ang lahat ng katanungan ay kailangan mong sagutin sapagkat sa anumang pasiya na
iyong gagawin, kailangan na ikaw ay magiging masaya.

5. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos (Expect and trust in God’s help). Ito ang pinakamabisang paraan upang malaman kung ano
ang magandang plano Niya para sa atin.

6. Magsagawa ng pasiya (Name your decision). Tanungin ang sarili kung bakit ito ang iyong napili. Ikaw ba ay masaya rito? Makatutulong
ang mga tanong na ito upang kung mayroon ka pang agam-agam o pagkalito sa iyong pipiliin ay mapagnilayan mo itong mabuti.

Sa magulong mundo, makatutulong para sa iyo na kung ikaw ay magpapasiya, ikaw ay manahimik. Damhin mo ang presensiya ng Diyos upang
ikaw ay makapag-isip nang mabuti at matimbang ang mga bagay-bagay. Makatutulong sa iyo upang lubusan mong malaman at mapagnilayan
kung ano ang makabubuti para sa iyo, sa kapuwa at sa lipunan.

Panuto: Isipin ang mga maling pasiyang na naisagawa sa sumusunod: pamilya, kaibigan, pag-aaral, barangay, at
simbahan. Isulat ito sa unang hanay. Isulat naman sa pangalawang hanay kung paano mo ito maiwawasto.
Modyul 7: Makataong Kilos: Layunin, Paraan at Sirkumstansiya

“Kilos ay suriin, mabuti lagi ang piliin”.

Hindi lahat ng kilos ng tao ay maituturing na makatao. Ang Makataong Kilos ay bunga ng ating isip at
kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian. Kung ano tayo at kung ano ang kalabasan ng ating kilos ay batay
sa ating pagpapasya. Nangangahulugan ito na hindi lahat ng ating isinasagawang kilos ay mabuti.
Sa etika ni Sto. Tomas de Aquino, ang moral na kilos ay ang makataong kilos sapagkat malayang
patungo ito sa layunin na pinag-isipan. Ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos.
Ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos. Ang papel nman ng kilos-loob ay
tumutungo sa layunin o intensyon ng isip. ang panloob na kilos ay nagmula sa isip at kilos-loob. Samantalang
ang panlabas na kilos ay ang pamamaraan na ginagamit upang isakatuparan ang panloob na kilos. Hindi
maaring maging hiwalay ang dalawang ito, sapagkat kung masama ang panloob, magiging masama rin ang buong
kilos, kahit mabuti ang panlabas.

Ano ang Makataong kilos?


◼ Ito ay ang bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian. Kung ano tayo at kung ano ang
kalabasan ng ating kilos batay sa ating pagpapasiya.

Mga Salik na nakakaapekto sa resulta ng kilos, kung ito ay maituturing na mabuti o masama. Ang mga ito
ay ang batayan sa paghuhusga kung ang kilos ay moral o hindi.

1. Layunin - ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob. Ito rin ay tumutukoy
sa taong gumagawa ng kilos (doer).

2. Paraan - ito ay ang panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin. Ayon kay
Sto. Tomas de Aquino, may nararapat na obheto ang kilos.

3. Sirkumstansya - ito ay tumutukoy sa isang kundisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas o


nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.

Gawain: PANUTO: Hanapin sa kahon ang tamang sagot at isulat sa kwaderno.

Moral Sto. Tomas De Aquino Makataong Kilos


Intensyon Kilos-Loob panloob na kilos

panlabas na kilos doer Mag-utos layunin

Aristotle masama hiwalay pamamaraan

Sa etika ni (1)__________, ang (2)__________na kilos ay ang (3)__________ sapagkat malayang patungo ito sa
(4)__________na pinag-isipan. Ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at (5)__________. Ang papel
naman ng kilos-loob ay tumutungo sa layunin o(6)__________ng isip. Ang (7)__________ay nagmumula sa isip at
kilos-loob. Samantalang ang (8)__________ay ang(9)__________ na ginagamit upang isakatuparan ang panloob
na kilos. Hindi maaaring maging(10)__________ang dalawang ito.

You might also like