You are on page 1of 3

Esp Reviewer

Modyul 5: Ang pagkukusa ng makataong kilos.


(Voluntaries of Human Act)

Makataong Kilos - Sadyang natatangi ang tao. Ipinagkaloob sa kanya ang lahat ng kakayahan at pag kultad
upang magpakatao.

Pagkultad: kakayahan ng taong umunawa, humusga at mangatwiran.

Ayon kay Agapay, anumang uri ng tao ang isang indibidwal ngayon at kung anong uri siya ng tao sa mga
susunod na araw, ay nakasalalay sa uri ng kilos na kanyang ginagawa ngayon at gagawin pa sa mga
nalalabing araw ng kanyang buhay.

Eksplenasyon: Ang kilos na gagawin ng tao ang mag dedetermina kung anong klaseng tao siya.
Halimbawa: Mabait o Masama, Honesto o sinungaling.

A. Ang pagkakaiba ng kilos ng tao sa makataong kilos

1. Ang Kilos ng Tao (Act of man) - likas sa tao o ayon sa kanyang kalikasan bilang tao at hindi
ginagamitan ng Isip at Kilos-loob.

Eksplenasyon: Ito ang mga kusang gawain na ginagawa ng tao.


Halimbawa: Paghinga, Pagtibok ng puso, pagkurap ng mata, pagkaramdam ng sakit mula sa
isang sugat, paghikab, at iba pa.

2. Makataong Kilos (Human Act) - isinasagawa nang may kaalaman, malaya at kusa.

-Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginagamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may
kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito.

-Tinatawag itong kilos na niloob, sinadya at kinusa sapagkat isinagawa ito ng tao sa panahon
na siya ay responsable, alam niya ang kaniyang ginagawa at ninais niyang gawin ang kilos na
ito.

Graphic Organizer (Summary)


Mga kilos ng tao (Halimbawa) Mga makataong Kilos (Halimbawa)

Paghinga, Pagtingin, Pagkurap, Pagtulong sa mga taong


Paghikab. nangangailangan. pagiging
mapagpakumbaba.

Paano nagiging makataong kilos ang Ano-ano ang mga kilos na


kilos ng tao? nagpapabukod-tangi sa tao?

Kapag ito ay ginamitan ng kaalaman, Ang mga makataong kilos dahil ito ang
isip, kilos-loob, ninais, sinadya at magiging batayan kung anong klaseng
kinusa . tao ang isang tao.
Tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan (accountability) ayon kay Aristotles.

Kailangang maging maingat ang tao sa paggawa ng makataong kilos sapagkat ang mga ito ay maaaring
maging isyung moral o etikal. Ito ay dahil ang kilos na ito ay may kapanagutan (accountability). Ayon kay
Aristoteles, may tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan: Kusang-loob, di kusang-loob, at walang kusang
loob.

1. Kusang-loob - Kilos na may kaalaman at pag-sangayon. Ang mga gumagawa ng kilos ay may lubos na
pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito.

Eksplenasyon: Kilos na kusang ginawa, Ginawa ng may kamalayan.


Halimbawa:

2. Di kusang-loob - Kabaliktaran ng Kusang-loob, ito ang kilos ng walang pag-sangayon.

Eksplenasyon: Pagkilos ng labag sa kalooban, Ginawa ng di kusa.


Halimbawa:

3. Walang kusang loob - Paggawa ng walang kamalayan.

Eksplenasyon: Hindi alam kung/na mali ang ginawa. Madalas para sa mga walang malay at di pa
maalam magdesisyon para sa sarili.
Halimbawa: Sinama ng kaniyang tita si Renzel sa mall kahit na ipinagbabawal ang paglabas ng mga
batang kasing edad niya.

-walang kusang-loob ang nangyari dahil hindi naman alam ni Renzel na hindi pwedeng lumabas at
dahil isinama lang siya ng kaniyang tita.

Layunin: Batayan ng pagiging mabuti at masama ng kilos.

Makikita sa layunin ng isang makataong kilos kung ito ay masama o mabuti. Dito mapapatunayan kung bakit
ginawa o nilayon ang isang bagay. Ayon kay Aristoteles, ang kilos o gawa ay hindi agad nahuhusgahan kung
masama o mabuti. Ang pagiging mabuti at masama nito ay nakasalalay sa intensyon kung bakit ginawa ito.
Halimbawa, sa pagtulong sa kapwa, hindi agad masasabing mabuti at masama ang ipinakita maliban sa
layunin ng gagawa nito. Magiging mabuti ito kung gagawin para sa isang tao na nangangailangan ng tulong
mula sa pagbuhat ng mabigat na bagay at may kagustuhan siyang tumulong. Magiging masama ito kung may
intensiyon siyang nakawin ang gamit ng kaniyang tinulungan.

Eksplenasyon: Ang lahat ng kilos na mabuti ngunit may masamang intensyon, ito ay masasabing masama at
ang lahat ng masamang kilos ngunit may mabuting intensyon ay masasabing masama depende sa bigat ng
ginawa.

Halimbawa: Pagnanakaw ng pera para maibili ng gamot ng kapatid, ito ay masasabing masama, ngunit ang
pagtulong sa kapwa ng may intensyon na makatulong ay masasabing mabuti.
Obligasyon: Kailan dapat isakatuparan?
Mga salik na nakakaapekto sa makataong kilos.

A. Kamangmangan: Ito ay ang kawalan ng kaalaman na dapat taglay ng tao. Mayroon itong dalawang uri:

Nadaraig (vincible): Kawalan ng kaalaman sa isang gawain ngunit may pagkakataong itama, ang mga gawaing
ito ay magagawan ng paraan kung matutuklasan ito.
Halimbawa:

Di Nadaraig (invincible): Ito naman ang kawalan ng kaalaman sa isang gawain na di maiiwasan.
Halimbawa:

B. Masidhing Damdamin: Ang pagkilos ng ayon sa damdamin. Nakakaapekto ito sa makataong kilos dahil
tulak ng masidhing damdamin ang paggawa ng kilos. Dalawang uri isang may masamang nagagawa
dahil sa tindi ng galit at masamang nagagawa dahil sa sobrang kagalakan.

Halimbawa: Tindi ng galit: Pagbabasag niya ng mga gamit dahil hindi nasunod ang gusto.
Sobrang kagalakan: Di sinasadyang mayakap ang katrabaho dahil sa kagalakan dulot ng pagsabi tungjol sa
promosyon.

Eksplenasyon: Di tayo nakakapag-isip kung ano ang gagawin dahil sa masidhi nating damdamin bagkus
magagawa natin kung anong nais nito.

C. Takot: Pagkabagabag sa isip ng tao na humaharap sa pagbabanta sa kaniyang buhay o sa mga mahal
niya sa buhay.

Halimbawa: kakatapos lang ni Kim manood ng horror film, habang nag-iisa sa madilim na lugar, may narinig
siyang kaluskos sa may kusina. Agad niyang binuksan ang alarm, dahil dito nagising lahat ng tao sa apartment
at tumawag ng pulis.

Eksplenasyon: Nakakagawa tayo ng bagay dahil sa takot. Maaari itong bunga ng pagbabanta, pananakit, etc.

D. Karahasan: Ito ay pagkakaroon ng panlabas na pwersa upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang
bagay na labag sa kaniyang kilos-loob.
E. Gawi

You might also like